Nagising ako dahil na karamdam ako ng init. Grabe ang banas talaga rito. Kahit mapuno, wala paring tatalo sa init rito.
Nakita ko na katabi ko parin si Mina. Tulog parin talaga sya? Babaling na sana ako pakabila at tatayo na sana ng hindi ako makagalaw. May katabi rin ako sa kabila!
Sapilitan akong bumangon at sinilip ang mga katabi kong ang sasarap ng tulog. Samantalang ako bans na banas. Napagtanto ko na si Chad yung isa.
Dahan dahan akong umalis ng kama. Nagulat ako nang biglang gumalaw itong si Mina. Si Chad ay gumalaw rin.
Pfft. Hindi ko alam kung matatawa ba ako o ano sa tayo nila. Si Mina ay nakataas ang paa kay Chad tapos si Chad ay yakao yakao si Mina. Sweet naman ng dalwa.
I kwinento ko ito kay Rio at mukang hindi naman sya naniniwala, "mag kaaway yan bat yan mag tatabi."
"Huh? Bakit naman magaaway?" Ngumiti lang sya sakin at hindi na ako sinagot.
Pinahanap nya sakin si Ate Lyna. Kahit labag sa kalooban ko ay ginawa ko parin. Ang tanda tanda na ni Ate Lyna— kaya na nya sarili nya pero ang cute ng concern ni Rio sakanya. Sana all.
Nainip na ako sa paghahanap kung kaya nagtungo na lang ako sa taniman para makatulong. Hay. Andito lang pala si Ate Lyna eh. Maggagabi na kaya Hindi na masakit sa balat ang sikat ng araw.
"Ate Lyna hanap ka ni Kuya Rio." Awit. Tiningnan nya lang ako. Ang cold talaga nya.
Sinuot ko muna ang gloves saka tumulong sa kanya sa pag tatanim. Ang sipag ni Ate Lyna. Naka tatlo agad syang patubo. Mukang maalagain sya. I could her future with Rio. Pero pede ba yun? Mas matanda si Ate Lyna? Baka utusan lang si Rio pag ganun. Under pa naman si kuya Rio kay ate.
Hindi na namin na malayan ang oras. Mukang 6 na dahil medyo lubog na araw. Tumayo ako at nag inat inat. Grabe sakit na ng likod ko.
"Anna" ay pusa. "May kwento ako." Ngumiti sakin si Ate Lyna at sinenyasan akong umupo. Pero syempre bawal umupo. Mukang mangangalay na naman ako.
Nakita kong ngumisi si Ate Lyna. Sus. Halata namang pinapahirapan nya ako e. Dapat hindi na lang ako sumunod Kaso nangibabaw talaga curiosity ko. Malay mo, may ikwekwento nga talaga sya. Baka sabihin sakin ni Ate Lyna na gusto nya nga si Rio. O baka si Chad! Kinabahan tuloy ako.
"It was my first day as a hotdog nang maylumapit saking tao. I was suprised at first kasi hindi ko inakala na hotdog ako. He explained how things work here. Isinali nya rin ako sa isang groupo para tumakas rito." She then looked at me. Linaro nya lang ang mga dahon.
"I was 21 then." I was in shock. Nakulong sya rito sa mundong toh for 7 years. "I met Syl on my third year. Naguluhan kami sa naramdaman namin. We fell for each other. Alam naming magiging mali pero pinagpatuloy parin namin." She smiled bitterly.
"Then Rio came. Isinama sya ni Syl sa grupo at nagkasundo sila samantalang ako hindi makarelate. 26 na ako nun." She chuckled. "Nag selos ako. Napagtalunan namin yon ni Syl. May tiwala ako sa kanya, pero kay Rio, wala e. Naging hadlang ang pagtatalo namin sa grupo kaya naghiwalay rin kami."
Awts gege.
It's sad. Ang dami rin palang napagdaanan ni Ate Lyna. Kung buhay pa kaya si Syl maging ka close ko kaya sya? O katulad sya ni Ate Lyna na snobber?
Nadala na namin ang mga bulok na kamatis at nagpahinga na. It's almost 7 at gutom na ako. Muka namang ewan tong sina Chad at Zaminael na nagtitinginan ng masama. Mukang nakahising na sila sa pagyayakap nila.
Amoy na amoy sunog na rito dahil sa linuto ni Rio. Bakit ba naman kasi pati ung gulay inihaw tapos iniwan pa. Mukang sunog ang kakainin namin ngayon.
Tumayo ako at naisipang ipakita ang skills ko sa kusina. Naramdaman ko namang nagtinginan sila. "Sarapan mo Antaresz ha!" Cheer sakin ni Rio. Si Ate Lyna naman ay sumunod sakin.
Sinimulan kong lagyan ng coating ang barbecues at ibinigay sa boys para sila ang mag ihaw. Sinamahan naman ako ni Ate Lyna sa kusina. Ang akward nga, e. Pag magkakatinginan kami tinataasan lang ako ng kilay.
Naggayat ako ng mga sibuyas para sa gagawing adobo. Hinanda ko na rin ang oyster sauce at iba pang kailangan. Linagay ko na ang mga ito sa lalagyan. Iniwan ko ito at gumawa na ng iba. Mamaya pa naman toh eh.
Nagsimula na akong mag saing.
Matapos kong sindihan ang lutuan ay bigla akong sinigawan ni Ate Lyna.
"HOY ANNA! Aba naman Antaresz! BAKIT HINDI MO LINAGAY ANG MANOK! ANAK NG TANAPA! ASAN NA ANG MANOK! YAWA!" O_o
M-manok? Hindi ko ba nalagay? Ang alam ko na lagay ko ahh.
"ANO KA?! NAGLUTO NG OYSTER SAUCE? KUMUHA KAULING BATA KA NG OYSTER SAUCE! Dali!" Nataranta ako kaya agad akong lumabas. Ang tae naman nasa loob nga pala ang gamit. Bumalik uli ako sa loob. Kumuha agad ako, binuksan at ibinagay agad kay Ate Lyna na linagay na ang manok.
Huhuhu. Mas magagalit sakin si Ate Lyna nito. Pinigilan ko iyak ko.
Bigla namang nagsipasukan sina kuya Rio. "Anyari dito?" Nagaalalang tanong nya.
"Wala. Nagluto lang Ng oyster sauce etong bata." Huhuhu bat sinabi pa ni Ate Lyna?! Nakakahiya. Sinabihan ako ni Ate Lyna na sya na lang daw ang mag luluto kaya sumama na lang ako kina Rio pabalik.
Amoy sunog.
"Gagi yung inihaw!" Nagmadali naman kaming tumakbo papunta ruon. Na alala ko na friday the 13th nga pala ngayon. Hindi naman ako naniniwala dun, e. Totoo pala talaga yun?
Kaya heto kami ngayon. May mainit na kanin sa harapan, tigdadalwang sunog na bbq at ang ulam ay adobo kasama ang gulay na sinunog ni Rio.
Masarap naman. Sunog lang.
Natapos na rin kaming kumain. Nakapag saing pa kami ng isa dahil nagdami ng kain itong sina Chad at Mina. Mukang nagpaligsahan. Ngayon ko lang silang nakitang magkagalit.
Naghinaw na ako at dumiresto sa cabin.
Kita ko si Rio, Chad, at Mina sa mga kama. Umatras ako at tiningnan ang cabin number. Number 3 naman ah? Diba number 4 ang kanila? Sinilip ko uli sila sa loob. Ay pusa. Nagulat ako nang nakita si Chad na naka pamewang sa pinto. Nakataas ang kilay.
Tinaasan ko rin ng kilay. Ano sya? Lagi na lang nakataas kilay ih.
Sa isang iglap nasa kama ko na ako, nakaupo habang sila ay nakaluhod sa sahig, mukang aso.
"Bakit ba kasi kayo andito? Lagut kayo kay Ate Lyna." Pagbabanta ko sakanila. Wala na akong maisip na panakot, si Ate Lyna lang naman yata ang nakakatakot sakin eh.
"Gusto namin ng sleepover! Last night narin natin toh ih." Pagmamaktol ni Kuya Rio. Mukang last night na nga namin toh dahil bayad na ang utang namin. I sighed. Baka ako ang pagalitan ni Ate Lyna pagnagkataon. Sakin lang din naman yun galit.
"Dali na Anna." Pilit ni Chad.
"Please star?" Aba at nakisabay ang pusa?
Hayy. Nakarinig kami ng pagsara ng pinto. Kinabahan ako dahil kumukunot na ang nuo ni Ate Lyna. Huhuhu. Wala akong kasalanan.
Nakita ko syang tumingin kay Rio. Nawala ang kunot nya at saka dumeretso sa kanyang kama. Tatlo kasi kama sa iang kabin. Mukang magsisik-sikan silang tatlo dun sa isang kama.
"Oh. Walang angal si Ate Lyna. Ikaw na lang. please... sleep over please???" Nagpuppy eyes silang lahat. Hay. "Sige na nga." Sambit ko na napatalon namin sila. Ang o-oa noh? Pero mukang masaya nga sila. I can't help but smile.
Madaming ngyari bago sumikat ang araw. Nagbatuhan kami ng mga unan. Sa sobrang saya ko bigla kong natamaan si Ate Lyna. Hala. Nagtigilan kami nun habang kinukuha ni Ate Lyna ang unan na naibato ko. Nagtawanan na lang kami ng biglang inihagis nya ito papunta sakin. Ang sakit nga e pero ang saya ko.
Nag karoon pa kami ng kwentuhan. Kwenento samin ni Kuya Rio ung past experience nya sa ibang grupo. Kung pano sya maging utusan. Tawa lang kami ng tawa dahil sa mga pinagkwekwento ni Kuya Rio.
Nagtapos naman ang sleepover na toh sa isang nakakatakot na storya. Hindi naman nakakatakot yung storya ni Ate Lyna eh. Kaso hindi ako nakatulog ng maayos dahil naalala ko yung muka ni Ate Lyna habang ang flashlight ay nasa baba. Mas nakakatakot yun uy!
Pero hindi ko talaga malilimutan yung tanungan na naganap habang nakahiga na kami.
"Gising pa ba kayo?" Tanong ko. Hindi kasi ako makatulog ng maayos. Nakikita ko pagpikit ko si Ate Lyna. Creepss....
"Hmm? Star?" Mukang si Mina ito.
Tumahimik na pagkatapos nun. Mukang wala ng ibang gising. Baka magising ko pasila pag nagsalita uli ako. Pinikit ko na lang mga mata ko at nagpilit matulog. Pero wala parin eh. Lagi na lang lumalabas si Ate Lyna.
Nakarinig ako ng bahin.
"Sino umiisip sakin? Tumulog na kayo." Nagpigil ako ng tawa. Mukang may iba pang gising.
"Oh sinong nagiisip kay Lyna? Batukan ko lang para makatulog na" we laughed silently.
Hindi ko pa naririnig si Chad rito. Mukang nakatulog na agad sa pagod. Un bagang sya na ang pinakahyper. Nagsasayaw pa sa taas ng kama at nag naruto run sa buong cabin. Nakisabay rin naman itong si Rio. Si Mina naman ay busy sa pag gagawa ng bracelet nun. May pagbibigyan daw sya eh.
Medyo tumagal ang katahimikan bago mag salita muli si Rio.
"Satingin nyo. Sino satin ang pinaka hotdog?" Halos matawa ako sa sinabi ni Kuya Rio pero mukang seryoso sya.
Sumagot naman si Mina. "Si star." Ok. :/ ano na namang meron sakin.
"Hotdogest of the hotdog yan. Mukang hotdog, hugis hotdog, puso ay hotdog. Pak na pak ang kahatdogan." Huh? Hindi ba ganun rin naman sila? Hugis hotdog, mukang hotdog, pak na pak ang kahotdogan! Sila yun ihhh!!!
"Bahala kayo." Tumawa lang sila. Nakakapikon. Natulog na lang ulit ako.
Ngayon ay nagiimpake na lang kami ng gamit para makapunta sa Goddess, ang capital ng Vegruit City. Medyo natagalan lang kami dahil sobra sobra daw ang nagawa naming tulong sa mga tao roon kaya binigyan pa kami ng pagkain para sa byahe.
Nagtransform uli si Mina na maging ordinaryong pusa. Ang cool nga e pag nagtratransform sya. D ko lang sure kung required ba talagang mag alis ng pantaas pag ganun. Mas nakakaamaze tuloy. ;)
Nakaisang oras na kami sa byahe ay hindi parin maaniniag ang matataas na building ng Goddess. Naikwento kasi nila na abot langit ang mga gusali rito. Mukang exaggerated lang ang pagkakasabi nila dahil kahit papano ay wala akong makita.
Ang weird nga eh. Walang hayop o kung ano ang lumilibot rito sa dinadaanan namin. Magubat kasi kaya na pagtanto ko na may ilang hayop na nagtratranform din o ano pero wala ih. Wala ni isang naparito.
Ang creepy naman.
Talagang naging mahaba ang byahe papunta rito sa Goddess. Buti na lang talaga mat extrang pagkaing binigay ang mga tao roon sa bayan. Kung hindi ay wala na kaming makakain mamaya dahil naubos ko na. Malakas rin akong kumain e.
Sa paningin ko ay parang isang doll house lang tong Goddess capital.
Ang liliit ng mga gusali rito. Malayo pa lang ay halatang maliit ito. Nasan naman yung sinasabing abot langit na gusali? Mapapapunta ka ba sa langit pag pumasok rito? Ay sorry dumumi utak ko.
Habang malapit na nakaramdam ako. Kinulbit ko si Chad. "Ano? Muka kang constipated jan." Pinalo ko nga. Para namang ewan toh naiihi lang ako. Pinigilan ko na lang dahil malapit na rin naman.
Malapit na kami sa gate at nakaramdam ako ng ginhawa. Hindi ka na iihi anna. Hindi ka naiihi. Walang naiihi. Ok? Ok. Ilang bebes ko na yan nasabi sa utak ko pero wala parin. Huhuhu may tumulo na yata. Buti na lang nakaupo parin kami. Nag crosslegs na lang ako para mas mapigilan ko pag ihi ko.
BILISAN MO ZAMINAEL!!!
Nakarating narin kami sa wakas sa loob. Pero grabe. Nakakamangha! Ang laki nga ng mga gusali rito. Kahit sa malayo naman ay maliit. I asked Ate Lyna about that after we got down. Sumagot naman sya na ang dahilan nito ay dahil may mahika raw na kakaiba ang ginagamit rito sa Goddess para makitang maliit ang lugar pag malayo para maiwasan ang terorismo sa lugar. Malimit raw kasing atakihin ang Goddess Capital.
May sasabihin pa sana ako nang maramdaman ko ang unti unting pagtulo. Shucks asan ba cr?! Dali dali akong naglingon lingon at nakakita ng CR. Tatakbo na sana ako nang may pulis na humarang sakin.
"You're all underarrest for entering private property." Ha? Hatdog! Mamaya ka naiihi ako ihh. Pede bang later na lang?! Huhuhu ihian kita jan eh.
Mukang nakita naman nya na nakatingin ako sa CR at mukang naiihi. Pinalampas nya ako at sinundan hanggang pinto.
***
Hay yesss. Nakaihi rin. Magpapasalamat pa sana ako kay Lord ngunit humadlang naman tong pulis. Nga pala anong gagawin ko sa pulis na toh. Wala akong naintindihan sa sinabi nila dahil naiihi talaga ako.
Bigla na lang itong nag labas ng handcuffs at ilinagay sa kamay ko. Hinayaan ko na lang. Baka ganto mag welcome ang mga prutas at gulay rito sa Goddess Capital eh. Malay mo may pa suprise pa sila diba? Tiningnan ko rin sina Rio at mukang kampante naman sila.
Sinakay nila kami sa kotse tinour sa buong capital. Diba ang bait! May libreng tour. Mukang maganda rito sa Goddess Capital. Pero kinabahan ako ng nakakita ako ng mga baril na nakasabit sa p bawat punong madaraanan.
Sus. May pa takot effect pa sila ha.
Sana masaya ang welcoming party. :)
A/N
Sana natutunan nyong maalala na maglagay ng manok sa adobo. Huhuhu. Ranas ko kasing malimutan ang manok sa adobo. Tinawanan kang ako ni Mame at sinabing nagluto ako ng oyster sauce. So bago mangyari yun sa inyo ay pinapaalala ko na.
This is important!
ALALAHANIN ANG MANOK SA PAGLULUTO NG ADOBO!
un lang guys!