Download Chereads APP
Chereads App StoreGoogle Play
Chereads

Eithen Chronicles: Return of the lost lady

Frenz_Malapo
--
chs / week
--
NOT RATINGS
7.7k
Views
Synopsis
In a distant reality where magic exist, may isang lahing pinagmulan ng pitong kaharian na naghahari sa buong Alfari kung saan kabilang sa pitong kahariang ito ang Abascus na kilala di lamang sa aking ganda nito kundi dahil na rin sa pamosong tikas ng nag-iisang prensesang na ngangalang Xene Evia. Ngunit dahil sumaway si Xene sa isang mahalagang batas ng Abascus, siya'y ipinatapon sa "Cemalve Kiliaste" (Dark Forest) kung saan siya nanirahan ng ilang taon kasama si Arcus Green isang Thejava (Scholar) na umibig kay Xene. Dahil sa kanilang pagmamahalan nagsilang ng isang batang babae si Xene, isang Fevos (Key) na sinasibing magiging sanhi sa pagtupad ng isang propesiyang babago sa buong Alfari. kaya't upang mapangalagaan ang batang ito ay pinili ng mag-asawa na ialay ito kay Etea (Eternity) ang dakilang gabay ng Oras at Pagitan upang itawid ang Fevos sa isang lugar kung saan siya ay mapoprotektahan lalo na sa kamay ng kanilang angkan.

Table of contents

VIEW MORE

Chapter 1 - Prologue:

Sa isang malayong mundong na ngangalang Alfari ay may naninirahang pitong kaharihan mula sa iisang lipi na tinatawag na Kreola na siyang inatasan ng apat na sagradong nilalang upang mapangalagaan ang dalawang hiyas na nagbibigay buhay sa mundong iyon: ang Devos (sa wangis ng isang antigong orasan) at Valse (sa wangis ng isang aklat), ang mga natatanging kayamanan ng buong Alfari.

May pitong kahariang naataasang sa bawat mga gampanin:

Una ang "Tujare", Isang tribu na mula sa hilaga na sinasabing mga manggagamot na siyang naatasang mangalaga sa lahat ng nilalang sa Alfari na nakakaranas ng matinding karamdaman. Mga dakilang manggagamot na may kaalaman sa iba't ibang mabisang sangkap sa medisina at kabilang ang tribong ito sa nasasakupan ng Abascus Theocracy na sumasamba kay Etea ang sinaunang diyosa ng kalawakan.

Pangalawa ay ang "Turi", isang tribong kabilang sa nasasakupan ng Abascus Theocracy na siyang naatasan sa katubigang bahagi nito. Sila ang nangangalaga sa balanse ng katubigan sa buong Alfari.

Pangatlo ay ang "Thejo", isa sa mga liping nagmula sa kreola na sinasabing nakakaunawa sa mga matatalinghangang bagay, sa mga di nakikita, at kakayahang magmanipula ng oras gamit ang mga sinaunang inkantasyon o Valsere na mula sa Valse. Ang liping ito ang siyang naghahari sa buong Abascus Theocracy.

Pang-apat ang "Olhe", kaharian sa kapatagang bahagi ng Alfari sa ibaba ng Abascus Theocracy. Ang liping ito ang nangangalaga sa lahat ng kakahuyan at kagubatan, mga hayop sa lupa't himpapawid. Kilala rin sila bilang mga dakilang mangangaso't mga nagtatanim. Sila ang sentro ng merkado sa buong Alfari, kung kaya ang Olhe ang pinaka-mayamang angkan at kaharian sa Alfari.

Panglima ay ang Elvo, Isang Kaharian na kilalang sa pagpapanday ng iba't ibang uri ng mga armas na siyang binibili ng mga kaharian sa palibot nito. Ngunit gaya ng Abascus ay may angkin din silang kakayahan sa pagmanipula ng Emos (matter) upang makagawa sila ng Elvo (Dakilang Apoy mula sa valse na hango sa pangalan ng kahariang ito) na isa sa mga armas nila laban sa mga sumasalungat sa kanila.

Pang-anim ay ang Malve, Ang dakilang lungsod ng mga tagasunod ni Malⱱese, ang diyos ng buhay na siyang isa sa apat na gabay na naglalang sa Alfari.

At huli ang Runu ang gitnang bahagi ng Alfari kung saan naninirahan ang mga nilalang na may angking galing sa pag-awit at pagsayaw. Ang sentro ng aliwan ng buong Alfari na sumasaba sa diyos na si Xerja, ang diyos ng valse (Sinasabing nagsulat sa kayamanang ito).

Ngunit dahil sa pagsuway ni Xene Evia ng Abascus sa pinagkasunduang batas, ang pinagbabawal nilang pag-iibigan ni Arcus ay naging isang hudyat upang matupad ang kinatatakutang pangitain, ang pagsilang sa Cepir na siyang magbibigay buhay sa Aegos (Kambal na mundo/Earth) na siyang magiging bahagi ng Alfari upang itaguyod ang bagong mundo.

Dahil rito ay natakot ang mga sinaunang lipi sa bantang ito kaya't binuo nila ang isang Aliyansa na binubuo ng pitong angkan mula sa sinaunang lipi ng kreola na siyang pipigil sa pagbuhay sa Fevos.

Ngunit di nais ni Xene na mapahamak ang kaniyang natatanging anak kung kaya't sa tulong ni Etea ay inialay niya ang kaniyang anak at binangit ang mga salita mula sa Valse upang magbukas ng lagusan mula sa Alfari patungong Aegos na siyang pansamantalang magiging tahanang ng kaniyanf minamahal na Mia (Child).

"Orse jevathejo kevo kevia. Mia lotare sakaste. Mika peva nejo. Mika peva thejo.",

(Four guardians hear my voice.

Let this child enter the zone.

Save her innocence. Save her soul)

Lumiwanag ang kalangitan kasabay ang malakas na bugso ng hangin. Isang nakakasilaw na liwanag ang bumaba sa kaniya na animo'y isang anino na humigis tulad ng isang Jeva (tao/naninirahan sa Alfari) at nagwikang:

"Ilmar vori nome" , (Ang iyong kahilingan ay aking tutuparin).

Sa bisig ni Etea ay tahimik na natutulog ang minamahal na Mia ni Xene, sa pagbalik mula sa Veraⱱ (Langit/Itaas na kalawakan) ay nawala na rin ang kakaibang puwersa sa buong Alfari.