Chapter 3 - Chapter 2:

"Samantha... Aking Mia... Gising na... Hayaan mong maki-isa ang iyong Thejo aking mia..."

Napamulat akong biglang at bumangon sa aking kama. Naulit na naman — ang panaginip na iyon ay naulit na naman.

Muli kong hinawakan ang kwintas na binigay sa akin ni sister Veronica sa akin ng huli akong bumisita sa bahay-ampunan. Napapikit ako't huminga ng malalim at sinabing...

"Ayos lang yan sammy, panaginip lang yon."

Di ko alam kung bakit nang matapos kong matanggap ang kwintas na ito ay nagkaroon na ako ng mga kakaibang panaginip na hindi ko rin naman maintindihan, bukod dun ay ang mga salitang ngayon ko lang din naririnig ngunit parang ito ay aking naiintindihan. Ewan ko ba.

Tumayo na ako sa aking kama at tumingin sa salamin dito sa aking kabinet.

"Gravy, nagcocoitus na naman ang mga pulang itlog ko sa mukha." Napatingin ako sa banda noo ko nang mapansin ang isang malaking pulang itlog na parang nagpapapansin sa akin.

"Dumagdag ka pang Kirby ka! Di man lang kayo naawa!" Patuloy kong tinititigan ang sarili ko sa harap ng salamin na parang tangang umaasang in an instant biglang BOOM! Magic! Made- disappear bigla ang pimples and acne ko sa mukha. Kaso wala pa rin nangyari — wala naman talagang mangyayari if I just watch myself for the whole sa kakatitig sa salamin. So I decided to take a bath na.

After maligo't mag-ala Regine Velasquez-Alcasid sa pagkakaraoke kuno sa banyo ay nagbihis na at nagsuot ng casual wear na pambahay bago bumaba sa kwarto ko.

By the way, nakatira ako sa isang bahay na pagmamay-ari ng isa sa mga  kaibigan ko na kasama ko rin ngayon — isa sa mga condo ni Kaye.

"O, Sammy nangyare sa yo at naging kamukha mo na si Rudolf?!" Ewan ko ba kung nang aalaska itong kaibigan kong ito or concern?

"Masaya ka na?" Sagot ko sa kaniya na agad naman niyang sinagot na...

"Hahaha ang seryoso mo naman, pinapasaya lang kita bes eh!"

Okay, matapos ng pangungutya't pakikipagdaldal ko kay Kaye ay napagdesisyonan naming magpaderma (suggestion niya yun kahit ayoko), pero since libre naman I took the opportunity na.

Paglabas naman ng condominium ay sumakay kami sa kotse niya at tunmungo sa malapit na mall rito.

While on the ride nag beep ang phone at nakatanggap ng message from Paul, isa sa mga kaibigan ni Justin, if nakita ko ba or nagmessage ba si Justin sa akin. Syempre agad kong sinagot na hindi, at agaran naman itong nagreply ka agad na di daw nila ma-contact at ilang araw na daw na di umuuwi sa condo nila.

Bigla akong nakadama ng kaba sa dibdib.

"Justin gone? But why?" Na agad kong sinabi kay Kaye, kaya't instead na magpaderma kami ay nagtungo kami sa condo nila Paul para makibalita.

***

Pagdating namin kay Paul nalaman naming nagpaalam daw si Justin  two days ago na may pupuntahan daw at di man lang sinabi kung saan and from that day wala ni hi o ho silang natanggap na message or call man lang sa kaniya.

Kaya nagdesisyon silang tanungin kay Tita Anna if nagawi sa kanila si Justin but same response ang natanggap nila. Nang malaman daw iyon ni tita ay nahimatay ito maari sa sobrang kaba dahil sa hindi pag-uwi ni Justin.

Ngayon they even contact na police na para hanapin si Justin, since more than 48 hours nang nawawala si Justin they issue an mandatory search kay Justin sa buong lugar namin, even in other neighboring towns and cities.

Pero bigo pa rin sila at wala nang nakitang lead maliban sa isang CCTV video na nakuhanan siyang pumasok sa isang convenient store para bumili ng bottled-water at ilang mga snacks.

To be honest ay natatakot ako sa nangyayari. Ewan ko ba pero I have this feeling na may masamang nangyari sa kaibigan ko at di ko gusto iyon.

Kaya't agad akong nanalangin na sana'y maging ligtas si Justin at hindi sana siya napahamak.

***

"Sammy... Sorry..."

Alam kong boses iyon ni Justin, di ako pwedeng magkamali!

"Sammy... Sorry If I cannot made it..."

With my very best ay sinundan ko ang tinig niya ngunit pahina na ito nang pahina hanggang sa....

"Paalam... Samantha..."

Muli ay napadilat ako at bumagon mula sa pagkakahiga ko sa kama. Natulala na lang ako at nagsimulang naluha.

"A-anong i-ibig sabihin non... J-justin... D-died?!" Di makapaniwalang wika ko. I don't know how come I conclude that Justin Died kahit wala nahahanap na katawan ang mga kapulisan. It's been 6 months already when Justin gone missing.

Simula nun I got strange dreams about sa kaniya at sa mga pagpapaalam nito sa akin, sa amin.

Di ko alam kung makakaya kong sabihin ito sa iba but I keep it secretly dahil ayokong magkaroon issue at dagdag alalahanin ang mga tao, especially yun family ni Justin.

Once again I took a deep breath, at nagdasal na sana panaginip nga lang iyon lahat, na sana hindi magkatotoo iyon.

Nang biglang nag-ring ang phone ko, then I took the phone

"Sam! Nakita na namin si Justin! He's alive sam! He's alive!!!" Malakas na wika ni Kaye sa akin na ikinaluha ko naman.

Thank You Lord!

***

Abascus Theocracy

"Ravithejo Lev" (Your Majesty) wika ng punong sundalo ng palasyo.

"May natanggap kaming balita na may lumabas mula sa Teliaste! (Lagusan sa pagitan ng mund Alfari at Aegos)" malakas na wika nito kay Olvos na napatayo sa kaniyanv kinauupuan.

"Sinung pamangahas na Ceminoa na iyan na lumabag sa aking batas!" Nanggagalaiting sigaw ni Olvos.

"Pev cethejolev nome nejoheno (kung inyong mamarapatin ang aking kahangalan) Ravithejo" malumanay sa sambit ng punong sundalo bago banggitin ang isang pangalan na siyang ikakabigla ng kaniyang Ravi.

"Ipagpatawad nyo ngunit ang iyong Miamiko (anak na lalaki) na si Ravi Veleore ang siyang pumasok sa pinagbabawal na lupain." Nagimbal nga si Olvos sa kaniyang narinig, ang kaniyang kaisa-isang anak at ang susunod na magiging hari ng abascus ang sinasabing sumaway sa kaniyang batas ang itinuturong salarin. Di matanggap ito ni Olvos at agad na pinarusahan ang punong sundalo nag-akusa sa kaniyang minamahal na miamiko.

Kaya't gaano man kalupit ang hari ng abascus ay isa pa rin itong maamong tupa kapag ang kaniyang minahal na Miamiko na ang nalalagay sa alanganin.

Ngunit dahil sa nalamang ito ay madali niyang pinahanap ang kaniyang Miamiko sa buong Alfari at maging sa Aegos. Nagpalada ito ng mga sugo na siyang maghahanap sa kayang nag-iisang taga-pagmana sa trono.