Chapter 2 - Chapter 1:

"Di mo talaga matiis ang di tumulong ano?" Wika ni Justin sa likod ko habang abala ako sa pagbabalot ng mga regalong dadalhin namin sa St. Matthew Orphanage, ang lugar kung saan kami unang lumaki.

"Syempre naman Justin, this the only thing na maitutulong ko physically kahit na--" biglang nagsalita ang mokong at...

"Kahit na you're financially stable at kaya mo nang magdonate? All of this time since highschool naririnig ko na yan Sam." Yeah, sorry na if bastos ang kaibigan kong ito. Paano ba naman medyo may pagkapilisopo ang lahi nito eh.

"So magaling ka na niyan?" Iniabot ko sa kaniya yung regalo.

"Ano ito?" Nanlaki ang mata niya at tila nagpapatay-malisiya. Aba't walang awa talaga ang bruhong ito.

"Dalhin mo at ilagay sa kahon doon sa may kotse ko." Turo ko sa kotse ko kung saan naghihintay rin ang iba ko pang kaibigan. Wala namang nagawa pa si Justin kung hindi sumunod sa sasabihin ko, kung ayaw niyang isumbong ko kay tita Anna — mommy niya.

Ngayon ay September 17... Ang araw na nakita ako ni Sister Theressa sa isang chapel malapit sa Orphanage. Oo, isa akong ampon at di ko kinakahiya iyon but I'm proud to have a good parents na nag-adopt sa akin at the same time, mga kaibigan na nakakaintindi sa mga adhikain ko.

Yun nga lang may mga pagkalataong gusto ko rin namang hanapin ang mga magulang ko. Just like other sensational news sa TV, kasi kahit na iniwan nila ako sa chapel, I know there's a reason and I am grateful to be alive and well.

After 5 hours ng pagbabiyahe ay narating na rin namin ang Orphage at sumalubong ang matamis na ngiti ni Sister Veronica.

"Samantha! Salamat sa Diyos at bumalik ka!" Masayang bato niya at mahigpit akong niyakap.

"Na miss ko po kayo Sister Veronica!" Naiiyak kong wika hang kinokomport niya ako.

"May mga kasama ka pala" turo sa mga kaibigan kong nakangiti lamang sa akin.

"Mga kaibigan ko po sila Sis. Veronica." At isa-isa ko silang ipinakilala kay Sister at pagkatapos nito'y pinapasok kami dala na rin ang ilan sa mga regalo at good na handog namin sa mga bata at mga workers ng Orphanage.

Muli kong binalikan ang dating puno na pinaglalaruan namin ng mga bata sa Orphanage kaso isang malaking building na ang nakatayo rito na ginagamit ngayon bilang mga bagong kwarto para sa mga bata.

Napangiti na lang ako habang minamasdan ang buong building na iyon. Muli kong inaaala ang lahat ng mga nangyari rito kung saan una akong lumaki.

"Samantha..."

May narinig akong nakakahalinang tinig ng isang babae, tila tinatawag ang pangalan ko.

Nang lumingon ako sa aking likuran ay nakita ko si Justin na kumakaway sa akin. Maaring guni-guni ko lamang iyon at di na pinansin pa.

Lumapit ako sa kaniya at magkasama kaming tumungo sa lumang building nitong Orphanage.

***

Kinagabihan ay nagkaroon kami ng konting program at  palaro sa bata, and then naghanda na rin kaming umalis sa Orphanage. Bago kami umalis ay tinawag ako ni Sister Veronica sa kaniyang office.

"Good Evening po, Sister!" Bati ko sa kaniya nang pumasok ako sa kaniyang offfice. Pinaupo niya ako at naglakad siya papasok sa loob ng isang kwarto.

"Tulungan ko na po kayo Sister." Alok ko sa kaniya, "di na kailangan, isang maliit na kahon lang naman ito anak." Agad na wila niya.

"Samantha may nais akong ibigay sayo." At iniabot niya ang isang kwintas na parang isang pendant, at sa gitna nito'y tila isang mamahaling hiyas na kulay crimson.

"A-ano po iyan?" Tanong ko rito, at ipinaliwanag niya na ito raw ay kasa-kasama ko nuong ako'y sanggol pa lamang.

"Nais talaga naming ibigay sayo iyan, lalo na nung umalis ka na rito sa ampunan, pero ang sabi ni sister Theressa, sa tamang panahon daw iyan ibibigay." Paliwanag niya.

Muli kong tinignan itong kwintas at biglang napaisip — maaring ito ang magiging sagot sa mga katanungan ko.

"Matapos ang isang maikling pag-uusap ay nagpaalam na ako kay sister Veronica, at kami ay umalis na patungo sa aming tutuluyan sa may bayan bago kami umalis muli bukas ng umaga.

"Bakit biglang ang tahimik mo yata? Nakakapanibago ka Sam!" Wika ni Justin.

"Wala lang... Siguro sa pagod lang..." Sagot naman sa kaniyang hanggang sa unti-unti kong ipikit ang aking mga mata.

"Samantha... Gising na... Aking Mia..."

Muli ko na namang narinig ang boses na iyon, yun yung boses na tumawag sa akin kanina sa Orphanage.

"Aking Mia... Gising na... Buksan mo na ang iyong thejo." Mia? Thejo? Anong mga salita iyon? at bakit niya ako na tinatawag sa mga salitang iyon.

"Mia lotare erneso jema... Aking Mia... Gising na..."

Muli narinig ko na naman ang tinig na iyon, ngunit sa pagkakataong ito medyo mahina na ito. Nakaramdam na lamang ako ng mainit na pakiramdam and all went black.

***

"Sam gising na... Aalis na tayo." Nabuhay ang diwa ko ng marinig ang boses ni Kaye, isa sa mga kaibigan ko. Bumangon na ako sa kamang kinahihigaan ko.

"Sorry kaye mukhang nakatulog talag--- ahhh!"

"Mukhang inaantok ka pa beshy, hahaha! Bilisan mo na dahil ang manliligaw mo kanina pang naasar sayo." Wika niya.

"Hehehe, kaibigan ko lang si Justin besh..."

"Hahaha kawawang Justin sa maton na tulad mo pa na humaling!" Natawa na lang ako sa sinabi ni Kaye.

Matapos kong mag-unat ay ako'y naligo na at tinapos ang ilang mga ritwal, I prepared my belongings at lumabas na.

Babalik na naman sa dating buhay.

***

Somewhere in Abascus

"Ravithejo (Kamahalan), muling nagkaroon ng isang pangitain ang Veravi (Kalangitan/langit). Ang

Jere (Buwan) ay nagkulay Sati (pula) isang masamang pangitain! Ito ay maaring isang babala sa nalalapit na pagbabalik ng Fevos (Key)." Wika ng nakakatandang Seer na si Arlume.

"Kung ganon, kailangan natin muling tanungin ang Ceminoa (enemy)" ngiting saad ni Olvos, ang Hari ng Abascus.

Sila'y nagtungo sa Falvori, ang bilangguan ng mga nasasakdal. Kung saan nakapiit ang sinasabing Ceminoa.

"Norivēhe Ravithejo" (Magandang araw, mahal na hari), wika ng mga tagapagbantay sa piitan.

Sa pagpasok ni Olvos sa piitang iyon ay pinanlisikan na siya ng mata ng isang magandang babae ubod ng puti at nakakahumaling na kagandahan.

"Anong ginagawa mo rito kapati--" ngunit ito'y kaniyang sinampal at tinadyakan.

"Cethejo! (Bobo/walang alam), wala akong kapatid na isang Ceminoa!" Malakas na wika nito sa babae.

"Ilmavir jeva canoi... Cēmos neara..." (You're such a low-class man...  Wala ka pa ring pinagbago), asik ng babae na lalong ikinaisnis ni Olvos, kung kaya lalong pinagsisipa at pinagsusuntok ang aawa-awang babae.

"Ceneso lev!!!(manahimik ka) cethejo!" Lumabas na si Olvos ng muling nagwika ang babae...

"Babalik na siya, at sa pagbabalik niya hindi nyo na mapipigilan ang itinakda."