Chereads / He's into Him [bxb] / Chapter 2 - Chapter| 01

Chapter 2 - Chapter| 01

CHAPTER 01| AMBER AND JULS

ALI EIREN FERNANDEZ Point of view

Maaga akong nagising dahil may pasok ako sa school.

Nakapag-luto na'rin namn na ako ng agahan kaya gi-gisingin ko nalang yung kambal kong kapatid para ihatid sila sa school nila bago ako pumasok sa University.

"Terren! Terran! Gising na mga kuya male-late na kayo sa school" malumanay kong sigaw sa natutulog pang mga kapatid ko.

Nakita kong bumangon si Terran saka nagpungas ng mata.

Dumilat yung mata nya saka agad tumingin saakin.

"Is that meatloaf?" kunot noong tanong nya saakin habang nakasilip mula sa pinto ng kwarto.

Agad namang bumangon si Terren saka dali daling tumakbo paupo sa lamesa.

"oops! Mag hugas muna ng kamay at magtoothbrush bago kumain!" saad ko sa dalawang kapatid ko

Nag unahan naman silang nagtungo sa lababo saka naghugas ng kamay at nag unahan sa pagtotoothbrush.

Binigay ko na yung mga plato nilang may lamang pagkain.

"kuya! I dont wanna to go to school!" Malungkot a saad ni Terren.

"huh! Bakit?" saad ko habang inaayos yung lunchbox nila.

Yumuko lang sya habang pinapaikot yung tinidor sa plato nya.

"Terren, May problema ba?" malumanay kong tanong sa kanya.

Sa kanilang magkapatid si Terren yung napaka sensitibo at sakitin kaya hanggat maari hindi ko sila pinapagalitan o tinataasan ng boses.

"last time Duke eat his snacks" saad ni Terran habang linalantakan yung sliced spam napatingin ako kay Terren na hanggang ngayon lukot parin yung mukha.

"ganun ba? Dont worry kakausapin ko si Duke mamaya okay?" saad ko sabay gulo sa buhok nya.

"I punched him pero teacher scolded me" singit na saad ni Terran na ikinagulat ko.

"bat mo ginawa yun? Mali yon ha? Wag kayong nakikipag away sa school okay? Pag nandito si mommy papagalitan kayo nun" kunot noong saad ko sa dalawang kapatid ko.

"he even kissed Terren here" paliwanag ni Terran habang tinuturo yung labi nya.

Natameme ako sa sinabi nya.

Teka nga? Bat parang kakaiba na tong nangyayari ah.

"what? Bakit ngayon nyo lang sinasabi saakin to?" saad ko sa kanila pero di sila sumagot.

"kuya? Can I just come to your school? Please." saad ni Terren na Ikinabuntong hininga ko.

"Gusto ko din kuya sumama" sabat namn ni Terran.

"Alam nyo namang hindi pwede yun eh? Kakausapin ko nalang si Duke okay" saad ko.

"sige na alisin nyo na yang pajama nyo at maligo na kayo dun" saad ko habang inaayos sa bag nila yung mga lunchbox nila.

"I missed mom" malungkot na saad ni Terren habang nakayukong naglalakad papuntang banyo.

Napabubtong hininga nalang ako.

Habang sinusundan sila ng tingin.

6yrs old na sila kaya alam na nilang maligo mag isa.

Kinuha ko yung uniforms nila at sinimulang plantsahin.

Di ko mapigilang di maluha dahil sa kalagayan naming magkakapatid ngayon.

Si papa di ko na nakita simula nung mag away sila ni mama.

Alam kong nambabae si papa nun pero nung nalaman ni mama hiniwalayan na nya si papa.

Nag abroad nga si mama

Pero simula nung maghiwalay sila pinabayaan narin kami.

Ako na bumubuhay sa dalawa kong kapatid.

Iniiwan ko sila tuwing hapon kay lala bibay para magtrabaho sa coffee shop.

Sapat na yung kinikita ko dun para matustusan yung pag aaral namin at pang araw-araw naming gastusin.

Mabuti nalang at scholar ako sa school. Kahit papano may extra allowance ako at wala akong masyadong binabayaran.

Palagi ko nalang tinatatak sa isip ko na kakayanin namin to kahit wala kaming mga magulang.

Huling taon ko na ngayon sa Senior high.

Hindi ko alam kung makaka pag-aral pa ako ng college pero ang mahalaga mapag-aral ko yung dalawang kapatid ko.

Hindi man kalakihan yung apartment na tinitirhan namin pero masasabi kong maswerte ako dahil libre kaming pinapatira dito nina lala bibay.

Kuryente at tubig lang yung inaalala ko buwan buwan pero ayos lang namn dahil wala naman kaming maraming appliances bukod sa maliit na washing machine, maliit na ref, TV at Electricfan.

Pagkatapos nilang maligo pinagbihis ko na sila at inayusan bago kami tuluyang lumabas ng apartment.

"may baon na ba yung dalawang poging apo ko" saad ni lala bibay habang may dala dalang Juice box at biscuits.

"lala bibay" sabay nilang bati sabay yakap kay lala bibay.

"naku! Ambabango naman ng mga pogi na yan! O baon nyo" saad nya sabay abot sa kanila.

"thankyou po" sagot nila.

"Mag aral ng mabuti ha? Wag pasaway sa school" pagpapaalalang saad ni Lala habang inaayos ng bahagya yung mga buhok ng dalawa.

Ngumiti naman ako habang pinapanood sila.

"O Ali apo" saad nya sabay abot saakin ng pera.

Agad kong binalik sa kanya yun.

"naku lala ayos lang po may naitatabi pa namn po...." di ko na natapos yung sasabihin ko nang ipahawak nya saakin ulit yung pera.

"aishh! Kunin mo na alam kong kailangan mo ng pera ngayon wag mo kaming alalahanin" nakangiting saad nya.

Sa totoo lang na hihiya akong tumang'gap ng kahit ano kila lala bibay at lolo Jerry dahil sobra-sobra na lahat ng na'itulong nila sa aming mag ka-kapatid.

Hindi ko mapigilang mapayakap kay lala dahil sa pagmamalasakit nila saamin.

Lalo na nung ma-hospital si Terren.

"oh sya sigi na pumasok na kayo baka mahuli pa kayo" saad nya.

Muli ko syang sinuklian ng ngiti at muling nagpasalamat.

"maraming salamat po dito lala, pangako po pag bubutihin ko pa po yung pag aaral ko" saad ko.

"wag mong intindihin yon sigi na, mag-iingat kayo" saad nya bago kami tuluyang naglakad paalis.

Pumara na ako ng trycicle para mas mabilis kaming makapasok.

Pero pag hapon naglalakad na kami pauwi dahil dumadaan pa kami sa karindirya para kumain ng hapunan.

Hindi ko na kasi nahaharap na ipagluto sila ng hapunan dahil sa trabaho ko sa coffee shop

Nang makarating na kami sa school nila agad ko na silang hinatid papasok sa loob.

Ramdam ko yung higpit ng paghawak ni Terren sa kamay ko habang si Terran nagpatiuna nang naglakad para makipag laro.

Lumuhod ako para kausapin si Terren.

"sigi na Papasok na ako sa school" saad ko sabay ayos sa buhok nya.

"para di ka awayin ni Duke layuan mo nalang sya okay, o di kaya sabihin mo kay Teacher." paliwanag ko sa kapatid ko.

Tumango namn sya kahit na malungkot parin yung mukha nya.

Tinawag ko si Terran saka binilin na wag makikipag away.

Hinalikan ko na sila saka ako tuluyang nagpaalam.

Sumakay ulit ako sa trycicle papuntang school.

Hindi namn sa pag mamayabang pero scholar ako sa private school na pinapasukan ko ngayon.

Kailangan kong gumawa ng paraan para makapag aral ako.

Ayokong umasa na babalikan pa kami ng mga magulang namin kaya hanggat kaya kong gawan ng paraan para magpag-aral ko ang sarili ko at mga kapatid ko gagawin ko.

Huling taon ko na ngayon bilang senior highschool kaya pagsisikapan kong makapagtapos.

Sa dami ng studyanteng nag aaral dito ni isa wala pa akong naging kaibigan.

Siguro kasalanan ko rin kung bakit.

Ni hindi ko man'lang makausap ng matagal yung mga kaklase ko kasi palagi akong umiiwas.

Well, hindi naman sa umiiwas, siguro hindi lang ako nakakasama sa mga gimik nila dahil kinailangan kong umuwi ng maaga para sa mga kapatid ko at para sa trabaho ko.

"Ali? Wait!"

Agad akong lumingon nang marinig ko yung pangalan ko.

Isang babaeng hingal na hingal yung lumapit saakin.

Nagulat pa ako dahil sa paghawak nya sa balikat ko na parang sampayan habang di magkandamayaw sa paghabol ng hininga nya.

"m-may kailangan ka ba?" tanong ko.

Ngayon ko lang kasi sya nakita, kaya di ko maalala kung sino sya.

"ano ka ba! Kaklase mo ako nung grade 11 hanggang ngayon di mo parin ako kilala?" saad nya sabay irap saakin.

"s-sorry" sagot ko nalang.

"Amber! Amber Loizaga" nakangiting saad nya sabay lahad nung kamay nya.

Nakipagkamay namn ako.

"s-sige mauna na ako" saad ko saka nagpatuloy sa paglalakad.

"uy! Ano ka ba hintayin mo ako magkaklase ulit tayo" saad nya saka nya ako hinabol.

First day ko ngayon bilang grade 12 students at tulad ng karaniwang ginagawa pag first day introduce your self.

Pero hindi namn ako interesado sa mga magiging kaklase ko ngayon, ang mahalaga lang saakin makapagtapos agad at maitaguyod ng maayos yung mga kapatid ko.

Sa totoo lang gusto ko nalang matapos yung araw na to dahil halos wala naman kaming ibang ginawa kundi ipakilala yung mga sari-sarili namin at kilalanin yung mga magiging guro namin.

Sa kasamaang palad hanggang ngayon kinakausap parin ako ni Amber kahit na puro tango lang yung mga sinasagot ko sa kanya.

"sasabay ka ba ng lunch?" tanong nya saakin pagkatapos ng last period namin sa umaga.

Maski ako naguguluhan sa schedule namin dahil iba-iba yung nakakasama namin sa bawat subject.

"h-hindi na siguro" tipid na sagot ko.

"ano ka ba! Simula grade 11 tayo palagi ka nalang mag isa tara na sabay ka na sakin" saad nya saka ako hinila.

Bumangga pa ako sa ibang mga kaklase namin dahil sa pwersahang paghila saakin ni Amber palabas ng classroom.

"Hi Ali" saad saakin nung matangkad na lalaking nabunggo ko.

Hindi ko alam kung naging kaklase ko rin ba sya last year o nasa kabilang section sya.

Pero one thing is for sure hindi ko sya kilala.

Ngumiti nalang din ako saka nagpatiunod kay Amber.

Nang makarating na kami ng foodcourt umorder na ng pagkain si Amber habang ako kanina pa tingin ng tingin pero wala naman akong gustong kainin.

"o ayan! Ililibre na kita tutal bff namn na tayo" saad nya sabay abot saakin ng bowl ng noodles.

"huh? Hindi! ako na magbabayad"

Saad ko.

"no! Its on me kaya Tara na!" saad nya saka naunang naglakad.

Habang kumakain kami di ko maiwasang hindi mailang dahil sa mga pagtitig nya saakin habang kumakain.

"bakla ka ba?" tanong nya na halos lumabas na yung noodles sa ilong ko.

"h-huh?" gulat kong sagot.

Bigla-bigla nalang kasi syang nagtatanong out of nowhere.

"bakla? Gay or Bisexual!" Pamg i-specify nyang saad habang nakangiting nakatingin saakin.

"h-hindi ko alam" sagot ko nalang saka nagpatuloy sa pagkain para makaiwas sa mga tingin nya.

Bakit ba ganito mga tanong nya saakin.

Naaninag kong ngumisi sya bago sumubo sa kaning kinakain nya.

"Bottom ka for sure" saad nya sabay hagikgik na nagpawirdo sa atmosphere ng paligid.

"speaking of Bottom ayan na si Juls"

Saad nya sabay tayo.

"huh saan? Sinong Juls" takang tanong ko habang lumilinga-linga sa paligid.

"sis guess what!" saad ng lalaking kararating lang habang nakikipag beso kay Amber.

Nagkibit balikat sya na parang babae sabay irap.

"ano? Binibitin moko sa Tea!" saad ni Amber.

Hindi ko lubos maintindihan kung anong pinag uusapan nila tapos yung way ng pagsasalita ni amber biglang bumaluktot.

"Jutay si Brix!" saad nya na halos magtiliian na sila pero naka silent.

"nakaka disappoint sis tapos gusto pa isubo ko anems hmm wit! Binayis ko nalang chi tapos binigyan ko ng anju kawawa namn baka walang pandate sa Gf!" saad nya saka sila sabay na nagtawanan.

Maya maya pay bigla silang natahimik at sabay na ibinaling saakin ang atensyon nila.

"new recruite confirmed Bottomesa ang lola mo!" saad ni Amber sabay snap sa ere.

"kaloka! Sabagay bagay sayo cute ka tapos neneng nene and dating" saad nila saka sila nagtawanan.

"Ali meet my Tiya huwanita" saad ni Amber dahilan para mapangiti ako ng wala sa oras.

Pakiramdam ko tuloy ngayon lang ako linabas sa mundo.

Andaming di ko alam ultimo pangalan ng mga kaklase ko di ko memorize.

Naupo si Juls habang nakadekwatro na parang babae.

Kinuha nya yung berdeng pamaypay galing sa bag nya saka binuka iyon at itinakip sa labi nya.

"Ako si Julio Gayle Esteban ang binibining bumihag sa puso ni Roberto" saad nya sabay paypay ng mabilis.

Lumapit ako kay Amber saka bumulong.

"sino si Roberto?" tanong ko.

Baka kasi kaklase ko nanaman tapos di ko kilala.

"shh makinig ka" saad nya na sya namang ginawa ko.

"ang unang makisig na lalaking kumalembang sa nanahimik kong perlas" saad nya sabay tayo at kumpas ng pamay pay nya.

"Sya'ng tunay" saad namn ni Amber saka pumalkpak.

Tumingin saakin si juls sabay sara ng bahagya nung abanico nya.

"Huwag pamarisan" ani ni juls sabay tawa.

Nakipalakpak narin ako para di namn ako ma Outcast sa kung ano mang trip nila.

"seriously? My name is Julio but I do prefer Juls, ambantot nung Julio" saad nya sabay nakipagkamay saakin, agad ko naman inabot iyon at ganun din ang ginawa ko.

Hindi ko maintindihan kung anong mga pinagsasabi nila pero di ko nalang din iyon pinagtuunan ng pansin.

Bumuntot lang ako sa kanila hanggang sa makarating kami sa classroom para sa firts period namin ng tanghali pero hindi pa man kami tuluyang nakakapasok sa loob nang biglang mapasinghap si Juls habang

Nakahawak sa dibdib nya na tila aatakihin sa puso.

"Amber six o'clock" saad ni juls sabay turo sa lalaking nakaupo sa dulo habang kinakalikot yung cellphone nya.

"shet! Di ako nainform kaklase natin sya!"

"shonga pinsan ko yan! Yung isa" saad ni Juls sabay deretsong naglakad papasok.

"si Doux Piero Montefalco? Kala ko ba sa Stem sya?" kunot noong tanong ni Amber.

"ghorl ang nenerdy kasi ng mga babae sa stem kaya lumipat dito sa Humms" saad ni juls saka sila nagtawanan.

Umiling iling lang ako dahil sa kadaldalan nilang dalawa.

Well wala namang pakialaman ng trip dahil may kanya kanyang mundo tong mga kaklase ko kaya wala narin akong pakialam.

Agad naman akong bumalik sa upuan ko pero bigla akong tinawag ni Amber.

"hep hep hep! Dito ka, konting konti nalang magkamukha na kayo nung pader sa likod dahil palagi ka nalang gumigilid" saad nya sabay lapag nung bag ko sa katabi nilang upuan.

Wala na akong nagawa kundi mapabuntong hininga nalang at maupo sa tabi ni Amber.

Napayuko ako at sumubsob sa lamesa habang tuloy sa pagtalak yung dalawa sa kung ano anong bagay na pinaguusapan nila.

"Hi Ali" saad ng pamilyar na boses pero pagmulat ko bumungad ang nakangiting mukha sa harap ko.

Sya yung lalaking bumati saakin kaninang umaga nanng hilahin ako ni Amber papuntang foodcourt.

Agad akong napabangon dahil sa lapit ng mukha nya sa mukha ko.

Ngumiti lang ako pabalik sa kanya bilang pagsagot.

"akala ko di mo ako papansinin eh" nakangiting saad nya habang kinakamot yung ulo nya.

Hindi ko alam kung nakakdagdag ba ng kapogian sa lalaki ang pagkakaroon ng braces dahil sa Kaso nitong lalaking kausap ko masaaabi kong oo.

"I'm Chollo, nice to finally meet you" pagpapakilala nyang saad habang nakalahad yung kamay nya.

Nakipag kamay namn ako pero bigla lumiit yung mata nya dahil sa pag-ngiti nya.

Sinuklian ko lang sya ng ngiti pero agad akong napatingin kina Amber nang maramdaman ko yung pagtapik nya sa balikat ko.

"a-ah si Amber at Juls nga pala" pagpapakilala ko sa dalawa.

"Hi!" tipid nyang saad sa dalawa sabay baling ulit ng tingin saakin.

"Uhmm.. Sige balik na ako sa upuan ko" saad nya saka sya naglakad palikod.

Umayos na ako ng upo dahil tanaw ko na yung guro namin papasok sa classroom.

"so? Anong status?" Bulong na tanong saakin ni Juls habang chinechek yung kuko nya.

"huh? Status ng alin?" naguguluhan kong sagot.

Inirapan nya lang ako saka nag 'ugh!'

"Ali! Hindi ka i aaproach ng guy kung walang gusto sayo" paliwanag ni Amber habang kinakalikot yung mga notes sa papel nya.

"hmm.. Ito ah, pustahan tayo sasabay sayo yan mamayang uwian tapos kukunin number mo then vualah! Flirting level is on" dagdag pa ni juls.

"Pero Ali! Pag singkit ang mata maliit din sa baba" saad ni Amber saka sila nag apir ni Juls sabay tawa.

Di nalang ako umimik saka pasimpleng tumingin sa gawi nina Chollo.

Nginitian nya ako saka kumaway

Agad naman akong mapabalik nang biglang mahagip ko si Doux na nakatingin din saakin.

....

A/N

Correct pronunciation sa characters

Doux Piero Montefalco

(Dax Pirow) yung Doux is As in daks 🤤🤣🤣🤫

Ali Eiren Fernandez

(Ali Eyren)

Sorry kung mashadong CLICHÉ yung story 😁

I need feedback please.

Negative man yan o positive gusto ko malaman opinion nyo about this kung itutuloy ko pa ba sya o magpahinga nalang muna thankyou.