Chereads / He's into Him [bxb] / Chapter 3 - Chapter| 02

Chapter 3 - Chapter| 02

CHAPTER 02|WHO IS DOUX?

Ali Eriren Fernandez Point of view

Pagkatapos ng klase namin nag aya sina Juls at Amber na mag'gala na muna bago umuwi pero tumanggi ako. May trabaho pa kasi ako sa coffee shop kaya hindi ako pwedeng sumama sa kanila ngayon.

Kasalukuyan kong inaayos yung mga gamit ko, dahil may dadaanan pa ako sa library bago ko sunduin yung mga kapatid ko sa school nila nang lapitan ako ni Chollo.

"Ali? Pauwi ka na ba?" Biglang tanong saakin ni Chollo habang nakapamulsa at nakayukong sinisilip ako habang nag aayos ng gamit.

Bahagya ko syang tiningnan at sya namang pag-ayos nya ng tayo sabay harap ulit saakin.

Matangkad si Chollo, maputi at medyo built-in ang katawan, matangos din yung ilong at singkit yung mga mata.

"May dadaanan pa ako sa library bago umuwi." tipid kong sagot sabay sabit nung sling bag ko pa cross sa katawan ko.

Bahagya naman syang nagkamot ng batok sabay tingin ulit saakin.

"P-pwede bang sumabay pauwi?" Wika nya habang naghihintay sa sagot ko.

Hindi ko alam kung anong isasagot ko dahil ngayon lang may nag offer saakin na sumabay.

"Chollo! Hindi ka ba sasama?" Singit na tanong nung kaklase kong barkada ni Chollo sabay akbay sa kanya.

Bigla namang lumukot yung mukha nya.

"Panira ka talaga ng diskarte!" Bulong ni Chollo sabay sakal kay Drake.

Nagbiruan at nagtawanan pa sila pero di ko nalang yun pinansin at agad nang kinuha yung ibang gamit sa table ko at agad nang naglakad palabas ng classroom, nakasanayan ko nang umuwi ng maaga dahil sa mga kapatid ko kaya kaya kung alam kong distraction lang sa oras ko yung mga bagay na sumisingit di ko nalang pinagtutuunan ng pansin.

Narinig ko pang tinawag ni Chollo yung pangalan ko pero nagkunwari nalang ako na di yun narinig at dumeretso ng lakad patungong library.

Nasa second floor pa yung library kaya kinailangan ko pang umakyat ng hagdan pero ayos lang, ang mahalaga mahiram ko yung libro for advance learning.

Nang makuha ko na yung mga kailangan ko Agad na akong lumabas ng Campus at pumara ng masasakyang tricycle para sunduin yung mga kapatid ko, panigurado hinihintay na ako nung dalawa.

Pagkarating ko sa school nila inabot ko na yung bayad kay manong driver at saka bumaba.

muli akong nagpasalamat bago tuluyang pumasok sa loob ng school compound nila.

grade 1 na yung mga kapatid ko pero sinisikap kong sa private school sila ipasok, gustuhin ko mang ipasok sila sa public school pero nag aalal ako dahil sa kalagayan ni Terren. Lalo pat napaka sensitibo mg resistensya nya at madaling mahawaan o makapitang sakit.

Tatanungin ko na sana yung ibang teachers kung asan sila Terren at Terran nang agad akong pinatawag ng adviser nila.

Agad naman akong nagtungo sa opisina ng Guro nila pero nagulat ako nang makita ko si Doux na nakaupo habang nasa tabi nya ang batang lalaki na kamukha nya.

Agad kong linapitan yung kambal saka sila tinanong kung ayos lang ba sila. Tumango naman ang mga ito saka tumabi ng upo sa kanila.

"Mr. Fernandez and Mr.Montefalco Im sorry to bother you both pero I can't ignore this simple problem that may lead to a serious injury kapag di ko ginawan ng action." Panimulang saad ng Adviser nila habang seryosong nagpalipat-lipat ng tingin sa gawi naming dalawa.

"Im sorry Ms. Verde but what ever the problem my brother couses we'll take responsibility," Saad ni Doux habang seryoso yung mukha nya.

Sa unang pagkakataon ngayon ko lang narinig yung Boses nya, sobrang lalim yet soothing pakinggan.

Agad akong humarap sa dalawa kong kapatid saka tinanong kay Terran kung anong ginawa nya.

"Duke tried to kiss Terren again!" Galit na saad ng kapatid ko habang nakatingin ng masama kay Duke na kasalukuyang naka palumbaba na parang wala lang.

"Terren? Totoo ba yun?" Bulong kong tanong sa kapatid ko pero nagiwas lang sya ng tingin habang nag fifidget yung daliri nya na sign that he's confused.

"I said I like Terren but that ugly Monster punched me!" Maangas na Saad ni Duke habang naka kibit balikat.

"You bully him a lot! Kinain mo pa yung baon ng kapatid ko while Im peeing at the bathroom! Ikaw yung monster" sigaw ni Terran kay Duke na agad ko naman inawat.

"Terran tama na! Diba sabi ko wag makikipag away? You promised, now say sorry!" kunot noong saad ko pero sumambakol lang yung mukha nya.

"Yeah! You should say sorry to your king!" Ngising saad namnan nung Duke.

Isa rin to eh! Hahambalusin ko na tong bata na to!

Halatang di natuto ng tamang asal.

Nakita ko namang ngumisi si Doux na parang natuwa pa sa kapatid nya.

Bigla tuloy akong nakaramdam ng inis .

Saan ba natutunan ni Terran makipag away.

"Uhm! Miss. Verde, i uuwi ko nalang po yung mga kapatid ko, pasensya na po ulit pagsasabihan ko po si Terran" saad ko sabay bitbit ng bag nilang dalawa.

Sa bahay ko nalang sila kakausapin, mukhang hindi comportable si Terren hangga't nakikita nya si Duke at isa pa mukhang wala naman silang balak humingi ng tawad sa kapatid ko kaya hahayaan ko nalang pero sa susunod na mangyari ulit to hindi na ako tatahimik at magwawalang bahala nalang. Nagpaalam na kami sa Teacher nila at agad nang lumabas ng Office.

"Terran diba sabi ko sayo wag kang makikipag away? Bakit mo sinuntok si Duke! What if mabulag sya dahil s ginawa mo? Gusto mo ba ibigay yung eyes mo sa kanya?" Sermon kong saad abajg nandito kami ngayon sa playground ng mga bata. Alam kong bata pa sila to understand pero hangga't maari gusto kong itama kung ano man yung pagkakamali kesa itolerate kong ganito sila hanggang paglaki.

"Its my fault kuya please don't blame Terean" naiiyak naman na saad ni Terren habang nakayuko agad ko syang yinakap at tinuyo yung luha nya gamit yung hawak kong panyo.

"Shh! Wag na umiyak it's okay, basta nxtime don't let yourself into fights maliwanag ba?" Saad ko habang tinatahan si Terren.

"Sorry" sagot naman ni Terran habang nakayuko, yinakap ko nalang silang dalawa at ginulo yung buhok nila.

"Its okay, ayoko lang kasing nakikipag away kayo-ayokong may masaktan sa inyong dalawa kaya ayw ni kuya na makipag-away kayo." Malumanay kong saad.

Tumango naman silang dalawa at nagpungas ng mata.

Paalis na sana kami nang makarinig ako ng ingay na nagmumula sa likuran namin.

"Duke!" Maotoridad na saad ni Doux habang nakakuyom yung mga kamaong sinusundan ng tingin si Duke palapit saamin.

Agad namang nagtago si Terren sa likod ko habang nanginginig sa takot.

"Duke bumalik ka rito! You'll gonna get yourself in trouble when we get home!" Singhal ni Doux habang nakakunot noong tinatawag si Duke.

Humarang ako sa harap ni Duke dahilan para mapatigil sya sa harap ko habang sinusubukan nyang lumapit kay Terren.

"Mr! Im just going to invite Terren because it's my birthday tommorow just incase you forgot." nakangiting saad nya habang sinisilip si Terren sa likod ko.

Napataas naman ako kilay habang nakatingin sa kanya. Lumayo ako ng bahagya sa kapatid ko para magkausap sila dahil mukha namang mabait yung bata, pero nagulat nalang ako nang kunin ni duke yung kamay ni Terren at ipasuot sa kanya ang isang black bracelet na may silver plate.

"Im sorry, please come mommy and daddy won't be home at si kuya will be busy at school. I-I'll be celebrating alone with yaya baby..." Yumuko sya kasabay nun ang pagkuyom ng maliliit nyang kamao.

"Duke!" Biglang sigaw ng kuya nya habang nakapamulsang naghihintay sa labas ng kotse nila.

"Im coming!" Sigaw naman nito pabalik sabay punas sa luha nya.

Humigpit yung paghawak ni Terren sa daliri ko habang sinusundan namin ng tingin ang bagsak na balikat ni Duke paalis.

Hindi ko rin namang maiwasang hindi maawa sa bata, mayaman nga sila at nabibili nila lahat ng gusto nila pero kapalit namn nun naghihirap sila at nangungulila sa pagmamahal ng magulang.

Kaya siguro sya nag si-seek ng atensyon pero yung paraang ginagawa nya hindi nya alam nakakasakit sya ng ibang bata.

"Tara na bili nalang tayong ice cream"

Pambabasag kong saad sa tulalang mga kapatid ko habang nakangiti.

"Yehey! Ice cream" abot tengang ngiting sigaw ni Terran habang nagtatatalon sa tuwa.

Naglalakad na kami ngayon pauwi sa Bahay, as usual iiwan ko nanamn silang dalawa kila Lala bibay dahil may partime job ako sa coffee shop ngayon.

Pero nag alala ako dahil kanina pa tahimik si Terren na tila anlalim ng iniisip.

"Ayaw mo ba yung flavor ng ice cream mo? Palit nalang tayo" saad ko habang nakangiti.

Kagagaling lang kasi namin sa isang iescream store pero kanina pa parang wala sa mood si Terren, hindi ko tuloy maiwasang hindi mag alala dahil sa ikinikilos nya.

Naupo kami sa waiting shed kung saan kami maghihintay ng masasakyang jeep o trycicle pauwi.

"Terren may problema ba?" Tanong ko sa kanya pero di nya ako sinagot.

Tumingin ako kay Terran pero anala sya sa paglalaro ng cellphone ko habang swineswey-swey yung dalawang paa nya.

"Kuya? Kelan ba uuwi si mommy't daddy?" Bigla nyang tanong saakin dahilan para mapatigil ako.

Hindi ko alam kung paano i e-explain sa mga kapatid ko na hindi na nila kami babalikan dahil may kanya kanya na silang pamilya, pero hindi ko rin naman kayang itago nalang sa kanila yung totoo.

"Kuya Someone is calling" biglang saad ni Terran sabay abot saakin nung phone ko.

Kumunot yung noo ko nang makita ko yung unknown number na nakadisplay sa screen ng cellphone ko.

"Hello?" Bungad kong saad sa kabilang linya habang seryosong nakikinig at nakatingin saakin yung dalawang kapatid ko.

Nakailang hello na ako pero wala paring sumasagot kaya binabaan ko na ng tawag.

Sino namn sanang mag aaksaya ng panahon para tawagan ako?

Bumuntong hininga nalang ako at isinilid sa loob ng sling bag ko yung phone.

Pumara na kami ng tricycle at agad nang nagpahatid pauwi dahil may nag hihintay pang trabaho saakin.

Pagkarating namin sa bahay agad ko nang pinaliguan ulit yung dalawang kapatid ko at pinagsuot ng pajama.

Nasa loob narin si lala bibay habang nagluluto ng miryenda nung dalawa.

"Terran, Terren be goodboys okay? Wag magpapasaway kay lala" paalala kong saad habang inaayos yung pagkakabutones ng damit ni Terren.

Tumango naman sila saka ako yinakap ni Terren.

"Sige na ma le-late na si kuya"

"Bye kuya Love you" si Terren sabay halik sa pisngi ko.

"bye kuya, ingat sa bad guys" si Terran sabay halik din sa pisngi ko.

Ngumiti muna ako bago sinuot yung sling bag ko.

Kakayanin ko to para sa mga kapatid ko.

...

Thankyou pls do leave a comment about the story, I highly appreciated it po if you do.