Download Chereads APP
Chereads App StoreGoogle Play
Chereads

D.I.D

🇵🇭saturiano_
--
chs / week
--
NOT RATINGS
10.5k
Views
Synopsis
Isang babae ang pinagkaitan ng magandang buhay. Lumaking hindi kilala ang magulang, walang gustong makipag kaibigan, at inaalispusta ng kung sino man. Dahil sa hindi niya kayang lumaban para sa sarili niya, hindi niya alam, nakabuo siya ng halimaw kung saan lahat ng hindi niya kayang gawin, ay sila ang gumagawa. Subaybayan ang storya ni Dianne at kilalanin pa natin ang dalawang halimaw na kanyang tinatago.
VIEW MORE

Chapter 1 - PROLOGUE

"AAAAAAAAAAAAAH!!!" sigaw ko ng malakas ng makakita ako ng isang taong wala ng buhay sa likod ng isang lumang gusali. Napaupo ako sa nakita ko at pilit naghahabol ng hininga.

Hindi kalayuan ang aking distansya sa bangkay ng taong nakahandusay sa sahig. Ang katawan nito ay puno ng dugo at walang awang pinagsasaksak ng kutsilyo.

Hindi ko mawari kung bakit pati ako ay may bahid ng dugo sa aking katawan at tila ba wala akong maalala kung bakit ako nandito.

Nalalasahan ko ang sariling dugo na mula sa aking labi at ramdam ko ang tumutulong dugo na nanggagaling sa aking ulo.

Dahil sa aking nasaksihan, nagsimula ng lumabo ang ang aking kapaligiran. Unti-unti akong nawawalan ng paningin at tunog na lamang ng ambulansya na paparating at maingay na sirena ng pulis ang aking naririnig hanggang sa nagdilim na ang lahat.

Pagkamulat ko ng aking mata, isang puti at nakakasilaw na liwanag ang tumunghay sa aking paningin. Ako'y biglang napa isip kung ito na ba ang tinatawag nilang tagasundo.

Maraming katanungan ang tumatakbo sa aking isipan, kukunin na ba ako ng liwanag na 'to? Patay na ba ako? sasama na ba ako?

Pero sa kabilang banda natakot ako. Natakot ako para sa sarili ko kasi hindi ko manlang nakita o natunghayan ang mukha ng aking mga magulang. Hindi ko manlang nalaman ang kanilang itsura o kung buhay pa ba ito.

"Miss, Naririnig niyo po ba ako?" isang hindi pamilyar na tono ang aking narinig na nagmulat sakin sa katotohanan. Lumingon ako sa kapaligiran ko at nakakita ako ng isang lalaking naka-uniporme na pang pulis at babaeng nakasuot na pang nurse naman.

Lumingon lingon ako sa paligid ko at nakita ko ang aking sarili na nakasuot ng hospital gown at may nakatusok sa aking braso.

"Miss, Naririnig niyo po ba ako?" pag uulit na tanong ng pulis sa akin.

Tinitigan ko lang siya sa mata at walang lumalabas na kahit anong tinig mula sa aking bibig.

Lumapit sakin ang nurse at tinignan kung ayos na ba ang aking lagay.

"Sir, pwede po bang mamaya niyo nalang siya kausapin, kailangan niya pa pong magpahinga." Mahinahon na sabi ng nurse sa pulis at sumangayon naman ito at umalis na.

Nalulungkot ako kasi ni isa wala man lang nakakaalam ng kalagayan ko ngayon. Walang kaibigan na maaasahan, walang mangangamusta at walang mag aalaga pag uwe ko.

8 years old ako nang mapunta ako sa bahay ampunan. Hindi ko alam kung pano ako napunta doon. Malamang inabandona na ako ng magulang ko.

"Miss, ano po ang pangalan niyo?" saka lang ako bumalik sa aking sarili ng tanungin ako ng pulis na nakausap ko kahapon sa hospital.

Ako lang raw kasi ang pwede nilang pag tanungan ng impormasyon patungkol sa insidenteng naganap sa likod ng lumang gusali.

"Dianne po, Dianne Medina" sabi ko ng hindi nakatingin sa mga mata niya.

"Ilang taon ka na?" tanong nito habang sinusulat ang bawat impormasyon na sinasabi ko.

"18 po" mahinang sagot ko.

"Anong nangyare sa gabing iyon?" seryosong tanong nito.

Bahagyang natakot ako sa tonong pinakita ng pulis. Seryoso at napakalamig. Inisip kong mabuti kung ano nga ba ang ginagawa ko dun pero nagsimula lang sumakit ang ulo ko.

"Hi-hindi k-ko po a-alam" utal kong sabi habang nakahawak sa ulo ko. Ang kirot na aking nararamdaman ay hindi ko maipaliwanag.

"Anong ginagawa mo sa lugar na yon?" nakatingin lang siya sakin

"H-hindi k-ko p-po t-talaga alam… AAAAH!" napasigaw ako dahil sa sakit na aking nararamdaman. Narinig ko naman na tumawag na siya ng medics.

May pinainom sila sakin para kumalma ako. Mga ilang oras pa ang lumipas, andun parin yung pulis. Inaantay na maging ayos ang aking kalagayan.

"Pasensya na po miss Dianne, kasi kayo lang po ang pwede naming mapagtanungan para maresolba ang kasong ito" paghingi ng paumanhin sakin ng pulis.

Naiintindihan ko naman na ginagawa niya lang ang trabaho niya. Subalit wala talaga akong maalala.

"Huling tanong nalang ma'am at maaari na po kayong maka-uwe" sabi nito

"Maaari niyo bang isalaysay ang naaalala ninyo?" dagdag pa nito.

Uminom muna ako ng tubig. Ang mga kamay ko ay nanginginig sa takot. Luha saking mata ay konti konting bumabagsak. Bakas na bakas sa mukha ko ang takot at pangangamba.

"H-hindi k-ko po t-talaga maal-lala, b-basta nak-kita k-ko nalang siya n-na w-wala ng m-malay at d-duguan" sagot ko habang umiiyak at nanginginig sa takot.

Hindi ko rin alam kung paano ako nagkaroon ng sugat sa aking labi at bakit may sugat rin ako sa aking ulo. Basta ang naaalala ko nalang ay mayroong isang lalaking naka handusay sa harapan ko.

"Maraming salamat po sa inyong kooperasyon" sabi ng pulis sa akin sabay lumabas ng presinto upang magsigarilyo muna.

"Miss saan ho ba kayo nakatira? Gusto niyo ho bang samahan ko na kayo sa paguwe para masigurado ang kaligtasan niyo?" ang tanong nito sa akin na kakapasok lang ulit at wala na akong nagawa kundi ang sumangayon na rin.

Ihahatid niya ako gamit ang sasakyang ginagamit nila sa pag iikot. Ako ngayon ay naka-upo sa tabi niya. Binaling ko ang aking sarili sa hangin na dumadampi sa aking balat na galing sa labas habang umaandar ang sasakyan.

Habang nagmamaneho ang pulis, nakaramdam ako ng pagkahilo at tunog na medyo matining na dahilan upang mawalan ako ng malay. Ngunit makalipas rin lang ang ilang minuto, bumalik narin ako sa aking ulirat at pagkamulat ko, hindi ko alam kung nasan ako at kung sino ang kasama ko.

"Nasaan ako? Sino ka?!" malakas na tanong ko sa taong kasama ko sa loob ng sasakyan.

Napatingin ako sa lalaking nag mamaneho at tumingin rin siya sa akin at napangiti. Sa isip-isip ko, akala siguro nito nagloloko lang ako, pero wala talaga akong ideya kung san niya ako dadalhin at kung sino siya. Pero imbes na magtanong pa ako kung nasaan ako at kung sino siya, isang pakiramdam ang aking nadama. Para akong kinuryente sa mga ngiti niya at naaakit ako sa tindig niya.

Napatingin muli ako sa lalaking nagmamaneho at napansin ko na matikas ang pangangatawan nito.

Napapikit ako at napangiti dahil nakikita ko ang imahe ng katawan nito na walang pang itaas habang nagmamaneho at hindi ko maiwasang hindi maakit. Isa siya sa mga tipo kong lalaki. Napa-kagat ako sa aking labi at nalasahan ko ang dugo mula rito.

Binuksan ko ang radio at saktong tumugtog ang isang mapang-akit na kanta. Napatingin ako sa kanya na seryoso sa pagmamaneho. Napangiti ulit ako at hindi ko na napigilan ang aking sarili at dahan-dahan kong iginapang ang aking kamay sa kamay niyang naka-hawak sa kambyo ng sasakyan.

Tumingin siya sa akin na puno ng pagtataka sa kanyang mga mata. Subalit hindi nalang niya ako pinansin sa kadahilanang siya ay seryosong nakatutok sa sasakyang minamaneho niya at nangangamba na kami ay mahantong sa anumang aksidente sa daanan.

Ngunit hindi ako nagpatinag sa aking ginagawa. Inakbay ko ang isang braso ko sa kanyang balikat at ang isang kamay ko naman ay pinagapang ko sa matikas niyang braso papunta sa dibdib nito.

"Nakaramdam ka na ba ng langit habang nagmamaneho? Magmaneho ka lang, ako bahala sayo" madiin at mapang akit kong bulong sa kanya na may kasamang pag kagat sa kanyang tainga. Habang ang aking kamay ay pinaglalaruan ang kanyang dibdib pababa sa kanyang tiyan hanggang sa makaramdam ako nang pagpintig na parang isang buhay na alaga sa pagitan ng kanyang dalawang hita.

To be continued…..