Ala-siyete ng gabi, naglalakad ako pauwe galing school. Medyo ginabi narin ako kasi marami pa akong tinapos na school activities tapos isa pa ako sa mga naatasan na maglinis ngayon.
Habang mag-isang naglalakad sa dilim, nakaramdam ako ng taong nakamasid sa akin mula sa malayo.
"Pssst.. pssst" ang pag tawag atensyon sa akin ng isang lalaking di ko maaninag ang mukha dahil sa dilim. Tanging liwanag ng bilog na buwan ang nagsisilbing aking ilaw sa aking dinadaanan.
"Ne…" malayo palang ako alam ko ng ako ang tinatawag nito, kaya naman hindi ko ito pinansin.
Labis na takot ang aking nadarama nung mga oras na yun. Kung hindi lang ito ang daanan pauwe sa amin ay hindi ko na pipiliting dumaan dito.
Habang papalapit ako sa kinaroroonan niya, pabilis ng pabilis ang kabog ng aking dibdib kasabay nito ang pagtulo ng malamig na pawis mula sa aking katawan kaya naman ako ay nagmadaling maglakad upang makalagpas na sa kanya. Hindi pa man ako nakakalagpas sa kanya, napansin ko na nakainom ang lalaking nagtatawag sa akin kasi kita ko ang pagtama ng liwanag ng buwan sa mga bote ng alak na nasa gilid nito at isa pa sa dahilan ay ang umaalingasang na amoy ng alak sa kapaligiran. Napatakip ako ng aking ilong dahil hindi ako sanay makaamoy ng ganito.
"HOY! BINGI KA BA?! KANINA PA KITA TINATAWAG DIBA?" ang pasigaw na sabi sa akin nung lalaki habang nakaturo ang isang daliri nito sa akin. Nanigas ako sa aking kinatatayuan dahil sa takot at pagkabigla. Hindi ko alam ang gagawin ko. Naiiyak na ako.
Naaninag ko siya na papalapit na sakin. Gusto kong tumakbo ngunit nawalan ako ng lakas ng loob para makaalis sa puwesto ko.
Hanggang sa nakalapit na siya nang tuluyan sakin. Hinablot niya ang braso ko at inamoy-amoy niya ang buhok ko na parang isang aso sa lansangan.
"hmmm. Ang bango mo.. at mukhang masarap" sabay tingin nito sakin saka ngiti na parang isang may binabalak na masama. Sa paghablot palang niya sakin, nag simula ng tumulo ang aking luha. Isa lang ang nasabi ko nung mga oras na yun.
"Kuya, wag po" ang pagmamakaawa ko sa kanya pero hindi siya nakinig bagkus hinatak niya ako papunta sa isang liblib na lugar sa likod ng isang lumang gusali kung saan iilan lang ang taong dumadaan dito.
"Hindi ka ba titigil sa pag iyak?" ang madiin na sabi niya sakin. Napapikit ako at nagbabakasakaling may makapansin sa amin dito.
Sinimulan niyang hawakan ang aking dibdib pababa sa aking likuran na aking ikinabigla. Nang dahil doon ako'y nag karoon ng lakas ng loob at napasigaw ng malakas kaya naman tinakpan kaagad niya ang aking bunganga at sinikmurahan pa ako.
Napaubo ako at panandaliang hindi makahinga. Napawahak ako sa aking tiyan sa sobrang sakit ng kanyang ginawa. Hindi ko akalaing aabot ako sa ganong sitwasyon.
"Anong sabi ko? Wag kang maingay diba? Kung ayaw mong masaktan, sumunod ka nalang. Wag ka nalang pumalag pa!" at isang malakas na sampal sa pisngi ang natamo ko. Isang pigil na iyak ang aking ginawa para lang hindi na muling makatikim ng pananakit mula sakanya.
Subalit, dumating na sa punto na sinisimulan niya ng tanggalin ang butones ng aking damit. Nang dahil doon naitulak ko siya ng malakas. Tumingin siya sa akin na parang demonyo at hinablot ang aking buhok. Kinaladkad niya ako sa gilid at itinapon na parang basura.
Tumama ang aking ulo sa mga kahoy na naka salansan na naging dahilan ng pagbagsak nito sa aking katawan. Hindi man ito karamihan at ganun kabigat, pero nagkaroon ito ng epekto sa akin at nakaramdam ako ng pagkirot ng ulo.
"Sinabi ko naman sayo. Wag ka ng lumaban---" ang huling narinig ko na sinabi niya at huli ko siyang namataan na papalapit sa akin bago ako mawalan ng malay.
"WAAAAG PO!!!" ang sigaw ko habang umiiyak.
Isang masamang panaginip na naman ang aking napanaginipan. Isang pangyayaring naganap tatlong taon na ang nakalilipas. Gumising ako na basa ang damit dahil sa pawis na nilabas ng aking katawan.
Mula nung nanumbalik sa aking ala-ala ang pangyayaring iyong, hindi na ito nawala sa aking isipan. Ilang buwan bago ko maalala lahat ng nangyare nung gabing yun. Simula nun madalas kong mapanaginipan ang pang yayaring yon at tila ayaw akong lubayan. Kaya naman hindi na muli ako naglalakad sa madilim at liblib na daanan.
Isang malaking pasasalamat ko nang may tumulong sakin nung mga panahong iyon. Nagising nalang ako na binawian na ng buhay ang lalaking nag balak gumahasa sa akin.
Simula nung nakatungtong ako sa kolehiyo, umalis na ako sa bahay ampunan na aking tinitirahan. Tutal nasa wastong gulang na ako, maaari ko ng magamit yung perang pinamana sakin ng mga tumayo kong magulang.
Kumuha ako ng apartment na isang sakay lang sa school para hindi ako mahirapan pumasok at umuwe.
Ala-singko na rin ng umaga kaya naman bumangon na ako at kumuha ng maiinom. Nag-asikaso na rin ako ng aking sarili kasi ala-siyete ng umaga ang pasok ko. Unang araw ko ito sa bagong unibersidad na aking nilipatan.
Malapit na ako, natatanaw ko na ang gate ng school. Tila hindi ko maintindihan ang aking nararamdaman, halong saya at kaba. Umaasa ako na magkaroon na ako ng kaibigan ngayon. Mula kasi nung nalaman nila na wala akong magulang, sinimulan na nila akong layuan na parang isang may nakakahawang sakit, walang may gustong lumapit o kumausap sa akin.
Kaya naman ang sayang makakita ng mga taong nag sasayahan na parang walang problema. Gusto ko rin ng ganung buhay. Minadali ko na ang aking paglalakad para makarating na ako sa classroom ko.
Pagpasok ko, nakakita ako ng mga bagong mukha. Masayang nag kikwentuhan habang wala pang teacher. Kanya kanyang grupo ang nakita ko. Sa pag lilibot ng aking paningin, na statwa ako sa aking kinatatayuan. Nakita ko ang studyanteng siyang naging dahilan ng pag alis ko ng dati kong eskwelahan.
Marahil ay di niya pa ako napapansin kasi nasa malayo ang kanyang tingin kaya naman dali dali akong pumiwesto sa likuran kung saan walang masiyadong nakaupo at yumuko nalang ako para hindi niya ako mapansin. Wala akong katabi dito sa likuran sapagkat grupo grupo ang mga tao dito.
Nagbago bigla ang mga nasa isip ko, akala ko magiging tahimik ang buhay ko sa paglipat ko dito, ngunit mukhang baliktad ang mangyayare.
Natapos ng maaga ang unang subject namin pati narin sa ibang subject dahil first day palang naman daw. Dahil nga unang araw palang, nangyari ang pinaka-iniiwasan ko, ang pagpapakilala sa sarili.
"Good Morning everyone, my name is Desiree Faisan" sabi nito habang nililibot niya ang paningin niya. Sakto, nagtama ang paningin naming at ngumiti ito ng pang asar sabay sabing
"it's good to see you".
Marahil ang alam ng mga studyante ay para sa kanila ang katagang binitawan ni Des, pero alam ko sa sarili ko na para sa akin yun.
Buong klase ang nakatingin sa kanya. Sino bang hindi, maganda, matangkad, maputi, pagdating sa itsura wala ka ng hahanapin pa. Pagkatapos niyang magsalita palakpakan yung ibang studyante.
Nararamdaman kong malapit na akong magpakilala at kinakabahan na naman ako. Hindi kasi ako sanay na nagpapakilala sa harap ng maraming tao. Sobrang mahiyain kasi ako.
"Good morning, a-ako nga p-pala si Dianne, Dianne Medina" sabay upo ng mabilis at yumuko agad. Nahiya ako sa aking ginawa ko. Simpleng pagpapakilala lang nauutal pa ako.
Nakita ko yung iba nagtatawanan habang nag papakilala ako. Yung iba walang paki alam. Pag kayuko ko, parang gusto kong maiyak ngunit walang luha ang gustong kumawala.
Dahil sa nangyare ngayong araw, hindi na ako umaasa na magkaroon pa muli ng kaibigan. Itutuon ko nalang ang aking oras sa pag aaral.
Mabilis na lumipas ang araw, hindi ko namalayan na kaarawan ko pala ngayon. Sabagay, wala namang bago kaya hindi ako excited na i-celebrate ito. Nag asikaso nalang ako ng sarili ko at pumasok na.
Pag dating ko ng room, nakita ko si Desiree kasama yung tatlo pa naming kaklase na sina Genevieve, Janiva at Lyzel. Tumingin sila sakin pero parang wala lang ako sakanila. Hindi ko nalang sila pinansin.
P.E day pala namin ngayon, kaya dumiretso ako sa locker at pumuntang banyo para magpalit. Habang nagpapalit ako, narinig ko na biglang sumara yung pintuan ng CR. Binalewala ko nalang ito kasi baka maglilinis lang yung janitor. Matatapos na akong magbihis kaya naman lumabas na ako sa cubicle.
"Happy Birthday Dianne!" laking gulat ko ng paglabas ko palang ng cubicle, isang nakangiting Desiree ang bubungad sakin at nagaabang sa aking paglabas. Nasa likod niya yung dalawang kasama niya kanina na nakangiti rin.
"S-salamat" utal kong sabi. Di ko alam pero nakadama ako ng takot. Pagkatapos kong magpasalamat yumuko ako at lalabas na sana…
"hep hep, san ka pupunta?" pagkasabi niya nun, hinawakan ako sa magkabilang braso nina Janiva at Genevieve at hinarap ako sakanya.
"Sinabi ko na bang pwede ka ng lumabas? Hindi pa tayo tapos." Mariin niyang sabi sabay sabunot sa akin. Hindi ako makalaban kasi nakakulong ang dalawa kong braso kaya wala akong nagawa kundi umiyak.
Biglang bumukas yung pintuan kaya nag karoon ako ng pag asa na may papasok at tutulong sa akin. Kaso ang nakita kong pumasok ay si Lyzel. Pagkapasok niya, nilock niya rin kaagad ang pinto para walang makapasok na iba. Napansin ko may dala itong plastic at iniabot niya ito kay Desiree.
"Dahil birthday mo, naghanda kami ng cake para sayo" sarkastikong sabi nito. Kinuha niya yung hawak na dala dala ni Lyzel.
"Kaso hindi pa na be-bake, kaya ingredients nalang ibibigay namin sayo" sabay sabay silang nagtawanan.
Third Person's POV
Habang hawak hawak nina Janiva at Genevieve ang braso nito, si Lyzel na ang humawak sa buhok nito at pinatingala niya. Habang si Desiree naman ay walang awang ibinuhos ang harina sa mukha nito na parang pulbo lamang.
"Ayan bagay naman pala sayo eh… mukha ka nga lang white lady" Sabi ni Desiree saka tawa ng pang demonyo. Walang nagawa si Dianne kundi mapaiyak at umubo na may kasamang harina.
Binitawan na ni Lyzel ang buhok ni Dianne at kinuha ang mga itlog na binili niya at ipinukpok lahat ito sa ulo ng dalaga. Dahil hinang hina na ito, binitawan na nila ang braso nito. pero hindi pa don natatapos ang lahat. Pinaliguan pa ito ni Janiva ng patis kaya naman nangamoy sa loob ng banyo.
"Girl ang baho! Ano bayan, kala ko ba birthday cake, bakit may patis?" ang maarteng reklamo ni Genevieve.
"Bat baa ko tinatanong mo? Hindi ko rin alam, nakita ko lang sa plastic eh" depensang sagot naming ni Janiva.
Hinawakan ni Desiree si Dianne sa baba at sinabing "Sabi ko naman sayo dear, hindi ka makakatakas sakin hangga't nabubuhay ako. Ako ang bangungot mo". Mariin na sabi nito sabay tulak hanggang sa sumalampak ito sa sahig.
Malakas na nagtatawanan ang apat na babae. Matapos ang kawalang hiyaang ginawa nila nag retouch muna sila ng kanilang make-up.
Nakaramdam ng sakit ng ulo si Dianne, umiikot ang paningin niya. Hindi ito pinansin ng apat at pinabayaan nalang nila ito sa sahig.
Ilang minuto pa ang lumipas, palihim na napangiti na parang demonyo si Dianne. Palabas na ang mga dalaga ng hinatak ni Dianne ang isa sa mga buhok nito.
"OUUUUUCCCCCHHHH! BITAWAN MO NGA ANG BUHOK KOOOO!" ang sigaw ni Lyzel.
"At san kayo pupunta?" ang sabi nito sa apat. Natawa si Desiree sa inasal ng dalaga.
"Sa tingin mo kaya mo kami?" ang sabi ni Janiva. Palapit na ito sa kanya ng ihagis niya lang na parang papel si Lyzel sa kanya kaya naman nagka untugan ang dalawa at natumba.
Palapit palang si Genevieve pero sinipa na ito ng dalaga ng malakas sa tyan kaya naman napasalampak ito sa sahig. Napatingin siya kay Desiree sabay ngiti ng nakakaloko.
Lalapitan niya sana si Desiree ngunit isang sampal kaagad ang ibinungad niyo. Pero mukhang alam na ng dalaga na mangyayare ito, kaya naman napigilan niya ito gamit ng isa niyang kamay.
Isang malutong na sampal ang natamo ni Desiree mula sa palad ng dalaga na naging dahilan ng pagdugo nito. Hindi pa ito nakuntento sinabunutan niya ito at dinala sa lababo. Binuksan niya yung gripo at nilublob ang mukha ni Desiree sa naipong tubig. Habol hininga ang ginawa nito pagkaahon sa tubig.
"Wag mo kong itulad kay Dianne, ibahin mo ako" ang bulong pero may diin na sabi nito kay Desiree.
To be continued…