"Okay ka lang ba?" ang tanong sakin ng isang babaeng maiksi ang buhok, di ganun katangkaran at medyo chubby. Kita ko sa kanyang mga mata ang pag aalala. Sa tingin ko isa rin siyang studyante sa school na to.
Tumango lang ako bilang tugon sa kanyang tanong. Hindi ko maalala kung anong nangyare at bakit pag gising ko andito na ako sa clinic. Ang huli kong naaalala ay pinagtulungan ako kanina nung apat pagkatapos ko mag palit.
"Angelika, Angelika Pantaleon" paglalahad nito ng kamay sakin. Tinitigan kong mabuti ang mga kamay na yun. Eto ang unang pagkakataon na may nag abot sakin ng kamay. Kaya naman inabot ko rin ang aking kamay at muling nagpakilala. Sinuklian ko ang ngiting ibinigay nito sakin, ang ganda niya pag naka ngiti, para akong nakakita ng isang anghel.
Napansin ko na may pasa ako sa aking braso at tuhod, hindi naman ito nakirot marahil ay pinahiran nila ito ng pain killer habang ako'y natutulog.
"Sorry" mahinang sambit nito. Nagtaka naman ako kung bakit siya humihingi sakin ng sorry. Wala naman akong naaalalang ginawa niyang masama sa akin. Nakayuko lang siya sa kanyang kinakaupuan.
"Uy bakit ka nag so-sorry? Wala ka namang ginawang masama sakin" sabi ko sa kanya habang nakatitig lang sakanya pansin ko na naluluha na siya.
"Sorry, kasi umabot ka sa ganyan. Kung maaga lang sana ako nakarating, sana hindi magiging ganyan ang lagay mo." Naikwento niya na nasa labas pala siya ng banyo nung mapansin niyang may nangyayaring hindi maganda sa loob. Pinilit niyang buksan yung pinto kaso naka lock daw ito. Kaya naman hindi na siya nagdalawang isip at tumawag na ito ng guard. Subalit pag dating nila, nadatnan nalang nila na nakahiga na ako sa sahig kaya naman dinala nila ako sa clinic.
Nung marinig ko yung kwento niya, napaluha ako. Kasi di ko akalain na may taong tutulong sakin ng ganito. Laking pasasalamat ko dahil may tumulong sakin kahit hindi ko ito kilala.
"Wala kang dapat ihingi ng tawad ako nga dapat ang nagpapasalamat sayo. Maraming Salamat. Salamat kasi tinulungan mo ako" ang sabi ko habang humihikbi habang natatawa. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman. Hindi ako naiiyak sa nangyari, naiiyak ako dahil sa saya.
Ala-sais na pala ng hapon, hindi ko namalayan ang oras. Wala na akong klase at sabi naman ng nurse pwede na raw akong lumabas. Nandito narin sa clinic yung gamit ko, dinala na kanina ni Angelika. Ang bait niya, para siyang anghel na ipinagkaloob sa mga na-aapi.
Kasama ko ngayon si Angge, naglalakad kami palabas ng school. Palubog narin ang araw nang lumabas kami ng gate.
"San ka pala nakatira" ang tanong nito sakin.
"diyan lang, isang sakay lang ng jeep. Pero pwedeng lakarin" tugon ko.
"Alam mo ba, ngayon lang ako nagkaroon ng makakasabay sa paglalakad pauwe." Sambit ko habang nakatingin sakanya. Sinuklian naman ako nito ng isang matamis na ngiti na galing sa kanyang mga labi.
Nakarinig ako ng tunog mula sa aking tiyan. Napatingin kami sa isa't-isa sabay nagtawanan. Hindi pa pala ako kumakain mula kaninang tanghali.
"Kain muna tayo" pag aay a ko sakanya. Kaso bakas ko sa mukha niya ang pilit na ngiti na ipinapakita niya. Hindi nalang ako nagtanong at nag insist nalang ako na libre ko na tutal ako naman ang nag-aya.
Halata sa pananamit at kilos nito na isa siyang simpleng tao. Dahil dito gusto ko pa siyang makilala ng lubusan.
Sa paglalakad nakakita ako ng malapit na McDo. Pumasok kami at tinanong ko siya kung anong gusto niya. Ngunit sabi niya kahit ano nalang daw. Dahil gabi narin naman, umorder na ako ng pang dinner namin. Hindi ko alam kung anong gusto niya at ito ang unang beses na may kasama akong kakain. Kaya naman ang binili ko ay 1pc BFF fries, 2pcs caramel sundae, 2pcs Chicken McDo at 2pcs Big Mac Value Meal.
Pagbalik ko sa table namin, dala-dala ko na yung pagkain. natawa siya sa akin.
"huy ang dami naman niyan" natatawa rin ako sa inorder ko. Para kaming gutom na gutom sa inorder ko.
"hahahaha. Hindi ko kasi alam kung anong gusto mo. Edi bumili nalang ako" sabi ko sakanya. Sinabi ko rin sa kanya na pwede naman niyang iuwe yung iba pag di niya maubos. Muli siyang nagpasalamat sakin.
"Alam mo ba, ito ang unang beses na may nakasama akong kumain sa labas" nakangiting sabi ko sakanya. For the nth time na sasabihin ko, sabihin niyo ng paulit ulit, pero sobrang saya ang nararamdaman ko ngayon. Hindi man naging maganda ang simula ng pasok ko sa school, ang mahalaga nagkaroon naman ako ng kaibigan.
"Happy birthday, Dianne" nakangiting bati niya sakin. Napangiti rin ako, oo nga pala, di pa pala tapos kaarawan ko.
"Maraming Salamat" Sa sobrang galak, napaluha na naman ako.
Pagkatapos namin kumain, malamig na hangin ang dumampi sa aming balat. Madilim na kalangitan pero maliwanag sa labas, sapagkat bawat puno ay mayroon din mga ilaw. Maraming tao ang namimili ng kung ano-ano sa mga mini-store sa gilid ng kalsada. Maingay ngunit masaya ang paligid, ramdam mo na hindi ka nag iisa. Masarap maglakad lalo na pag may nakakakwentuhan.
Parehas kami ng dadaanan ni Angge kaya naman sabay na kami naglakad pauwe. Pwedeng sumakay pero dahil sa busog kaming pareho, nilakad nalang naman, exercise narin. Marami kaming napagkwentuhan sa daanan, parehas kaming ulila na sa magulang, pero siya may mga kapatid siyang nakakasama sa buhay.
Namatay sa sunog ang mga magulang niya, nagmula daw ang sunog sa katabing bahay nila. Nakaligtas sila dahil niligtas sila ng mga magulang nila, ngunit hindi na ito nakalabas. Nalungkot ako matapos marinig ang kwento niya.
Niyakap ko siya kahit alam kong matagal na itong nakakalipas. Hindi ko alam pero parang parehas kami ng mga pinagdaanan. Namatay rin ang mga tumayo kong magulang nung nasunog yung bahay na tinitirahan namin.
"Dianne, dito na ako, maraming Salamat ulit, ingat ka." Saka siya ngumiti sakin at nagpaalam. Naghiwalay kami sa tapat ng ministop.
Medyo malapit lang rin pala yung tinitirahan niya sa apartment ko. Isang kanto lang ang pagitan. Hindi naman na ako takot maglakad kasi maliwanag naman sa dinadaanan ko.
Pagpasok ko sa bahay nag pahinga muna ako at naligo na. Ngayon ko lang naalala, amoy patis pa nga pala ako, tapos niyakap ko si Angge. Natatawa ako sa pinag gagawa ko. Ang lagkit ng buhok ko, ang lansa lansa ko.
Pagkatapos ko maligo, umupo na ako sa study table ko at kinuha na yung bag ko. May assignment pala ako sa math.
Pagkakuha ko ng notebook, may nahulog na maliit na envelope sa sahig. Kaya naman pinulot ko ito. Sa isip isip ko, 'ano kaya ito'. Kaya naman binuksan ko ito…
"MAY ARAW KA RIN!"
To be continued…