Simula
Halos hindi ko na maramdaman ang sarili ko. Nawawala na 'ata ako sa tamang pag iisip. Pero hindi ako papayag na mapahamak siya ng dahil sa 'kin. I'm willing to let him go, than seeing him suffer because of me. Pero hahayaan ko bang matapos nalang doon ang lahat? Handa ko bang isuko ang pagmamahal ko para sa kanya?
Pero paano naman kasi? Ano ang gagawin ko? Hindi yata talaga kami hanggang dulo, mismong tadhana na ang humahadlang sa 'min.
"Casey," Nabalik ako sa reyalidad ng marinig ko ang isang boses. Hindi ako nagkakamali, he's here. Gustuhin ko mang yakapin siya, ngunit hindi pwede. Damn his voice! Namiss ko iyon ng sobra, akala ko ay hindi ko na muling maririnig pa.
Fuck, Casey!
Pinikit ko ang mga mata ko. I don't want to see him, lalo ko lang papahirapan ang sarili ko. Ayaw ko nga ba talaga siyang makita? Damn you, niloloko mo lang ang sarili mo. Baka kasi pag nakita ko siya, hindi ko kayanin. Baka bumalik ako sa kanya. Hindi ako ang para sa kanya, makakasama lang ako sa buhay niya. Hindi ko kakayanin kung mapapahamak siya dahil sa akin.
"I can't touch you, it pains me a lot. What did you do?" Nababasag na ang boses niya. Shit! What did I do? Sorry baby, mas masasaktan ka pag nasakin ka. Pero sa ginagawa kong ito ay lalo ko siyang nasasaktan, ano ba kasi ang dapat kong gawin?
Should I speak? Or not? I prefer the second one. Please baby, don't come and near me.
"Shit!"
Napadilat ang mata ko ng marinig ang angil niya. Dumampi ang kanyang balat sa 'kin, oh no! Tinulak ko siya agad kaya't medyo napalayo siya sa 'kin. Ang balat niya'y nagkalapnos dahil sa pagtangkang yumakap sa 'kin. Ngunit sa itsura niya ay wala siyang pakialam, ang nakikita ko lang sa mga mata niya ay ang kagustuhang makalapit sa akin.
"Stop crying. I can endure the pain, just to be with you, Casey." No, baby. Gustuhin ko mang lumapit sa kanya para gamutin ko ang sugat niya pero mas lalo siyang masasaktan. Oh, Casey, wag mong ipakita sa kanya na nag aalala ka! Binibigyan mo siya ng pag asa. Tangina kasing luha 'to, bakit ba ayaw tumigil?
"You shouldn't." I know, you can bear the pain for me. But, I can't. I love you so much. And I always will.
Bumalik sa alaala ko kung bakit hindi siya makalapit sa 'kin, kung bakit hindi niya ako mahawakan.
Tumunog ang cellphone ko habang naglalakad ako. Hindi ko ito pinansin, ayokong dagdagan pa ang mga iniisip ko ngayon. Gulong gulo na ako ngayon. Wala na yatang mas sasakit sa nararamdaman ko pero sa kalagayan namin, alam kong mas nasasaktan siya.
Kahit siya nalang po ang alisan niyo ng sakit na nararamdaman. I can deal with mine...
Nakarating na 'ko sa may kanto pero hindi pa din tumitigil ang natawag. Hindi na nga ako makapag isip ng maayos, dadagdagan pa. Salubong ang kilay ko itong sinagot.
"Hello." Paunang bati ko at umupo muna sa may gilid ng kalsada. Wala ng masyadong dumaan ngayon kahit mga sasakyan. Tago ang lugar na 'to kaya hindi na ako mag tataka.
"Casey Cisneros."
Who the heck is this!?
"Who you?"
"Meet me at Park. 3 AM." Then the call ended.
What the hell was that!? Tiningnan ko ang relos ko at mag aalas tres na ng umaga. Umiling nalang ako. I'm not dumb. Bakit ako pupunta kung hindi ko kilala?
Nag vibrate ang cellphone ko kaya tamad akong binasa ang text. Napalingon agad ako sa paligid ng mabasa ko ang mensahe, pero wala akong nakita. Tanging mga puno lamang ang nakikita ko. Siguro ay kagaya niya iyon.
From: 09+
I can see you. Don't hesitate to come with me.
Hays. Ang buhay nga naman. Anong laban ko sa kagaya nila, mali 'ata ang nakatakdang mangyari, dahil wala akong kakayahan para gawin ang bagay na 'yon lalo na sa kanya...
"Casey," I heard a familiar voice.
Pinikit ko ang mga mata ko. Relax, Casey. Kaya mo 'to. Huminga ako ng malalim na hininga bago nagmulat ng mata. Matapos 'yon ay kumaripas na ako ng takbo. Takbo…papalayo sa kanya.
Habang papalayo ako ng papalayo sa kanya ay ang syang pagtakas ng luha sa mga mata ko. Ang hirap. Sobrang hirap tumakbo papalayo sa taong mahal mo. Parang unti unti akong nadudurog habang papalayo ng papalayo pero wala akong ibang choice.
Hindi naman niya ako hinabol, naaawa siguro siya sa 'kin kaya ayaw niya akong pahirapan. Dahil kahit anong gawin niya, mananatili akong tatakbo papalayo sa kanya.
Ngumiti ako ng mapait. Bakit nga ba ako mag e-expect na hahabulin niya ako kung ako mismo ang tumatakbo papalayo sa kanya? Pinunasan ko na ang mga luha sa mata ko, wala namang ibang gagawa non kundi ako lang.
Napansin ko nalang na nasa Park na ako. Umupo ako sa isang swing. Damang dama ko ang malamig na hangin na tumatama sa balat ko. Nawala na ang takot sa aking sistema. Tahimik ang paligid dahil alas tres palang ng madaling araw. Kung simpleng babae lang siguro ako ay malamang matatakot ako sa ganitong paligid. Pero hindi, sanay na sanay ako sa ganito dahil lagi kaming lumalabas ng madaling araw, kung saan wala ng tao.
Fuck, siya na naman ang naiisip ko. Kahit yata anong gawin ko ay hahabulin ako ng mga alaala namin.
"So, you came." A woman voice. Siya na naman. Kailan ba ako titigilan nito? Kaunti nalang, mawawalan na ako ng respeto sa kanya. Pero alam kong nag aalala lang siya para sa anak niya. I can't blame her, though.
Parang isang hangin nalang siyang napunta sa harap ko. Hindi ako natakot. Kilala ko siya. Bakit naman niya ako papapuntahin ng ganitong oras? She can't kill me, I know she can't.
"Kagaya ng dati, hindi ko pa rin mabasa ang nasa isip mo." Sambit niya.
Wala naman akong pake. Bakit niya babasahin ang nasa isip ko? Wala ba siyang sariling privacy? Relax, Casey!
Hindi nalang ako nagsalita as a respect. Hindi ko na kailangan pang magpa-impress dahil kahit anong gawin ko ay mananatili lamang akong threat para sa kanila…lalo na kanya.
"Layuan mo siya, hindi siya ang para sayo. Alam mo ang mangyayari sa mga susunod na araw kaya kung gusto mo pang mabuhay, lumayo ka sa kanya." Casual niyang sambit.
Alam ko naman iyon, hindi niya kailangang sabihin. At ayoko din namang mapahamak ang mahal ko, okay na ako nalang ang masaktan o mamatay, h'wag lang siya.
How ironic, mas gugustuhin kong maligtas ang lalaking iyon kaysa sa buhay ko.
"If you really love my son, take this." Tiningnan ko lang ang inaabot niyang maliit na box. Ayokong malaman ang nasa loob no'n, natatakot ako.
Natatakot akong baka iyon ang tuluyang maglayo sa amin sa isa't isa. Pero ano pa bang kakatakutan ko? Kaya nga ako tumatakbo dahil ayaw kong mapalapit siya sa akin.
Nilapag niya iyon sa katabi kong duyan nang mapansin niyang wala akong balak kuhanin iyon. Tumingin ako sa kanya, hindi ako nagpakita ng kahit anong emosyon mula sa mata hanggang sa ekspresyon ko.
"Makakatulog 'yan para hindi na siya makalapit sayo. Kung mahal mo siya ay gagawin mo ang gusto ko. Alam mo ang mangyayari pag nag tagal pa kayo." Ngumisi siya. Kung sa ibang pagkakataon siguro ay mapupuri ko ang maganda niyang muka at balat. Kitang kita siya kahit sa dilim sa labis na kaputian. "Masasaktan siya sa t'wing lalapit siya sayo, pag hinayaan mo 'yon ay mamamatay siya."
"Masasaktan siya sa t'wing lalapit siya sayo, pag hinayaan mo 'yon ay mamamatay siya."
"Masasaktan siya sa t'wing lalapit siya sayo, pag hinayaan mo 'yon ay mamamatay siya."
"Masasaktan siya sa t'wing lalapit siya sayo, pag hinayaan mo 'yon ay mamamatay siya."
Paulit ulit iyon sa pandinig ko. Hindi niya alam ang mangyayare dahil walang may alam nito. Lahat tayo ay magpapatuloy lamang sa buhay ng walang alam sa mangyayare sa susunod pang mga araw. Bakit nila ko dinidiktahan? Mali, bakit dinidiktahan ko ang puso ko? Kung wala akong karapatang magmahal, wala na din akong pinagkaiba sa kanila.
Gusto ko lang naman maging masaya, pero bakit hindi ko makamit kamit ang bagay na iyon? Wala na bang pag asa? Wala na bang ibang paraan?
But this is not only for me.
Napatingin ako sa mata niya ng makabalik ako sa reyalidad. Tapos na ang pagbabalik tanaw. Oo, tinanggap ko ang nasa loob ng box. Isa itong kwintas kontra sa kanya.
Napatingin siya sa kwintas ko at bumakas sa mata niya ang matinding galit, poot at sakit. Paano ko ito nagagawa sa kanya? Paano ko nagagawang tiisin na makita siyang ganyan.
Nasasaktan siya dahil sa mga desisyon ko. Hindi ba dapat ay dalawa kaming nagdedesisyon dahil parehas kaming nasa loob ng isang relasyon, bakit hinahayaan kong diktahan ng iba ang magiging takbo ng relasyon namin?
Casey! Stick to the plan! Ipapahamak mo siya kung babalik ka sa kanya. Pero hindi ko naman magagawang saktan siya.
No, sa kahit anong paraan ay nasasaktan ko siya. Susugal ba ako?
Paano ba natin malalaman kung kailan tayo susugal sa isang tao? Hays, walang ganoon. Walang sigurado sa lahat ng bagay. Kung mahal mo, susugal ka kahit hindi ka sigurado.
Dahil sa mundong ito, walang sigurado.
"Take off that damn necklace, Casey." Madiin ngunit may halong sakit na pagkakasabi niya. "And come back to me."
Should I take it off to be with him? Or should I continue running away from him?
Damn you, Mark Topher Villanueva, you're making this hard for me.