Tagaktak na ang pawis ko pero wala 'atang balak si Merifel na baguhin ang isip niya. Wala ako sa mood makipagtalo sa kanya 'no! Sayang lang ang laway ko. Bahala siyang kumuda diyan.
"Wala ka talagang kwenta! Hindi ko nga alam kung bakit sa 'kin ka pa iniwan ni Marites nung namatay siya 'e! Napakabatugan mo namang bata ka, walang mapala sayo kundi ang pag tambay mo sa labas kasama si Kiel!" Kuda niya pa. Wow. Just wow.
Shame on you.
Sobrang init na dito sa pwesto ko. Ganito palagi ang routine niya sa tanghali, ewan ko ba sa utak nitong babaeng 'to. Nangangalay na din ang mga braso ko sa pagbubuhat ng libro habang nakabilad ako sa araw. Ganito ang ginagawa niya sa akin pag napipikon siya. Wala naman akong ginagawa sa kanya, well. Ang sabi niya kanina ay pag nakikita niya ako ay umiinit na ang dugo niya.
Aba, kung naiirita siya sa pagmumuka ko, ipikit niya mata niya. Hindi naman pwedeng ako ang mag aadjust para sa kanya. Sa pagkakaalam ko naman ay maganda ako. Madami niyang nagsasabi sa akin sa pinapasukan kong school kung minsan ay sumasali pa ako sa pageant.
Pero syempre, hindi niya iyon nalalaman kasi paniguradong uusok ang tenga at ilong ng pangit kong pinsan. Sobrang inggreta pa naman iyon. Dapat pag inggit, pikit!
"Buti nga 'yan sa kanya! She's so puti! Dapat mangitim siya like ews!" And speaking of the inggetera. Magpapahuli ba ang imapktita kong pinsan? Syempre hindi!
Malaki ang galit nilang dalawa sa 'kin. Hindi ko alam kung ano ang nagawang kasalanan ng mga magulang ko sa kanila. Sa 'kin nila binubuhos galit nila, hindi ko naman nakilala ang mga magulang ko. Mga tanga talaga. Kahit anong galit naman nila sa 'kin, hindi na noon mababalik ang magulang ko.
"Dapat nung namatay ang mga magulang mo, sinama ka nalang nila! Mga wala silang kwent—" Hindi ko na siya pinatapos.
Binato ko sa kanya ang librong hawak ko. Sumakto iyon sa muka niya. Mukang susugod pa 'ata ang pinsan kong mukang clown kaya binato ko din sa kanya ang nasa kabilang kamay ko.
I'm out!
"Ang kapal din naman ng muka mo! Lumayas—"
Hindi ko na siya pinakinggan. Pumihit na ako patalikod at lumakad patungo sa bahay.
"Aalis na talaga ako! Magsama kayo niyang anak mong mukang coloring book ang muka! Mabuhay sana kayo sa kaartehan niyo!" Sigaw ko habang naglalakad.
Naririnig ko pa ang mga bulong nila. Aba, bahala sila diyan. Ako na nga ang naghahanap buhay para sa kanilang mag ina, tapos ako pa ang magkakaron ng utang na loob? Sa pagpapalaki niya sa 'kin, hindi sarap ang naranasan ko…kundi paghihirap.
Ngayon papalayain ko na ang sarili ko. Nakaya ko ngang mag isa, ngayon pa kaya?
Pag akyat ko sa kwarto ay kinuha ko na lahat ng mga damit at gamit ko. Natuon lamang ang atensyon ko ng may malaglag na envelop sa may kama ko.
Kulay abo ito. Ano naman kaya 'to? Utang ganern? Tss.
Umupo ako sa gilid ng kama at tinanaw ang bintana. Ang bintana ko ay nakatapat sa malagubat na likod namin, dapat ito ang kwarto ng pinsan ko kaso matatakutin iyon. Eh mas nakakatakot naman ang muka niya.
Huminga ako ng malalim at tinuon ko ang atensyon ko sa envelop. Binuksan ko ito at tumambad sa 'kin ang liham.
Good Day!
Hi, Casey. I'm your Tita Mildred. Binilin ka ng Mama mo sa 'kin, at ngayon lang ako nagkaroon ng panahon para kuhanin ka. Sa August 08, eksaktong 3AM ng umaga ay susunduin ka ng tauhan ko sa bahay na 'yan. See you!
Sino naman kaya 'to? Magtitiwala ba 'ko? As if naman may iba pa akong choices. August 7 ngayon, kaya mamayang madaling araw na ako susunduin.
Sana naman alam niya kung saan ako susunduin 'no! Ayoko na sa bahay na 'to.
Matapos kong ayusin ang mga gamit ko ay bumaba na ako. Nakita ko naman doon si Marifel at ang anak niya. H'wag na kayong magtaka kung bakit hindi ko siya tinawag na Ate o Nanay, as if naman may respeto ako sa kanya. Pero may kaunting respeto pa naman ako sa kanya kanina, pero ngayon, ubos na ubos na dahil sa pambabastos niya sa magulang ko.
Kahit hindi ko nakilala ang mga magulang ko, mahal ko pa din sila. Bakit kasi maaga silang kinuha sa 'kin?
Dire-diretso lang ako sa labas. Buti naman at hindi umungot ang mag nanay na iyon. Wala akong planong makipagtalo sa kanila ngayon.
Paglabas ko palang sa gate at nakita ko na agad ang napakalaking ngiti na iginagawad sa 'kin ni Kiel. He's my bestfriend. Nakilala ko siya dahil kapitbahay ko lamang siya. May gusto sa kanya ang impakta kong pinsan, samantalang hindi naman siya pinapansin ni Kiel. Kaya siguro galit na galit sa akin ang bruhang iyon.
"Hey," bati nito.
Nginitian ko nalang siya at umupo sa tabi niya. Nakaharap kami ngayon sa mga puno, napakaganda talaga nito. Kung may bagay man ako na gustong gusto iyon ay ang mga puno at halaman, pakiramdam ko ay kumakalma ako sa t'wing nakakakita nito, idagdag mo na napakaganda nilang pagmasdan.
"I'm leaving." Casual kong sambit sa kanya.
Hindi din naman ako masyadong na-attach sa kanya dahil alam kong aalis din siya o ako, sa pagkakataong ito, ako 'yung mang iiwan.
"I know."
Ano bang nakakagulat na alam niya? Sa lakas ng bunganga namin kanina sa bakuran, malalaman niyang nagtalo na naman kami ng kapatid ni Mama. Minsan napapaisip ako kung totoo niya bang kapatid iyon.
"So, until we meet again?" Natatawang tanong ko sa kanya.
Narinig ko din ang marahan niyang pagtawa. "Sure." Ayan ang gusto ko sa kanya. Sobrang maintindihin niya, siguro kaya din kami nagkasundo.
"Bye!" Pagpapaalam ko. Tumayo na ako ng hawakan niya ang kamay ko. Ngumiti nalang ako sa kanya. Kahit hindi niya sabihin ay alam kong nag aalala siya sa akin. Lalo na at alam niyang wala akong ibang mapupuntahan.
Binigyan ko siya ng number ko para matawagan niya ako para kamustahin. Tumango naman siya sa ginawa ko. Yumakap muna ako sa kanya, minsan ang isang yakap ay nangangahulugan na ng lahat. Hindi na natin kailangan pang magpaliwanag dahil sa pamamagitan ng pag yakap ay maiintindihan na nila agad ang nais nating iparating. Humiwalay na agad ako sa kanya at tumalikod.
Lumakad na ulit ako pauwi sa bahay. Isang pigura ng lalaki ang nakita ko sa di kalayuan, malapit ito sa kakahuyan. Sa pag kurap ko ay ang siyang pagkawala nito. Sinubukan kong ilibot ang mga mata ko ngunit wala na akong nakitang bakas pa mula sa kanya.
Umiling nalang ako. Imagination ko lang siguro iyon. Nang makapasok na ako sa bahay ay dumiretso na agad ako sa kwarto. Chineck ko talaga kung may kulang pa sa gamit ko. Ayokong bumalik pa sa lugar na ito kaya dadalhin ko na lahat, wala na akong ititira kundi ang mapapait na alaala.
"Sana naman sunduin talaga ako, ayaw ko na dito." I ranted.