Chereads / Running Back To You / Chapter 4 - Weird

Chapter 4 - Weird

Napatingin ako sa aparador ko. Nandito pa ang mga medals at napanaluhan ko sa mga pageant, na nagagamit ko sa pag aaral ko. Well, ako lang naman ang nagpaaral sa sarili at ngayon ay nakapag tapos na ako ng HighSchool, malaking bagay na iyon sa akin. Tsaka na ako mangangarap ng kolehiyo pag may nahanap na akong trabaho.

Umupo nalang ako at hinalungkat ang isang maliit na bag ko. Andito nakalagay ang mga importanteng gamit ko. May nakapa naman akong papel.

Teka, wala naman akong papel dito a. Hindi kaya pera 'to? Dali dali kong inangat ang papel na akala ko ay pera. Dismiyado naman akong binuksan ang papel, nakatupi kasi ito.

'I will kill you.'

Napairap nalang ako. Galing siguro 'to sa dalawang paepal ng buhay ko. As if naman na matatakot ako sa ganitong death threat di ba?

Nilapag ko nalang ito sa table ko. Ipapakain ko sa kanila 'yang papel na iyan bago ako umalis mamayang madaling araw.

Humiga nalang ako at tumingin sa kisame. Paano kaya kung nabuhay ang mga magulang ko? Siguro hindi magiging ganito ang takbo ng buhay ko. Baka ngayon ay masaya ako kasama sila. Pero tila pinagkait sa 'kin ng tadhana ang bagay na iyon.

Hindi ko namalayan na umiiyak na ako. Hinayaan kong kainin ako ng pagod, lungkot at antok.

Naalimpungatan nalang ako ng may humihimas ng buhok ko, nananaginip 'ata ako. Lalo akong inantok sa nararamdaman ko kaya nakatulog ako ulit.

Tuluyan lang akong magising ng lumubog ang kama ko. Napabalingkwas ako mula sa pagkakahiga pero wala namang tao. Madilim na sa labas. Nang tingnan ko ang oras sa gilid ko ay alas dos na ng madaling araw.

Sobrang haba ng tulog ko, nakakagutom. Hindi ko iyon pinansin, naligo na agad ako at nagbihis. Mag aalas tres na ng matapos ako.

Sinilip ko ang bintana katulad kanina ay may nakita na naman akong pigura ng isang lalaki, batid kong dito siya nakatingin sa gawi ko. Adik 'ata ang isang ito. Kanina ko pa siya nakita noong nag usap kami ni Kiel, akala ko ay kathang isip ko lang.

Narinig kong tumunog ang cellphone ko kaya't dinaluhan ko kaagad iyon.

"Hello,"

"Casey," Boses ng isang babae. Sa sobrang sweet ng boses niya ay batid kong maganda ang muka nito.

"Sino po ito?" Tanong ko dito. Nakatingin pa din ako sa bintana, wala na ang lalaking nakatayo dito kanina. Hindi ko na rin naman hinanap, baka naligaw lang iyon at naghahanap ng matutuluyan.

"It's me. Your Tita Mildred. Andyan na daw ang sundo mo sa baba, Casey. I hope you will come with me dahil sa ginagawa sayo ng kapatid ng Mama mo, Am I right?"

"How did you know?" Hinanda ko na ang mga bag ko sa kama para isang bitbitan nalang. Sumilip pa ako sa bintana, pero hindi ko makita ang kotse, nasa likod nga pala nakaharap ang bintana ko.

"That's not important, Honey. Go on, hihintayin kita." Pinatay na niya ang tawag.

Sana lang ay maganda ang pakikitungo niya sa akin, sawa na ako sa pagmamaltrato. Gusto ko naman maranasan ang pagmamahal ng isang ina.

Kinuha ko na ang mga gamit ko. Medyo mabigat ito pero kaya ko naman. Napabuntong hininga nalang ako ng makarating ako sa hagdan, shemay.

Unti unti akong humakbang dahil baka magdire-diretso ako sa bigat ng hawak ko. Naramdaman ko nalang ang pag gaan nito. Pero di ko nalang pinansin, antok lang siguro ito. Siguro ganito talaga pag madaming iniisip, kung ano ano ang nangyayare sa akin.

Hindi na ako nag abala pang magpaalam sa mag inang iyon. Para saan pa, diba? Baka masabunutan lang nila akong dalawa. Dumiretso na agad ako sa labas, sumalubong sa 'kin ang isang matandang lalaki. Tumingin siya sa gilid ko bago kinuha ang mga bitbit ko, why is he like that?

Hindi ko nalang din pinansin iyon at sumakay na sa kotse niya. Hindi na ako nagsalita, bahala na kung saan ako dadalhin. Kung mamamatay man ako, wala na naman akong magagawa.

"Matulog ka muna, hija. Mahigit walong oras pa ang biyahe natin."

Seryoso ba iyon? Ganoon talaga kalayo? Pero mas mabuti na iyon ng mapalayo ako sa mag inang iyon. I will miss my bestfriend, Kiel. Di bale, magkikita naman ulit kami.

Dinikit ko ang ulo ko sa bintana. I want to sleep. Nanlaki ang mata ko ng may mahagip ang mata ko, isang mabilis na bagay. Kasing bilis ito ng hangin hanggang sa di ko na matanaw. What was that?

Nanlalaki din ang mata ni Manong ng tingnan ko siya. Shemay! Hindi ako nag iimagine, kahit si Manong ay nakita iyon. Hindi nalang ako nagsalita dahil alam kong hindi din masasagot ni Manong ang mga tanong ko. Ayoko din namang malaman. Tatakutin ko lang ang sarili kung ganoon.

Bumuntong hininga nalang ako at sumandal ulit. Pinanood ko sa salamin sa gilid ko kung paano unti unti akong lumalayo sa kinagisnan kong tahanan. Nakita ko ang pigura ng isang lalaki, pero hindi siya ang lalaking nakita ko kanina. Sa pigura ng lalaking ito ay kilala ko na agad siya.

It's Kiel.

Napangiti nalang ako. Narinig niya siguro ang kotse kaya lumabas siya. Kinuha ko ang cellphone ko at nagtipa ng mensahe para sa kanya.

To: Kiel

Magiging maayos ako, wag kang mag alala. Pag nagkaroon ng problema, ikaw ang unang una kong tatawagan.:)

Maya maya ay nagvibrate ang cellphone ko.

From: Kiel

Take care.:)

Siguro nga ay ganoon talaga, may makikilala tayo pero magsasama lang kayo sa loob ng maiksing panahon. Kung ako ang papapiliin ay ayokong umalis dito kaso nga lang ay nukang hindi ko na kakayanin pa ang manatili sa bahay na iyon.

Naalala ko nalang ang papel na nakuha ko kanina sa maliit kong bag. Talaga namang nag iwan pa sila ng death treat, hindi naman ako natatakot. Akala siguro nila ay hindi ako aalis doon, pwes! Mali sila doon dahil mas gusto kong maghanap ng bagong matitirahan kaysa magtiis sa kanila. Sayang, balak ko pa namang ipakain sa kanila ang sulat na iyon kaso nakalimutan ko.

Napahinga nalang ako ng malalim at sumandal ng maayos. Matutulog nalang siguro ako sa biyahe. Sa pagpikit ko ng mata ko ay naalala ko ang kaganapan kanina. Isa lang ang masasabi ko sa mga nangyayare ngayon sa 'kin. Weird.