Kumaway kami sa glass ng door ng makita namin si ma'am Jesica sa loob ng classroom agad niya naman kaming pinuntahan.
"Oh bakit kayo nandito?" Nag tatakang tanong niya
"Ma'am pa seat-in~~" sabi ni Jenny
"Please ma'am~~~" sabi ko naman, nag papaawa.
"Anong subject niyo ngayon?" Tanong ni ma'am
"Science!!" Sabay na sigaw namin ni Jenny
"Hay sige na nga basta 30 minutes lang ha?" Sabi ni ma'am
"Yehey!!" Sabay na sabi namin ni Jenny
Alam niyang ayaw namin sa subject na science kasi boring yung nag tuturo.
"Ay ma'am sabi nga pala namin kay sir pinapatawag mo kami sa guidance" sabi ko habang nag lalakad kami papasok sa classroom
"Nako ginamit niyo nanaman pangalan ko tsk tsk"
Nang maka pasok na kami sa loob ng room agad na hinanap ng mga mata ko si Jonathan at nakita kong sa first row siya naka upo. Napangiti ako dahil dun grabe ang gandang tanawin hays
Napatingin samin halos lahat ng estudyante sa loob ng room
"Dito muna sila kasi may nagawa silang kasalanan sakin at bilang parusa dito sila mag i-stay" pag sisinungaling ni ma'am
"Ma'am anong grade ng mga yan?" Tanong ng isang babae
"Grade 10"
"Ma'am anong pangalan nung mahaba yung buhok!"
"Ma'am yung maiksi buhok anong pangalan?"
"Anong ginawa nilang kasalanan ma'am?"
"Yes chiks"
"Miss dito ka na oh may bakanteng upuan sa tabi ko"
Hindi ko na alam kung sino-sino ang mga nagtatanong dahil halos sabay-sabay silang nag sasalita
"Tahimik!!" Sigaw ni ma'am sa kanila tapos humarap naman siya samin "dun kayo sa last row umupo"
Napatingin naman ako sa last row, may anim na upuan sa last row at may apat na bakante dun
"Hi Annie Chiu!" Ng makaupo ako tsaka ko lang napansin na si Ethan pala yung katabi ko
"Andito ka pala? Di kita napansin ah" sabi ko sakanya at ngumiti lang naman siya
"Bro kilala mo?" Tanong ng isang lalaki kay Ethan
"Ah oo" di ko na narinig kung ano pa yung pinag uusapan nila kasi kinalabit ako ni Jenny
"Annie, ang gwapo nung nasa dulo oh" sabi niya kaya tiningnan ko kung sino yun
"Varsity yan" pabulong na sabi ko kay Jenny, nakita ko na kasi ang lalaking yun na ka-team nila Ethan. kaso mukang di niya narinig kasi nag tititigan na sila nung lalaki at nag sesenyasan, mukang nag kakahingian na ng number,tss ang bilis talaga nitong si Jenny
"Okay we have an activity for today" anunsyo ni ma'am
Mas okay ng makinig sa klase ni ma'am Jesica kesa makinig sa boring at walang humor naming teacher sa science
"First ilagay niyo muna lahat ng upuan sa gilid"
"Ma'am sali kami ah!!!" Sigaw ni Jenny
"No" madiing sabi ni ma'am
"Ma'am sige na sali niyo na sila!"
"Oo nga ma'am"
"Sige na ma'am"
"Tsk oo na mga letcheng toh"
Napangiti kami ni Jenny sa sinabi ni ma'am hahhaha ang cool niya talaga
"Thank you ma'am~~" sabay ulit naming sabi ni Jenny sabay pa-cute at beautiful eyes kay ma'am kaso inirapan niya lang kami.
Mas gusto ko talaga yung mga medyo batang teacher pa kesa dun sa mga may edad na.
"Tulungan na kita" sabi ni Ethan ng akmang ilalagay ko na sa gilid yung upuan na ginamit ko.
"Tss tulungan daw pero ikaw lang humila sa upuan ko, sana sinabi mo nalang na 'ako na mag lalagay sa gilid ng upuan mo'" sabi ko ng malagay na niya ang upuan ko sa gilid
"Alam mo" nilagay niya ang kamay niya sa ulo ko at ginulo ang buhok ko "napaaakaaa sungit mo bakit di ka nalang mag thank you ha?"
Inis ko namang tinanggal ang kamay niya sa ulo ko
"Alam mo" sinubukan kong ilagay din ang kamay ko sa ulo niya kaso masyado siyang matangkad kaya nilagay ko nalang ang hintituro ko sa nuo niya at tinulak-tulak iyon ng mahina "feeling close ka"
Hinawakan niya naman ang kamay ko at tinanggal ang sa nuo niya
"Mag thank you ka nalang kasi"
"Edi thank you!" Pilit na sabi ko, aalis na sana ko sa harap niya ng may maalala ko "gusto mo?"
"Huh?" Gulong tanong niya sakin
"Gusto mo sayo nalang kamay ko? Kanina mo pa kasi hawak eh"
"Ay sorry hahahaha" sabay bitaw niya sa kamay ko
"Tss"
"Okay ang game natin ngayon ay 'The Boat is Sinking pero syempre may twist, mag bibigay ako ng problem and you will group yung selves base sa sagot ng problem, understood?"
"Yes!!" Sabay-sabay na sigaw ng klase
Obviously math teacher si Ma'am Jesica
"First problem!" Sinulat niya sa board ang problem at may one 30 senconds lang kami para i-solve yun
If x2+2x+3=0, find the value of x^4+4x+17
Nag simula na akong mag compute sa utak ko
14!!!! 14 ang sagot!!
Tumingin ako sa paligid at napatingin ako kay Ethan na sumesenyas sakin na 14 ang sagot,meron na siyang kasamang dose at nakita kong isa dun si Jonathan kaya naman agad kong hinatak si Jenny at pumunta sa grupo nila Ethan.
"The finak answer is" sinulat ni ma'am ang solution sa white board "14"
Nag ikot siya upang bilangin kami
"Okay mag hiwa-hiwalay na kayo" sambit niya
Nag patuloy ang laro hanggang sa kumonti na ng kumonti at eleven na lang ang natira. Sinulat muli ni ma'am ang pang sampong problem sa white board.
If 90^a = 2 and 90^b = 5 what is 45^[(1-a-b)/(2-2a)]?
"No coaching!" Sigaw ni ma'am ng mahalata niyang ang ibang estudyante na natanggal na ay nag sasabi ng sagot
Shit bakit ang hirap, tumingin ako sa paligid at nakita ko na nag gu-grupo na sila kaya lalo akong na pressure
"10.....9..." Shit 8 seconds nalang.
"3" bulong ng dumaan sa likod ko, napatingin ako dun at nakita kong naka talikod si Jonathan at nag lalakad papunta kay Ethan pero di ko sure kung siya ba ang bumulong sakin ngunit kahit ganon pa man napa ngiti padin ako.
Tinulangan niya ko
Omaygosh akala ko hindi niya na ko mapapansin, kanina pa kasi ako nag papapansin sakanya, kung nasaang grupo siya dun din ako kaso hindi niya man lang ako tinatapunan ng tingin.
Napapansin ka niya gaga, wala lang talaga siyang pake sayo
Tanginang brain cells toh marunong din mag salita nang ta-trashtalk pa. Pero basta napansin niya na ako ngayon omaaaygooosh!!
Shet Annie mamaya ka na kiligin malandi ka!
Nag lakad ako palapit kila Jonathan at Ethan, saktong tatlo na kami. Tiningnan ko naman si Jonathan at nginitian siya ng pag ka tamis-tamis
Sabi na nga ba, hindi ako nag kakamali mabait talaga siya
"The final answer is 3" sinulat ulit ni ma'am sa white board ang solution at nag ikot muli upang tingnan kung sino ang may tamang bilang na grupo.
Napatingin ako sa paligid, siyam nalang kaming natitira at nakita kong masama ang tingin ni Jenny sakin dahil isa siya sa mga natanggal
Sus kunwaring galit, eh parang kanina niya pa gusto matanggal para makipag landian dun sa Varsity player
"Okay last problem" sinulat na ni ma'am sa board ang last problem
If x/y = x+1 and y/x = x-1 find the numerical value of y²/(x-1)²
Napangiti ako dahil ang dali lang at mas lalo pa kong napangiti dahil sa sagot
Pag kakataon ko na tooo
Tumingin ako kay Jonathan at ngumiti kaso nawala agad yung ngiti ko ng may napagtanto, kung lalapit ako kay Jonathan feeling ko mag mumuka akong desperada, atsaka pano pag pinahiya niya ko at iniwasan lang? Hindi pwede yun! Lalo na at nasa classroom nila kami, yung dignidad ko baka mawala,kaya tumingin nalang ako kay Ethan at dahan-dahan nang lumapit kaso
"Kami na ang mag ka grupo" tiningnan ako ng masama ni Jonathan, nagulat pa ko dahil sumulpot nalang siya kung saan
"Ha? Nauna ko sayo!"
"Ako na yung nasa tabi niya kaya kami na ang mag ka-grupo" tinaasan niya pa ko ng kilay
"Ang daya mo!" Inis na sabi ko sakanya
"Tss ano ba, tanggapin mo nalang na talo ka na atsaka dapat nga wala ka dito dahil hindi ka naman namin kaklase"
Ano ba talagang problema nito sakin?
"Alam mo letche ka talaga!"
"Annie tama na yan umupo ka na" sabi ni ma'am Jesica kaya napatingin ako sakanya
"Ma'am andaya niya!!" Sabi ko sabay turo kay Jonathan, tiningnan lang naman ako ni ma'am, napatingin naman ako sa paligid at nakita kong naka tingin na samin ang buong klase kaya medyo nahiya na ko at wala nang nagawa kundi pumunta sa bakanteng upuan sa gilid,muli kong tiningnan si Jonathan at nakita kong naka ngiti ang hayop, potek napahiya nanaman ako dahil sa kanya, binabawi ko na yung sinabi ko kaninang mabait siya!!
Bwiset totoo nga ang kasabihan na 'Looks can decieve you'
Muka siyang anghel pero kabaliktaran nito ang ugali niya
Letche ka Jonathan Co!!!