"W-what?"
"Mag sorry ka sakanya, nakita ko kung anong ginawa mo"
"A-anong ginawa? H-hindi ko naman sinasadya" shit bakit ba ko kinakabahan?
Napangisi si Jonathan at bahagyang nag lakad palapit sakin
"Malandi ka na nga nang bu-bully ka pa"
"W-what?!" Hindi makapaniwalang sagot ko "a-ako? Malandi?"
"Oh bakit hindi ba?" His eyes is full of anger at hindi ko alam kung bakit ganito ang nakikita ko sakanya "I heard madami ka daw naka fling na seniors at pati ang kaibigan kong si Ethan nilalandi mo na din,bakit? wala ka na bang pang tustos sa mga luho mo kaya puro mas matatandang lalaki ang nilalandi mo"
Inisang hakbang ko ang pagitan naming dalawa at..
"Asshole!!!!!" Napa baling ang ulo niya sa kaliwa dahil sa malakas na sampal ko pero parang walang epekto sakanya at napangisi pa ang loko
"Makakarating sa discipline office ang ginawa mo kay miss Dela Fuenta"
Nangilabot ako, hindi dahil natatakot ako sa kung anong ipaparusa sakin ng school, natatakot ako sa kung anong gagawin at sasabihin sakin ni mommy, I'm sure she'll be very disappointed on me. AGAIN.
"W-wag"
"Kung ayaw mong maka rating pa ito sa discipline office mag sorry ka na kay miss Dela Fuenta"
"Over my fucking dead body I will never say sorry duuuh"
Wala na kong pakealam kung iparating niya ito sa discipline office basta hinding-hindi ako mag so-sorry sa taong hindi naman karapat dapat maka tanggap ng sorry ko.
"Tss taas ng pride" narinig kong bulong niya bago tumingin ng deretso sakin "Alright, so see you tomorrow at discipline office"
Ngumiti ako ng pag ka tamis-tamis at
"See yah!!" Sabay flip ng hair at walk out
Letche pinahiya nanaman niya ko buti nalang walang masyadong tao sa hallway, arrrgggghhhhhh
"Pinapatawag po si miss Chiu ni Ma'am Jona sa discipline office" anunsyo ng isang SG(student goverment) sa classroom pag ka pasok nito
"Luh anong ginawa mo Annie?"
"Yari ka Annie"
"Lagooot"
"Nako nako"
Sabi ng mga kaklase ko pero inirapan ko lang silang lahat at lumakad na papunta sa discipline office, pag ka rating ko sa tapat ng displine office...
Shit first time ko umapak dito at dahil yun sa kauna-unahang lalaking nagustuhan ko sa highschool, lintek talaga oh.
Pagka pasok ko napangiwi ako ng nakitang umiiyak yung ulikbang si Yasmin
Potek napaka OA naman ng babaeng ito
Pero mas nagulat ako kalaunan ng makitang kino-comfort siya ni Jonathan
Anong meron sa dalawang ito? Sa pag kakaalam ko naman walang jowa si Jonathan ah, tss mga letche pag pupugutan ko kayo ng ulo eh
"You may sit miss Chiu" sambit ni ma'am Jona, pairap akong umupo sa harap ni Jonathan at Yasmin
"OMG baby what happened, ssshhh don't cry shhh nandito na si mommy" muntik na kong matawa ng biglang pumasok ang nanay ni Yasmin at niyakap siya
Paki tingnan nga ulit sa last chapter kung kinder ba yung tinapunan ko ng tubig o baka tsanak, baby daw eh.
"Sino may gawa nito sayo?" Nang gagalaiting tanong ng nanay niya, tumingin naman sakin si Yasmin at humagulgol pa lalo
Ampota, painom ko sayo luha mo eh
"You—!" Dinuro ako ng nanay niya
"Ops, you don't have the right to point a finger on me ma'am" nagulat ang nanay niya dahil sa pag sasalita ko
Tss anong akala mo mananahimik lang ako at tatanggapin ang lahat ng sermon niyo? Si mommy lang ang pwedeng manermon sakin duuuhh
Tumingin ako kay ma'am Jona at nag tanong
"Ma'am anong issue nanaman ba ito at bakit ako nandito?"
"Annie, sabi ni mister Co binubully mo daw si miss Dela Fuenta" napa-tingin ako kay Jonathan na kinocomfort pa din hanggang ngayon si Yasmin
"How can you judge me without knowing my side?" Mahinahon kong tanong sakanya, kaya napatingin siya sakin
"I don't need to know your side, nakita kong maiigi na tinapunan mo ng tubig si Yasmin"
"Aba! Ang lakas ng loob mo na tapunan—"
"Ma'am don't butt in kapag may dalawang taong nag uusap" muling nagulat ang nanay ni Yasmin sa pag sasalita ko "correction NAtapunan mister Co hindi TInapunan, mag kaiba yun"
Parang ang gandang pakinggan ng salitang mister Co hahahhaha charot
"Hindi! Sadyang tinapunan mo ko ng tubig para makaganti dahil binato kita ng bola sa braso!!!" Singit ni Yasmin, nakita kong medyo nagulat sila Jonathan kaya napangisi ako
"Oh sayo na nanggaling, binato mo ko ng bola sa braso, it's intentional huh?" Pang asar na sabi ko
"H-hindi a-ang ibig kong s-sabihin—"
"Tell me miss Dela Fuenta bakit mo ko binato"
"Naiinis ako kasi lapit ka ng lapit kay Ethan!" Nanlaki ang mga mata niya at natigilan sa sariling sinabi "n-no h-hindi, mommy s-siya yung m-may kasalanan"
"So as you can see ma'am Jona and mister Co, miss Yasmin Dela Fuenta isn't the victim here" ngiting tagumpay na sabi ko habang naka tingin kay ma'am Jona sabay lipat ng tingin kay Jonathan "I'm not a bully, I will never do such thing without a reason"
Jonathan's POV
"I'm not a bully, I will never do such thing without a reason" makahulugan niyang sambit sabay walk out
"Sabihin mo sakin Yasmin anong totoo?" Tanong ko kay Yasmin na tumigil na sa pag iyak, hindi parin kasi ako maka paniwala sa mga nangyayari
"S-sorry n-nagawa ko lang naman yun kasi s-siya nalang lagi ang bu-bukang bibig ni E-Ethan"
Shit I accused her tapos kung sino pa ang pinag tatanggol ko ay yun pa ang may kasalanan. Dali-dali akong lumabas sa discipline office at hinanap si Annie Chiu upang maka hingi ng tawad. Matapos ang ilang lakad nakita ko na siya sa may veranda, lalapitan ko sana kaso narinig kong may kausap siya, hindi ko gawaing mag evesdrop kaso naku-curious ako kung sinong kausap niya, iba kasi ang tono ng boses niya, iba sa kung paano niya ko kausapin na puno ng tapang dahil ang boses niya ngayon parang sobrang lungkot.
"H-hindi naman po a-ako yung may kasalanan" sa tono ng boses niya parang takot na takot siya "wag naman po ang allowance ko"
Mahabang katahimikan ang namayani na para bang pinapakinggan niya nalang lahat ng sinasabi ng kung sino man ang kausap niya sa telepono
"O-okay po, sorry po, yes hindi na po mauulit ito pangako"
Nagulat ako ng mag tama ang aming mga mata ng bigla siyang lumingon sa gawi ko ngunit mas nagulat ako ng makita na puno ng lungkot at takot ang kanyang mga mata pero mabilis yun nag bago at napalitan ng galit.
"Are you happy?" Sarkastikong tanong niya "perhaps, satisfied?"
Hindi ko alam kung bakit pero napatitig lang ako sakanya, sa mga mata niya na pilit tinatago ng galit ang lungkot. Iniwanan niya ko ng napaka samang tingin bago ako lagpasan ngunit wala kong nagawa kundi sundan lang siya ng tingin. Nang hindi na siya maabot ng tingin ko dun ko lang napag tanto na kanina pa pala ko nag pipigil ng hininga at hindi ko alam kung bakit.
Kinabukasan pag ka pasok na pag ka pasok ko sa classroom nilagay ko na agad ang isang dosenang white rose sa locker ko. Tinanong ko kasi si mama kahapon kung ano ba ang bagay na pwedeng ibigay sa babae bilang peace offering. At sabi niya kung meron man daw pag kaka parehas ang mga babae yun ay mahilig silang lahat sa mga bulaklak
"Hindi niya ko sinundan ngayon, ganun ba siya kagalit sakin?" Bulong ko sa sarili, oo alam kong araw-araw akong sinusundan ni Annie sa pag pasok, hindi ko alam kung kokomprontahin ko ba siya o tatanungin kung bakit niya ko sinusundan kaya pinabayaan ko nalang. Ito ang unang araw na hindi niya ko sinundan sa pag pasok
"Hi! Para ba sakin ang boquet na yun?" Napatingin ako kay Yasmin, as usual ang ganda niya at muka siyang anghel. Matagal niya ng alam na gusto ko siya at matagal ko na ding alam na si Ethan ang gusto niya at hindi ako. Okay lang naman sakin, tanggap ko na.
"Ah hindi eh"
"Ayy, so may ibang babae ka ng gusto?"
"Ano ka ba wala noh!"
Hindi ko alam kung magagawa ko pa bang mag kagusto sa ibang babae Yasmin
Pagka rating ng lunch break pumunta agad ako sa cafeteria dala ang bouquet, madalas kong makita na dito kumakain ng lunch si Annie kaya sigurado akong nandito siya. Hindi naman ako nabigo dahil pag ka pasok ko palang narinig ko na ang ingay nila ng mga kaibigan niya.
"Oh bro! Tara samahan mo ko" nagulat ako ng akbayan ako ni Alvin,isa sa mga kabanda ko "ipapakilala ako ng girlfriend ko sa mga kaibigan niya, shit kinakabahan ako bro lalo na dun sa Annie, balita ko maldita yun"
Annie? Ibig sabihin—
"Hi love!!" Bati ng kaibigan ni Annie kay Alvin ng maka lapit kami sa table nila, mabilis ko namang tinago ang boquet sa likod ko
Siguro mamayang uwian ko nalang sakanya ibibigay ito at manghihingi ng tawad, mahirap na baka ma-issue kaming dalawa tsk.
Napatingin ako kay Annie na kanina pa ata naka tingin sakin ng masama. Tama, hindi magandang desisyon na ngayon ko ibigay ito sakanya.
Pag ka dating ng uwian nag mamadali akong nag ayos ng gamit.
Shit baka hindi ko maabutan ang babaeng yun
Mas maaga kasi ang uwian nila kesa sa uwian namin
"Oh nag mamadali ka ata?" Tanong ni Ethan
"Ah oo" aalis na sana ko kaso may sinabi pa siy
"Bro may practice mamaya ah!" Sigaw niya
Shit naka limutan ko na ngayon pala ang practice namin para sa opening ng intrams
Isa kasi kami sa mga bandang tutugtog.
"Sige mabilis lang ako!" Sigaw ko at kumaripas na ng takbo.
Pagka rating ko sa waiting shed hinanap agad ng mata ko kung nasaan si Annie, nakita kong may kausap siya kaya dahan dahan na lang akong naglakad papunta sakanya
"Miss bili ka na 30 pesos lang" narinig kong sabi ng kausap niya na mukang nag bebenta ng bulaklak
"Ay hindi ako mahilig sa mga bulaklak eh" t-teka ayaw niya sa mga bulaklak, napatingin tuloy ako sa boquet ng white rose na hawak ko
"Sayang naman ito kung itatapon ko" bulong ko, hindi ko na ito ibibigay sakanya, baka itapon niya lang dahil ayaw niya naman pala sa mga bulaklak. Tumalikod na ko at nag umpisang mag lakad pabalik sa school
"Oh pre malapit na mag start practice natin"
"Sayo nalang" inabot ko ang boquet kag Ethan
"B-bro hindi tayo talo, hindi ako bakla,bro sorry pero hindi ko—"
"Gago ibigay mo yan sa babaeng gusto mo, at siguraduhin mong mahilig sa bulaklak yon"
"Oh? Ay thank you pre! Shet kinabahan ako dun ah akala ko bakla ka at nag tatapat ka na ng feelings mo para sakin" natatawang sambit niya
"Fuck you" nilagpasan ko nalang siya at dumeretso na sa music room
Shit ang mahal pa naman nung bulaklak na yun