Chereads / Promise / Chapter 8 - Chapter 7

Chapter 8 - Chapter 7

"Annie!" Narinig kong sigaw niya kaya huminto ako sa pag lalakad "buti naabutan kita"

"Bakit?"

"Ah p-para sayo" inabot niya sakin ang isang bouquet ng white rose

"Omaygosh ito ang paborito kong bulaklak" sabi ko habang inamoy ang bulaklak

"Mahilig ka pala sa bulaklak?"

"Actually hindi, isang bulaklak lang nagustuhan ko sa buong buhay ko at yun ay ang white rose" paliwanag ko habang naka tingin sa muka niya na mukang interesadong-interesado sa mga sinasabi ko "Anyway para saan pala ito? Mahal ito ah"

"Ah wala ano kasi naisip lang kita bigla kaya ayan" parang kinakabahan niyang sagot

"Okay, anyway bye na ah aalis pa kasi kami ng mga kaibigan ko eh"

"Sige sige"

"Salamat dito" sambit ko habang ipinapakita ang binigay niya "bye Ethan"

Naalala ko ang nangyari kanina ng mapatingin ako sa isang bouquet ng white rose sa harapan ko, nandito ako ngayon kila Jenny kasama sina Chellesy, Lea at Charlene ang sabi nila mag mu-movie marathon daw kami pero itong mag jowa sa harap ko ay nag lalandian lang

"Hoy Jenny, Alvin ano mag lalandian na lang kayo?"

"Grabe ka naman Annie porket wala kang jowa ganyan ka na" nakangising sabi ni Jenny "anyway feeling ko may gusto sayo yung Ethan, tingnan mo oh binilhan ka pa niyan eh ang mahal mahal niyan eh"

"Ethan? As in Ethan Ang?" Singit naman ng boyfriend ni Jenny

"Yes love, bakit?" Love? The fuck ang corny iww

"Ah wala ka-banda ko kasi yun" tumingin naman siya sakin "dinediskartehan ka nun Annie?"

"Wala kang pake"

Kinabukasan late ako nagising kaya medyo late din ako sa klase, habang nag lalakad ako patungo sa classroom may nakita akong lalaki na naka tayo sa gilid ng pinto ng room namin, palapit na ko ng palapit ng makilala ko kung sino ang lalaking yun.

"Jonathan?" Napatingin ako sa dala niyang bouquet ng red rose at boquet din ng chocolates

Teka? May pinopormahan ba siyang kaklase ko?

"Ah Annie" parang kinakabahang sambit niya "ano ahm.."

Nag tataka ko siyang tiningnan "bakit ka nandito?"

"Ano, kasi.... p-para sayo"

Gulat akong napatingin sakanya ng iabot niya sakin ang boquet ng chocolates

"p-para sakin?" Napaturo pa ko sa sarili ko

"Oo, ahm sabi kasi ng kaibigan mong si Jenny mahilig ka daw sa chocolates" so nag tanong pa kay Jenny? Wow, shems. Hindi ko maiwasang mangiti dahil sa kilig na nararamdaman. Hindi ito ang first time na binigyan ako ng isang lalaki ng mga tsokolate pero ito ata ang unang beses na kinilig ako ng sobra dahil lang binigyan ako ng chocolate

"Para s-saan ito?"

Don't tell me, Jonathan likes me na, omaygosh!!!

Shet yung mga oragans ko nag wawala na, parang may party party yung dugo ko sa puso jusko.

"I just want to s-say...." Shems jusko kinikilig ako. Tumingin siya sa mga mata ko na para bang pinapahatid niya na seryoso at importante talaga ang sasabihin niya 'ito na ba yun? Ito na ba yung pinapangarap ko na sandali, yung sasabihin niya na gusto niya rin ako?' "I just want to say... I-I"

I-I like you?

I-I'm inlove with you?

Omaygosh Jonathan say it!!!

"I-I'm sorry"

Nalaglag ang panga at balikat ko dahil dun, dapat talaga hindi tayo nag eexpect para hindi nadidisappoint. Shit nahihiya ako sa sarili ko dahil inisip ko na magugustuhan din ako ni Jonathan.

"S-Sorry?" Nag tatakang tanong ko sa kanya, yung kaninang kilig na nararamdaman ko naging disappointment

Ayan assumera ka kasi!

"Yes, I'm sorry because I accused you, Annie I'm really sorry" napatingin ako sa mga mata niya at nakita kong seryoso talaga siya kaya at para bang sobrang guilty niya.

Kaya ngumiti ako para mapagaan ang sitwasyon

"Ano ka ba! Okay lang yun noh!" Syempre okay lang kasi ikaw yun eh yung taong gusto ko, siguro kung iba yun nawasak ko na yung muka. Mula sa mga mata niya bumaba ang tingin ko sa hawak niyang boquet ng red rose

Napansin niya ata yun kaya tinaas niya ang bouquet at pinakita sakin "a-ah sabi ni Jenny hindi ka daw mahilig sa mga bulaklak pero subukan ko parin daw na bigyan ka kasi minsan daw nagugustuhan mo yung mga bagay na hindi mo naman dapat magustuhan"

"Sinabi niya yun?"

Medyo natawa pa siya "oo, medyo nalito nga ko pero syempre kaibigan mo siya at alam niya ang mga gusto mo , kaya...." Sabay abot sakin ng boquet

Hindi ako mahilig sa mga bulaklak pero kung isang Jonathan Co ang mag bibigay sakin aba'y kahit anong bulaklak tatanggapin ko

"Salamat!" Yung kilig ko kanina bumalik, tinanggap ko ang bulaklak at nakangiting inamoy

Omaygosh Jonathan anong ginagawa mo sakin?

"So can we be friends?" Nag lahad siya ng kamay

"Oo naman!" Aarte ba pa ko?, inabot ko ang kamay niya

Shet ang lambot girl!!

"Ah sige pasok ka na baka malate ka" inimuwestra niya ang pinto ng aming room

"Sige! Salamat ulit" tatalikod na sana ko kaso may naalala ko "ah Jonathan!"

"Bakit?"

"p-pwede bang sabay tayo mag l-luch mamaya?" Shit Annie ano ba yan nauutal ka pa. Ngayon lang ako umaya sa isang lalaki na mag lunch sana naman wag niya kong i-reject

Tumitig muna siya sakin kaya medyo kinabahan ako "sure!" Naka ngiting sagot niya "pero ahm.... Pwede ko bang isama ang mga kaibigan ko?"

"Oo naman, isasama ko rin ang mga kaibigan ko" naka ngiti kong sagot

"Sige una na ko ah" pag papaalam niya kaya tumango ako ng naka ngiti, sinundan ko pa siya ng tingin at ng hindi ko na siya makita pumasok na ko sa room "GOOOODMOORNIINGG!!!!"

"oh ang saya mo ah!" Si Chellesy ang unang sumalubong sakin

"Omaygoooshh Chellesy may chika akooo!!!" Tumitiling sabi ko, at dahil wala pa naman ang teacher namin naikwento ko pa kay Chellesy ang nangyari kanina

"Shit, Annie ikaw ba yan?" Hindi maka paniwalang tanong niya kaya medyo napakunot ang noo ko sa pag tataka "ikaw? Ikaw si Annie Chui niyaya ang isang lalaki na mag lunch? Paano na yung pride mo!"

"Ano ka ba! Kaya kong ibaba ang pride ko para sa lalaking gusto ko noh"

Napailing-iling naman si Chellesy "nahihibang ka na talaga"

"Hay!!! Nahihibang na talaga ko!!!" Humahagikgik na sabi ko

Nang mag lunch time excited akong pumuntang cafeteria kasama syempre ang mga kaibigan ko, pag dating namin dun naka upo na sa long table si Jonathan kasama ang mga kaibigan niya

"Hi!!" Bati ko sa kanya, I mean sa kanila

"Ahm hello" bati niya pabalik

May isang lalaking nag-lahad ng kamay sakin "I'm David"

"Hi David!"

"Ah mga ka-banda ko" sabi ni Jonathan

Tiningnan ko silang apat, si Jonathan, Ethan, Alvin at yung nag pakilalang si David. Tumingin naman ako sa mga kaibigan ko

"Ahm this is, Lea, Chellesy and Charlene, my friends" pag papakilala ko sakanila

"Tara order na tayo" aya ni David.

Nakita kong dumeretso si Jenny sa boyfriend niyang si Alvin

"Annie what do you want? Ako na oorder" sabi ni Ethan sakin

"Isang—" naputol ang sasabihin ko sana ng mag salita si Jonathan na akala ko kanina ay naka pila na para umorder

"Ako na oorder, may atraso ako sakanya kaya libre ko na ang lunch niya for today" sabi niya habang naka tingin kay Ethan, napangiti naman ako dahil dun. Bumaling siya sakin at nag tanong "anong gusto mo Annie?"

Shit bakit ang sarap pakinggan ng pangalan ko pag siya ang nag sasabi?

"A-ahm carbonara with fries, burger and coke"

"Ah pre tutal ikaw naman ang mag oorder para kay Annie, pasabay na din ako ng order babayaran ko nalang, parehas ng order ni Annie ang order ko" sabat naman ni Ethan

Tiningnan ko si Jonathan, parang gusto niya pang umangal kaso wala na siyang magawa kundi tumango nalang, bago siya umalis tumingin muna siya sakin.

"Okay ka lang dito?" Tanong niya

Shet shet sheeett ayan nanaman yung puso ko!!!

"Ano ka ba pre okay lang si Annie, nandito naman ako" si Ethan

Napabaling sakanya si Jonathan at tinitigan ito saglit "Sige"

"So anong ginawa mo dun sa binigay kong bulaklak?" Tanong ni Ethan sakin

"Nilagay ko sa vase sa may kwarto ko" sagot ko sakanya habang naka tingin kay Jonathan na umoorder sa may counter

"Ah ganun ba?" Tumango ako habang nasa kay Jonathan pa din ang tingin "gusto mo ba si Jonathan?"

Gulat akong napa-tingin sakanya

Ganun ba ko ka obvious?

"Gusto mo si Jonathan" sa pag kakataong ito hindi na siya nag tanong, parang sinabi niya yun at siguradong-sigurado siya "Gusto ni Jonathan si Yasmin kaya wag ka ng umasa"

Napangiti ako "hindi ako umaasa, gusto ko lang kiligin kaya ginagawa ko ito"

"Alam kong dadating ang panahon na aasa ka at ayokong umasa ka sa wala kaya ngayon palang tigilan mo na yan" napa kunot ang noo ko dahil sa sobrang ka-seryosohan ni Ethan

"sinasabi mo ba na wag siya ang gustuhin ko?" Tumango siya habang seryoso pa rin ang tingin sakin "hindi ko mapipigilan ang puso ko at ayokong pigilan ito"

Nagulat ako ng hinawakan niyang bigla ang kamay kong naka patong sa lamesa "ayoko lang na masaktan ka"

"Ito na yung order niyo" nagulat ako ng medyo pa-dabog na nilapag ni Jonathan ang pagkain na nasa tray sa table namin, nagtaka ako dahil masama ang tingin niya kaya sinundan ko kung nasaan ang tingin niya at nakita kong nakatingin siya sa mag kahawak kamay namin ni Ethan kaya agad kong binawi ang kamay ko

"Ah s-salamat" sabay kuha ko ng tray at kumain nalang

Awkward

"Salamat sa lunch ah" sabi ko kay Jonathan habang nag lalakad kami pa puntang classroom, sabi niya kasi gusto niya kong ihatid sa classroom namin at syempre umoo ako, choosy pa ba ko?

"dapat nga ako ang mag pasalamat sayo eh"

Nangunot naman ang noo ko dahil dun "bakit ka naman mag papasalamat sakin?"

"Kasi tinanggap mo yung sorry ko" nakingiting sabi niya

Napangiti din ako dahil dun "ano ka ba hindi naman pwedeng habang buhay kitang kainisan noh!"

Huminto siya sa pag lalakad na tila ba may naalala "Annie nung araw kasi na pinatawag ka sa discipline office pag ka labas mo may narinig kasi akong kausap mo sa phone tapos parang malungkot ka, sino ba yung kausap mo nun?"

"S-Si mommy"

"Nagalit ba siya nung nalaman niya na na-discipline office ka?"

"Oo, nadisappoint siya sakin kasi first time ko yun kaya ayun pinutol niya ang allowance ko for one month" nag kibit balikat ako

"Shit sorry talaga Annie, kung gusto mo kakausapin ko ang mommy mo at ipapaliwanag ko na hindi naman talaga ikaw ang may kasalanan"

Umiling ako "wag na ano ka ba!"

"No, I insist"

Tumitig ako sa mga mata niya at para bang sinasabi nito na wala akong karapatan na tanggihan ang ano mang sabihin niya kaya napatango nalang ako

"s-sige sasabihin ko kay mommy"

Nag patuloy na kami sa pag lalakad at ng makarating na sa pinto ng classroom namin papasok na sana ako ng bigla siyang mag salita

"Annie b-bukas sabay ulit tayo mag l-lunch" hindi maka tingin na sabi niya "sige na bye!"

sinundan ko si Jonathan na tumatakbo ng tingin habang naka ngiti

Aaaaackk shems yung pusooo koooooo