Dumating ang December and January kaya nag sembreak na kami, I'm in our province while Jonathan is in LA, we can't communitcate much kasi halos walang signal sa probinsya namin. Almost a month din ang sembreak namin kaya naman pagbalik sa klase
I missed you
Basa ko sa note na kasama ng boquet ng red rose na binigay niya. His not very vocal sa feelings niya but I can feel it, kaso I need assurance kaya napag isipan ko na tatanungin ko siya kung ano ba talaga kami kaso natatakot ako....
Natatakot ako na mawala kung ano mang meron kami ngayon
This is the first time that I felt fear, pero pinasok ko ito kaya dapat panindigan ko.
"I have a news" biglang sabi niya habang nag la-lunch kami sa cafeteria
"Ano yun?"
"My family wants to meet you" nanlaki ang mga mata ko dahil dun
Emeged wala pa nga kaming label meet the parents agad? Kaloka
"B-Bakit"
Nag kibit balikat siya "nag taka kasi si mama kung bakit panay ang bili ko ng flowers"
"K-Kailan daw?"
"Tonight we'll have a dinner—"
"Tonight?!" Medyo napa taas ang boses ko dahil sa gulat kaya napatingin samin ang ibang kumakain doon
"Well kung ayaw mo—"
"No! I mean... Ahm... Okay lang naman nagulat lang ako" medyo kinakabahang sagot ko "so a-anong susuotin ko? Formal dinner ba?"
"You can wear anything, kung saan ka komportable"
"O-okay"
Pagka dating ng bahay naligo agad ako at nag simula ng mag hanap ng damit, kaso wala kong mapili kaya tinawagan ko si Jonathan
"Kahit ano ngang isuot mo, lahat naman bagay sayo" kanina pa siya tawa ng tawa habang ako na i-stress sa pag pili ng damit na susuotin "anyway after 30 minutes susunduin ka na namin"
"Okay bye bye" nag mamadali ko ng ibinaba ang phone at kinuha nalang ang isang black dress na above the knee, hindi ako nag me-make up, I just put lip balm for my lips and then tapos na! Kaso kinakabahan pa din ako
Maya-maya pa may bumusina na sa baba at nakita ko agad ang kotse nila Jonathan na lalong nag pakabog sa dibdib ko
Sinalubong niya ko ng flowers "ganda talaga" Sinimangutan ko lang naman siya dahil hindi na ko maka pag salita dahil sa kaba "wag kang kabahan, pamilya ko lang yun Annie"
Tengene, pamilya niya LANG?
Pag dating namin sa kanila agad akong namangha dahil sa maka lumang desenyo nito
"Ma! Nandito na po kami" tawag ni Jonathan sa mama niya
"Oh hi! Siya na ba yun?" Kinabahan ako ng nakita ko ang mama niya na lumabas galing sa kitchen "oh my goodness ang gandang bata"
Nakipag beso ako sa mama niya at medyo na bawasan na ang kaba "h-hello po"
"Call me tita" sabi niya sabay giya sakin sa dinning area "come on the dinner is ready"
Pag kaupo sa hapag may dalawang lalaki na pumasok, hula ko ang isa ay tatay niya
"Hello hija"
"This is my dad"
"Goodevening po" bati ko sabay beso
"This is my Kuya Jerson" turo naman niya sa isang lalaki na kamuka niya, parang ilang taon lang ang tanda sakanya
"Hello" beso ulit
"You're so beautiful, paano ka nagayuma ng kapatid ko" pabirong sabi nito
"Kuya!"
"Just kidding"
Nang mag simula na kaming kumain, nawala ang lahat ng kabang naramdaman ko kanina at sobrang gaan ng loob ko sakanilang lahat, sa pamilya niya
"Ito subukan mo itong steak, ako nag luto niyan" nilagyan ako ni kuya Jerson ng steak sa plato
"Thank you po"
"Oh cut the 'po' nag mumuka kong matanda" sabay tawa niya, napansin ko lang mas palatawa si Jerson kesa kay Jonathan. Oh well I don't care at all basta gusto ko si Jonathan "Ito pa oh—"
Akmang mag lalagay nanaman si Jerson ng ulam sa plato ngunit pinigilan na siya ni Jonathan "kuya kaya niyang mag lagay ng pagkain sa sarili niyang plato"
"Ito naman selos agad"
Tumingin siya ng masama kay Jerason "I'm not jealous"
"Sus kunwari ka pa"
"I said I'm not!"
"Tama na nga yan kumain nalang kayo, nakaka hiya sa bisita dito pa talaga kayo nag away" suway ng tatay nila "so hija anong apelyido mo?"
"Chiu po sir"
"Call me tito" sabay ngiti kaya napangiti din ako "Chiu? Are you related to the owner of Chiu's bank?"
"The owner of that bank si my mom po tito"
"Oh that's why you really look familiar!" Tumawa ng konti si tito ngunit nag seryoso din ulit "mag a-accounting ka din katulad ng mom mo?"
"Ah no po, I want to be a lawyer"
"I like you! Karamihan sa mga kabataan ngayon hindi pa alam kung anong gusto nila, bihira nalang ang mga kabataan na naka pag decide na sa gusto talaga nila" biglang singit ng mommy ni Jonathan "anyway dear, nililigawan ka ba nitong si Jonathan?"
How I wish
"Mom hindi ko siya nililigawan" si Jonathan ang sumagot, kita ko naman ang gulat at pag kadismaya sa muka ng mommy niya
"So may pag-asa pa ko?" Pabirong sabi ni Jerson "well I'm single"
"Stop it, gabi na kailangan ng umuwi ni Annie" hinatak na ko patayo ni Jonathan
"Ahm bye po"
Bumeso ulit sakin ang mommy at daddy niya "It's nice to meet you hija, tandaan mo welcome ka lagi rito ha?"
"Thank you po tita"
Habang hinahatak ako ni Jonathan palabas ng bahay nila narinig ko ang pang aasar ni Jerson "bro! I'm serious, kapag hindi mo siya niligawan ako mang liligaw sakanya!!"
"Tss"
Nasa tapat na kami ng kotse nila at nag aantay na ang driver ng huminto ako at hinarap siya
"Jonathan"
"Sorry about kuya—"
"No its okay"
"Okay lang na ligawan ka niya?" Nanliliit na mga matang tanong niya
"No! I mean... Argh basta hindi yun yung gusto kong pagusapan" iritang sagot ko "I have a question"
"What is it?"
"A-ano"
"Ano?"
"A-ano tayo?" Tumitig siya sakin at habang tumatagal na hindi siya nag sasalita lalo akong kinakabahan "ahm....ang tagal kong inisip ito but if you—"
"Friends"
Friends
Friends
Friends
Friends
"W-What?"
"We're friends" halos hindi ko na marinig yun dahil sa sobrang hina ng pag kakasabi niya at dahil na rin sa lakas ng pintig ng puso ko
"F-friends?" Tumango siya "gago ka ba?! May mag kaibigan bang nag hahalikan ha?"Umiwas lang siya ng tingin kaya lalo akong nairita "sige next time hahalikan ko din si Ethan tutal FRIENDS din naman kami!"
Gulat siyang napatingin saakin "Don't.You.Dare"
"Bakit?" Nang hahamon na sabi ko ngunit tinitigan niya lang muli ako ng sandali at umiwas na ng tingin
"Whatever, I don't care, Do want you want" tumingin siya sa driver "manong ihatid mo na siya"
Nakatulala lang ako dun habang tinitingnan siyang pumapasok muli sa kanilang bahay.
"Ah ma'am halika na?" Tanong ng driver nila sakin sabay abot ng tissue, dun ko lang napansin na naluluha pala ko.
Ngumisi ako sa driver "I don't need that tissue, hindi ako iiyak" hindi ko alam kung sa driver ko nga ba sinasabi iyon o pinipilit ko ang sarili kong wag umiyak dahil wala sa bokabularyo ko ang umiyak dahil lang sa isang lalaki
Hindi....hindi ko siya iiyakan