Chereads / WORDS IN MY HEAD / Chapter 13 - CHAPTER THIRTEEN

Chapter 13 - CHAPTER THIRTEEN

"Love, let's eat. Bakit ang tagal mo kanina ka pa d'yan sa banyo" katok ni Bryce, tinignan ko ulit ang reflection ko sa salamin at naningkit ang mga mata ko dahil sa inis at hiya.

Binuksan ko ang pinto, bumungad naman sa'kin si Bryce na nagtataka.

"Look what you had done!" I said showing him my hickeys na gawa niya, he just smirked then laugh.

"Anong nakakatawa?" inis kong tanong.

"You have a soft and delicate skin-- wala pa nga 'yong ginawa ko sa gusto kong gawin tapos ganyan na agad" he said as he licked his lower lips tapos tumingin siya sa leeg ko pero agad din naman niya 'yong ibinalik sa mata ko, napatingin din tuloy ako sa kanya.

"Don't wear that kind of look, you're seducing me" seryoso niyang sabi kaya gano'n na lamang ang panlalaki ng mata ko.

"I'm not seducing you!" agad kong tanggi, tumawa naman siya.

"Pervert!" dagdag ko pa, pero tinawanan nanaman niya ako.

"Sa'yo lang, Love" kumindat pa.

Nilagpasan ko nalang siya, at pumunta na sa mesa kung sa'n nakalapag ang pagkain, hinawi naman ni Bryce ang kurtina dahilan para makita ang labas, ang gandaaaaa! excited na tuloy ako lumabas!

"Ang gandaaaaaaa!"

"Mas maganda ka parin" mahinang tawa ni Bryce at umupo sa tabi ko.

Tahimik kaming kumain, after nito ay napag usapan namin na maglibot tapos swimming. Napansin ko naman na laging sumusulyap sa'kin si Bryce kaya binalingan ko siya ng tingin.

"Ba't ka tingin ng tingin?" I asked, pero umiling lang siya tapos sumulyap nanaman--sa leeg ko, so leeg ko pala sinusulyapan niya? naka ponytail na kasi ako.

"I'm proud that I was the one who left that marks in your neck, ang ganda tignan" napatahimik tuloy ako.

"Adik ka ba?" manghang sabi ko, anong magandang tignan at proud?! minsan talaga may saltik din 'to eh.

"Hmm, sa'yo" he said then laughed, inirapan ko nalang siya.

-----

Pagkatapos namin maglibot ay bumalik kami sa hotel room para magbihis dahil magsu-swimming kami.

Bottom bay one piece swimsuit na burgundy ang isinuot ko, I know na bagay naman sa'kin kaya agad rin akong lumabas para makapaglagay na ako ng sunblock, paglabas ko ay nakaupo si Bryce sa kama, naka-swim shorts lang siya tapos topless, ngayon ko lang siya nakita na topless although nararamdaman ko ang abs niya tuwing niyayakap ko siya ang tipuno ng katawan niya, muntik nang tumulo laway ko-- pero joke lang syempre.

Tumikhin ako para kunin ang atensyon niya, agad naman siyang napatingin sa'kin.

"Wala ka na bang ibang dala na swimsuit?" he asked, furrowing his brow.

"Hindi ba bagay?" nahiya tuloy ako.

"Ayon nga ang problema e, masyadong bagay sa'yo tsk, come here" para naman akong tuta na sumunod sa utos niya, pinaupo niya ako sa tabi niya at nilagyan ng sunblock kahit hapon na.

Tumingin ako sa reflection namin sa salamin, nahagip ng paningin ko ang chikinini sa leeg ko-- damn pano ko itatago 'to? tumayo ako saglit para maghanap ng cream na pwedeng ipantapal sa leeg ko, nang mahanap ko na ang hinahanap ko ay bumalik ako sa kama para malagyan na ulit ng sunblock ni Bryce.

"Anong gagawin mo d'yan?" nguso niya sa hawak ko na cream.

"Uhm..I'll cover my hickeys?" hindi ko siguradong tanong.

Agad niya namang inagaw sa'kin ang cream kaya taka ko siyang tinignan.

"Why?" I asked.

"You want to hide the marks that I left?" inis niyang sabi.

"Ha? hindi naman sa ga--"

"Good" ayan lang sabi niya at itinago ang cream na ilalagay ko sana, may ubo ba siya sa utak? malamang medyo nahihiya ako! amporky nito, lakas ng topak.

Nangmakarating kami sa pool Area ay agad akong nagbababad, ang lamig ng tubig ang sarap sa pakiramdam!

Naramdaman ko naman na may yumakap sa'kin ay si Bryce 'yon syempre, lalangoy na sana ako palayo dahil gusto ko magtampisaw kaso ayaw niya ako pakawalan.

"Why?" I asked, bakit parang wala nanaman siya sa mood?

"Daming tumititig sa'yo na lalaki, just stay by my side. Okay?" napalinga tuloy ako sa paligid, oo nga pero sa kanya din naman may mga babae na kanina pa tumitingin pero hindi naman ako nagreklamo! amporky nito inirapan ko nalang siya.

We took some photos together tapos meron din naman na solo, ang ganda kasi ng view pang-IG HAHAHAHA, hindi rin kami nagtagal at bumalik na kami sa hotel room namin.

-----

๐“•๐“๐“ข๐“ฃย  ๐“•๐“ž๐“ก๐“ฆ๐“๐“ก๐““

Mabilis dumaan ang bakasyon, ngayon ay pasukan nanaman ulit. I'm now in my second year college habang si Bryce naman ay third year, magiging busy na siya masyado sa taon na 'to dahil sa upcoming capstone project nila.

"Waaaah, Ellaaaaaa namiss kita sobraaaaa" si Ara 'yan.

"Namiss din kitaaaaaaaa" sabi ko sabay yakap sa kanya, umuwi kasi siya ng probinsya nila kaya hindi kami nagkita buong bakasyon.

"Naks, alagang alaga ka ata ni Bryce ah! ganda lalo e" sus, nambola pa.

"Sino inuto mo?" irap ko sa kanya.

"Ikaw, sino pa ba?" hinampas ko tuloy siya.

"Ganyan pala pag alagang Bryce HAHAHAHA" ginatungan pa ni Cheska, amporky ng mga 'to.

"Nakakatawa?" irap ko ulit.

"Oo, asar na asar ka e HAHAHAHA" tawa ulit ni Cheska.

"Uy, si Bryce 'yon 'di ba? ba't may kasamang babae?" napalingon tuloy ako sa tinitignan ni Cheska, bakit kasama niya si Shane?

Morena si Shane tapos hanggang balikat ang iksi ng buhok, a typical filipina beauty, kaya hindi ko maipagkakaila na maganda siya.

"Kaibigan niya 'yan" I said, palapit ngayon sa'min si Bryce at Shane.

"Love, samahan ko lang si Shane mag-asikaso ng papers niya ha. Hindi ako makakasabay sa'yo mag lunch" he said apologetically, bakit on the spot naman siya kung magpaalam? itinago ko nalang ang inis na nararamdaman ko.

"Okay" ayan lang isinagot ko.

"Sorry, babawi ako next time hmm?" sabi niya bago umalis.

"Ehem, nangangamoy selos ah" sabi ni Ara.

"Ba't naman ako magseselos? eh ako ang mahal" pagmamayabang ko.

"OHHHHHH, SIYA NGA NAMAN ANG MAHAL!" sabi ni cheska at tumawa sila pareho, parang mga tanga.

Database ang first subject namin ngayon, medyo nai-excite ako kasi feeling ko magiging Database Analyst ako eh HAHAHA or feeling ko lang 'yon, 5 hours ang time namin sa subject na 'to pero nagpapabreak naman ng 30 mins si sir, kase nakakatuyo nga naman ng utak kapag tuloy-tuloy ang lessons.

"Ara, hindi ka lalabas?" nakaupo lang kasi ang gaga at nakahalumbaba sa mesa ng monitor niya.

"Kailangan ko i-digest lahat ng sinabi ni sir kaya ayaw ko muna kumain!" napatawa nalang ako.

"Ano 'yan pagkain? HAHAHA"

"Cheska, ikaw?" baling ko kay Cheska.

"Syempre magbbreak ako, bawal magutom ang maganda!" pft petiks petiks palibhasa may kuya na CS.

Saktong paglabas namin ay kakalabas lang din ni Caden galing sa katapat namin na room.

"Uy, Ella--Cheska" gulat pa siyang bumati sa amin.

"Hi, kuya Caden!" bati ni Cheska.

"Hello, Caden!" masigla ko naman na bati, naalala ko nanaman ang sinabi dati ni Bryce na crush daw ako ni Caden, pero isinawalang bahala ko din naman agad. He's a good guy naman.

"Sa'n punta?" he asked.

"Bibili sa Cafeteria, kuya. Ikaw ba?" si Cheska na nagsalita.

"Uhh- me too" maiksing sagot niya.

"Oh tara sabay-sabay na tayo!" sabi ni Cheska.

Pagdating namin sa cafeteria ay umorder agad kami, sila lang palang dalawa, kasi ako ang naghanap ng mapupwestuhan namin, pumili ako nang mauupuan sa malapit para tanaw lang nila ako.

"Oy, Ella! magpasalamat ka rin kay Kuya Caden, siya nagbayad lahat ng 'yan" turo niya sa pagkain at ibinalik sa'kin ang pera na binigay ko sa kanya kanina.

"Thank youuuu, Caden" ngiti ko at pasasalamat sa kanya, napakamot lang siya ng batok niya at umupo na din.

Tabi kami ni Cheska at sa tapat naman namin si Caden, tahimik lang din siyang kumakain. Binilisan lang namin ang pagkain dahil 30 mins break lang naman, at snacks lang naman binili namin.

"Salamat ulit Caden ha" sabi kok bago pumasok ulit sa classroom.

----

"Oy, Ella. Sure ka na hindi ka sasama?" tanong ulit ni Ara, umiling ulit ako.

"Hindi, sabay kami ni Bryce ngayon eh" sabi ko sa kanya, next gala nalang ako sasama.

"Osige, next time sama ka ah!" kumaway na siya pati iba kong kaklase at nagpaalam.

Saktong wala na sila sa paningin ko nang makatanggap ak ong text mula kay Bryce.

๐˜๐˜ณ๐˜ฐ๐˜ฎ: ๐˜‰๐˜ณ๐˜บ๐˜ค๐˜ฆ

๐˜“๐˜ฐ๐˜ท๐˜ฆ, ๐˜ด๐˜ฐ๐˜ณ๐˜ณ๐˜บ ๐˜ฉ๐˜ช๐˜ฏ๐˜ฅ๐˜ช ๐˜ฌ๐˜ช๐˜ต๐˜ข ๐˜ฎ๐˜ข๐˜ฉ๐˜ข๐˜ฉ๐˜ข๐˜ต๐˜ช๐˜ฅ ๐˜ฏ๐˜จ๐˜ข๐˜บ๐˜ฐ๐˜ฏ :( ๐˜ฏ๐˜ข๐˜จ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ฑ๐˜ณ๐˜ฐ๐˜ฃ๐˜ญ๐˜ฆ๐˜ฎ๐˜ข ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ด๐˜ช ๐˜ด๐˜ข ๐˜ฃ๐˜ข๐˜ฉ๐˜ข๐˜บ ๐˜ฏ๐˜ช๐˜ญ๐˜ข ๐˜š๐˜ฉ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ฆ

Naningkit ang mga mata ko sa inis, sana naman sinabi niya ng maaga! nakauwi na rin si Kuya dahil half day lang siya ngayon, lumabas na ako ng gate at nang makapag-book nalang ng grab, nagulat ako nang may biglang bumusita, napaangat ako ng ulo at nakita ang kotse ni Caden, iginilid niya ang kotse niya at lumabas.

"Wala kang sundo?" he asked.

"si Bryce sana kaso may inaasikaso eh, kakatext lang" bakas parin sa boses ko ang inis.

"Tara, hatid na kita" alok niya, hindi na rin ako tumanggi.

Tahimik lang ako, dahil wala naman akong sasabihin.

"Kamusta?" he asked.

"Ayos lang naman, ikaw ba?" I asked back.

"Ayos lang, pinaghahandaan na capstone namin" he said.

"Mahirap ba?" curious kong tanong.

"Oo, naman. Pero depende din, hindi pa naman kami nag-uumpisa e" sabi niya at mahinang napatawa.

"Parang ayaw ko mag-third year ah" I shrugged, tumawa naman siya.

"Sus, kayang kaya mo 'yan. Ikaw pa ba?"

"wag ka nga, baka mamaya bumagsak ako" sabi ko naman.

"Hindi 'yan, may Bryce ka naman eh haha" ayaw ko naman umasa kay Bryce, syempre.

"Siya nalang kaya pagawain ko 'no?" biro ko.

"Pwede naman, mahal ka naman no'n papauto 'yon syempre" sabi niya sabay tawa.

"Amporky ka, joke lang-- sira!" napatawa tuloy din ako.

Saglit lang ang byahe dahil walang traffic, agad rin akong nagpaalam kay Caden.

"Thank you, Caden. Bye, ingat!" pagpapasalamat ko sa kanya, ngumit lang siya at kumaway.

I texted Bryce na nakauwi na ako, nagreply naman agad siya-- maya-maya pa daw siya makakauwi, ano nanaman ba kasing problema ng Shane na 'yon this time? and why does he care so much? to the point na ini-involve niya sarili niya sa family matter no'ng hilaw niyang pinsan psh.

Maaga ako gumayak kinabukasan, dahil pupunta ako ngayon sa condo unit nila Bryce, wala kaming schedule pareho ngayon kaya balak namin mag-advance practice sa programming, nagpahatid ako kay Kuya.

"I'll be busy na, sabihin ko nalang kay mama at papa na ikuha ka ng driver mo" sabi ni kuya, hindi ko kasi talaga kayang mag-drive-- I have this fear na feeling ko ay mababangga ako anytime.

"It's up to you, kuya. Bye" pagpapaalam ko sa kanya.

Nagdoor bell ako, si kuya Chase naman ang nagbukas ng pinto.

"Hi, kuya!" bati ko.

"Uy, ikaw pala. Tara pasok" sabi niya.

Nadatnan ko na busy silang magkakaibigan sa kanya-kanya nilang laptop, lumingon naman si Bryce sa'kin-- tumayo siya at ginawaran ako ng halik sa noo.

"EHEM PDA!" pabirong sabi ni Aeron.

"Inggit ka?" baling ni Bryce sa kanya napa 'ohh' naman si Caden at Kuya Chase HAHAHA.

Pumwesto na din ako at inopen ang laptop ko, at sinimulan na muna ang activity na iniwan sa'min kahapon ni sir.

Tahimik kaming lahat dahil parehong may kanya-kanyang ginagawa nang tumunog ang phone ni Bryce, sinagot naman niya agad 'yon.

"Hello...Oh?..ha, bakit?-- ano?! sige papunta na po ako" ayon sabi niya bago patayin ang tawag.

Ibinalik niya sa'kin ang tingin niya, ayan nanaman 'yong mapagkumbaba niyang tingin.

"Parents ni Shane, something happened. I have to go, sorry" paghingi niya ng tawad, nginitian ko lang siya.

"It's fine, take care" sabi ko.

He kissed my forehead before going out, ibinilin niya naman kay Aeron na ihatid ako kapag hindi siya nakauwi ng maaga. Masama ang loob kong ipinagpatuloy ang ginagawa ko, meron pa akong hindi maintindihan-- kainis! inis akong napapindot nalang sa keyboard ko.

"Problem?" baling sa'kin ni Caden, nginitian ko naman siya ng pilit.

"Hindi ko mapalabas 'yong data na kailangan ko" alanganin kong sabi.

Lumapit siya sa tabi ko para tignan.

"Kulang ka ng asterisk" sabi niya at nilagyan ng asterisk, nagpasalamat naman ako sa kanya.

Maya-maya ay hindi ko nanaman mapalitaw ang data na kailangan palitawin, nakakinis naman! napabuntong hininga nalang ako, narinig ko namang tumawa silang tatlo.

"Ano, kaya pa Ella? HAHAHAHA" biro ni Kuya Chase.

"Pwede humingi ng tulong, Ella HAHAHAHA" si Aeron 'yan, lakas din mang-asar.

Lumapit naman si Caden sa'kin, dinala na din niya laptop niya, chineck niya ang gawa ko.

"Baliktad naman 'tong pagkakalagay mo" sabi niya at hinayaan ko na siya na magpindot sa keyboard ko.

Tinuruan ako ni Caden, mag execute ng code ng maayos. Minsan pa ay nagtatawanan kami kasi sobrang lakas mang-asar nilang tatlo amp, bigla namang dumating na si Bryce. Sakto kakatapos lang namin.

Napabaling ang tingin niya sa'min ni Caden, may inayos kasi saglit sa laptop ko si Caden. Masama siyang tumitig sa'min anong problema niya? tumayo ako para salubungin siya, nilagpasan niya lang ako-- dumeretso siya sa kwarto, sinenyasan naman ako ni Kuya Chase na sundan kaya sinundan ko.

"What's the matter?" I asked as I closed the door, naka upo siya sa kama.

"Nothing" sabi niya, nothing pero cold, pakuluan kita diyan eh.

"Okay" sabi ko nalang.

"Tss" hi hissed, tumingin ako sa kanya

"Kailagan magkatabi? psh" He asked.

"Tinutulungan ako no'ng tao, wag mong masamain" sabi ko at umupo sa kama pero hindi malapit sa kanya.

"Pwede naman na kay Chase ka humingi ng tulong o kay Aeron, bakit kay Caden pa" inis niyang sabi.

"Eh kasi siya lang ang bakante, may tinatapos pareho ang dalawa. Makapag duda ka naman kala mo hindi mo kaibigan" inis na sabi ko.

"He fucking liked you, anong gusto mo? mag relax ako?"

"Noon 'yon! ano ka ba. Ganyan ba tingin mo sa kaibigan mo ha?" inis ko ng sabi.

"Ikaw nga hinahayaan kita na pumunta sa Shane na 'yon eh, tapos ikaw ganyan" dagdag ko.

"Are you jealous?"

"If you do, stop it. Pinsan ang turing ko sa kanya at kailangan niya lang talaga ng tulong okay?" He said.

๐™Ž๐™–๐™ฃ๐™– ๐™ฃ๐™œ๐™– ๐™ฅ๐™ž๐™ฃ๐™จ๐™–๐™ฃ ๐™ก๐™–๐™ฃ๐™œ ๐™™๐™ž๐™ฃ ๐™ฉ๐™ช๐™ง๐™ž๐™ฃ๐™œ ๐™ฃ๐™ž๐™ฎ๐™– ๐™จ๐™–'๐™ฎ๐™ค, ๐™ ๐™–๐™จ๐™ž ๐™ฉ๐™๐™š ๐™ฌ๐™–๐™ฎ ๐™จ๐™๐™š ๐™ก๐™ค๐™ค๐™ ๐™š๐™™ ๐™–๐™ฉ ๐™ฎ๐™ค๐™ช ๐™œ๐™–๐™ฃ๐™ค'๐™ฃ ๐™™๐™ž๐™ฃ ๐™–๐™ ๐™ค sabi ko sa sarili ko.

"Then, are you jealous too?"

"If you do, stop it. Kasi kaibigan lang din ang turing ko kay Caden" panggagaya ko sa kanya.

"Damn, it!" napasabunot siya sa buhok niya.

"What? I'm just saying the truth. Aren't I?" maang-maangan ko.

"Magkaiba parin 'yon" inis niyang sabi.

"Oo, magkaiba parin 'yon kasi ikaw isang tawag lang niya pumupunta kana agad, isang lapit lang niya bumibigay kana agad, wala ba siyang kamay at paa ha?" hindi ko na napigilan ang bibig ko.

"It was because I felt sorry for her" tumayo siya at tumalikod.

"No, it's because she's important to you!" napatayo na rin ako.

"So, you are," hinarap niya ako.

"Pero mas mahalaga siya!" mapaet kong sabi.

"No, hindi sa ganon. It's because she need me now"

"She's sick-- intindihin mo naman oh" dagdag niya.

"May mga magulang naman siya ha, bakit kailangan ikaw pa?"

"Kasi kailangan niya ng lakas ng loob at malalapit na tao by her side" pilit niyang ipinapaintindi sa'kin pero sarado ang utak ko.

"Bullshit! "

"So ako din ang uunahin mo kapag naghingalo na ako, ganon ba?" I asked.

"Ella, you're perfectly fine"

"Hindi naman porket maayos ako ay pwede mong isantabi muna ako Bryce eh!"

"Alam mo walang patutunguhan 'tong usapan natin. Mabuti pa aalis nalang ako" I said as I opened the door and walked out.

Niligpit ko ang gamit ko at nagpaalam kila Kuya Chase, nag ooffer siya na ihatid ko pero tinaggihan ko, gusto ko muna mapag-isa, si Bryce? ayon hindi na ako sinundan, baka pupunta nanaman ulit sa pinsan niyang hilaw.

๐๐จ๐ญ๐ž: ๐†๐—‹๐–บ๐—†๐—†๐–บ๐—๐—‚๐–ผ๐–บ๐—…/๐ญ๐ฒ๐ฉ๐จ๐ ๐ซ๐š๐ฉ๐ก๐ข๐œ๐š๐ฅ/๐—‰๐—Ž๐—‡๐–ผ๐—๐—Ž๐–บ๐—๐—‚๐—ˆ๐—‡ ๐–พ๐—‹๐—‹๐—ˆ๐—‹๐—Œ ๐š๐ก๐ž๐š๐, ๐Ÿ๐ž๐ž๐ฅ ๐Ÿ๐ซ๐ž๐ž ๐ญ๐จ ๐œ๐จ๐ซ๐ซ๐ž๐œ๐ญ ๐ฆ๐ž.