Nilabas ko ang laptop ko, meron kasi kaming reporting ngayon. Nakatayo ako sa harap at pinapaliwanag ang topic namin, my classmates were all quiet at bago 'yon dahil ang section namin ang pinakamaingay sa buong department.
"Guys yo--" hindi pa ako tapos magsalita ay napahampas si Ara sa desk niya at tumayo.
"Putangina naman Ella! maawa ka naman sa sarili mo-- umuwi kana please at tanggapin ang katotohanan" she said as she wiped her tears.
I stared at her blankly.
"E-Ella, w-wala na sila o-ok? at nakaayos na ang burol ng mga magulang mo at kuya mo sa bahay niyo. P-please don't make it too hard to your self too" lumapit sa'kin, she hugged me. Hinawakan ko naman ang balikat niya at bahagya siyang inilayo sa'kin.
"My parents went on a gathering yesterday and will be back tomorrow-- okay? saka nagrereport ako oh, 'wag ka ngang magulo" inis kong tugon. Tuluyan naman siyang napahikbi may kumatok sa pinto kaya naman napatingin ako do'n.
Binuksan ng Prof namin at pinapasok ang bisita, it's my sister-- her eyes were swollen and she looked tired.
"Hi, ate!" masaya kong bati sa kanya at ngumiti.
"E-Ella, let's go home. Hmm?" she said, tumulo naman agad ang luha sa mga mata niya.
"M-mom, d-dad and kuya. . . wala na sila. ELLA PATAY NA SILA, ISA PA HA? PATAY NA SILA KAYA PLEASE LANG UMUWI KANA" agad na napawi ang ngiti ko nang marinig ko ang sigaw niya.
Then reality hit me, it was too sudden-- I can't accept the fact that they're dead. I left the hospital yesterday at pilit na nilalagay sa utak ko na nasa gathering pa sila na bukas ay uuwi na sila. Tumingala ako dahil nagbabadya na sa pagtulo ang luha ko.
"Go h-home. . . " I smile bitterly.
"Sinong may gustong umuwi ate, kung k-kabaong na nila ang nag-aabang s-sa'kin?" kinagat ko ang pang-ibabang labi ko para mapigilan ang paghikbi ko.
I stared at her tapos ay dumako ang tingin ko sa mga kaklase ko. They're at the verge of crying too.
Namatay sila sa isang karumal dumal na paraan, pa'no ko matatanggap 'yon. Ambushed? kahit kailan ay hindi sumagi sa isip ko na one day ay mangyayari sa kanila 'yon, mahina ang limang tama ng baril bawat isa sa kanila-- it was all planned. At kung nagkataon na hindi ko nakalimutan na mero'n kaming pupuntahan na gathering ay patay na rin ako ngayon.
--------
Gabi na nang mapagdesisyonan ko na bumalik na sa bahay, kahapon kasi ay kila Ara ko napagdesisyonan na makituloy muna pansamantala.
Galing dito sa labas, tinignan ko ang kabuuan ng bahay namin, naka-open ngayon ang gate namin kaya naman kapansin-pansin ang dami ng bisita, meron ding nilagay na mga upuan sa labas at sa bungad palang ng pinto namin ay meron ka nang makikita na mga bulaklak na pam-patay, I stared at it blankly.
"Ella. . . tara na pasok na t-tayo" bakas sa boses ni Ara ang lungkot, I sighed.
Dahan-dahan akong naglakad papasok ng gate, ang bigat sa loob ko bawat hakbang ko, parang gusto ko ulit tumakbo palabas. I can't handle this situation, my heart-- parang dinudukot sa sakit, but still I tried my best para marating ang loob ng bahay namin, nararamdaman ko ang tingin ng mga bisita sa'kin-- nahagip din ng paningin ko sina Kuya Chase, Aeron at Caden.
Nakaharap na ako ngayon sa tatlong kabaong, mero'ng litrato ng bawa't isa kada isang kabaong. Una kong tinignan ang picture ni kuya dahil siya ang nasa gitna, napapagitnaan ang kabaong niya ng kabaong ni mama at papa.
Nakangiti siya sa sa picture na 'yon, ang gwapo at disente tignan, napatingin naman ako sa picture ni mama-- nakangiti rin siya, napakaganda niya. Huli kong tinignan ang picture ni papa-- he's so handsome, nakangiti din siya-- mga magagandang ngiti na kailan may hindi ko na masisilayan at mababalikan lamang sa isang larawan.
Napaluhod ako at napaupo sa sahig, hindi ko sila kayang lapitan. Masyadong nanghihina ang tuhod ko para humakbang pa, palapit sa kabaong nila.
"Aaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaah!" I yelled, sunod sunod na tumulo ang mga luha ko.
"NOOOOOOOOOOOOOOO-OOOOOOOO!" lumapit sa akin si ate at inalalayan ako tumayo, dahan dahan niya akong sinamahan papunta sa kabaong muna ni kuya, I hugged his coffin-- I didn't look at his face.
"KUYAAAAAAAAAAAA, WAKE UP PLEASE-- WAKE UUUUUUP" I begged, then I went to the side of my mother's coffin.
"MAAAAAAAAAAAAAAAAA, WHY SO SUDDEN? KAKAAYOS PALANG NATIN E. PLEASE WAKE UP AND TELL ME THAT THIS IS JUST A PRANK" I begged again then went to my father's coffin.
"PAPAAAAAAAAAAA, 'DI PA KAYO NAKAKABAWI SA'KIN 'DIBA? PLEASE BUMANGON NA KAYO D'YAN " I hugged his coffin.
I stayed there the whole night, hindi ako kumain dahil wala akong gana-- I didn't sleep too. Hindi kaya ng diwa ko na matulog, gusto ko na agad makamtan ang hustisya para sa pagkamatay nila. Gusto kong makita agad kung sino ang mga pumatay sa kanila.
-------
๐๐๐๐๐ง'๐ฌ ๐.๐.๐
Pasukan nanaman amp, bitin ang bakasyon!
"Uy, lunch na. Tara kain! Mcdo nalang" aya ni Aeron.
"Tss kayo nalang" syempre aangal si Bryce d'yan gusto n'yan masusustansyang pagkain e.
"Minsan lang, 'to naman" gatong ko.
"Oo nga, Bryce. Tara na" hinila na siya ni Chase na ikinatawa namin dahil wala na siyang nagawa e.
Humanap muna kami ng mapupwestuhan bago umorder, buti nalang 'di pa puno, si Chase na ang nag-order para sa aming apat-- oo mabait talaga 'yan lol.
Medyo maingay ang kalapit namin na table kaya napatingin tuloy ako, mukhang mga 1st year ata sila, halata naman. Pinasadahan ko mukha nila baka may kilala ako pero wala--at ang huling natignan ko ay ang ganda tangina! single kaya 'yan?
"Oh mata mo malaglag HAHAHA" sita sa'kin ng ugok na Aeron.
"Lul!" parang gago.
Napatingin ulit ako sa table nila at napansin ko na nakatingin siya-- sa'kin!? sinuklay ko naman agad buhok ko at inayos baka ma turn-off siya pag magulo buhok e.
"Napapa'no ka Caden?" tanong ni Aeron.
"Nag-aayos ng buhok tanga" 'to lahat nalang napapansin.
Mula nang makita ko siya ay pumupunta na ako sa Tourism department baka sa kaling makita ko siya. But I failed, nalibot ko na ata lahat ng year level at section sa department ng Tourism pero wala niya, gano'n ba talaga pag mala-anghel? ang hirap hanapin tangina naman.
"Oy Bro, punta kayo debut ng kapatid ko mamaya ah" syempre hindi kami tatanggi may pagkain at alak do'n e HAHA.
---
Bored akong nakatingin sa harapan at inaabangan kung kailan matatapos ang program ng event para naman makakain at inom na lol.
Agad akong nabuhayan nang makita ko ang babaeng matagal ko nang hinahanap, nanlaki ang mata ko, oo nanlaki gusto mo makita? kiss muna.
"Tangina ayan 'yong crush ko na sinasabi ko inyo!" syempre ibabalita ko sa kanila na may nagugustuhan na ako HAHAHA.
"Ulol mo, naunahan kana ni Bryce! hahaha" naunahan? tinignan ko si Bryce.
"Kilala mo 'yan Bryce!?" I asked.
"No," tanggi niya.
"Ah, kaya pala magkasama kayo sa lab? " Tanong ni Aeron, lab? pa'no naman mapupunta sa lab ang crush ko?
"Awit, broken na agad si Caden!" gatong naman ng gagong Chase.
"Taksil ka talaga Bryce! anong course n'ya?" syempre itatanong ko na para makasigurado ako.
"Crush mo tapos hindi mo alam course?" parang gago naman 'to, syempre may hiya naman ako 'no, hindi ako lalapit basta-basta baka sumigaw pa 'yon kasi ang gwapo ko.
"Malay ko ba! dalawang beses ko pa lang siya nakikita e, tapos sa labas pa!" reklamo ko.
Oo, dalawang beses ko lang siya nakita. Una 'yong sa Mcdo dahilan para hanapin ko siya sa department ng Tourism kasi pang Tourism naman kasi ang dating at height, nang 'di ko mahanap ay tumigil na ako. Tapos nakita ko ulit s'ya no'ng isang araw-- palabas ng gate, kaya ako na tanga ay naghanap ulit sa Tourism's dept, award 'di ba?
"BSIS" hindi daw kilala tapos alam kung ano'ng course, wais ka Bryce.
"Tanginaaaaaaaaaaa, sa Tourism ko hinahanap tapos ka Department lang pala natin?!" oo, isang malaking tangina talaga.
Nagpatuloy ang party na panay 'din ang sulyap ko sa kanya, hindi kasi s'ya nakakasawa tignan-- gago ang creepy ko tangina.
"OH MY GOSH 'YONG BATA!" napalingon kami dahil may sumigaw, tapos bigla nalang may tumalon sa swimming pool, 'yong crush ko 'yon ah.
Basang basa siyang umahon galing sa pool kasama ang bata, nakasuot siya ng off-shoulder above the knee white floral dress. T'yak nilalamig na 'to, buti nalang naka suot ako ng jacket na denim, huhubarin ko na sana nang maunahan na ako ni Bryce, mas'yado ba akong mabagal? napailing nalang ako, gentle man kahit papa'no si Bryce kaya siguro nagmalasakit.
Pinakilala siya sa'min ni Cheska na tipsy pa nga.
"Uhm. . . Hi, kuyas?" tanginang 'yan, ano 'to brotherzone?
"Awit, Brotherzone agad hahahaha" gago amp.
"Lul!" badtrip kayo, nang-asar pa.
---
"Oy, alam niyo ba kapatid pala ni Ella si Brix at Desha. Kaya pala parang pinaghalong Brix at Desha si Ella" nakiki Ella na rin kami kahit 'di pa namin close 'yon. Award 'di ba lol.
Mula din no'ng malaman ko na BSIS pala si Ella ay madalas na akong tumatambay dito dito lang sa department din namin, gala ako sa ibang dept pero dahil nandito crush ko. Dito muna ako lol, loyal muna tayo.
Lumipas ang tatlong buwan na halos laging magkasama si Bryce at Ella, pansin ko rin parang ang payat na masyado ni Ella, hindi gan'on ka payat pero halata sa kanya na bawas ang timbang. Ano bang klaseng pag-aaral at turo ang ginawa ni Bryce sa kanya? tss.
"Oy tara do'n sa com lab! cheer naman natin crush ko!" aya ko sa kanila, IT week kasi ngayon at kasali si Ella sa Quiz bee.
Tulad ng inaasahan ko, siya ang champion.
"ayooon! crush ko 'yan!" sigaw ko pa, syempre nakaka proud e lol.
I congratulates her nang makalabas na siya, nginitian naman niya ako. Alam ko na bukal sa loob niya ang pag ngiti sa'kin but her smile seems different this time-- bigla siyang tumumba, sabi na e, may kakaiba sa kilos n'ya.
Napatulala ako saglit sa gulat, buhat na siya ni Bryce nang makabawi ako-- kaya sinundan ko nalang sila at tinulungan sa pagpapatabi sa mga estudyante.
I saw how worried he is, gusto na din ba n'ya si Ella? napailing na lang ako.
----
Birthday ni Bryce at syempre imbitado si Ella no'n pati 'yong kaibigan niya rin. Kami-kami lang din naman at konting mga kaklase namin ang imbitado pati si kapatid pala ni Chase na si Cheska ay invited din.
Nakaisip naman sila ng laro, 10 lives daw at halata naman sa pag hohost ni Ara na pinapatalo niya si Ella kaya nag change host kami, pero natalo parin si Ella pati si Bryce.
"May gusto ka ba kay Bryce?" tanong ni Cheska.
"In a romatic way ha" dagdag pa niya, tangina akong klaseng tanong 'yon.
"Amporky! bakit naman ganyan ang tanong?!" reklamo pa ni Ella, napatingin nanaman tuloy ako sa kanya, pag napaptingin ako sa kanya ang hirap na bawiin ng paningin ko, may problema na ata ako sa mata.
"Sagutin mo nalang HHAHAHAHAHAHA" gatong pa ng gagong Chase, halatang curious din.
"In a romantic way... wala?" oh man, bakit parang hindi sigurado? napailing nalang ako.
"oh bakit patanong?! hahaahahaha, bawal ang hindi sigurado ang sagot. Ito nalang-- sa tingin mo ba magugustuhan mo s'ya in a romantic way?" akala ko iibahin niya ang tanong pero kingina nito 'yon parin 'yon e.
"Taksil ka talaga Aeron!" I pouted, oo-- totodo ko na pagpapacute ko.
"Dinadaya n'yo si Ella eh! nakapag tanong na kayo at nasagot na n'ya dapat ok na 'yon!" reklamo ko at tinunog na pabiro, pero sa totoo lang hindi biro ang pagrereklamo ko.
"Osige, si Bryce na nga!" buti nalang effective lol.
"Bryce, sa tingin mo magugustuhan mo ba si Ella in a romantic way?" aba't gago talaga 'to si Chase!
"Alam niyo? taksil kayong lahat eh 'no!" napasandal nalang ako sa sa sofa habang tumatawa sila, pero sa loob loob ko sana 'wag sagutin ni Bryce.
"Pwede naman" napanganga nalang ako nang sagutin ni Bryce ang tanong.
Maaga akong pumasok sa kwarto at hinayaan nalang na sila na ang magligpit. Hindi naman ako lasing na lasing e, nabawasan pa nga tama ko nang marinig ko ang sagot ni Bryce e.
Ilang oras na ata akong nakatulala lang dito, tangina gusto ko matulog pero ayaw makisama ng mata ko kingina talaga, napagdesisyunan ko nalang na lumabas. Paglabas ko ay tulog parin si Cheska at Ara sa sofa, napailing nalang ako-- na'san si Bryce at Ella?
Sumilip ako sa balcony, pero sana pala hindi nalang. Nando'n pala sila-- magkayakap pa, nakangiti pa nga si Bryce e. Napailing nalang ako at bumalik sa kwarto-- anong laban ko e magkayakap na kayo.
------
"Hang over?" tanong sa'kin ni Bryce, nasa sofa ako nanonood ng palabas sa TV.
"Asa ka naman, matibay ata 'to" tanggi ko.
"Ella. . ."
"May balak ka ba na ligawan siya?" I froze, napatingin ako saglit sa kanya at itinuon ulit ang tingin sa TV.
"Wala" tanging sagot ko lang, kaibigan kita e.
๐ฝ๐ง๐ค๐จ ๐๐๐๐ค๐ง๐ ๐๐ค๐๐จ, ayan ang paninindigan ko lagi kaya handa akong magparaya. Lalo na't si Ella ang magiging first girlfriend ni Bryce pag nagkataon.
"I will court her" bingo, 'yon na pala cue n'ya.
Tumayo ako at tinapik ang balikat niya.
"Good luck bro!" ngiti ko sa kanya.
"Alis muna ako ha" paalam ko sa kanya, masarap ata uminom ulit.
"Salamat"
Basta kaibigan ko, ayos lang.
๐๐ฑ๐ช๐น๐ฝ๐ฎ๐ป 17 ๐๐ฒ๐ต๐ต ๐ซ๐ฎ ๐ฝ๐ฑ๐ฎ ๐ฌ๐ธ๐ท๐ฝ๐ฒ๐ท๐พ๐ช๐ฝ๐ฒ๐ธ๐ท ๐ธ๐ฏ ๐๐ช๐ญ๐ฎ๐ท'๐ผ ๐.๐.๐ฅ
๐๐จ๐ญ๐: ๐๐๐บ๐๐๐บ๐๐๐ผ๐บ๐ /๐ญ๐ฒ๐ฉ๐จ๐ ๐ซ๐๐ฉ๐ก๐ข๐๐๐ฅ/๐๐๐๐ผ๐๐๐บ๐๐๐๐ ๐พ๐๐๐๐๐ ๐๐ก๐๐๐, ๐๐๐๐ฅ ๐๐ซ๐๐ ๐ญ๐จ ๐๐จ๐ซ๐ซ๐๐๐ญ ๐ฆ๐.