Chereads / Hanggang Kailan Aasa / Chapter 1 - Chapter 1: Tomorrow

Hanggang Kailan Aasa

themuffingurl
  • --
    chs / week
  • --
    NOT RATINGS
  • 11.6k
    Views
Synopsis

Chapter 1 - Chapter 1: Tomorrow

Jing's Pov

Nagising ako dahil sa ingay ni mama. Unting-unti kong minulat ang aking mga mata. Pakiramdam ko ngayon, basag na ang eardrums ko. Sumilip ako sa bintana at laking gulat ko na madaling araw pa lang. Ano kayang problema no'n? Bumangon na ako at saka pinuntahan si mama sa sala.

"Ma, bakit ang ingay n'yo? Anong nangyari?" Inaantok pa nga ako eh. Nalimpungatan tuloy ang buong katawan ko. Isang tao lang naman ang kayang magpainit ng dugo ni mama. Walang iba kundi si...

"Paano hindi ako magbubunganga? Eh, 'yang kuya mo hindi umuwi kagabi. Tinawagan ko at ayaw sagutin! Sinong matutuwa?" Si kuya Alfred.

Gabi-gabi naman 'yung hindi nauwi sa bahay. Babalik lang siya kapag may pasok sa school o kaya nakipag-rumble. Kaya bilang pamilya niya, damayan lahat. Problema ng isa ay problema naming lahat. Hindi kasi mapakali si mama sapagkat halos isang linggo na ang nakakalipas simula na huli namin siyang masilayan.

Buhay pa kaya si kuya?

"Jing, bumili ka muna ng bareta sa tindahan."utos ni mama. Inabot ni mama ang pera at sulat raw para kay Mang Pepe-isa sa mga taong umaasa sa pagpapautang ni mama.

Nagsuot ako ng jacket at cap dahil madaling araw pa lang. Habang naglalakad ako, iniisip ko ang reaksyon ni mama kay kuya Alfred. Sanay na sanay na ako kay kuya. Pero hindi ko maiaalis ang pag-aalala sa kanya. Sana naman walang nagyaring masama.

"Singil na naman. Naku! Due date na pala ngayon."sambit ni Manong Pepe. Halatang dismayado siya sa sulat. Dapat makapagbayad na siya bago kumulo ang dugo ni mama. Sumugod kaya si mama sa dati n'yang customer. Ganoon siya kalupit! Pwedeng-pwede nang isali sa 'sugod-bahay' ng Eat Bulaga. Walang sino man ang makakatakas! Sabayan mo pa ng inis at galit kay kuya, sasabog 'yun na parang bulkan.

"Jing, heto ang bayad ko."sabay abot ng sobre. "Pakiusap ko kay Kumareng Milagrosa na babaan ang interes. Mahina kasi ang bakery ngayon. Salamat." Tumango ako at umalis na sa bakery. Bumili na ako ng bareta sa tindahan at sa hindi kalayuan nakita ko si Jepot.

"Jepot, I miss you! Grabe ang taba mo na haha."

"Hoy! At least mas matalino ako sa'yo noh. Wala sa bilbil 'yan, nasa utak kasi."

"Aaah, kaya pala naging valedictorian ako no'ng grade 6 at salutatorian ka lang. Nasa bilbil pala ha?."sabay tawa. Sinamaan niya ako ng tingin.

Magkababata kami ni Jepot simula grade one hanggang ngayon. Mabait siya at hindi niya ako iniiwan sa isang sulok lang. Lagi din niya ako nililibre sa recess at pinapatuloy sa kanila kapag naglalayas ako sa bahay. Isa si Jepot sa mga matuturing kong kaibigan na walang iwanan.

"Oo na, alis na ko. Siya nga pala, sabihin mo kay Aling Milagrosa na sa susunod pa ang balance ko. Wala pa akong pambayad." Bakit ayaw niyang ibenta ang mga taba niya para ipambayad? Hahaha!

"Sige,sige." Masyadong lumalawak ang imagination ko baka magtampo 'yun sakin. Si Jepot talaga! Hahaha.

Pabalik na ako sa bahay nang madatnan ko ang motor ni kuya. Patay kang bata ka! Dali-dali akong pumunta sa labahan at binigay kay mama ang bareta. Ayokong mag-init ang ulo niya kay dapat 'distract mode.' Nakakahiya kaya sa kapitbahay!

"Mama, bayad po pala ni Mang Pepe. Pinapasabi po na babaan ang interes. Mahina raw po ang bakery sa ngayon." Kaya mo 'yan Jing! Distract lang.

"Sige, banlawan mo ang mga damit na 'yan tapos ibigay mo kay aling Rosie. Magluluto lang ako ng almusal natin."

"Ay! Ako na po mama ang magluluto. Sige na, kayo na lang po ang magbanlaw." Magpasalamat ka sakin kuya kung hindi lang kita talaga mahal, hindi ko gagawin 'to.

Dumiretso agad ako sa kusina para hindi na ako pilitin ni mama. Saktong nadatnan ko si kuya Alfred na painom-inom ng kape. Aba! Parang hindi siya umuwi ng isang linggo at parelax-relax lang siya.

"Hoy kuya, kanina ka pa tinatawag ni mama tapos ayaw mong sumagot. Umakyat ka na lang sa kwarto mo baka magwala si mama. Hindi ako nagkulang ng paalala sayo."sambit ko kay kuya. Naku! Mahirap talaga kapag nagwala si mama.

"Psh, I can handle it. Remember leader ako ng gang." Wow at nagsalita, leader daw ng gang? I can handle pang nalalaman. Tingnan lang natin.

Pinatong ko muna sa kama ang jacket pati ang cap ko. Naghilamos din ako ng mukha at nag-toothbrush. Habang nagwawalis ako ng sala, dinig na dinig ang sigaw ni mama kay kuya. Hindi ko alam kung matatawa na lang ako o maawa. Leader pala ng gang! Hahaha. Tigasin na tigasin ang peg tapos iiyak-iyak lang sa kwarto. Hays!

"Mama, kain na po." Nagluto na ako ng almusal namin. Si kuya, ayaw daw kumain. Masama yata ang loob.

"Jing, lunes na ulit bukas. Handa na ba ang mga project at assignments mo?"

"Opo, mama. Kahapon pa po."

"Hay salamat. Buti sakin ka nagmana at hindi diyan sa batugan mo'ng kuya. Bukas bibigyan kita ng allowance mo. Malapit na rin ang field trip, isasama na kita." Nanlaki ang mata ko. Himala! Isasama raw ako ni mama?

"Mama, anong nakain n'yo po?"

"Gusto ko kasi magselos 'yang kuya mo para bumait. Kaya isasama kita tapos siya ang maiiwan dito sa bahay." Ahh! Kaya pala. Tsk, sorry kuya.

"Salamat po mama." Excited na ako. First time ko kasi 'yun. Hindi pa ako nakakasama sa field trip eh. Wala kasi kaming gano'n kalaking halaga para sumama. Ang balita ko nga sa Vigan kami papasyal. Maraming kabayo tapos mga lumang bahay. Masarap din ang longganisa at suka doon. Grabe! Nakaka-excite tuloy.

At dahil sa sinabi ni mama, ako na ang naghugas ng pinagkainan namin. Pinagluto ko na din si papa ng ulam dahil alam ko'ng pagod siya galing construction. Tapos plano ko din maglinis ng kwarto at mag-aral para sa gaganaping quiz bee. Sipag ko naman. Ganyan ba talaga ang epekto ng excitement, sumisipag lalo?

"Jing, aalis muna ako. Maninigil lang ako diyan sa may eskinita."ani ni mama.

"Sige po mama." Tuluyan na siyang umalis sa bahay.

Umakyat ako sa taas habang may dalang walis at dustpan. Sinilip ko muna si kuya sa kwarto at ang dumi ng kwarto niya! Amoy alak na may pinaghalong vape at pabango. Kailan kaya siya huling naglinis ng kwarto? Ang himbing ng tulog niya. Nakakatulog siya sa lagay na 'yan?

Lumayas na ako doon. Grabe! Sobrang dugyot. Nahihilo ako sa sobrang baho. Ang tindi talaga ng amoy! Nasusuka pa 'yata ako.

Binuksan ko ang kwarto ko at nagsimulang maglinis. Buti pa dito sa kwarto ko, mabango at organize. Hindi katulad ng kay kuya na parang dinaanan ng buhawi eh.

Habang nagpupunas ako ng cabinet, hindi ko maiwasang mapangiti sa mga awards at medals na nakuha ko noon. Ang pait at hirap na nararanasan ko ay magbubunganga pala ng galak at kasiyahan sa buhay. Hindi kailanman magiging hadlang ang kahirapan sa amin bagkus lalo nito'ng pinagtitibay ang laban at dedikasyon ko sa buhay.

Sa gawing kaliwa ay nakita ko ang sertipikasyon ko sa Ateneo. Oo, nag-aaral ako sa Ateneo at isa akong iskolar. Nang malaman ko ang balita na 'yan, worth it lahat. Sampu lang kasi ang pinayagan noon at isa ako sa mga nakapasok. Libre lahat ng gamit ko, pamula ballpen hanggang uniform. Ang kaso nga lang dapat magco-compete ka sa ibang school at dapat no grades below 90. Marami din kondisyon para makapag-aral ka ng libre. May kasamang fees na kailangang bayaran. Tulad ng field trip at graduation.

Halos apat na buwan na lang at gra- graduate na ako sa wakas. Hindi na mahihirapan si mama at papa sa pagtrarabaho. 'Yun lang naman ang gusto ko sa buhay, ang makapagtapos ng pag-aaral.

Binuksan ko ang cabinet at lumantad ang mga damit ko. Halos lahat jersey. Boyish kasi ang style ko. Babae ako pero mas gugustuhin ko 'yung mga panglalaki ang pormahan. Hindi ko din alam kung bakit mahilig ako sa basketball o kaya kina Robin Padilla at FPJ. Mas masaya manood ng mga action movies kaysa sa mga romance.

Bigla lang ako natauhan nang may kumatok sa gate. Agad kong binuklat ang kurtina at nakita ko si papa. Bumaba na ako at nagmano kay papa.

"God Bless you anak, nasaan ang mama mo?" Umupo siya sa set at tinanggal ang napakainit niyang bota. Pumunta ako sa kusina at kumuha ng baso at tubig.

"May dinaanan lang po sa may eskinita. Uminom muna po kayo."sabay abot ko ng tubig.

"Salamat anak."

Biglang may nag-text sakin. Si mama pala.

"Papa, kumain na daw po kayo sabi ni mama at magpahinga. Babalik daw po siya mamaya." Tumango si papa at dumiretso na papuntang kusina.

"Ang kuya mo, nasaan?"

"Naroon po sa kwarto, tulog." Wala naman bago kay kuya.

"Siya nga pala anak heto ang allowance mo. Alam kong kaunti dahil hindi ko pa nakukuha ang monthly salary ko. Pasensya na."

Binigay sakin ni papa ang sobre na may lamang pera. Gusto ko sanang tanggapin kaso may pera na pala ako kay mama. Hindi na ako dapat mag dalawang isip.

"Papa, huwag na po. Itabi n'yo na lang po ito. Mayroon na po akong allowance kay mama."

"Salamat anak. Sa susunod ipapasyal ko kayo. Wala pa kasi akong sweldo."ngumiti ako kay papa.

Hindi naman kami baon sa utang pero mas maganda kung nagtitipid kami para sa kinabukasan. Walang sino man ang makakapag sabi ng hinaharap kaya mas maganda kung itabi kaysa gumastos sa walang kabuluhang bagay.

Nang matapos na si papa kumain, naghugas na ako. Naglinis ako ng bahay at nag-aral na para sa quiz bee. Ang hirap kapag ganitong walang reference na ibinigay. Wala tuloy akong ideya kung anong mga tanong sa quiz bee.

Lumipas ang maghapon at naghanda na ako kinabukasan. Sa susunod na araw pa naman ang quiz bee pero mas maganda kung prepared na agad.

Bago ako matulog, nagdasal muna ako sa altar. Sinindihan ko ang kandila at nagsimulang mag-rosary.

O Diyos, nawa'y ingatan N'yo po ang aking pamilya. Maraming salamat po sa mga biyaya na natanggap po namin ngayong araw. Maraming salamat po dahil dumaan ang isang linggo ng ayos at hindi po  N'yo po kami pinabayaan. Walang hanggang pasasalamat po Ama. Amen.