Lumiwanag ang sinag ng araw sa aking mga mata. Nakalimutan ko pala isara ang kurtina kagabi. Tumingin ako sa orasan at alas-sais pa lang naman. May oras pa para makapaghanda sa school.
Pagkatapos ko maligo, nagsuot na ako ng uniform. Inayos ko rin ang mga panglako ko. Oo, naglalako ako ng suman at mais. Hindi naman kami mayaman kaya sapilitan ako naglalako. Saka, wala sino man ang nakakaalam kung may kalbaryong darating 'di ba?
"Good Morning, ma." As usual, wala si papa dahil nasa construction. Si kuya, tulog pa din. Dinaig pa si Sleeping Beauty kung humilata eh.
"Good Morning din, Anak."ani ni mama habang nagsasandok ng ulam. Kumain na ako ng almusal at nagpaalam kay mama.
Nagsimula na ako maglako papuntang Ateneo. Sa Project 3 ako nakatira kaya walking distance lang. Huminto muna ako sa bus stop at nag-alok sa mga naghihintay ng jeep.
"Suman at mais kayo diyan. Mainit-init pa."
"Iha, isang balot ng mais at apat na pirasong suman." Inabot ni lola ang bayad at binigay ko sa kanya ang mais at suman.
"Lola, naliligaw po ba kayo?"tanong ko. Dumaan na kasi lahat ng toda at jeep pero ni isa hindi siya sumakay. Bakit wala siyang kasama?
"Papuntang Batangas ako, Iha. Saan ba ang sakayan?"
"Doon po lola sa kabilang lane. Hindi po dito nadaan ang mga bus." Inakay ko si lola sa may waiting area. Saktong may bus na biyaheng Batangas kaya sinakay ko na si lola. Inalok ko din ng suman at mais ang mga bumabyahe, naubos lahat. Salamat sa Diyos dahil hindi ko na kailangan pang pumunta sa City Hall para magbenta.
Naglakad ako papasok sa main gate ng Ateneo. Huminto muna ako sa locker para ibaba ang lalagyan ko. Nagbawas din ako ng notebooks at libro. Ang sakit talaga ng likod ko. Ganito ang buhay-iskolar. Dapat masipag ka mag-aral! At kapag hindi ka nagsipag, walang aasenso.
Tumingin ako sa announcement chart at may club joining pala kami. Kahit kaming mga scholars ay obligadong sumali. Dagdag points 'yun para sa grades at exams. Palaging music at poetry ang pinipili ko. Sanay na ako for three years. Madali lang kasi sa club na'to. Hindi katulad ng ibang clubs na dugo't pawis ang inaalay. Masyadong career na career, dumadating sa puntong wala na silang time sa acads.
Biglang nag-ring ang bell at hudyat ng Flag Ceremony. Lahat ng estudyante ay nakapila na sa labas. Section IV-A ako. Nasa pila namin lahat ng matatalinong estudyante dito sa Ateneo. Halos lahat kasi dito ay iskolar, first honor, o 'di kaya may mataas na markang nakukuha. Dito sa IV-A madalas pinipili anv ipapang-laban sa iba't ibang school. At siyempre isa ako do'n. Ang pangit lang talaga, puro aral at walang biruan. Sa section namin ang mayroong pinakatahimik na room. No wonder kung bakit favorite kami ng Principal. Haha! Peace and Quiet.
Nang matapos na ang Flag Ceremony, umakyat si 'Sir Guillermo-head ng faculty' sa stage.
"Good Morning Students."
"Good Morning Sir."tunog zombie ang pagkakabati namin lahat. Monday kasi ngayon. Kailangan ulit namin magtiis sa sandamakmakan na project at assignments. Nakakapagod! Sana naman magpa-sponsored si Sir ng Milo. Iwas energy gap.
"Today, we will be having our annual club joining. Each and everyone must participate. We are having an additional clubs so everyone can showcase their potential. On Wednesday, we will be having our quiz bee proper round. Next week, we will acknowledge those students who win the quiz bee and will compete in various school and universities. Plus, I am going to reveal the exact date and schedule of our field trip. Take note, there will be no classes for today. Thank you at Mabuhay po tayo lahat."
Biglang sumigla ang katawan ko. Wala raw kaming klase. Pati mga schoolmates ko, nabuhayan ng dugo dahil sa announcement ni sir. Yehey!
Pumasok na kami sa room at nagsimulang mag-plano kung anong club ang pwede namin salihan. Nakapag-desisyon na ako. Maarte lang talaga ang mga kaklase ko.
"Jing, saan ka sasali?"tanong niya.
Siya si Bea Lim. Mayaman, matalino, medyo singkit, maputi at may lahing Chinese. May-ari ang magulang niya ng isa sa mga pinakamalaking airline company sa China. Isa siyang exhange student dito sa Ateneo. Kaibigan ko siya simula Grade 8. Kung tatanungin n'yo ako kung bakit ko siya kaibigan? Hindi dahil sa pera. Parehas lang kaming loner at anti-social. Nagkataon lang na naging partner kami sa isang groupwork kaya kami naging close. At naglaon naging magkaibigan.
"Sa music o poetry club. Ikaw?"
"Cheering squad pa din. Nilagay na nila ako sa regular kaya wala na akong takas. Kukuha na lang kami ng new members. Sa amin ka na lang Jing." Sana ol regular na.
Sa three years ko sa music at poetry club, never nila ako ginawang regular. May favoritism kasi. Ayoko naman sa cheering squad dahil puro malandi at maldita ang kasama mo 'don. Si Bea na lang 'yata ang natitirang matino eh.
"Ayoko, saka hindi ako marunong sumayaw."tapos nag-pout siya. Hehe! Ang cute.
"Oo na, hindi naman kita mapipilit. Sabay na lang tayo bumaba tapos samahan kita magpa-register, okay?"
"Okay, mamaya na lang."
Masyadong busy lahat ng teachers namin ngayon. Pumunta muna kami ni Bea sa library at kumuha ng libro na pwedeng gamitin. Wala rin naman ginagawa ang mga kaklase namin. Nagsusulat sila ng essay sa Ethics. Tapos na ako 'don kaya wala na akong ibang gagawin.
"Bea, tungkol saan ang quiz bee natin?"
"About daw sa history ng Philippines. Hindi sinabi ang specific era o war. Basta history daw." Ang hirap naman! Wala akong ideya kung panahon 'yan ng dinosaur o panahon ni Batman. Malawak ang history ng Pilipinas at kung aaralin mo 'yun lahat ng isang araw, baka maluka ka.
Humiram ako ng 'general history' na libro sa librarian. Para sa Grades!
"Jing, tara na." Sabay kaming bumaba patungong grounds at ang dami nang pila.
"Pupuntahan ko lang si Alex. Wait mo 'ko." Umalis na si Bea at naiwan ako dito. Sana naman gawing express lane 'to. Ang haba ng pila tapos nasisikatan ka pa ng araw. Tagaktak na ang mga pawis ko. Kaunting tiis lang.
"Hindi pwede 'yan."sabi ko sa councilor namin.
"Sorry Jing. Full capacity na kami. Sa iba ka na lang sumali." Ano? Sa iba na lang. Saan?
"Please naman kahit isingit n'yo na lang ako." Nagmamakaawa na talaga ako. Ayoko kasi sa ibang clubs. Hindi ako komportable. Baka ma-out of place ako.
"Wala talaga akong magagawa." Tuluyang lumayas 'yung councilor. Sa haba-haba ng pinila ko, wala pala ako mapapala? Bwisit talaga eh.
"Ate, samin ka na lang." Nakakagulat naman si kuya. Akala mong kabuteng sumusulpot!
"Ano po bang club n'yo?"
"Swimming athletes po. Naghahanap kasi kami ng bagong member na pwedeng isali. Kayo po?"
Marunong naman ako lumangoy pero hindi proffesional. Tabing-dagat kasi ako lumaki kaya sanay ako sa babaran.
"Pwede ba ang mga amateurs diyan?"
"Opo, kami ang mag-tratraining. Pero kailangan n'yo munang sumabak sa try-outs." Mukhang maganda naman. Kaso nga lang mangingitim ako. Etchusera ka ghirl, morena ka.
"Sige. Ilista n'yo na ako."
"Yown naman. Salamat po. Ano'ng name nila?"
"Janaica Maningning. Grade 12."
Bumalik na ako sa room kasama si Bea. Matagal daw silang nag-plano tungkol sa cheering nila. Malapit na pala ang UAAP.
Sa tingin n'yo. Tama kayang sa swimming club ako?