Chereads / Hanggang Kailan Aasa / Chapter 3 - Chapter 3: Rooftop

Chapter 3 - Chapter 3: Rooftop

Ang sakit talaga ng ulo ko kakasaulo ng petsa at tao. Bakit kailangan pag-aralan ang history eh nakaraan na 'yun?

"Jing, kumain ka muna. Hindi ka pa nag-memeryenda."ani ni Bea.

"Ayaw." Kailangan ko talagang galingan bukas para naman hindi ako mapahiya.

Nasa school cafeteria kami at walang ginawa si Bea kundi kulitin ako. Alam kong nag-aalala siya pero Aish! Nababaliw na yata ako kakaisip kung paano ko 'to masasaulo.

"Sige ka 'pag hindi ka kumain, hindi papasok ang informations sa brain mo. Ang hirap kaya mag-aral ng gutom." Pangungulit ni Bea. Pagodtom na ako. Kailangan ko na yata lumaklak ng isang dosenang Vitamilk.

Simula kahapon hindi na ako nakatulog kakaisip nito. Hindi ako ang taong bastahan na lang kung makasali sa ganitong patimpalak. Napakalaking opurtunidad nito kaya hindi ko dapat sayangin. Ang nangyayari lang sakin, napapabayaan ko na ang sarili ko. Nagkaroon din ako ng anxiety attack dahil bukas na 'yun. Kumbaga mas nangingibabaw ang anxiety ko kaysa sa pagpasok ng informations sa utak ko. Kaya brain umayos ka, please lang.

"Siya nga pala, kailan ang try-outs mo?" Ang dami ko nang problema dumagdag pa 'to.

"Ewan. Wala pa naman sinasabi ang councilor. Baka mag-aanounce sila sa training ng basketball team natin." Malapit na rin kasi ang UAAP Championships kaya todo training ang ginagawa ng mga varsities.

Pero mas malapit na ang quiz bee namin. Sana naman magkabagyo para masuspend.

"Jing ang haggard mong tingnan. Wag mo kasing isipin na bukas na. Inhale,exhale." Sinabi mo pa Bea. Siguro gutom na talaga ako. Makakain nga muna.

"Tara, kain tayo." Wala tuloy ako sa mood ngayon kaya ako na ang nanlibre. Medyo mabait naman ako sabi ni kuya. Medyo lang!

"Sana naman hindi galingan ng mga kalaban natin."

"Bakit naman?"

"Paano ang pagiging valedictorian ko kung sila ang mananalo? Masasayang lahat ng effort ko."

"Wag mo kasing- Aray!" Napaupo si Bea sa sahig. Ang sakit siguro n'yan sa pwet!

"Hoy kuya, marunong ka bang mag-sorry." Sambit ni Bea doon sa lalaki. Inalalayan ko siya tumayo.

"Oo nga, akala mo sayo 'tong hallway. Bakit ikaw ba ang nag-semento nito?" Wala siyang karapatan saktan ang bestie ko. Patay ka sakin! Aabangan kita mamaya sa gate!

"Excuse me? Miss." Pagharap ng lalaki, napatulala si Bea. Kahit ako rin.

"Ikaw?"sambit ni Bea. Ang gwapo kasi ni kuya eh. Malaki ang katawan tapos nakataas ang buhok niya. Matangos ang ilong at kulay brown ang kanyang mga mata.Tulala ang lola mo!

"Hoy Bea. Gising!" Inalog-alog ko para naman magising sa realidad. Hello? Wala kami sa libro o kayang kahit anong fantasy book. Totoong buhay kaya 'to.

"Ah s-sorry talaga. Sige, B-bye." Tapos hinila niya ako papuntang canteen.

"Hoy, ano 'yun?" Subukan mo lang talagang mag-pabebe.

"Ang alin?" Wow! Parang walang nangyari ah.

"Bakit ikaw ang nag-sorry eh siya nga ang bumangga sayo?" Hindi ko talaga aatrasan ang lalaking 'yun. Wala akong paki kung gwapo siya. So what?

"Hayaan mo na Jing. Hindi naman yata sinasadya." Sus! Hindi sinasadya eh bakit nakataas ang kilay kanina? Ano siya si Madam Kilay?

"So palalagpasin mo ng ganon-ganon na lang?"

"Oo, gwapo naman eh. Mag-aral ka na nga."sabay tawa.

Dumiretso na kami sa library para maghanap ng ibang libro. Masyadong madami ang informations na papasok. Dapat maglaan ako ng mga 16gb na space. Pati pala sa pag-aaral kailangan din ng space. Hala humugot na!

"Ms. Ilang volume po 'to?" Kinuha ko na ang buong encyclopedia. Nanlaki nga ang mata ng librarian. Ganyan talaga kapag nagsisipag.

Anim ang volume ng encyclopedia kaya hiniram ko na. Pagbalik ko sa upuan, nakatulala si Bea. Naku! Naku! Love at first sight agad?

"Hoy!" Mahina lang para hindi maingay. Gano'n ba talaga ang nagagawa ng mga lalaki. Nabangga mo lang love na agad?

"Bakit ba?"tapos namumula ang pisngi niya.

"Tulungan mo na lang kaya ako magsaulo kaysa kung ano-ano ang iniisip mo." Bukas na 'yun teh. Bukas na.

Tinuruan na ako ni Bea sa History tapos ako naman ang nagturo sa kanya sa Math. Magkahiwalay kasi ang sinalihan namin kaya dapat tulungan. Hindi na kami magkikita dahil magkaiba kami ng room.

Kada tuturuan ko si Bea lagi siyang natutulala. Ang sarap tuloy ihampas ang libro na'to. Hehe! Joke lang syempre. Naalala ko tuloy 'yung lalaki. Hinding-hindi ko siya tatantanan. Nang dahil sa kanya nawala na ang concentration ng bestie ko.

"Uy, salamat pala."ani ni Bea.

"Wala 'yun. Basta bukas sabay tayong papasok, okay?"

"Sige, sige."

Dumating ang van ni Bea tapos inihatid ko na. Bumalik ako sa loob ng school upang mag-review ulit. Habang naglalagay ako ng gamit sa locker, may narinig akong nagkwekwentuhan.

"Ang landi talaga ni Bea. Napaka-feelingera niya talaga."sabi ng isang junior. At dahil narinig ko ang pangalang 'Bea' nag stay muna ako.

"Kaya nga ang kapal ng mukha. Biruin mo 'yun kinausap niya si Papa Oliver. Hindi sila quits." Sino naman si Oliver? Naiinis na ako. Ayokong pumatol sa mga babae pero baka magawa ko.

"Kaya nga, assumera talaga."

"Kung hindi n'yo babawiin ang mga panlalait na lumabas sa mga bibig n'yo. Pagsisihan ninyong lahat." Siguro pulang-pula ngayon ang mukha ko sa galit at inis.

"Sino ka ba?"sabi ng babae katabi ni junior. Tinaasan niya ako ng kilay. Ahitin ko 'yan eh.

"Isa."

"Dalawa."

Binalot ko ng panyo ang buong kamao ko. Patay kayo sakin!

"What is happening here?"ani ni Sir Guillermo. Buti na lang dumating si Sir baka kung ano magawa ko.

"Sir, these junior students are name-calling one of the best scholars here at Ateneo. This is inappropriate." Sumbong ko kay Sir. Sana naman panindigan niya ang side ko.

"Okay. The three of you, go to the guidance room. And you, Jing. Thank you for telling. We never tolerate this kind of malicious acts in this institution. You may go home." Buti naman.

Umalis na 'yung tatlong itlog. Salamat naman at nakapagpigil ako kanina at kung hindi, uuwi silang kalbo. Teka nga lang may nakalimutan ako...

'Yung lalaking nabangga ni Bea.

Pumuwesto ako sa may gate. Ang daming gate kasi dito sa loob ng campus. Dalawa ay sarado na kaya dito ako ngayon sa gate 3. Tanaw ko naman ang gate 4 kaya aabangan ko siya.

Halos kalahating oras na ako nag-iintay kaso hindi pa rin dumadating. Makapaglibot nga baka sakaling makita ko 'yun.

Naglakad ako pamula first floor hanggang third floor. Grabe! Nakakahingal 'to. Nilibot ko na rin lahat ng building pero hindi ko siya makita. Bakit ko nga ba siya hinahanap in the first place?

Umakyat ako sa rooftop at nasagot lahat ng tanong ko. Nakita ko siyang nakaupo sa bench at may hawak na gitara.

"Hoy!" Tumingin siya sakin tapos bumalik ulit sa pag-strum. Ano ako? Hangin.

"Bakit?" Nilapag niya sa tabi ang gitara tapos humarap siya sakin.

"Humingi ka ng sorry."

"Para saan? Kanina?" Patay-malisya ang peg. Sorry nabasa ko na lahat ng romantic books at cliche na 'to.

"Oo, anong akala mo sakin? Palalagpasin ko lang. No way." Nakapamewang ako. Hinding-hindi ako aalis hangga't hindi ko naririnig ang sorry niya.

"Eh, hindi naman ikaw ang nabangga ko. Ba't naman ako magso-sorry?" Lintik na 'yan. Ayaw magpakumbaba ako na nga ang nagsabi mag-sorry,ayaw pa!

"Isang sorry lang, ayaw mo pa. Ikaw nga 'tong nakabangga." Ang tigas naman ng puso niya. Hindi ba siya tinuruan ng manners sa bahay?

"Ayaw." Nakakainis na talaga!

"Ma-pride ka din no'h."

Hindi na siya nagsalita matapos kong sabihin 'yun. Buti nga! Napatameme lang siya.

"Sorry." Nagulat ako. 'Yung pagkakasabi niya sincere at ramdam mong humihingi talaga ng tawad. Ano'ng nangyari at bumaliktad yata ang mundo?

"Nag-s-sorry ka t-talaga."

"Oo na. Okay na ba? Nag-sorry na ako. Pwede ka nang umalis."sabi niya na may halong inis at galit.

Teka nga lang, may hindi ako alam dito. Bakit bigla siyang nagalit? Naging curious tuloy lahat ng brain cells ko. Jing wala naman masama mag-tanong, 'di ba?

"Wait lang. May problema ka ba?" Ang bilis niya kasi mairita. Hindi siya makatingin at may binubulong siyang kung ano-ano.

"Minsan kasi ang problema parang bulkan. Kapag hindi mo natiis luluha ka na lang." Confirmed! May problema nga.

"Ano nangyari?" Ang tsismosa ko naman. Eh sa may problema 'yung tao. Masama bang tumulong?

"Wala 'yun. Sige na umalis ka na. Malapit na mag-gabi."

"Sabihin mo na kasi. May problema ka kaya dapat i-share mo sa iba." Napabuntong-hininga ako.

"Naalala ko lang kasi 'yung sinabi mo kanina."

"Alin? 'Yung pride?"

"Oo. Tama ka."

Sinundan ko lang siya doon sa may bench tapos sabay kaming umupo.

"Kanina lang kasi kaya ako napatakbo dahil tumawag si Ivy. Inatake sa puso si Dad nang dahil sakin. Ipapakasal kasi ako noon dahil sa business matters. Nagalit ako kay Dad at dahil 'don tumaas ang pride ko. Ilang beses siyang nagmakaawa na bumalik ako sa bahay pero umayaw ako. Pakiramdam ko kasi hindi niya ako anak. Hindi naman ako isang laruan na pwede mo'ng ibigay sa iba. Ngayon, pinagsisihan ko na lahat. Ang tanga ko. Ang tanga-tanga ko." Humagolgol siya. Niyakap ko na lang. Walang iba ang kayang umintindi sa kanya kundi sarili niya. Nandito lang ako upang damayan siya.

"Alam mo pagkatapos mong sabihin sakin lahat ng 'yan gumaan ang loob ko."

"Masama ba ako'ng tao?" Naawa ako sa kanya.

"Hindi mo naman kailangan damdamin lahat. Gusto lang ng tadhana na magpahinga na ang Dad mo. Tanggapin mo na 'yun. Balang araw maiintindihan ka rin niya."

"Salamat." Ngumiti na siya. Ang sarap pala sa pakiramdam na tumulong sa ibang tao.

"Friends."aniya.

"Friends." Tapos nag-pinky swear kami.

"Teka lang ano'ng pangalan mo?"

"Oliver. Oliver Ramirez."