Chereads / VOICELESS / Chapter 2 - CHAPTER 2

Chapter 2 - CHAPTER 2

Nakaupo na uli ako sa classroom namin at nagsa-soundtrip. At sa pagkukwentuhan nila Lee kanina ng Handsome Club nalaman kong magkakabata rin pala sila kaya pala hindi lang basta basta ang pagsama-sama nila at nakakatuwa din kasi kahit ngayon ko lang sila nakasama hindi nila pinaramdam na hindi ako kabilang sa kanila. Hindi dahil sa pogi ako kumbaga sabi nila "Sino pa ba daw ang magdadamayan kundi kaming mga gwapo" hahaha

Nakakatuwa sila. Naalala ko tuloy ang mga kabarkada ko sa probinsya nakakamiss lang hehe.

Nakatingin lang ako sa labas ng bintana at naghuhum. Ng may nagbukas ng pinto at parang naramdaman kong natigilan din ang mga kaklase ko kaya napatingin din ako. Laking gulat ko ng makita ko si Mahlia mula sa pinto ng classroom namin. Oh sh*t! Anung ginagawa nya dito?!!

Nililibot nya ang paningin nya na para bang may hinahanap. Eto na naman sya, walang reaksyon at walang emosyon ang mga mata nyang kulay brown.

Napalunok ako ng magawi ang paningin nya sa row kung saan ako nakaupo. Agad akong nagiwas ng tingin. Anung kailangan nya sa akin. Letse!! Kumakabog ang dibdib ko ewan kung bakit?! Ganito ba ako kaapektado sa presensya nya?! Eh ngayon ko lang naman sya nakita. Arrghhh!! Nakakabakla ito.

Halos mapatalon ako ng may naramdaman akong umupo sa tabi ko. Agad nanlaki ang mata ko!!

Si Mahlia!!

Nakaupo!!

Sa tabi ko!!!

Bigla din syang napatingin sa akin na nakakunot ang nuo. Siguro nararamdaman nyang hindi ako mapakali. Sh*t pinagpapawisan ako.

Anu ba Zairon?!! Fix yourself!! Crush mo lang yata sya eh kaya ka nagkakaganyan??

CRUSH!!!!???

Hindi na ako makalingon sa kanya kasi talagang naiilang na ako. Ramdam ko na rin naman na hindi na sya nakatingin sa akin. Whoooo!! Natahimik na rin ang mga kaklase ko. Maya maya dumating na ang proffesor at sana makapagfocus ako kasi favourite subject ko pa naman to!!

Jusko po. Tulungan nyo ako!!

Anu ba tong pinagsasasabi ko nakakabakla!!!

Ehemmm!! Good afternoon Class, Im Mr. Sherwin Lacos for your Accounting Subject. Ohh Ms. La Vida!! ". Ewan pero mukhang nagiba ang tingin ko kay sir. Nakataas kasi ang gilid ng labi nya na para bang inaasar nya si Mahlia.

Lahat kami napalingon sa katabi ko. Na walang pakialam.

"Welcome to my class!! Sana naman ngayon makapasa kana. Hindi porket anak ka ng isa sa mga stockholder dito ay parelax relax ka na lang sa subject ko nakakahiya naman sa Papa mo!! "

As usual wala syang reaksyon. Bakit hindi sya sumagot talaga bang wala syang boses?? Nakatingin lang sya sa proffesor na lamlam ang mga mata.

"Kung sabagay hindi ka naman makakasagot sa recitation ko! Dahil hindi ka naman talaga nagsasalita hahaha bale galingan muna lang sa mga exam!! "

Aba't bastos tong prof na to ah. Naku kung hindi ko lang paboritong subject tong hawak mo nagdrop na ako!!

"Okay class let's start!!"

Napatingin ako sa katabi ko at nakakapagtaka na kalmado lang sya. Doon ko natitigan ang mukha nya. Maganda sya oo. Makinis ang mukha, magandang mga pilik mata, katamtamang tangos ng ilong, medyo makapal at mapula ang kanyang mga labi. Napalunok akong matitigan ang mga labi nya parang ang lambot halikan...

What?!!!

No. No. No. Tumigil ka nga Zairon Joseph malalagot ka s Mama mo napakapervert mo!!

Nagfocus na lang ako sa pakikinig at nang may matutunan ako!! Tama Tama Tama. Inhale Exhale!

Malapit ng matapos ang oras ng klase bute na lang huling subject ko na to. Makakapaglibot ako sa University. Para sa sunod hindi ako maliligaw.

"Okay Class!! Before you go, may ibibigay akong activity sa inyo. Pair by two's, ito ang references pumunta kayo ng library at dun nyo hanapin pakisagutan na rin ang mga questions regarding sa problem na isosolve nyo! Kailangan kong makita ang equations nyo maliwanag!! Ayaw ko ng nagkokopyahan!! Pakipasa sa desk ko early in the morning!! Okay dismiss!!"

Agad umangal ang mga kaklase ko.

"Naman si Sir uuwe na lang magbibigay pa ng activity! Tsk."

"Oo nga, mauudlot tuloy pagshoshopping natin. Kainis naman!! "

"Tapusin na lang natin agad para matapos tayo at makapunta pa sa Mall."

"Sige tara na nga."

Sh*t!! Sinong magiging partner ko?? Wala pa naman akong kaclose dito. Napalingon ako sa katabi ko. Gulp. Napalunok ako ng malaki. Paano ko sya yayayain na maging partner ko!!

"Ahmm,."

Lumingon sya!!

"Partner ba tayo?"

Aishh lihim akong napapikit ng palihim.Zairon anu bang klase ng tanong yan?? Tinanong mo agad kung partner kayo pwede mo naman syang tanungin kung pwede muna diba!! Aisshh ang bobo ko!!

Napakurap pa sya ng dalawa ang ganda talaga ng mata nya tapos tumango ng isa. Grabe bilang na bilang ko lang ang galaw nya. Napakatipid naman nito.

"Si-sige t-tara na sa l-library?" Nakakautal. Tsk.

Nagpauna na syang tumayo at maglakad palabas. Dali dali ko naman inayos ang mga gamit ko at napatakbo kasunod sa kanya.

Napatigil sya saglit at inintay ako. Hehe mukha syang astigin sa porma nya nakasabit ang isang strap ng bag nya sa kanang balikat at nasa bulsa ng kanyang blazer ang kaliwa nyang kamay. Astig hehe napangiti ako.

Nawala ang ngiti ko ng makita ko wala na naman syang reaksyon. Tsk. Hindi ba sya nacucutan sakin?? BAKIT NAMAN SYA MACUCUTAN SAYO??! Napanguso ako. Hmp bahala na nga.

Library

"Aahh, teka ganito na lang hanap ka na lang ng pupwestuhan natin ako nang bahala humanap ng reference natin."

Tumango naman sya at tumalikod na. Haaaysst. Baka antukin ako sa sobrang pagkatahimik neto. Pssh. Wag ka na magalala Zairon maganda naman kasama mo hehehe. Hmp. Bolero!!

Agad kong nahanap ang libro na binigay ni Sir Lacos. At umupo sa tabi ni Mahlia, tulala sya at may nakasapak na headset sa tainga nya. Nagaalangan akong kulbitin sya pero partner kami sa activity aba hindi pwedeng ako lang ang gumawa diba??

"Uy!"

Napapitlag sya nagulat ko yata hehe cute!! Pinakita ko sa kanya yung libro sign na magsisimula na kami.

Tinanggal nya ang headset nya at nilabas ang yellow paper at sign pen nya.

"Ahh hehe so-sorry. Ba-bago ehem muna tayo magstart. A-ako nga pala si Zairon Joseph Soberano. In short Zairon na lang."Ngumiti ako kasama mga mata at pakita ng dimples. P*ta pacute!! Pwe..

Napakurap kurap sya at nagiwas ng tingin tapos nagsulat sa papel.

Bumuntong hininga na lang ako. Grabe parang hangin lang tong kasama ko napailing na lang ako At hinanap ang page na gagawin namin. Nagulat ako ng may pinatong syang kapirasong papel sa ibabaw ng libro. Binasa ko at napangiti ako.

Mahlia Belle La Vida

Ang nakasulat. Hindi naman pala sya masungit eh. Sh*t ang ganda ng handwritten nya. Nagiinit ang mukha ko. Lintik naman parang akong babae na kinikilig!! Hindi pwede to.!!

Nagtanguan na lang kami at tinago ang ngiting kumakawala sa mga labi ko. Napatingin ako sa kanya at parang bigla tumigil ang mundo ko.

Wala syang pakialam. -_-

Haaayst ang manhid neto!!

Huhuhu. Parang ang lungkot ng buhay nakakahawa ang emosyon nya.

**********

Natapos ang activity namin ng hindi naguusap. Malamang eh ako lang naman ang nagsasalita kaya nanahimik na lang din ako. Napapansin ko rin na hindi naman sya nahihirapan sa Accounting dahil nasasagot nya ng tama ang tanong at equations. Pero bakit kaya sya bumagsak sa Accounting?

Hmm siguro tinamad magpapasok sa klase hindi naman sya mukhang bulakbol. Pero wala sa itsura nya ang tatamad tamad sa pagaaral. Mukha ngang pursigido at dedikado syang magaral eh. Pero bakit nga may back subject sya? Tsk dami ko naman tanong.

May iniabot sya sa akin na note. Nagaalangan pa ako kung tatanggapin ko ba. Tumingin muna ako sa kanya bago ko kunin. Binasa ko.

"I'll go ahead."

"Si-sige."

Tumango naman ako pagkabigay nya ng handouts niya sa akin naglakad na sya paalis.

Ganito ba talaga sya? Sabi naman nina Mike na walang pinapansin tong pinsan nila? Ibig bang sabihin special ako?? Hahaaha Assumero din ako eh nuh!  Medyo awkward pa kasi hindi ko alam kung paano ko sya iaapproach. Hindi kasi ako sanay sa mga ganitong bagay lalo pa at wala naman akong kaclose na babae.

Kapag meron naman kasing lumalapit sa akin na babae may gusto sa akin o kaya naman ay hihingi ng atensyon para mapansin sila. Ayoko ng ganun. Babae pa mismo ang lumalapit gusto ko kapag nagkagusto ako, ako mismo yung lalapit.

Haysst pero dedma talaga ang pogi points ko. Bakit ang ibang babae naman nagpapansin na agad pag nakikita pa lang ako o makakasalubong ako sa daan. Bakit sya?

Hmmmm napaisip ako at dun ko napagtanto na ibang iba sya sa mga babae na nandito sa campus. Lalo tuloy akong nagkainteres sa kanya hehe wag ka magalala una pa lang to kikilalanin kita at bibigyan ng kulay ang buhay mo :)

Pshhhh Corny ko!! Ulol!!

Naglakad na rin ako papuntang Parking Lot. Dumiretso ako sa pinagpark ko ng bike tinanggal ang lock at inayos ang gamit ko. Nilagay ko sa manibela na nakaharap sa akin.

Sa likod ko ay may papadaan na motor kaya napatingin ako dito bago ako umatras. Ngunit nagulat ako ng makita si Mahlia na nakamotor. Astig!! Grabe lahat na lang ba ng bagay ay gugulatin nya ako. Mostly mga nakakotse ang mga nandito pero sya? Grabe hindi yata mauubos ang pagkamangha ko sa kanya. Ako nga pabike-bike lang eh sya? Heheh

Hayys ngayon ko na lang ulit to naramdaman na magka-Crush sa babae although hindi ko pa sya ganun kilala but there's this feeling na. Urgh i cant explain it. Di bale malilinawan rin ako but for now uuwi na muna ako kailangan ko pang iencode itong handsout namin buti na lang may personal computer sa bahay kaya hindi ako mahihirapan pa na magrent sa computer shop.

"Ma, nandito na ako!" Sigaw ko pagpasok ko pa lang sa bahay.

Sumilip si Mama sa pinto ng kusina.

"Ay nandito kana pala totoy halika na at kumain gumawa ako ng meryenda"

"Yun! Sakto nagugutom na ako Ma. Anu ba yan?"

"Bananaque, nagbenta ako sa mga kapit bahay natin ay yanung sarap daw halos naubos ang paninda ko napapansin ko rin na walang dumadaan dito sa village natin na nagbebenta ng kahit anung meryenda kaya naisipan kong magluto kasi nainip ako dito sa bahay kungsabagay ay makakaipon din ako ay sayang din." Nakakunot ang noo ko sa sinabi ni Mama.

"Ma hindi mo naman kailangan pa magtrabaho at maglako mapapagod ka napakainit pa naman sa labas eh pano kung mapano ka?" Kontra ko kay Mama totoo naman kasi hindi pwedeng mapagod si Mama kasi may sakit sya sa puso kaya nga hindi namin sya pinagtatrabaho ni Papa.

"Totoy ayos lang ako sayang naman at makakaipon pa ako."

"Anu namang pinagiipunan mo po Ma?." Taas ang kilay ko ng makita ko si Mama nang mamula.

Umiwas sya ng tingin sakin napainom pa ng tubig.

"Ma" tawag ko sa kanyang hindi sya sumagot.

"Wala! Masama bang magipon? For emergency kung sakali."

"Talaga Ma? Kami ng bahala ni Papa dun diba." Hay nako Ma tumigil ka po ha tama na ang isa magagalit si Papa sayo."

"Hindi naman nagagalit Papa mo." Bulong pa ni Mama

"Anu po yun Ma?" Tanong ko kay Mama ng bumulong bulong pa sya.

"Wala! Ubusi na daw yan at umakyat ka na." Haha nagtatampo na Mama ko, gumaganyan yan kasi pinipigilan sya sa gusto nya.

"Wag ka na magtitinda Ma ha." Huling kagat ko na sa bananaque ang sarap tama lang ang tamis. Masarap talaga magluto ang Mama ko and im proud of it kahit anu yatang lutuin nya ay masarap kahit nung nasa probinsya kami kapag meron mga okasyon sa bahay si Mama ang naprepera nun at talaga naman mabenta sa mga bisita namin. Gusto nga ni Mama magtayo ng karinderya kaya nga lang ayaw namin ni Papa kasi sa sitwasyon ni Mama ayaw lang namin na dumating sa punto na aatakihin sya sa sobrang pagod. Binibaby pa naman ni Papa to hahaha

"Oo na! Hmp!" Nagtaray na po ang Mama ko hahaha

Itinapon ko na sa basurahan ang stick at lumapit kay Mama yumakap ako sa likod nya.

"Wag kana magtampo Ma. Ikaw na nga inaalala namin eh alam mo naman baby ka namin" lambing ko pa kay Mama ng hindi na aya magtampo.

"Baby?! Ako pa ang baby eh Ikaw nga tong totoy ko eh." Sabat pa ni Mama.

"Asus naman si Mama nagtatampo pa eh ang tanda na hindi bagay." Loko ko pa kay Mama. Ganito ko talaga lambingin Mama ko.  Kinurot pa ako sa braso.

"Aray Mama!" Umalis na ako sa pagkakayakap kay Mama dahil kukurutin na naman ako.

"Sinong matanda ha!? Sino?! Sino??!" Ayan na sunod sunod nya na akong kinurot sa tagiliran ko hanggang sa kili-kili pero hindi masakit niloloko ko lang si Mama.

"Aray Ma! Ma! A-aray! Tama na po!" Panay iwas ko kay Mama para na kaming naghahabulan na kami ni Mama sa kusina.

"Sabihin mo ulit sa akin kung sino ang matanda ha?! Itong totoy na to!" Nakapamaywang na si Mama.

"Hahahaha Wala Ma! Sinong may sabi? Wala Ma! Wala! Hahaha" taas kamay na ako kay Mama kasi namumula na sya sa inis.

Kumiss na ako kay Mama at tumakbo pataas kasi aambangan na naman ako ng kurot.

"Akyat na ako Ma! I love you! Tsaka Zairon po! Zairon!" Tumakbo na ako pataas bago pa man ako makapasok sa kwarto narinig ko pa si Mama.

"I love you too Totoy ko!" Napailing na lang ako kay Mama. Para lang kaming magkapatid.

That's why I treasure her so much and Papa also. Ginagawa ni Mama ang lahat maalagan lang kami ni Papa ng todo at ganun din naman kami kay Mama na para na naming Baby haha.

Si Papa hindi yun timitigil magtrabaho matustusan lang ang pangangailangan namin lalo na kay Mama kasi buwanan ang pagpacheck up nya. Sobrang mahal ng bayad para lang magpa-appointment sa Doctor. Bute na lang sa bagong trabaho ni Papa marami ang nabawas sa mga bayarin namin ito pa lang bahay, ang pagaaral ko at alam ko marami pang benepisyo. Isang Maintenance Staff ang Papa ko sa isang malaking kompanya. Sa pagkakatanda ko ang sabi ni Papa naikwento nya na napakataas ng building na pinapasukan nya at araw araw ang daming tao. Hindi ko nga lang matandaan ang pangalan ng kompanyang iyon pero sa mga naikwekwento ni Papa sikat ito at talaga namang dinadayo ng mga kliyente.

Balang araw makakapasok ako sa magandang kompanya, makakapagtapos ako at magsusumikap para sa pamilya ko. Maibalik ko man lang ang lahat ng sinakripisyo nila para sa akin at mabigyan sila ng magandang buhay. Pinapangako ko ito dahil ganoon ko sila kamahal. Sila lang ang nagbibigay saya at purong pagmamahal sa buhay ko. Masaya ako at sila ang binigay ng maykapal sa akin bilang mga magulang ko. Napakaswerte ko at ganun din sila sa akin syempre nagkaroon sila ng napakagwapong anak hehe

**********

Late update!!

Namiss ko kayo hahaha

Sobrang busy lang ni tiya mo.

Pasensya na sa mga words may konting Marinduqueño Language jan hahahaha

I love you All!!

Yahhh!! Masyadong lame yata ang part na ito pero nakakatawa si Zairon nuh!! Hahaha parang Baklang kinikilig!!

Anu gusto nyo pa??

Till my next update! See you!!

I LOVE YOU ALL!!

July 22,2020