Chereads / VOICELESS / Chapter 3 - CHAPTER 3

Chapter 3 - CHAPTER 3

Mabilis na lumipas ang mga araw, linggo at buwan nalalapit na ang FunFest. Dito iba't ibang booths ang itatayo malaki kasi ang field na pagdarausan nito. Sa gitna ay mayroong malaking stage para sa Battle of the Bands, sa bawat gilid nito ay sari-saring food stalls ang nakatayo, sa bawat building naman nakalagay na mga theme booth kung saan ang mga estudyante ang nakaisip gumawa ng pakulo.

Ang daming mga estudyanteng pakalat kalat sa paligid ang iba inaayos at abalang abala sa kanilang mga pwesto pineprepara ang mga kailangan.

Saan akong booth?

Syempre saan pa eh di sa Handsome Booth!! Dito na ako isinama nina Lee dahil isinali na lang nila ako sa Club nila ng hindi pa ako nagsusubmit ng form sya na daw bahala. Tsk tsk tsk ayaw ko pa sana kasi ang gusto ko talagang salihan ay ang Battle of the Bands dahil hindi naman sa magaling ako kumanta eh talagang magaling naman hahahahaha

-_-

Hahahah syempre bigay ni Lord ang talent kaya dapat maging proud ka!

Baka next year na lang ako magaudition kasi yearly nagaganap ang FunFest ngayon dito muna ako sa Handsome Club masaya din naman kaya lang hindi pa ako nasasanay sa mga nagtitiliang mga babae pag dumadaan kami. Minsan nga ang dami ding nagbibigay ng regalo sakin eh hindi ko naman birthday sabi naman nila normal na yun sa mga Fans nila hindi ko akalaing may mga Fans na rin pala ako hehehe Actually hindi lang pala sila/kami ay anim kundi marami pa palagay ko 2 team siguro ng basketball players ang bilang.

Marami na rin ang nagbago simula ng makapasok ako dito sa University, madali na akong makacope up sa mga lectures ko,  nakakatuwa lang na pati mga professors ay natutuwa sa akin lalo na si Mama yun pa number 1 supporter ko yun hahah, marami na rin akong mga kaibigan mas naging close pa kami nina Lee, Mike, Riel, Reymark,Jayjay ewan ko lang kay JC kasi totoong tahimik talaga yun hindi namamansin pero hindi naman nya ako tinataboy pag magkakasabay kami kumain sa Cafeteria napagusapan na kasi na sa Lunch magkakasama kami tapos sa Friday ng hapon ang meetings nagpaplano pa nga sila ng outing sa Boracay pagkatapos ng Fun Fest eh pinagiisipan ko pang sasama ba ako o hindi wala naman kasi akong pamasahe papunta dun hahaha.

Ang hindi lang nagbago sa lahat?

Si Mahlia.

Oo sya na naman.

Ewan ko ba naging likas na gwapong stalker na yata ako. Nagtataka na nga sina Mike kung bakit nagtatanong ako about kay Mahlia, inamin ko na rin na crush ko si Mahlia nung una nagulat pa sila pero pagtapos nun pinagtawanan lang nila ako haha kesyo ganito hindi raw ako mapapansin ni Mahlia kasi wala talaga syang pinapansin. As in! Sabi ko pa nga liligawan ko pinsan nya eh ako daw bahala kung kaya ko daw eh bilib na sya sakin pero bago yun binantaan pa ako na kapag pinagloloko ko lang si Mahlia humanda daw ako hahaha hindi naman ako natatakot dahil hindi naman yun ang intensyon ko at tsaka malalaman at malalaman rin naman nila to bat ko pa ililihim.

Mula dito sa pwesto ko kitang kita ko sya. 1 week walang klase kasi time yun ng paghahanda sa FunFest. Napapansin kong lagi syang magisa, kung makakasalubong man kami ay hindi sya tumitingin, diretso lang ang lakad nya, minsan lagi syang nakatulala, oo alam ko kasi tinititigan ko sya ewan ko lang kung nahahalata nya yun hehehe Nakaupo sya sa isang bench ngayon, nakapasok ang dalawang kamay sa hoody nya na kulay itim at nakaheadset, nakatingin sya sa ginagawang stage na para bang nagoobserba sya ng mga taong nagkakandaugaga magayos.

Napakunot ako ng noo. Lalapitan ko ba o lalapitan?

Huh! Bakit kinakabahan ako, pagkatapos kasi ng naging activity namin naging hangin na rin ako sa paningin nya. Akala ko pagkakataon ko na yun na mapalapit sa kanya at makipagkaibigan. Hindi pala ganun kadali. Nagdadalawang isip pa ako kung kakausapin ko sya o hindi. Ang mga kasama ko naman ay busy sa kani kanilang toka sa booth natapos ko na ang akin kaya hayahay na ako hehehe.

Whoooo! Kaya mo yan Zairon uupo ka lang naman sa tabi nya at kakausapin. Yun lang! Hingang malalim. Inhale Exhala Inhale Exha--- aishhh bahala na.

Dahan dahan akong naglakad palapit sa kanya kahit hindi man sya lumingon natatanaw ko ang mukha nya. Grabe lakas tama na ata ako hindi sya yung tipong maganda talaga sa unang tingin pero pag tinitigan mo lalong gumaganda :) hahaha

Malapit na ako ayan na hanggang Nasa likod na nya ako. Lumingon ka please. Nagabang lang ako ng ilang segundo pero hindi pa rin aya lumingon. Tinanggal ko ang hiya ko at tumabi ng pagkakaupo sa kanya mukhang nakuha ko ang atensyon nya kasi bigla pa syang nagulat. Hahaha magugulatin to. Agad namang nawala yun ng hindi pa rin tumitingin sakin. Nilingon ko sya nakatingin pa rin sya sa harap. Hehe Kinulbit ko sya sa balikat napaigtad sya ng slight hehehe hindi nya siguro akalain na gagawin ko yun kumunot ang noo nya. Hehehe isa pa. Kulbit. Lalong nangunot ang noo nya hahaha sarap kulitin nito kunwari pang walang pakialam. Konti na lang hehe. Kulbit.

:)

Lumingon syang nagtataka. Ako ? Todo Smile with pamatay na dimples yan para shook na shook. Anu ba yan!! Kabadingan.

"Hi :)"

Kunot na kunot ang noo nya na para bang inistorbo ko sya. Heheh

"Remember me? Zairon :) naging partner tayo sa Accounting." :) Ayan smile ka lang Zairon keep it up. Whooo!

Binali nya pakanan ang leeg nya at sandali pa syang nagisip inaalala pa nya yata. Heheh tapos tumingin ulit sya akin naalala na nya Yata?? Tumango sya ng isang beses. Yes! Naalala nya. Hindi naman pala sya snob eh.

"Saang booth ka? :)"

Hindi pa nya alam kung paano ako sasagutin pero ngiti lang ako. Tinuro nya ang stage. Ako naman ang naguluhan.

"Isa ka ba sa organizer ng Stage?" Tanong ko pa.

Umiling sya. Pakiramdam ko may mga ilang tao na rin ang nakatingin samin hindi ko alam pero ang lakas ng pakiramdam ko. Napatingin nga ako sa may stage at tama nga ako!! Ngayon lang ba sila nakakita ng gwapo at magandang naguusap?? Hehehe yung iba nagbubulungan na parang hindi sila makapaniwala at yung iba naka nganga pa! Gulat na gulat? Huuy! Pasukan ng langaw yan eh!

"Ha? Eh ano?" Hindi ko na lang sila pinansin mukhang wala rin naman kay Mahlia eh.

Sumenyas sya ng naggigitara! (0_0)

"Isa ka sa mga kalahok?!" Gulat talaga ako. Sya? Naggigitara?! ASTIIIIG!! Haayay im falling deeper and deeper ! Che! Bading!!

Napatango ulit sya ng isa. Parang nangingiti sya sa itsura ko na may halong pagtataka pa rin alam nyo yun hahah.

"Talaga!! Wow. Anung hawak mo? Base guitar?"

Umiling sya.

"Aahh. Electric?" Namamangha pa rin ako.

At tumango lang sya ulit ng isang beses Ibang level na ito on progress kana Zairon! Yahooo!! Messenger? Hahahahaha wooohooo!!

"Wow! Ang galing mo naman. Ok lang ba panuorin kita sa performance mo? Gusto lang kitang makitang tumugtog :)"

Napakurap kurap sya ng ilang beses. Hindi ko na mabasa ang emosyon na nakikita ko sa mga mata nya may halong tuwa at lungkot? Pwede pala yun?

Nawala din naman agad yun nagkibit balikat lang sya at bumaling ulit sa harap. Natuwa ako pumayag sya!! This is it pansit!

"Sige ha! Sabi mo yan. Wag ka magalala ichicheer kita ng malakas! Haha" napangisi ako ng maganda. Ito na dito na ako magsisimula mukha namang may pagasa ako kasi hindi nya ako ini-snob heheheh ang gwapo ko talaga. Tsk tsk tsk.

"Zairon halika na! Mamaya na yang panliligaw mo at makakapagintay yan marami pa tayong bibilhin hahahaha !" Sigaw ni Jay ng nakakaloko. Nakarinig pa ako ng pagsinghap sa paligid. Balewala naman ito kay Mahlia. Ito talaga panira naman..

"Oo nanjan na!" Sigaw ko pabalik. Sus kung hindi lang talaga.

"Ah sige Mahlia, mauna na ako tinatawag na ako eh. See you when i see you?" Nakangiti kong paalam sa kanya. Nawala bigla ang pagkailang ko sa kanya hindi naman sya mahirap lapitan tulad ng mga naririnig ko.

Tumango sya at ngumiti ng bahagya na hindi umabot sa mga mata nya. Natutuwa ako sa mga simpleng reaksyon nya napapatunayan kong hindi sya bato heheheheh

"Bye!" Sumaludo pa ako at naglakad patalikod habang ngiting ngiti tumalikod lang ako nang umiwas na sya ng tingin hehehehe

Ngiting tagumpay!!

"Hayep ah ngiting ngiti Pre! Nakabase ba?" Ginalaw galaw pa ang kilay nya taas baba. Hahahaha nangiti na lang ako ng malaki

"Sira!'

Nagtawanan na lang kami ni Jay at inaasar na ako ng mga kasama ko. Nahagip ng mata ko si JC at nakatulala kung saan na hindi naman pangkaraniwang ginagawa nya sinundan ko ang paningin nya at naguluhan ako ng makitang nakatingin sya sa imaheng nakatalikod.

Si Mahlia?

Huuuwwwwaaaat??!!!

************

Anu ba itong nararamdaman ko? May history ba sila ni Mahlia? May dapat ba akong ikabahala? Haayst. Bahala na, hindi naman sila diba? Lilinawin ko na lang to pag nagsimula na akong ligawan si Mahlia ayoko naman na pumoporma ako tapos sila pala. Oo ganun na nga ipagsasawalang bahala ko na lang to. Oo ganun na nga.

Nandito kami ngayon sa jewelry store na pagmamay ari ng Mama nina Riel bale ganito kasi yung booth namin. Maga-auction kami ng mga bagay tapos kapag merong nakabili isa sa mga mahal naming jewelry may free picture and hug sa mga member ng Handsome Club especially sa mga girls para sa boys naman bibigyan namin sila ng free ticket sa Basketball Tournament sa Araneta Coliseum laban ng Ginebra. Hindi naman kami nababahala sa gastos dahil mayayaman ang mga estudyante dito.

Ngayon namimili kami ng mga necklace na pwede sa auction sikat ang brand ng jewelry store na ito kaya hindi ako magtataka na mabibili to panigurado.

"Boy's, have you got some thing na?"Tita Mary said. May pagkaconyo ang Mommy nina Riel hehehe kambal ang magkapatid na Riel at Reymark hindi sila identical actually kaya hindi mo sila mapagkakamalang kambal. Si Riel happy go lucky lang may pagkakuripot minsan habang si Reymark naman man in good shoes as in sobrang mabaet at tahimik.

"Aaahm Tita all of this are all beautiful we are having a hard time picking something you are so brilliant about this necklaces Tita." Mike said.

"Hehehe kayo talaga just pick all you want that is fit for your auction boys. Basta yung mabebenta nyong jewelry ibibigay nyo sa charity ko, hihihi."

"Pare, dapat yung mukhang mahal ang itsura baka malasog tayo sa mga girls nito sa kakayakap natin sa kanila hahahha!" Justin said one of the members din sya.

"This will be all Tita." Biglang tumabi sa akin si JC at ibinaba ang lahat ng napili nya. Grabe lahat ng mga napili nya ay may mga extraordinary features at makikita mong iba iba ang style at uniqueness.

"Wow ang gaganda. Ang galing mo Pres!" Hehehe sabi ko.

"Yuun! Hindi na pala tayo mahihirapan eh hahaha nakapili na si Pres makakakain na rin tayo gutom na ako eh! Hahahha" as usual Jay.

"Mukha ka talagang pagkain!" Mike said.

"Atleast hindi ako mukhang gutom diba kawawa naman ang mga fans ko kung ang itsura ko hindi maganda. Ang panget kaya ng mukha ko pag gutom!" Typical Jay. Nakanguso pa yan Eto na naman magaaway na naman sila.

"Kahit naman hindi ka gutom ang panget mo!" Hahahaha ganti naman ni Mike naiiling na lang si Tita habang napapatawa.

"Sinong panget?! Baka ikaw ang panget dinadamay mo lang ako!" Susugurin na sana ni Jay si Mike pero napigil sya ni JC. Hawak ni JC ang laylayan ng t-shirt ni Jay at kunwari pang nagpapaawat. Hahahaha Napuno ng tawanan ang shop gawa nitong dalawang ito

"Oh sige sige lumapit ka. Talaga namang ang panget mo ah talo ka nga sa pustahan natin eh!" Nakahanda na ang mga kamao ni Mike na para bang magboboxing. Hahaha

"Enough Guy's mauubos ang oras natin kakabangayan nyo ang iingay nyo pa." JC said.

"Sorry" sabay sabi ng dalawang lalaking nakanguso pero masama pa rin ang tinginan ng dalawa hindi talaga makokompleto ang isang araw na hindi sila nagaaway eh Parang mga bata hahaha.

"Ok here you go handsome's."

"Thanks Ma. " Reymark said.

"Be early tonight hah your Dad is coming home."

"Yes Ma." Reymark kissed his Mom before we go.

"Sooooo, kakain na ba tayo?" Jay said.

"JAAAAAAY!!!" sabay sabay naming sabi ang kulit talaga nakatikim pa ng batok kay Mike ayun simula na naman ng war. Hahahah

******************

Someone's POV

Maingay.

Magulo.

Walang katahimikan.

Lahat Masaya.

Why can't i? Why Im still in darkness? I dont know where i place myself to this crowd.

I feel like im somewhere belong not this place.

Only Music is my home. When i try something else it ended disaster but with music i feel like im forever alive.

Only it calms me down.

Im busy with my thought when....

"Hi" someone said. I dont know him but im sure he knew me. Yeah right.

Who was this??

He called himself Zairon that We were somewhat partners in one of his subject.

Ok i get it. Im sorry im not familiar and good in remembering faces so. Who cares.

He then started blabbering about something and start asking questions. The hell. Can he just dissappear now.

Until he said something that startled me. He wanted to watch me play. Really? It gives me chills when i saw his smile and that dimples of his. What is this?? It brings me creep but in a good way. Never in my life would ask me that since that happened.

There's ONLY one person would gladly want me to play my likes.

I didn't know that this someone would like to see it.

But is it good for me or bad?

I dont know. Maybe its ok?

Ok.

I just nodded to please him to watch me ill be glad.

Smile.

Then he got up when someone called him. He salutes when he's walking backwards. His something funny and cute. I wont lie.

I just shake my head to that thought and focus myself on the stage. I better get myself busy later for that. But.

In that split of seconds i feel my spirit is rising up and still alive. Finally.

Even though all the persons sorrounding me would let me down. Your still there hanging, holding my hand to continue.

You know that Someone appreciate it too rather than you. And i know you'll be proud of me.

************

Ansavehh?? Sorry short update lang po ito..

Anung nangyayare ditey???

Nagustuhan nyo ba?? Hehehehe

Sorry late upload ulit puyat ang tiya nyo!! Nilagnat kasi ang Baby ko :( so sad!

I made a sudden changes through my chapters kasi masyadong maikli bale pinagdalawang chapters ko sila para mahaba haba hehehe sareehhh

Iback read ko na lang ulit and edit. ONGOING PA LANG NAMAN ITO KAYAAAAA.. heheheh

August 7,2020

I love you all!!