tatlo
Irritated
"Maeve, yumuko ka nga! Mahuhuli tayo!" Tinulak 'ko siya para makasilip din ako. I felt a roll of sweat glide down the side of my forehead. Mas dumagdag lang sa init ang long sleeved uniform namin, kahit na tinanggal 'ko na ang makapal na blazer mainit pa'rin.
It's now the last day of school before we take our break, also the day of the varsity football team tryouts. I was sure of Vort being here, narinig 'ko ang usapan ng mga kuya namin na sasali daw siya. Almost everyone in our grade's already aware of the party we're gonna be hosting, except for Vortigern and his peers. I wanted to be the one to invite him, sina Helios na ang bahala sa iba niyang friends.
Ang naka-squat na Maeve ay natumba na sa sahig nang tulakin 'ko. "Aray naman! Ikaw na nga 'tong sinamahan, mananakit ka pa." Hinablot niya ang cellphone 'ko, "Akin na nga! Magpa-cute ka nalang do'n bilis. Ako na magvi-video."
"What are y'all doing?" Napatalon ang puso ko sa kaba, I twisted my neck to turn to Helios. Snacks and drinks were cradled in his arms. Si Maeve, kunot-noo na bumaling sa kaibigan namin.
"Tangina, Helios! 'Wag ka ngang manggugulat," she whisper-yells her profanities. "Umalis ka na!" She shooed him away.
Yet, it seems he hasn't gotten the memo. Nag-squat rin ito sa ilalim ng bench at tumabi kay Maeve ng nakangising aso.
We're currently hiding under the benches. Pina-skip 'ko ng klase si Maeve para lang may kasama ako sa pag nood ng football tryouts, inutusan 'ko rin siyang video-han si Vort habang naglalaro. Nakatalikod lahat ng lalaki sa'min kaya 'di nila kami mahuhuling nagtatago. Gusto 'ko suportahan ang bebe 'ko kaya kami nandito.
Like what I imagined, the green, white and gold colors really suited Vortigern. Kanina pa sila natapos at ang mga natira nalang dito sa field ang mga nakapasok sa varsity team. Para mag papansin kay Vort, naisipan kong magdala ng gatorade para sa kanya.
"Water break, coach!" Rinig kong reklamo ng isang player.
Tumango si coach, "Okay, sige. Break muna tayo. 15 minutes!" nagsi-takbuhan ang lahat sa bleachers kung sa'n kami nagtatago.
"Hate, ayan na sila! Dalian mo!" ani Maeve. "Bilis, 'oy! Nilalamok na 'ko dito. Pag ako nagka-pasa ikaw susumbong 'ko kay mommy, may stint ako bukas!"
Umalis na ko sa ilalim at pumunta na sa gilid ng bleachers kung san may harang na malaking pader. My heartbeat drummed within my ears as blood rushed through my cheeks. Wala pa 'ko sa harap niya, namumula na 'ko agad! My knees were shaking, pati ang kamay kong hawak ang malaking bote ng gatorade ay nanginginig sa kaba. Ano ba 'to, Hekate! You're an Ali, 'di ka dapat kinakabahan!
Unconsciously, my feet moved on their own. I caught the attention of some of the guys, they stopped in re-tying their shoelaces to look at me. Albeit I'm confident in my looks, ayoko pa'rin ng naglalakad sa lugar na puno ng lalaki lang. It made me feel nervous.
"Uy, pare. Si Hate Ali." Malakas na bulong ng isang lalaki sa katabi niya. Agad naman itong napatingin sa'kin, tila'y namumula pa nang mag-tama ang mata namin. "Hala p're, ang pangit 'ko ngayon! Ba't ngayon pa siya pumunta shit."
My heart hammered as I reach Vortigern. He was bend over, tying his shoelaces. "V-Vortigern." nauutal kong tawag sa kanya. Ang kaninang bulung-bulungan ng mga lalaki ay napalitan na ng katahimikan nang makita nila kong iniabot ang inumin kay Vortigern.
"P-para sa'yo." Ba't ako nauutal?! Deep breathes, Hekate. Just give him the bottle and tell him he's invited.
Naestatwa ako ng sumulyap siya sa'kin at sa nakalahad kong kamay na hawak ang bote. "Meron na 'ko." Turo niya sa kulay pink na bote ng gaterode sa tabi ng paanan niya.
Ibibigay 'ko nalang sana sa kanya kahit na ayaw niya ngunit may humablot nito sa hawak ko. My attention averts to a gorgeous being, matangkad siya at nakasakop sa isang man-bun ang kanyang kayumangging buhok. "Kung ayaw mo, Vort. Akin nalang."
"Sa'yo na." Vortigern said cooly.
Tumingin naman sa'kin ang lalaki at nginitian ako, "Salamat ah? Uhaw na uhaw na kasi ako eh." I look away from them.
I've never felt so embarrassed! Mukha na siguro akong kamatis sa pula ng pisngi ko. Kaibigan siguro 'to ng boyfriend 'ko— este kaibigan ni Vort. Magsasalita na sana ako pero may lalaking humarang sa'kin. Naka-pout siya. Guwapo rin ito tulad nina Vortigern, pero mas g'wapo ang crush ko s'yempre. 'Di gaano kalayo ang height nila pero mas maliit ito. Nilahad nito ang kamay niya sa lalaking mahaba ang buhok.
"Yce, pahingi rin ako." Iritado siyang tinignan ni Yce. "Ayoko, bili ka ng 'iyo." Mas ngumuso ang kaibigan nito,
Hindi ko na sila binigyang pansin at sinundan si Vortigern nang tumayo ito at dumiretso sa field hawak ang bolang magaspang, hawak rin niya ang headgear sa kanang kamay. Ngayon ko lang napansin ang kulay puting tela na nakabalot sa ulo niya, it served as a headband for his long hair.
"Teka lang!" Habol ko sa kanya. Suplado itong tumingin sa'kin mula sa kanyang balikat. I open my mouth to say something, yet I couldn't find myself forming the right sentences. Ba't ganito, why am I stuttering and flushing under his gaze?
"Magsasalita ka ba?" Inis na sabi niya.
Ang suplado naman, ngiwi ko. "A-ahm, ano kasi... ganto kasi 'yon..." paputol-putol kong sabi na mukhang mas lalong dumagdag sa irita niya nang magdikit ang makapal niyang kilay. "Okay, nakikinig ka ba? Eto na, uhm..."
"If you aren't gonna say anything, you better just leave. You're wasting my time." Tumalikod na siya sa'kin at akmang aalis.
Hindi siya sumigaw pero ang tono ng boses niya ay nakakakilabot at nakakapanghina. "H-hindi, wait! Vortigern, I wanted to invite you to the party we're hosting!" I swallowed a lump in my throat as his initimidating eyes met mine once again. He just stared at me, not responding so I took it as an opportunity to speak again. "U-uh, sa bahay ni Helios Costales. Bukas. Pool party kasi kaya I suggest you where your swim trunks— I-I mean 'di naman sa pinipilit kitang 'yon lang suotin mo, ha? P'wede ka rin namang mag-rush guard if gusto mo pero kasi parang mas maganda if mag topless ka nalang— H-hindi sa sinasabi kong gusto kitang makitang walang suot na damit ah!— shit, that sounded so wrong that's not what I meant—"
"Just shut up, will you?" I cast my eyes down the ground as irritation filled his tone. "Ang daldal mo, hindi ako pupunta. Invite someone else. I wouldn't want to go to a party that's hosted by someone like you."