Chereads / HIS EYES, FAMILIAR / Chapter 11 - KABANATA 09

Chapter 11 - KABANATA 09

(Year 1922)

"Kalimutan mo na ang nararamdaman mo kay Rolando Valdez, salome.. Hindi ka nararapat sa lalaking iyon, anak."

Halos hindi nakatulog si salome sa sinabi ng kanyang ama..NAIS NITONG IPAKASAL SYA SA LALAKING KAKIKILALA LAMANG NITO.

"Salome anak maari ba kitang makausap?"

Hindi tumugon si salome kung kaya't pumasok na lamang ang ina nito ng walang pahintulot nya.

"Salome sana'y intindihin mo na lamang ang iyong ama.."

Pagkapasok ng ina ni salome nagtungo ito sa tapat ng mesa..

"Ginagawa lamang namin ito para sa iyong kinabukasan.. Mas nanaisin naming maikasal ka sa anak ni Don Benito keysa maikasal sa isa pang Valdez.."

"Ngunit ina nais kong magpakasal sa lalaking iniibig ko.. H-hindi ba't iyon ang kabilin bilinan nyo sa akin?"

Napabuntong hininga na lamang si salome habang nakatitig sa salaming nasa kanyang harapan.. ANONG NANGYAYARI SA AKIN??

"Anak pakinggan mo ako, manganganib tayo kapag kay Rolando Valdez ka magpapakasal.. Magkaiba ang prinsipyo ng dalawang Valdez at kailangan nating pumanig sa totoo.. Dahil sila ang makakatulong sa atin ng lubos.. Kina Don Benito tayo nakapanig, anak."

"Ngunit ina... Paano kung ang papanigan natin ay may masamang balak? Kabaliktaran ng iniisip nyo sa pamilya ni Rolando?"

Napailing na lamang ang ina ni salome bago kinuha ang suklay sa ibabaw ng mesa at isinuklay sa mahaba at kulot na buhok ni salome na kulay itim na itim at may kahabaan..

"Hindi mo kase naiintindihan anak... Si Rolando at si Sonya ay matagal ng ipakakasal sa isa't isa.. Bata pa lang ay si Rolando na ang nais ng tiya mo na ipakasal sa iyong pinsan at ganoon din ang ama ni Rolando.. Gaya mo ay matagal na naming gusto na maikasal ka kay Fidel.."

(IBIG SABIHIN PLANO NA NILANG IPAKASAL AKO SA ANAK NI DON BENITO??)

"B-bakit ho ang anak ni Don Benito ang gusto nyong ipakasal sa akin??"

Ngumiti ang ina ni salome at dumungaw sa labas dahil nakabukas ang bintana nito..

"Dahil may maganda silang hangarin sa bayang ito.. May pagmamahal at malasakit sila sa iba lalo na sa mga mahihirap na naninirahan sa bayang ito, anak."

Seryosong nakatingin si salome sa kanyang ina na nanatiling nakangiti at nakadungaw parin sa bintana..

"Nais kong maikasal ka sa mabuting tao.. Nais namin ng iyong ama na maikasal ka kay Fidel Valdez.."

Tumayo na sa pagkakaupo sa kama ang ina ni salome.. Inilapag na nya ang suklay sa mesa at humakbang na palapit sa pinto..

"Anak!!! Kilalanin mo si fidel.. Nais kong bigyan mo sya ng pagkakataon ng sa gayon ay mapatunayan namin sa iyo na mabuti ang kalooban ni Fidel kumpara kay Rolando.."

"Seniorita kailangan nyo na pong bumaba sapagkat nasa sala na ang pamilya Valdez.."

Halos mapatayo si salome ng marinig nito ang sinabi ng isa sa mga kasa-kasama sa kanilang hacienda..

Binuksan ni salome ang pinto upang silipin ang taong kumatok sa kanyang silid..

"P-pakisabi na maghahanda muna ako.. Bababa na ako maya maya."

Ngumiti naman ang babae at tumango pa ito bago sya iniwang nakasilip parin sa pinto.

Napabuntong hininga naman si salome habang pinagmamasdan ang kabuuan nitong katawan.. Ang mga mata nito'y lumubog na dahil sa puyat at kakaisip kung pagbibigyan ba nito ang nais ng kanyang ina.

"Anak!!! Kilalanin mo si fidel.. Nais kong bigyan mo sya ng pagkakataon ng sa gayon ay mapatunayan namin sa iyo na mabuti ang kalooban ni Fidel kumpara kay Rolando.."

Paulit ulit na naririnig ni salome ang huling mga salita ng kanyang ina..

(HINDI KO BATID KONG PAGBIBIGYAN KITA INA!!)

Tuluyan ng inayos ni salome ang kanyang sarili bago uli tumingin sa salamin.. SAPAT NA SIGURO NA PAKAWALAN KO NA ANG NARARAMDAMAN KO KAY ROLANDO!!! SIGURO NGA'Y TAMA SI INA..

Bumuntong hininga muna si salome bago binuksan ang pinto ng kanyang silid at tuluyan ng lumabas.. Nagtungo na sya sa sala kung saan hinihintay sya ng pamilya ni Fidel..

"Narito na pala ang mapapangasawa ng aking anak..."

Dali daling nagmano si salome sa kanyang ama at ina ganun din sa mag asawang Valdez habang tinitignan naman sya ng kapatid ni fidel na si Ina Ysabella Valdez ang bunsong kapatid ni Fidel..

"Nasaan nga pala ang iyong anak, amigo?"

"Si fidel ay nagtungo sandali sa hacienda ni kapitan pedro nais daw nyang humeram ng libro.."

Tatango tango naman ang ama ni salome..

"Libro ng pag-ibig..."

Napalingon si salome sa ama ni fidel dahil sa sinabi nito.. (BAKIT NAMAN LIBRO NG PAG-IBIG ANG NAIS MABASA NG ISANG IYON?)

"Marami sigurong nais na matutunan ang iyong anak, amigo."

"Siguro nga... Ngunit isa lamang ang ibig sabihin, nais ng aking anak na magbago upang sa iyong anak maituon nya ang kanyang atensyon... Labis ang tuwa ko dahil nagdesisyon na si fidel at pinili nya ang iyong anak na si salome.."

Natuon ang atensyon ni salome sa kapatid ni fidel na nasa taong kinse... Naalala nya nung bata-bata pa ito sa kapatid ni fidel..

"Nais mo bang lumabas??"

Napatingin si Yna Isabel kay salome imbis na simangutan nya ito ay napangiti na lamang sya ng makita ang maganda at nakakahawang ngiti ni salome..

"S-sasamahan mo ba ako ate?? N-nais kong libutin ang inyong hacienda."

Mas lalong lumawak ang ngiti ni salome at tumango ito.. Dali daling tumakbo palapit si Yna Isabel sa kanyang ina upang magpaalam.. Pinayagan naman ito kaya masayang tumakbo pabalik kay salome na mas lalong napangiti... (SIGURO KUNG MAY KAPATID LANG KAMING PINAKA BUNSO AY SIGURO AY GANITO KABIBO..)

"Ikaw po ba talaga ang mapapangasawa ni kuya fidel??"

Sandaling natahimik si salome at bahagyang ngumiti sa harap ni Yna Isabel upang hindi nito mapansin ang kakaibang reaksyon sa mukha nito..

"Ayos lamang sa akin kung hindi mo pa kayang sabihin sa akin na ikaw ang pakakasalan ng aking kuya fidel.. Ngunit aasahan kong iibig ka din sa kuya ko."

Unti unting nawala ang ngiti ni salome dahil sa sinabi ni Yna Isabel sa kanya... (MAIBIBIGAY KO BA NG BUO ANG PAG IBIG KO KAY FIDEL??)

Nasa hardin ng arguelles sina salome at yna isabel nakahiga pa silang pareho habang tinitignan ang magandang liwanag ng langit.. Umaga pa naman kaya makikita mo ang napakaaliwalas na kalangitan kahit na nasisinagan na sila ni haring araw..

"Ate salome nais mo bang kilalanin pa ng lubos ang aking kuya fidel?? Tanungin mo ako at sasagutin ko.."

Napaisip naman si salome sa sinabi ng kapatid ni fidel... Muling kumuha ng malalim na hininga si salome bago nya iyon pinakawalan.. Gawain iyon ni salome kapag nakapagdesisyon na ito.

"Hmm... Nais kong tanungin kung mahal pa ba ni fidel ang ate Sonya mo?"

Nawala sa isip ni salome na hindi iyon ang tanung na binuo nya sa kanyang isipan..

"Nais mo bang sagutin ko ang iyong katanungan salome?"

Halos mapatayo si salome sa gulat napalingon pa sya ng marinig nito ang hagikhik ni Yna Isabel ang bunsong kapatid ni fidel..

"W-walang i-ibig sabihin ang t-tanung ko.."

Natatarantang turan ni salome habang panay ang iwas nito sa tingin ni fidel at yna na nakangisi samantalang ang isa ay napaka lawak na ng ngiti sa kanya.. (ANONG GAGAWIN KO?? LABIS NA KAHIHIYAN ITO SALOME!!)

"Sasagutin ko ang iyong tanung salome... Nais mong malaman kung mahal ko paba si Sonya? Hindi naman mawawala ang unang pagibig salome ngunit nagbabago din ang tibok ng puso kapag nahanap mo na ang taong magpapaligaya at tatanggap sa iyo.."

(NAIS KO DIN MAHANAP ANG TAONG YUN SAYO FIDEL!!! NAIS KONG KALIMUTAN SI ROLANDO AT BIGYAN KA NG PAGKAKATAON AT SANA GANOON KA DIN SA AKIN..)

Nasa isang malawak na tiyetro sina Salome, Fidel at ni Yna Isabel.. Nais nilang samahan si Yna manuod ng Dula sa plaza kaya naman ipinaalam ni fidel ang dalawa bago sila naglakad patungong plaza kung saan nakatayo ang tiyetro..

"Kuya Fidel, Ate Salome nais kong magtabi kayo.."

Nagkatinginan sina Salome at Fidel ngunit napaiwas din sila sa isa't isa dahil hindi sila tinigilan ni Yna.. Wala naman nagawa ang dalawa kundi ang magtabi ng upuan habang nasa kaliwa sya ni Fidel.. Ngingiti ngiting tinapunan ni Yna si salome dahil namumula na ang pisnge nito.

Masayang nakapanuod ng dula sina salome, fidel at yna kaya naman lumibot na sila sa plaza ng kanilang bayan.. Malapit at nalalakad lang ang hacienda arguelles kaya pwede silang magtagal sa plaza para ipasyal si Yna Isabel na sobra sobra ang saya at tuwa..

"Nais nyo bang kumain muna sa malapit na kainan??"

Maya't maya ay alok ni fidel sa kanyang kapatid at kay salome na hindi kumikibo..

"Nais mo ba??"

Napalingon naman agad si salome kaya tumango ito sa harap ni fidel.

"Ate salome bakit tila tumatahimik ka?"

Napatingin naman agad si salome kay Yna na panay ang hagikhik sa gilid ni fidel..

"Iniisip mo ba ang isinagot ni kuya fidel sa iyo?? Nais mo bang ulitin ko ang kasagutan nito sa iyo kanina?"

Halos malaglag ang panga ni salome sa sinabi ni Yna sa kanya habang si fidel ay panay ang hagikhik dahil sa pulang pula na ang mukha ni salome at hindi na din mapakali at makatingin kay fidel.

"Tama na yan Yna... Kumain na lamang tayo"

Suway ni fidel ng maibigay na sa kanila ang arozcaldo de amor.. ANG PABORITONG KAINAN AT PABORITONG BILHAN NG MGA KASTILA.

"Paboritong kainan namin ito ate salome... Sana'y matuwa ka sa lasa nito."

Halos hindi mawala wala ang pagkakangiti ni Yna kina salome at fidel na kasabay nyang kumakain.. Magaan ang loob ng kapatid ni fidel kay salome dahil wala itong nakatatandang kapatid na babae kaya naman wagas mangasar ito at pakiramdam nya ay mas masaya ito kapag si fidel at salome ang kasama kumpara kay sonya na hindi man lang sya pinapansin at panay lang ang pagiwas sa kanya kaya naman natuwa si Yna ng malamang wala na si Fidel at Sonya..

"Saan mo balak magtungo Yna?? Nais mo bang samahan ka namin ni ate salome mo?"

Mas lalong lumaki ang pagkakangiti ni Yna at bahagyang tumango sa kapatid na si fidel.

Matapos nilang kumain ay nagtungo naman sila sa isang malawak na hardin.. Isang sikat na hardin sa bayan ng 'San Miguel, Manila' ang tawag sa hardin na iyon ay 'Hermoso jardin' (Hardin na kayganda)..

"NAPAKAGANDANG HARDIN NITO!!! WALANG MAKAPAPANTAY SA GANDA NITO.."

Masayang naglalakad sina salome, fidel at yna pabalik ng hacienda arguelles ngunit isang itim na kalesa ang nakaagaw ng atensyon ni yna..

"H-hindi ba't si kuya rolando ang lalaking iyon kuya fidel?"

Nagkatinginan sina fidel at salome bago nilingon si yna na nakaturo sa lalaking nakasuot ng itim na kamiso at nakasakay sa isang kayumangging kabayo habang nakaharang ang isang itim na kalesa..

Wala sa sariling tinungo ni salome si Senior rolando halos walang kurap namang napatitig si fidel kay salome na naglalakad na papunta sa direksyon ng mga ito ngunit mabilis na hinila ang kamay ni salome ng dalawang lalaki na nakasuot ng itim na salakot at nakasuot ng pang mangingisdang damit ang humila sa kanya..

"Senior fidel..."

Lakas loob na sumigaw si salome ngunit huli na dahil naisakay na nila ito sa isang kalesa samantalang hingal na hingal na tumakbo si fidel sa kinaroroonan ni salome ngunit huli na dahil nakuha na nila ito.

Pagkalingon nito sa kinaroroonan ni rolando ay wala na din tanging kayumangging kabayo na lamang ang natira at ang suot na itim na sumbrero na lamang ang natira.

Nagmamadaling bumalik sina fidel at yna sa hacienda arguelles upang ipaalam ang nangyari kay salome at kay rolando.

"Fidel bakit tila pagod na pagod kayo ni yna?? Nasaan ang magiging manugang ko?? Nasaan si salome?"

Nagaalalang tanung ng ina ni fidel ngunit hindi nakasagot si fidel dahil sa pagod at kabang nararamdaman nito.

"Si ate salome po ay dinukot, ina..."

Halos magkatinginan ang ama ni salome at fidel ganun din ang ina ni salome at fidel na alalang ala dahil sa pagdukot ng mga lalaking nakasuot ng itim na salakot.

"Ipapahanap ko ang aking anak... Bumalik na lamang kayo sa makalawang linggo."

Tumango ang ama at ina ni fidel kung kaya't umalis na sila sa hacienda arguelles ngunit natigilan si fidel at muling bumalik sa loob ng hacienda.

"Tomas anong gagawin natin??"

Nakatayo lang si fidel sa likod ng pinto habang pinapakinggan ang mga sinasabi ng mag-asawa.

"Babalik din sa atin si salome... Narinig ko ang pinagusapan ni Don lando at ang ama ni Sonya."

"A-anong ibig mong sabihin??"

Nanatili paring nakatayo at nakikinig si fidel ngunit nakakunot na ang noo nito ng mabanggit ng ama ni salome ang ama ni sonya at ng ama ni rolando ang kanyang pinsan.

"Sigurado akong pinagkamalan ang ating anak na si salome... Pinagkamalan syang si Sonya.. H'wag kang mabahala ipapahanap ko si salome."

"A-ano??"

Halos magdikit na ang kilay ni fidel habang nakikinig..

"Narinig kong ipapadukot ni Don lando at Don Juancho ang kanilang sariling mga anak.. Kung kaya't sigurado akong si salome ang pinagkamalan nilang si sonya ang iyong pamangkin."

Hindi na tinapos ni fidel ang mga sasabihin ng mag asawa ng sapat na sa kanya ang kanyang mga narinig.. Tuluyan ng nilisan ni fidel ang hacienda arguelles.

Samantala, halos mapamura ng salitang kastila ang isang lalaking nakasuot ng pang-mangingisda habang may itim na salakot sa ulo.

"A-ano bang ginagawa ko dito?"

Galit na sigaw ni salome kasabay nun ay bahagya pa nitong kinagat ang palad ng lalaki kung kaya't malakas na sampal ang umabot sa mukha ni salome.

"Ano ang iyong ginawa?? Ang sabi ng Don ay h'wag na h'wag nating sasaktan ang unika iha nitong si binibining sonya."

"Hindi ako si Sonya.. Salome Arguelles ang aking ngalan.."

Nagkatinginan ang dalawa sabay nilingon si salome na seryosong seryoso..

"HAHAHA... SIYA DAW ANG BUNSONG ANAK NI DON TOMAS ARGUELLES.."

Nagtawanan ang mga lalaki sabay itinulak papasok si salome sa isang malawak at madilim na silid sa likod ng kwartel.

"Manahimik ka na lamang binibining sonya... Hindi mo kami malilinlang.."

Lumayo ng kaunti ang mga lalaki ngunit narinig naman ni salome ang pinaguusapan ng dalawa.

"Siguradong malaki ang pabuya natin.. Sa tingin ko ay nakasunod na din ang isa pang kalesa."

(SINONG DON ANG TINUTUKOY NILA?)

"Sabing pakawalan nyo ako dito... Hindi ako si sonya... Salome ang ngalan ko.."

"MANAHIMIK KA!!"

Magsasalita pa sana si salome ngunit inunahan na sya ng kasama nito na nasa loob din ng silid.

"H'wag ka ng magsalita pa!!! Sapagkat hindi sila makikinig sa iyo at mapapaos lamang ang iyong boses kung kaya't manahimik ka na lamang binibini.."

Halos walang kurap na napalingon si salome sa taong nagsalita at hindi makapaniwala kung sino ang kasama nito sa loob.(ROLANDO?? I-IKAW ANG KASAMA KO SA SILID NA ITO!!)

"Anong ginagawa ng aking pamangkin dito?"

Bungad ni Don Juancho at Don Lando sa mga guwardiya na nakabantay sa labas ng bodega kung saan ilang araw ng nakalagak sina salome at rolando.

"Juancho mag usap tayo sa labas.."

Muling lumabas ang dalawang Don kaya magkasamang muli si salome at rolando..

"Maari bang pakisabi sa akin ang nangyayari?"

Naguguluhan at kanina pa gustong magtanung ni salome ngunit hindi nya magawang tanungin ito lalo na at paulit ulit na bumabalik sa kanyang isipan ang huling sinabi nito sa kanya.

'Nagkagusto man ako kay Sonya ngunit hindi kasing bilis ng tibok ng aking puso kapag ika'y nasa paligid ko salome.'

'Nagkagusto man ako kay Sonya ngunit hindi kasing bilis ng tibok ng aking puso kapag ika'y nasa paligid ko salome.'

'Nagkagusto man ako kay Sonya ngunit hindi kasing bilis ng tibok ng aking puso kapag ika'y nasa paligid ko salome.'

Hindi malaman at maipaliwanag ni salome ang nararamdaman nito dahil tila nagtatalo ang kanyang puso at isipan.. Sa sandaling iyon s fidel ang nilalaman ng kanyang isipan. (NAKABALIK KAYA SINA SENIOR FIDEL AT YNA SA AMING HACIENDA??)

"Ipinadukot ako ni ama samantalang ipinadukot ni Don Juancho ang kanyang unika ija na si Sonya ang ipinipilit na ipakasal sa akin.."

Nabalik lamang sa ulirat si salome dahil sa sinabi ni rolando sa kanya..

"Bakit naman ipinadukot kayo ng inyong mga ama?"

"Sapagkat nais nilang ipilit sa aming dalawa ang kasal at lalo na ang nararamdaman naming pareho na alam kong hindi namin magawang ibaling ang atensyon sa isa't isa."

Mas lalong napatitig si salome kay rolando na hindi man lang makitaan ng saya at galak..

"Kung may magagawa lamang kami ni sonya mas nanaisin kong ikasal sa iyo.. N-ngunit malabo iyong mangyari sapagkat sina fidel ang kapanalig ng iyong magulang samantalang ang pamilya flores ang nakapanalig sa amin.."

(ANO ANG DAPAT KONG GAWIN?? ANO ANG MAGIGING DESISYON KO NGAYONG ALAM KONG WALANG PAGTINGIN SI SENIOR ROLANDO SA AKING PINSAN?? MAY MAGAGAWA KAYA AKO..)

Bumukas muli ang pinto at galit na galit ng sinuntok ni Don Juancho ang mga tauhan na nasa loob.. Nais sanang magsalita ni salome ngunit natigilan sya dahil sa nakikitang galit sa mukha ng kanyang Tiyo Juancho (Ama ni sonya)..

"MGA HUNGHANG KAYO!!! HINDI KO SINABING PAMANGKIN KO ANG DUKUTIN NYO INUTIL.."

(NGAYON KO LAMANG NAKITANG NAGALIT SI TIYO JUANCHO.)