Chereads / HIS EYES, FAMILIAR / Chapter 14 - KABANATA 12

Chapter 14 - KABANATA 12

(Year 2019)

"Ang pinagkaiba lang aksidente nating nakita ang pagkamatay ni Selestina at Yna Isabel.. Yun ang naging kalbaryo ng mga pamilya natin lalong lalo na ang pamilya mo, salome."

Halos mangatog ang buong tuhod ko ng makita ang kalagayan ng babaeng dinadala na namin ngayon sa hospital..

"Magiging maayos kaya sya??"

Paulit ulit na nagriring ang phone ko ngunit hindi ko ito sinubukang tignan dahil alam kong sina mama at papa lang ang tumatawag at nagpapadala ng message.

Ilang oras na kaming nanatili dito sa hospital ng may mga pulis na lumapit sa amin.

"Sino ang nakabangga sa biktima?"

Itataas na sana ni Joy ang kamay nya ngunit inunahan kona sya!! SABI NYA NAPAHAMAK KAMI NOONG PAST LIFE NAMIN KAYA NAMAN AAKUIN KO ANG LAHAT NG ITO DAHIL KUNG TOTOO NA NAPAHAMAK KAMI SA NAKARAAN KAILANGAN KONG BAGUHIN ANG NAKATAKDA SA MGA KAIBIGAN KO NGAYONG KASALUKUYAN.

"A-ako ho!! Ako ang nakabundol sa biktima.."

"Sumunod ka sa amin.."

Tanging tango lang ang naisagot ko kaya naman inihakbang ko ang mga paa ko palayo bago ako humarap sa mga kaibigan kong nakatitig sa akin.. Ang mga mata nila ay nagtatanung at nagtataka dahil sa ginawa kong pag ako.

"Anong ginagawa mo??"

Nagaalalang tanung ni noime sa akin.

"Lenzy hindi mo dapat inako ang kasalanan ko." It's Joy!

"Wag mong sabihin na ginagawa mo ito dahil gusto mo lang??" It's Rechell, nakatitig din ito na hindi naman makapaniwala sa ginawa ko.

"O baka naman may iba kang plano, lenzy? Sabihin mo sa amin ang magiging plano mo."- Ate Rose said, Lumapit ito sa akin at hinawakan ako sa braso.

Huminga muna ako ng malalim bago sumagot sa mga lintanya nila.

"Hindi ba't sinabi nyong nangyari na ito noon sa atin? Ang pinagkaiba lang ay hindi si Selestina at Yna Isabel ang nakita natin.. May pagkakapareho sa nakaraan ngunit magkaiba na sila dahil si alane na mismo ang gumawa ng paraan para hindi na mangyari sa kanila ni Keith Yvan ( Yna Isabel )ang nakaraan na dinanas nila."

"SO ANO NGA ANG PLANO MO?"

Inis na sigaw ni noime na syang ikinalingon namin sa kanya. ALAM KONG NAG-AALALA KAYO SA AKIN

"Ang plano ko ay hindi kona kayo idadamay pa sa mangyayari sa akin.. Hindi ko kayang magkawatak watak uli tayo at mapunta na naman sa ibang panahon at ibang katauhan pero paulit ulit din naman ang nakatakda sa akin. Kaya mas okay na haharapin kong magisa ang lahat ng ito ng hindi na kayo madamay uli."

"Bibigyan ka namin ng magiging attorney mo, lenzy."

Nakangiting turan ng police na nakatoka sa akin.

"Ipinapakilala ko sa iyo ang bagong attorney dito sa ating bayan.. He is Attorney Rocky Facun nanggaling pa ito sa europa para lang mag-aral.. Attorney sya ang magiging unang kaso na hahawakan mo."

Halos manlaki ang mga mata ko ng seryosong umupo ito sa tabi ng police na nagiimbestiga sa akin.

"S-sya po talaga?? Maari akong mag hire ng sarili kong attorney."

"Heto ang batas sa ating bayan, iha. Magaling na Attorney si Mr. Rocky Facun, magtiwala ka sa kanya kung totoong hindi nyo sinasadyang mabangga ang biktimang naghihingalo na sa hospital."

Wala akong nagawa kundi tanggapin na lang ang alok nila na sya ang magiging Attorney ko.

"Ikaw na ang makipagusap sa kauna unahang client mo, Rocky. Good luck!"

Narinig kong bulong nito bago nya kami iniwan pareho.. Nanatili na lang akong nakatitig sa mga palad ko na tila naglalaro dahil sa ginagawa ko para kahit papaano ay maibsan ang kabang nararamdaman ko ngayon habang kaharap at kasama ang lalaking minahal ni salome at ako iyon.

"Ano bang nangyari?? Matutulungan kita kong ilalahad mo sa akin ang nangyari.. Kung ikaw ba talaga ang nagpapatakbo ng kotse o isa din sa mga kaibigan mo?"

PAANO KUNG TANUNGIN KO SYA? PAANO KUNG MAY PARAAN PA!!

"Hindi ko sinadya ang pagkakabundol ko sa biktima .. N-napakabilis ng pangyayari kaya hindi ko sinadya ang nangyari, m-maniwala ka sa akin."

Sagot ko dahil yun naman talaga ang nangyari sa amin.. Hindi ko talaga alam kung paano iyon sumulpot ng ganoon bigla.. PARA SYANG KABUTE NA BIGLA NA LANG SUMUSULPOT!!

"Nangyari na ito noon, lenzy... Ang pinagkaiba nga lang nakita nyong magkakaibigan ang pagkamatay ni selestina at sa inyo iyon isinisi."

Pagkakataon kona ba para magtanung!! Pagkakataon kona ba para alamin ang nangyari sa aming mag kakaibigan noon.

Napahawak na lang ako bigla sa aking dibdib ng maramdaman ko ang pagsikip nito na para bang naiintindihan nito ang dinaramdam kong lungkot dahil wala akong matandaan sa past life ko bilang si salome arguelles.

"M-maari ba akong magtanung sa iyo attorney r-rocky?"

"Sige!! Ano ba yon?"

Pabuntong hininga naman akong lumingon sa kanya at tinitigan ito, mata sa mata!! Pakiramdam ko lalong lumakas ang air-con na kanina kopa nararamdaman..

"K-kasama kaba sa past life ko?? At ikaw ba si f-fidel Valdez? I-ikaw ba ang lalaking minahal ni salome? Ikaw ba ang lalaking minahal ko sa nakaraan?"

Tulala akong nakaupo sa kama habang iniisip ang mga isinagot ni rocky sa akin kanina.. Binigyan nya ako lalo ng iisipin at tanung sa aking isipan. ANONG DAPAT KONG GAWIN?

Muling nanumbalik sa isipan ko ang mga itinugon ni rocky sa akin.

"K-kasama kaba sa past life ko?? At ikaw ba si f-fidel Valdez? I-ikaw ba ang lalaking minahal ni salome? Ikaw ba ang lalaking minahal ko sa nakaraan?"

Halos walang kurap na tumitig si rocky sa akin kaya naman nilabanan ko ang titig nito na syang nagpakabog muli sa aking puso.. PUSO NA PARA BANG KILALANG KILALA NYA ANG TAONG NASA AKING HARAPAN.

"Paano kung sabihin kong mali ka, maniniwala ka ba?"

Nakangiting tanung nito sa akin hindi agad ako nakapagsalita dahil sa tanung nito at nanatili syang nakatitig sa akin ng deretsyo at ganoon din ako sa kanya.. PAANO KO NAGAGAWANG MAKIPAGTITIGAN SA IYO NG GANITO?

"Paano kung sabihin kong hindi ikaw si salome? Paano kung sabihin kong wala ka sa past life ko?? Paniniwalaan mo kaya ako o pagdududahan mo lang ako gaya ng nangyari sa atin sa nakaraan."

PINAGDUDAHAN NI SALOME SI FIDEL?? ANO ANG IBIG NYANG SABIHIN?

"Paano kung mangyari uli ang nakaraan? Lenzy kung nais mong baguhin ang tadhana para sa ating dalawa wag mo na lang gagawin iyon sapagkat mas lalo tayong masasaktan at paglalayuin ng tadhana."

ANONG SINASABI NYA??

Halos manghina ako at napapikit na lamang dahil sa kirot na nararamdaman ko habang pilit na nilalabanan ang sakit at kirot.

"Si no somos el uno para el otro en este momento, quiero prometerte que en el próximo siglo quiero que sigas siendo la mujer que puedo ver, Salomé."

Translation: (Kung hindi tayo ang para sa isa't isa sa panahong ito nais kong mangako sa iyo na sa darating na siglo nais kong ikaw parin ang babaeng masisilayan ko, salome.)

"Quiero que seas el hombre que puedo ver y amar, fidel. No buscaré a nadie más que a ti, mi querido fiel."

Translation: (Nais kong ikaw din ang lalaking masisilayan at mamahalin ko, fidel. Hindi na ako maghahangad ng iba kundi ikaw lang mahal kong fidel.)

Naimulat ko ang mga mata ko at nagtama ang paningin namin ni rocky habang nakatayo sya sa gilid ko at halos makita ko ang pagaalala sa mga mata nito habang nakatingin din sa akin ng deretsyo.

"May masakit ba sa iyo?? Nais mo bang dalhin kita sa hospital?"

"Paano mong nagagawa sa akin ito, rocky? Paano mo ipinapaalala ang nakaraan sa akin?"

Halos mapalingon ako sa pinto ng bumukas ito at pumasok si mama.. Nilapitan ako nito at umupo sa tabi ko.

"Anak nais kong sabihin na bitawan mona ang pangako nyo sa isa't isa.. Bitawan mona si rocky, bitawan mona ang lahat ng lungkot sa puso mo.. Palayain nyo na ang isa't isa."

*** ***

Ilang araw na akong hindi lumalabas ng kwarto.. Tuwing pinupuntahan ako ng mga kaibigan ko hindi ko sila nilalabasan.. GUSTO KONG AKO NA LANG ANG MAPAHAMAK KEYSA ISALI ULI SILA SA MAGULO KONG TADHANA!!

"Lenzy, anak."

Narinig kong kumatok si mama kaya tumayo ako at pinagbuksan ito.

"Nandyan si rocky!! Kailangan ka daw nyang makausap.."

Pilit ang pagkakangiti ko at tumango kay mama bago ako lumabas ng kwarto hinawakan ni mama ang braso ko bago ito magsalita.

"Anak pagisipan mong mabuti ang ibinilin ko sayo.. Kailangan mo ng kalimutan ang pangako nyo ni rocky sa isa't isa.. Patuloy kayong masasaktan kung patuloy mong ikinikeep ang pangako nyo sa isa't isa."

Niyakap nya ako bago ito umalis.. Hindi pa alam ni mama at papa ang kinasasangkutan ko ngayon. Hindi ko masabi sa kanila dahil alam ko kung paano magalala ang magulang ko.

Pinuntahan kona si Attorney rocky sa sala nakaupo ito sa sofa habang nakatingin sa akin.. Bahagya akong ngumiti sa kanya bago ako umupo pagkalapit ko sa kanya.

"Matibay ang evidence natin dahil may CCTV sa lugar kung saan mo nabundol ang babae na hanggang ngayon ay malubha parin ang lagay."

Tanging tango lang ang nagawa ko habang nakatingin sa kanya..

"Okay!! Anong mangyayari sa kaso?"

"Kapag napatunayan na natin na hindi mo sinasadya ang pagbundol makakalaya ka na ng tuluyan at matatapon na ang kaso kung saan ay sangkot ka."

Muli akong tumango para sa pagsangayon sa sagot nito sa akin.

"Tayo kaya?? Makakalaya pa kaya tayo sa maling ala-ala? Sa ala-ala ng nakaraan na dapat ay kinakalimutan na?"

Napansin ko ang pagkakakunot ng noo nito ang mga tingin nyang madaling hulaan.. Mababakas sa mga mata ni rocky ang pagtanggi at hindi pagsang ayon sa mga sinasabi ko sa kanya. BAKIT NAKIKITA KO ANG SAKIT AT LUNGKOT?

"Okay lang ba sayo na kalimutan na nating pareho ang nakaraan? Ang mga pangako natin sa isa't isa?"

"Yun naman dapat talaga ang kailangan nating gawin, diba? Maraming mapapahamak kung ipagpapatuloy pa natin ang naudlot na pagmamahalan natin sa nakaraan."

Natahimik ito at hindi agad nakapagsalita at nakasagot sa akin.

"Kung gayon ay nakakaalala kana? Alam mona ang nangyari sa atin noon? Alam mona ang nangyaring trahedya sa pamilya mo?"

"Unti unti kong naaalala ang lahat kasabay nun ay ang pagkilala ng nararamdaman ko sayo, rocky. Hindi ko alam kung paano pero isa lang ang masasabi ko mahal kita, fidel."

Narito ako ngayon sa hukuman kung saan magbibigay ako ng detalye at ngayon na rin namin ipapakita ang CCTV video na magpapatunay na hindi ko sinasadya ang pagbundol sa biktima kamakailan lang.

"Are you okay?? Relax lang!! I'm still here for you."

Tumango ako at bahagyang ngumiti sa kanya..

"Ms. lenzy flores come here.."

Turan ng babae sabay itinuro sa akin ang isang upuan kung saan ako lilitisin.

"Saan ka galing nung mabundol mo ang biktima?"

Huminga muna ako at tumingin kay rocky na tumango sa akin at ngumiti bahagya pa itong sumenyas sa akin.

"Galing po kami sa party!! Party ng isa sa mga mahalagang tao sa akin."

Kahit na kinakabahan ako mas nanaig sa akin ang pagkagustong matapos na ang kaso na nakahain sa akin.

"Galing ka sa party?? Kung gayon ay nakainom ka habang nagmamaneho?"

"Hindi ho!! Hindi po kami uminom.."

Natawa ang babaeng nagiinterview sa akin na para bang ang lala ng diperensya ko.

"Party ang pinuntahan mo Ms. lenzy!! Hindi ako naniniwalang hindi ka uminom.."

"Ms. Attorney hindi ho ako umiinom ng alak.. Hindi po ako nakainom ng alak habang nagmamaneho maniwala man kayo o hindi , Hindi parin ako umiinom thats my final answer."

Naiinis kong sagot at pinagkadiinan ang itinuran sa kanya.. NAPAKAJUDGEMENTAL NAMAN NITO!!

"Kung hindi ka nakainom habang nagmamaneho sa tingin mo ba ay makakabangga ka, ms. lenzy?? Hindi ba't magiging matino ka dahil hindi ka nga nakainom?"

"SABING HINDI AKO UMIINOM NG ALAK!! AT ISA PA HINDI KO NAKITA YUNG BABAENG BIGLA NA LANG SUMULPOT.. IKAW KAYA ANG TANUNGIN KO? SA TINGIN MO BA MAKIKITA MO YUNG BABAENG BIGLA NA LANG SUMULPOT NG BIGLAAN? SA TINGIN MO BA MAPAPANSIN MO DIN YON? KUNG SINADYA KO TALAGA EDI SANA NAGTATAGO NA KAMI, NAGTATAGO NA SANA AKO NGAYON."

Halos mawalan ako ng hangin dahil sa inis habang masamang nakatingin sa babaeng attorney na nagtatanung sa akin ngayon. WALANG SENSE KAUSAP ANG KINGINA!!

"Okay tama na yan attorney bianca!! Mr. Attorney Rocky Facun meron ka bang maibibigqy na ebidensya sa'min at nagpapatunay na walang kasalanan ang nasasakdal?"

Tumayo si rocky at ngumiti ito sa akin bago nya ibigay ang ebidensya na magpapatunay na hindi ko sinasadya ang pagbundol.. "Ang USB na yan ang magpapatunay na hindi sinasadya ni Ms. Lenzy ang nangyari.. May CCTV sa area kung saan nabundol ni Ms. lenzy ang biktima nagpapatunay lang na hindi sinasadya ni Ms. lenzy ang nangyari.."

"Ms. Lenzy congratulation.. You win!! Sabi naman sayo hindi kita pababayaan."

Nakangiti akong lumapit kay rocky matapos akong hatulan na hindi guilty..

Dahil hindi naman sinasadya ang pagbundol sa biktima..

At ako ang pinanigan dahil idinidiin ako ng ina ng biktima.

"Salamat sa tulong mo!! Salamat sayo."

"Ginagawa ko lang ang trabaho ko bilang attorney mo, lenzy. Ang totoo nyan ay bumabawi lang ako sa iyo."

Napansin ko ang pagkakangiti nito kaya kunot noo akong tumingin sa kanya..

Nagtataka at halos gusto kong isipin na may ibang kahulugan ang sinabi nito sa akin.

"A-anong ibig mong sabihin?"

Nagtatakang tanung sa kanya nanatili parin akong nakatingin kay rocky naghihintay sa isasagot nito sa akin.

"Bumabawi lang ako dahil hindi man lang kita natulungan noon, lenzy. Hindi ka natulungan ni fidel, salome."

Halos maramdaman ko ang malakas na pagdampi ng kakaibang hangin sa katawan ko kasabay nun ang kakaibang haplos ng malamig na hangin sa balat ko ..

Haplos na parang sobrang sakit sa pakiramdam na tila ba bumabaon iyon sa kailaliman ng balat ko habang parehong nakatitig kami ni rocky sa isa't isa.

"Hindi ko nasaklolohan ang iyong ama na hinatulan ng kamatay dahil inako nya ang kasalanan na ibinabato at idinidiin sa iyo, salome."

Naramdaman ko ang tuloy tuloy na pagpatak ng mga luha sa aking mga mata na halos hindi ko man lang nalalaman..

Habang hindi parin natatanggal ang tingin namin ni rocky sa isa't isa.

"Hinatulan kayo ng iyong ina na ipatapon sa malayo ngunit nalaman ko na lang na pinamamatyagan kayo ng mga flores at hindi ko inaasahan na ipapapatay ni sonya ang iyong ina upang mas lalo kang sumadlak sa kahirapan, salome. P-patawarin mo ako kung wala man lang akong nagawa para iligtas ka sa kamay ni sonya at rolando salome."

Halos hindi ko man lang naramdamang kumurap ang aking mga mata habang nakatitig kay rocky na halos mangiyak ngiyak na sa harap ko ngayon.

KUNG GANUN AY TAMA ANG DESISYON KO NA HINDI SABIHIN KINA MAMA AT PAPA ANG KINASANGKUTAN KO!!

"Alam ng Diyos kung gaano ko hinangad na saklolohan ka ngunit huli na ako dahil sumama ka kay rolando na alam kong pinagbantaan ka, salome. Hinabol kita sa daungan pero nakalayo na kayo ni rolando kaya wala akong nagawa kundi ang magpakasal kay sonya pero hindi ko inaasahan na pupuntahan mo ako sa mismong kasal namin kung saan binaril ka ng walang laban.."