Chereads / HIS EYES, FAMILIAR / Chapter 12 - KABANATA 10

Chapter 12 - KABANATA 10

(Year 2019)

"Lenzy wait, Can we talk?"

Napalingon ako ng marinig ko ang boses ni beans..

"Wala akong sasabihin at hindi ako magsusumbong.."

Hindi ko pinapahalata ang inis at galit ko dahil sa ginawa ng ama nito at sa tito ko..

"Wag mo na lang yun alalahanin.. Tapos na at nangyari na."

"Teka lang!!! Nais ko lang humingi ng tawad sa iyo.. Ako na ang humihingi ng despensa sayo at kay Evericfila."

Napakunot ang noo ko at tinignan sya ng mabuti bago ako magsalita..

"Okay na yun... Ang gawin mo na lang ay sa pinsan ko mismo ka humingi ng sorry dahil tapos na yun at nangyari na yun.."

Inis ngunit kalmado kong tugon.. Hindi ko maintindihan ang sarili ko.. May puwang sa puso ko na galit at naiinis ako sa taong nasa harapan ko.. May puwang din sa puso ko na gusto kong makita ang bestfriend nya at titigan ng matagal at makasama din ng matagal.

"S-sandali!!"

Pakiramdam ko hindi kona maihakbang pa ang mga paa ko palayo lalo na at nangilabot ako sa pagkakayakap nito sa akin..

"SALOME!!"

Namalayan ko na lang ang sariling lumuluha ng marinig ko ang pangalan na paulit ulit na isinisingit sa akin.

"I-ikaw parin ang gusto kong pakasalan salome... Hindi ko hangad na maitali sa pinsan mo dahil ikaw parin ang nilalaman nito simula noong 1922."

Malakas na hangin, tunog ng mga sasakyan at malakas na hampas ng mga dahon na pakiramdam ko ay isang magandang musika.

FIDEL!!!

"Lenzy, Ikaw si salome.. Ikaw si salome na may sariling prinsipyo, dignidad at ikaw si salome na kinagigiliwan ng lahat."

Hindi ko natanggal ang tingin sa lalaking nasa likuran ni beans habang nasa harapan ko ito.. Pareho kaming nakatingin sa isa't isa na para bang kami lang dalawa ang magkasama.

IKAW NGA SI FIDEL?? IKAW ANG NAGPABAGO SA NARARAMDAMAN KO KAY ROLANDO?

Wala sa sariling naipikit ang aking mga mata kasabay nun ang pagkawala ng ulirat ko.. SI FIDEL AT ROCKY AY IISA!!!

Naimulat ko ang aking mga mata ng maramdaman na may nakahawak sa balikat ko..

"Anak are you Okay?? Tinawagan ako ni Joy kaya napaluwas kami ng papa mo dito sa manila."

Napahawak na lang ako sa noo ko at bahagyang ipinikit ko ang mga mata dahil sa hilong nararamdaman ko..

"Tom nangyari na naman ang nangyari noon.."

Rinig kong turan ni mama kay papa kaya naimulat ko uli ang mga mata at tinignan silang pareho na may pagtataka.

"Ma, Pa... A-anong nangyaring sinasabi ni mama??"

Hindi makatingin sina mama at papa sa akin kaya tumayo ako sa pagkakaupo at hinawakan silang pareho.

"S-sabihin nyo sa akin?? Sabihin nyo ang nalalaman nyo, ma."

Pagmamakaawa ko kina mama at papa na napaupo na lang sa sofa kaya sinundan ko silang dalawa.

"Lenzy nadukot ka na din noon... Ang pinagkaiba nga lang hindi kana ginalaw ng mga tauhan nila."

SINONG NILA??

"Ikaw si salome arguelles sa taong 1922... Ako si Leonardo tomas arguelles ang iyong ama."

"At ako naman si Alexandra Ordonio Arguelles... Ako ang iyong ina sa taong 1922 walang pinagbago dahil ikaw ang bunsong anak namin sa taong 1922."

Naguguluhan akong nakatitig sa kanila marami akong gustong malaman..

Marami akong nabuong katanungan na hindi ko alam ang kasagutan.

"Alam nyo na bang si Rolando Valdez ay si Beans Dela Cruz?? A-alam nyo din bang si Fidel Valdez ay si Rocky Facun?"

Bakit wala akong matandaan tanging pangalan lang ang alam ko pero hindi ko matandaan kung ano-ano ang nangyari sa taong 1922..

"A-anak matapos ang pagdukot sayo sumugod ang iyong ama sa hacienda flores dahil may pasa ka sa mukha at doon na nagumpisa ang alitang arguelles at flores.. Hindi tayo mapagbagsak bagsak ng iyong tiyo at tiya kaya p-pinapatay nila ang k-kuya mo samantalang dinukot nila ang dalawang ate mo at g-ginahasa sila."

Hindi ko namalayang umiiyak na pala ako dahil sa nalaman ko..

NAPAKAHIRAP PALA NG PINAGDAANAN NG PAMILYA KO NOON!!

Nanatili akong nakatitig sa kalangitan habang nakadungaw sa bintana..

Nagdesisyon sina mama at papa na mag stay muna kami sa iisang unit kaya kumuha sila ng unit para sa aming tatlo samantalang nasa kabilang unit sina Joy, Noime, Rose at Rechell habang umuwi muna si Erika sa mansion nila.

"Anak!!"

Dali dali kong pinunasan ang luhang bigla na lang tumulo sa mga mata ko ng lumapit si mama sa akin.

"Anak patawarin mo ako... H-hindi ko kayo natulungan ni fidel noon."

Naguguluhan akong nagbaba tingin dahil sa sinabi ni mama na wala naman akong kaide'ideya sa past life ko.

"Kung maibabalik ko lang ang panahon na iyon sisiguraduhin kong matutulungan ko kayo ni fidel pero hindi kona iyon maibabalik pa kung kaya't patawad.."

Nilingon ko si mama at nginitian ko ito para ipakitang wala akong hinanakit sa kanya..

Na hindi ko sya kamumuhian bilang ina ko.

"Anak h'wag mong madaliin ang sarili mo.. Alam kong isang araw matatandaan mo din ang lahat na pilit naming ibinabaon sa limot para sa iyo."

Hindi ako nagsalita nanatili lang akong nakatingin kay mama hinihintay ang bawat salitang lumalabas sa labi nito.

"N-ngunit sadyang mapanlinlang ang tadhana... Pilit nyang ipinaglalapit sa iyo ang nakaraan.. Pilit nyang pinagtatagpo ang landas nyong apat."

Nakita ko kung paano bumuntong hininga si mama bago muling tumingin sa akin.

"Hindi nawala ang ala-ala namin ng iyong ama lenzy... Nanatili sa amin ang nakaraan na Ayaw na naming maalala pa dahil yun ang masakit na trahedya ng pamilya natin."

Nadudurog ang puso ko sa bawat patak ng luha ni mama..

Nasasaktan ako dahil nakikita ko sa kanila ni papa ang sakit at pait ng nakaraan na pilit nilang kinakalimutan..

"Kapag naalala mo na ang lahat nandito kami ng iyong ama para suportahan ka kung ano man ang magiging desisyon mo.."

Napatitig ako sa kamay ni mama na nakahawak sa akin ngayon.

"Mahal na mahal ka namin..."

KAPAG BA NALAMAN KO NA ANG LAHAT MAGIGING MAAYOS NA KAYA?

***   ***

** DREAM IN THE PAST **

Nakangiting nakatitig sa isa't isa si salome at fidel habang nakaupo sa hardin ng hacienda arguelles.

"Kung sakali mang hindi tayo pinagtagpo sa tiyetro si rolando parin kaya ang sinisinta mo?"

Nakangiting tanung ni fidel kay salome samantalang gulat namang napatitig si salome kay fidel dahil sa tanung nito.

"Paano kung ibalik ko naman ang tanung mo? Kung sakali mang hindi din tayo pinagtagpo sa tiyetro si sonya parin kaya ang nilalaman ng puso mo?"

Nakangiting ibinalik ni salome ang tanung kay fidel kaya halos mawala ang mata ni fidel sa ganda ng ngiti nito na syang ikinatitig naman ni salome..

(BAKIT GANITO ANG NARARAMDAMAN KO?)

Napahawak na lamang si salome sa kanyang dibdib dahil sa lakas ng tibok ng puso nito habang nakatitig kay fidel na nakangiti sa kanya..

"Nais mo ba talagang magpakasal sa akin?"

Maya't maya ay tanung ni salome upang maibsan ang kabang nararamdaman nito dahil sa ngiti ni fidel sa kanya..

Nahinto sa kakangiti si fidel dahil sa tanung ni salome sa kanya... Sasagutin na sana ni fidel ang tanung ni salome ngunit natigilan silang pareho ng dumating si selestina na bahagyang humalik sa pisnge ni fidel na hindi man lang nila inaasahan.

"Nagkakatuwaan ata kayo?"

Walang malisyang tanung ni selestina sa dalawang nakatingin ngayon sa kanya.

(SALOME MASANAY KANA SA KANYA!!)

"Nais kong makisalo sa inyo sa huling pagkakataon.."

Nagkatinginan sina salome at fidel dahil sa sinabi ni selestina.. Para sa kanila isa iyong pamamaalam!

"Ano ang iyong ipinapahiwatig?"

Tanung ni fidel kay selestina na nakangisi sa kanilang dalawa... Para kay salome may kakaiba sa kanyang kaibigan kung kaya't nangilabot ito dahil sa ngiti ni selestina sa kanila..

"Aalis na kami ni ama sa makalawa kung kaya't nais kong makasama kayong pareho sa huling pagkakataon.."

Ngumiti naman si fidel kaya nakingiti na lang din si salome ng lingunin siya ni fidel.

Lumapit ng kaunti si selestina kay salome at inilapit pa nito ang mukha sa tenga..

"HULI MO NA ITO!!"

** END OF DREAM IN THE PAST **

Halos mapahawak ako ng mahigpit sa kumot ko ng mapaupo ako sa kama dahil sa kakaibang takot na nagmumula sa dibdib ko dahil sa aking panaginip..

ANONG IBIG SABIHIN NG 'HULI MO NA ITO?'

"Bakit naman si alane ang nasa panaginip ko?? B-bakit sya tinawag na selestina? Anong ibig sabihin ng panaginip ko?"

Halos maidiin ko ang pagkakahawak si dibdib ko dahil sa kaba..

MAARI KAYANG SI ALANE AT SI SELESTINA AY IISA??

Hindi na ako dinalaw ng antok kaya nagdesisyon akong lumabas ng unit namin ni mama sakto namang palabas si Joy sa unit naming magkakaibigan.

"Oh lenzy!!"

Lumapit ako ng kaunti kay Joy Bernadette bago magsalita..

"S-saan ka pupunta?"

Nagtataka kong tanung kay Joy ng sulyapan ang suot nitong ash gray na dress at naka 6 inches na hills..

"May pupuntahan lang ako.. Gusto mo bang sumama?"

Natahimik muna ako at napaisip ng kaunti.. SASAMA BA AKO O HINDI??

"M-maari ba??"

Napangiti naman ito sa tanung ko kaya tumango sya ng ilang beses..

"Oo!! Samahan mo ako.. Hintayin kita sa parking area."

Tumango ako at ngumiti sa kanya.. SIGURADONG MABABAWASAN NG KAUNTI ANG ISIPIN KO NITO!!

"Sige!! Magbibihis lang ako.."

Dali dali akong pumasok sa unit namin nila mama... Hindi na ako nagpaalam matapos kong magbihis dahan dahan akong lumabas ng unit at dumeretsyo na sa parking area..

Nakangiting nagwave si Joy Bernadette habang nakasandal ito sa kotse nya kaya dali dali akong lumapit sa kanya.. Nakasuot naman ako ng yellow green dress habang nakasuot ng itim na doll shoes.

"Ano!! Tara na??"

Nakangiti akong tumango kaya sumakay na ako sa front seat habang nasa driver seat naman si Joy Bernadette..

"Saan nga pala tayo pupunta?? Tsaka nasaan sila noime, ate rose at rechell?"

"Nauna na silang tatlo!! Nahihiya akong kumatok sa unit nyo buti nga at nagkataon na lumabas ka ng unit nyo, eh."

Iiling iling na lang akong tumango sa kanya habang nakafocus parin sya sa pagmamaneho..

"Pupunta tayo sa mansion nila erika.. Nag invite sila dahil aalis na daw si alane.."

"I see!! Saan daw pupunta si alane??"

Muling tumingin si joy sa akin bago uli sya tumingin sa daan..

"Babalik na daw sila sa Europe..."

Pagkarating na pagkarating namin si alane agad ang sumalubong sa amin ni Joy..

"Pwede ba kitang m-makausap?"

Tumingin muna si Joy at tumango sa amin.. Lumapit ako kay alane na may pagtataka. ANONG MERON??

"I'm so sorry!!! Sorry for everything.. Sorry dahil naging selfish akong kaibigan, salome.. Sorry dahil nakagawa ako ng hindi maganda noon at ayaw ko ng maulit yon ngayon, salome.. Mas gugustuhin kong magpaubaya ngayon keysa maulit yung nangyari noon.. A-ayaw kong madamay uli ang mga kaibigan natin. Kaya sorry talaga!! I'm really really sorry, salome."

MAARING SYA SI SELESTINA?? ANO BANG NANGYARI NOON? WALA TALAGA AKONG MATANDAAN!! KAILAN KO BA MAAALALA ANG NAKARAAN KO?

Pabalik na kami sa building kung saan nakabili kami ng unit namin.. Tulala parin akong nakatingin sa labas habang si Joy parin ang nagmamaneho nasa likod naman sina Rechell, Ate Rose at Noime masarap na ang tulog nilang tatlo habang gising na gising parin ang diwa ko..

"Lenzy are you okay??"

Napatingin ako kay Joy ng magtanung ito sa akin..

"Ikaw ba joy kasama kaba sa Past life ko?"

"Lahat kami kasama sa past life mo, lenzy."

Napayuko ako sa sagot nito dahil ako lang ang hindi makatanda sa nakaraan.. Sa nakaraang pilit kong inaalala.. Sa nakaraang pilit kong iniisip.

"Si Amanda ay si erika.. Si Agatha ay si Noime.. ako si Maria.. Si Rose ay si Theresita samantalang si Rechell ay si Isabel at si Alane ay si Selestina.. I-ikaw——"

AT AKO AY SI SALOME ARGUELLES!!

"Ikaw naman si salome arguelles.."

Halos mapait na ngiti ang bumalatay sa labi ko habang nakayuko..

"M-may alam kaba sa past life natin? At k-kailan nyo pa nalaman ang past life natin?"

Narinig ko ang pagbuntong hininga ni Joy at natahimik kaming pareho pero naghihintay parin ako ng sagot nito.

"Naalala lang namin nung party sa mansion nila erika.. Halos lahat kami ay sabay sabay na nakaalala. Lenzy, paano kung hindi parin nagbabago ang tadhana sa inyo ni senior fidel?? P-paano kung mangyari uli yung nangyari noon?"

Halos walang kurap akong tumitig kay Joy kaya nilingon din ako nito... Imbes na ihinto nya ang sasakyan ay tuloy tuloy parin sya sa pagmamaneho hanggang sa mapaharap kaming dalawa..

"J-JOY!!!"

Sigaw ko ng makita naming pareho ang isang babae na bigla na lang tumakbo sa gitna ng dinaraanan namin..

Halos maipikit ko ang aking mga mata ng makaramdam ng hilo dahil sa nangyari..

"Joy, lenzy ayos lang ba kayo??"

Halos hindi ko maigalaw ang katawan ko dahil sa panghihina kaya tumango na lang ako habang narinig ko namang sumagot si Joy..

"Dito lang kayo!!"

Narinig ko ang pagbukas sara ng pinto sa back seat ng kotse ni Joy..

"Lenzy ayos ka lang ba??"

Paulit ulit akong tumango at iminulat ang aking mga mata kahit nahihilo ako.. Tumingin ako sa likod kung saan nakaupo si ate rose at rechell na tumawag na ng ambulance samantalang si Joy at Noime naman ang lumabas para tignan ang taong nabundol ng kotse..

"Nangyari na sa atin to noon.."

Muli akong tumingin kay rechell ng magsalita ito.. ANONG IBIG NYANG SABIHIN??

"Lenzy, nangyari na sa atin to noong past life natin."

ANONG GUSTO NYANG IPARATING SA AKIN??

"Ang pinagkaiba lang aksidente nating nakita ang pagkamatay ni Selestina at Yna Isabel.. Yun ang naging kalbaryo ng mga pamilya natin lalong lalo na ang pamilya mo, salome."