Chereads / HIS EYES, FAMILIAR / Chapter 7 - KABANATA 05

Chapter 7 - KABANATA 05

(Year 1922)

Halos hindi mawala wala ang ngiti ni salome nung makabalik ito sa kanilang tahanan.

"Salome anong ngiti naman iyan?"

Nagtatakang tanung ng ama ni salome sa kanyang bunsong anak habang nasa hapag ang mga ito.

"Hindi makakauwi ang iyong mga kapatid kung kaya't ikaw na lamang ang kailangan naming isama mamaya.."

Nangunot ang noo ni salome ng lingunin nito ang kanyang ama at ina na nakangiti sa kanya.

"Saan naman ho tayo patutungo, ama?"

Nagtatakang tanung naman ni salome sa kanyang ama..

"Dumating na ang iyong matalik na kaibigan sina selestina at amanda.. Hindi mo ba sila nakita sa dulaan, anak?"

"Si amanda lamang ang nakausap ko, ama."

Sagot naman ni salome sa kanyang ama habang nagsasandok ito ng makakain.

"Ganun ba salome.. Dumating na daw ang kaibigan mong si selestina."

Tahimik na lamang na kumain sina salome at ang kanyang ama at ina hindi din nito pinahalatang masaya sya dahil bumalik na ang kanyang mga kaibigan na sina amanda at selestina na matagal nyang hinintay.

"Mag-ayos ka na lamang dahil dadalo tayo sa piging na inayos ng isa sa aking amigo na si kapitan pedro.."

"Para saan naman ho ang piging ama?"

Nakangiting tanung ni salome sa kanyang ama ngunit ang kanyang ina na lamang ang nagsalita.

"Para iyon sa pagdating ni Senior Fidel Y Valdez ang pangalawang anak ni Don Benito Y Valdez.."

Tatango tangong sagot ni salome ngunit ang saya at galak nito ay naglaho ng banggitin ng kanyang ina ang pangalan ng anak ni Don Benito Y Valdez.

"At balita ko'y ipakikilala na nila ang mapapangasawa ni Senior Rolando.."

Habol ng ama ni salome na syang ikinainis at ikinatahimik nito.

"Leonardo Tomas Arguelles .."

Dali dali namang sita ng ina ni salome bago tumingin sa kanyang anak na parang nawalan ng gana sa pagkain.

"Mas mabuti na iyong malaman nya ng maaga..."

Sagot ni Don Leonardo Tomas Arguelles sa kanyang asawa bago tumingin sa kanyang anak at hinawakan pa nito ang kamay.

"Tanggapin mo na lamang na hindi si Rolando ang iyong mapapangasawa mas mabuting pakikilala na lamang kita sa mga anak ng aking amigo bakasakaling mawala ang kahibangan mo sa Rolando Y Valdez na iyon."

Walang nagawa si salome kundi ang tumango tango na lamang sa kanyang ama na hindi naman nya matanggihan.

"A-ama, ina maari bang kayo na lamang ang dumalo sa piging?"

Walang ganang tanung ni salome nagbabakasakaling payagan sya ng mga ito ngunit napanguso na lamang si salome ng hindi sya payagan ng kanyang ama.

"Pagkatapos mong kumain maligo kana at magbihis ng magandang sa'ya.."

Yun lang ang sinabi ng kanyang ama kung kaya't tanging tango na lamang ang naisagot na naman ni salome.

"Pasensya kana anak... Kailangan naroon ka din sa piging sapagkat naroon ang iyong mga kaibigan."

Tanging tango na lamang ang naisagot ni salome sa kanyang ina.. Hindi nya pinahalatang apektado ito sa mangyayari sa piging mamaya..

"Ina kailan makakauwi ang aking mga kapatid? Gusto ko na silang makita."

"Hindi pa namin alam kung kailan ang uwi nila.. Wala pang sagot sa liham na ipinadala ng iyong ama, salome."

Napayuko na lamang si salome habang tinatapos ang kinakain nito..

"Salome ayos ka lang ba?? Bakit matamlay ka?"

"A-ayos lamang po ako ina.. G-gusto ko lang po kaseng makita ang mga kapatid ko.."

Ngumiti naman agad si salome upang ipakitang maayos lang ito at hindi apektado sa sinabi ng kanyang ama.

"Pagkatapos mo ay maligo ka na at hahatiran kita ng susuotin mong sa'ya para mamaya sa piging."

Matapos kumain ni salome ay nagtungo na ito sa kanyang silid upang kunin ang kanyang pangtapis bago magtungo sa palikuran ng kanyang silid.

(NAIS KO LAMANG MAGING MASAYA NGUNIT MASAKIT PA LANG MAY INIIBIG KA NA ROLANDO..)

**_**

"Hindi ba't ikaw si salome arguelles?? Ang bunsong anak ni propesor tomas arguelles?"

Hindi makapaniwalang napatitig si salome kay rolando na nasa harapan nito..

Mas lalong tumindi ang kakaibang saya at kabang nararamdaman nito ng ilahad nito ang kanyang kamay bago nagpakilala.

"Ako nga pala si Rolando Valdez..."

Nakipagkamay naman agad si salome kay rolando..

(KILALA NYA AKO!!)

**_**

"Akala ko'y yun na ang umpisa ng ating kwento.."

Malungkot na bulong ni salome sa kanyang sarili..

"Salome anak narito na ang sa'ya na iyong susuotin.."

Tuluyan ng nagbuhos ng tubig si salome sa kanyang sarili upang maiwaksi ang bigat na nararamdaman nito na kanina pa nya nararamdaman ..

"Sige po ina, salamat!"

*** ***

Nakasakay na sina Salome, Donya Alexandra Ordonio Arguelles at Don Leonardo Tomas Arguelles sa kanilang kalesa patungo sa hacienda ni kapitan padre isa sa mga mayaman at kaibigan ng mga Arguelles at Valdez.

"Ama nais ko lamang malaman kung magiging estudyante mo din ang fidel na anak ni Don Benito Y Valdez ??"

Napalingon ang ama ni salome bago ito sumagot sa kanyang anak na naghihintay ng sagot.

"Sina fidel at rolando ay magiging estudyante ko, salome."

Napabuntong hininga na lamang si salome bago tapunan ng tingin ang paligid hanggang sa mapatitig sya sa napakaliwanag na buwan at napakalaki nito.. Nagabihan na sila ng dating sa hacienda dahil may inasikaso pa ang ama ni salome.

"Salome nais kong mangako ka sa akin na kakalimutan mo na si Senior Rolando sapagkat ikakasal na ito sa iyong pinsan na si Sonya.."

Napakunot ang noo ni salome at muling nilingon ang kanyang ama.

"P-pinsan ko ho ang mapapangasawa ni rolando, ama?"

Hindi makapaniwalang tanung ni salome sa kanyang ama na nakatingin din sa kanya..

"Oo anak.. Pinsang buo mo si Sonya Flores inilayo sya ng iyong tiya dito sa ating lugar.."

"B-bakit inilayo ni tiya si Sonya, ina?"

Napunta naman ang atensyon ni salome sa kanyang ina.. Naghihintay din ito ng isasagot nito.

"D-dahil naniniwala ang iyong tiya na maikakasal din ang iyong pinsan sa pamilya Valdez.."

(ANONG KONEKSYON NUN, INA?)

Hindi agad nakapagsalita si salome sa nalaman nito.. Hindi nya inaasahan na pinsang buo nya si sonya.. Si sonya na ipakakasal sa kanyang sinisinta.

"Ang iyong pinsan daw ang magluloklok sa kanilang pamilya!! Ang iyong pinsan ang magiging dahilan ng pagtaas ng pag-asang mas lumawak ang kapangyarihan ng mga flores.."

Nagugulat na napatitig si salome sa kanyang ama ng hawakan naman ang kamay nito.

"Kaya naman salome umiwas kana sa pamilyang Valdez.. Hindi tayo nararapat sa mga ito sapagkat ikapapahamak natin ang pakikipagugnayan natin sa kanila.."

Seryosong turan ng ama ni salome habang nakatingin sa kanya.

"Ngunit, Isang Valdez lamang ang mapagkakatiwalaan natin.. Isang Valdez lamang ang kaibigan natin, salome."

Mas lalong naguguluhan si salome sa kanyang ama.. Magtatanung sana ito ngunit huminto na ang sinasakyan nilang kalesa sa hacienda ni kapitan pedro kung saan gaganapin ang isang piging..

"A-ama ano ang ibig mong sabihin??"

Hindi na sya nilingon ng kanyang ama ng makababa na sila sa sinasakyan nila..

"Anak!! Malalaman mo din sa tamang panahon.."

Nakangiting sagot ng ina ni salome kaya naman napabuntong hininga na lamang ito at nagpatuloy na sila sa pagpasok sa malaking mansyon..

"SALOME!!!"

Halos pagtinginan ng mga naroon ang sigaw ni amanda na syang pinaka madikit (Bestfriend) kay salome..

"Magandang gabi po Don Leonardo Tomas Arguelles... Magandang gabi din po Donya Alexandra Ordonio Arguelles."

Nagmano naman si amanda sa ama at ina ni salome bago nya ayaing sumunod ang mga ito patungo sa hardin sa likod mansyon.

"Hindi pa ho naguumpisa ang piging.. Buti na lamang at maaga aga ang pagdating nyo."

Nakangiti namang turan ni amanda kay salome .. Nagpaalam ang ina at ama ni salome na pupunta sila sa pwesto ng mga kaibigan nila.

"Dumito ka muna salome.. Kukuha lang ako ng makakain sapagkat nais kong magkasalo tayong dalawa habang wala pa sina agatha at maria."

Muling habol ni amanda kay salome na nanatiling nakatayo at nililibot ng kanyang mga mata ang ganda ng hardin na kanyang kinatatayuan.

"Magandang gabi sa iyo binibining may puot!!"

Halos mapaatras si salome dahil sa bulong ni fidel sa kanya.. Masamang tingin naman ang ibinigay ni salome sa binatang nasa harapan nito.

"Nagagalak akong makita kang muli binibining salome na may puot sa akin.."

"Hindi ako nagagalak na makita ka.."

Inis at may diing turan ni salome kay fidel na tumatawa ng may pagkasarkasmo.

"Bakit kaya?? Tila ikaw lang ang binibining may puot sa akin."

Mas lalong sumama ang mukha ni salome dahil sa sinabi ni fidel..

"Sa tingin ko'y may gusto ka sa akin.."

Sarkastikong natawa si salome sabay nilingon ng masama si fidel na nakangisi parin sa kanya.

"Ginoo tila napakalakas ng iyong loob na sabihin iyon sa isang tulad ko?? Napakataas naman ng kumpiyansa mo sa iyong sarili."

Naiinis na turan ni salome kay fidel ngunit ngiti lamang ang isinagot nito sa kanya..

"Senior fidel.."

Nagugulat at napaiwas sina salome at fidel sa isa't isa ng may nagtawag at tumatakbo palapit sa pwesto nila..

"S-selestina ikaw ba iyan?"

Hindi makapaniwalang turan ni fidel kung kaya't napalingon at napatitig si salome kay selestina na matalik din nitong kaibigan.

Bumitaw sa pagkakayakap si selestina kay fidel na ikinagulat nila dahil hindi maaring magkayakap at magkadikit man lang ang babae at lalaki..

"S-SALOME!!"