(Year 1922)
"I-IKAW NA NAMAN ..."
Halos hindi nabalanse ni salome ang kanyang kabuuan dahil sa gulat.. Sa pagsulpot sa kanyang harapan ang isang kalesa kung saan nakasakay ang binatang kasama ni amanda.
"Nais mo bang masaktan binibini??"
Nangaasar na turan ng binata kay salome na nanggagalaiti na sa sobrang pikon.. Hindi man nya napansin ang pagalis nito ngunit natitiyak ni salome na sinundan sya ni fidel ang pinsan ni amanda para lang asarin.
"Nais mo bang ihulog kita sa iyong kalesa, senior."
"Tila napupuot ka sa akin binibini.."
Napapikit na lamang sa sobrang inis si salome dahil pakiramdam nito ay lalo syang iniinis ng binata na ngayon lamang nito nakilala.
"Buti alam mong ako'y may puot sayo, ginoo."
"Baka magkagusto ka sa akin, nyan."
Napaharap si salome sa binata ng magsalita uli ito ng mas ikinainis ni salome.
"Pasensya na ginoo ngunit hindi ako magkakagusto sa isang———"
Tumingin muna si salome kay fidel na kabababa lamang sa kalesang sinasakyan nito.
"Sa isang, ano?"
Nakangising tanung ni fidel habang dahan dahang naglalakad palapit kay salome na paatras ng paatras.
"A-ano——"
Hindi matapos tapos ni salome ang gusto nyang sabihin panay din ang pag iling nito habang iniiwas ang tingin sa binatang nang iinis sa kanya.
Magsasalita na sana si salome ngunit naramdaman nyang mahuhulog na sya sa isang butas.. Buti na lamang at nahawakan ni fidel ang bewang nito kaya pareho silang nahulog sa butas.
"A-aray ko!!"
Napahawak sa bewang si salome hanggang sa iminulat nito ang kanyang mga mata at nagkatitigan sila ni fidel na syang nagpakabog sa dibdib nito dahil sa gulat at kaba ng marealized nya kung ano ang naging pwesto nilang dalawa ng binata.
Nakaunat ang kanang kamay ni fidel upang alalayan ang ulo ni salome samantalang nakahawak din ang kabilang kamay nito sa bewang naman ni salome.
Nang mahimasmasan ang dalawa ay tumayo silang pareho at hindi na makatingin sa isa't isa.. Gustuhin mang mag salita ni salome at sisihin si fidel wala ng lumabas sa bibig nito kaya panay lang ang pagiling ni salome habang nakatitig sa lupa.
(HINDI KO NA LANG SANA NAKILALA ANG GINOONG ITO)..
Napapikit sa inis si salome at sumabog na lamang sya dahil sa sobra sobrang inis kapag naiisip nya ang paghawak ni fidel sa bewang nito habang nakahiga sila sa lupa.
"Kasalanan mo ito, ginoo."
Inis ng napasigaw si salome habang masamang nakatitig kay fidel na panay ang paglunok at pagiwas ng tingin kay salome.. Nagagandahan at napahanga ni salome si fidel kaya panay ang pagiwas ng tingin ni fidel habang nangingiti pa ito.
"P-paano na tayo makakabalik sa itaas??"
Inis na pagmamaktol muli ni salome habang hindi naman matanggal tanggal ang pagkaka ngiti sa labi ni fidel..
"Tulong... May nakakarinig ba sa akin?"
Sigaw ni salome habang nakatingin sa itaas nagbabakasakaling marinig ito ngunit wala paring nakakarinig sa kanya.
(KAY MALAS MO NAMAN, SALOME!)
Muling sumigaw si salome nagbabakasakaling sa pagkakataong iyon ay may makakarinig na sa kanila.
Napaupo na lamang si salome sa malaking bato na nasa gilid nila.. Padabog nyang sinipa ang maliit na bato kaya tumama iyon kay fidel.
(HALA!!)
Napatayo si salome at dali daling pinuntahan si fidel na tinamaan ng bato sa mukha..
"S-saan tumama ang bato, ginoo??"
Iling lang ang naisagot ni fidel habang si salome ay panay ang tanong nito at tinitignan ang kabuuan ng mukha ni fidel hinahanap kung saan tinamaan ng bato.
"P-pasensya ka na g-ginoo.. H-hindi ko sinasadya.. Pasensya na!!"
Nang makita na ni salome ang sugat ay dali dali nyang kinuha ang kanyang panyo.. Nung una ay nagdadalawang isip ito kung ipangpapatong nya ang pulang panyo sa sugat ni fidel lalo na't regalo sa kanya iyon ng kanyang ina.
"Pasensya na talaga!!"
Pagkapatong ni salome sa panyo ay dali dali nyang inagaw ang kanyang kamay ng ipatong ni fidel ang kamay nito sa nakapatong na kamay ni salome.
"At isa pa ay kasalanan mo ang lahat ng ito.. Wala sana tayong dalawa dito kung nagpatuloy ka na lamang sana sa pag'alis."
Maya't maya ay naiiritang turan muli ni salome ayaw nyang ipakitang naapektuhan ito sa pagpatong nito sa kamay.
"Bakit hindi mo na lamang itinuloy ang iyong sasabihin?? Kasalanan ko ba kung napupuot ka sa akin ng ganyan, binibini."
Hindi agad nakapagsalita si salome dahil tama nga naman si fidel.. Kung hindi lang hinayaan ni salome ang inis nito ay panigurado namang hindi sila mahuhulog na pareho sa butas.
Napairap na lamang si salome habang nakatayo sa harap ni fidel..
"Kung ganun ay paano na tayo makakaalis dito?? S-sigurado akong nag-aalala na si ama!"
Turan ni salome habang pahina ng pahina ang boses nito.
Napatayo si fidel at sya naman ang sumigaw na narinig naman agad ni rolando at ang kanyang nobya na sinundo pa nito sa daungan.
Napatulala na lang si salome habang hindi makapaniwalang napatitig kay fidel..
(NAPAKAGINOO NYANG TIGNAN!!)
Napaiwas na lamang si salome ng lingunin sya ni fidel na may ngiti sa labi.. Hindi tuloy malaman ni salome kung maiinis ba ito o ngingitian din nya si fidel.
Samantalang dali daling inihinto ni rolando ang kalesa nito at hindi man lang pinansin ang kanyang nobya ng marinig nito ang pamilyar na tinig ng isang lalaki.. Hindi sya nagkamali dahil alam na alam nya ang boses ng kanyang pinsan na si fidel.
"Fidel ikaw ba iyan??"
Sigaw pabalik ni rolando ng makita ang kalesang sinakyan ni amanda at fidel..
"Tulungan mo kami.."
Napakunot ang noo ni rolando ng marinig ang sigaw ng isang babae na nanggagaling din sa butas kung saan din si salome kasama si fidel.
"Fidel naririnig mo ba ako.."
"Pinsan tulungan mo kami dito.."
Nang marinig na ni rolando ang tinig ni fidel ay dali dali itong bumalik ng kalesa at kinuha ang mahabang tali at muling nagtungo sa butas kung saan naghihintay sina salome at fidel.
"Hihilain ko ang tali.."
Pagkababa ni rolando ng tali ay hinila ng kaunti ni fidel ang tali ng paunahin nito si salome..
"Mauna kana binibini.."
Hindi na lamang umimik si salome kaya dali dali itong kumapit sa tali na hinihila na ngayon ni rolando.
Halos mapatulala si salome ng maaninag nito kung sino ang lalaking nasa kanyang harapan na tumulong sa kanila..
(ROLANDO!!)
Kumabog ang dibdib nito dahil inilahad ni rolando ang palad nito sa harap ni salome na hindi agad nakagalaw dahil hindi nya inaasahan na ang kanyang sinisinta ang syang magiging dahilan kung bakit makakaalis sila ni fidel sa butas na iyon.
"Ayos ka lang ba, binibini?"
"K-kaya ko, senior."
Nauutal man ay hindi parin makapaniwala si salome dahil nagkalapit ang mukha nila ni rolando ngunit hindi sya nagpatulong rito dahil sa kabang naramdaman nito.
Wala sa sariling humawak sa sanga ng maliit na puno si salome at dali dali itong nakaakyat..
Iiling iling na inakay ni rolando si fidel ng makaakyat din ito sa tulong ng tali na inihulog ni rolando sa butas.
"Anong nangyari sa iyong mukha, pinsan?"
Nagtatakang tanung ni rolando kay fidel ng makita ang tumulong dugo sa pisnge nito.. Nahinto si salome sa pagiisip ng marinig nito ang tanung ni rolando..
"Nahulog kami at heto ang natamo ko, pinsan."
Iiling iling na lumapit si salome kina fidel at rolando..
"A-ako'y mauuna na mga ginoo.."
Napapayukong turan ni salome sa dalawa ng mapatingin ang mga ito sa kanya.
"Hindi ba't ikaw si salome arguelles?? Ang bunsong anak ni propesor tomas arguelles?"
Hindi makapaniwalang napatitig si salome kay rolando na nasa harapan nito.. Mas lalong tumindi ang kakaibang saya at kabang nararamdaman nito ng ilahad nito ang kanyang kamay bago nagpakilala.
"Ako nga pala si Rolando Valdez..."