Chereads / HIS EYES, FAMILIAR / Chapter 3 - KABANATA 01

Chapter 3 - KABANATA 01

UNANG KABANATA

Taong 1922

Isang dalagang halos mapunit ang ngiti ang naglalakad sa pamilihan kasama ang kanyang dalawang kaibigan na sina Maria at Agatha..

Mga binibining pambihira ang karisma at ganda lalo na ang makikinis nilang balat ang tangos ng kanilang ilong at ang magaganda at mapupungay na mga mata.. Ibang iba sila sa mga binibining nakakasalamuha nila.

"Salome nais mo bang magtungo sa aming palayan? Nasasabik na sina inang at itang na masilayan kayo ni maria.."

Nakangiting turan ni agatha sa kanyang mga kaibigan.

Napaharap naman si salome sa kanyang kaibigan na si maria.

"Nais mo bang sumama?"

"Hindi ako maaring pumaroon ngayon.. Nais ko mang makita sina itang at inang ay hindi ako maaari ngayon sapagkat darating ang aking tiyo na galing binondo."

Malungkot na tumango si salome sa kanyang kaibigan na si maria.

"Maari akong pumunta sa palayan.. Kailangan ko lang magpaalam kina ama at ina."

Nakangiti namang turan ni salome sa kanilang kaibigan na si agatha.

"Kung gayon ay matutuwa sina inang at itang.. Nais ko ding magpaalam kina ina at ama tapos ay pupuntahan kita sa inyo."

Halos wala ng mapaglagyang saya na turan ni agatha kay salome.. Napalingon naman sina salome at agatha kay maria na nakanguso na ngayon dahil hindi ito makakasama sa palayan na tinitirhan ng mag asawang nag alaga sa kanila nung mga bata pa sila.

"Nais ko ding sumama sa inyo ngunit darating si tiyo.."

"Maria h'wag kang mag-alala makakasama ka din sa amin sa palayan."

Natatawang hinawi ni salome ang likuran ni maria.. Lumipat naman ng pwesto si agatha at ginaya ang ginawa ni salome.

"Kung gusto mo ay sa susunod na paparoon ako ikaw naman ang kasama ko.."

Natatawang turan ni agatha kay maria sabay malakas na hinampas ang kaibigan sa may pwetan nito.

Panay tawanan ng magkakaibigan ang naririnig sa pamilihan habang  nagaasaran ang mga ito kinatutuwaan din sila ng karamihan dahil sa kakulitan nilang tatlo.

"Tama na ang harutan agatha at maria.."

Suway ni salome ngunit tumingin lang ang dalawa sa kanya habang may nakakalokong ngiti sa labi kaya naman napatakbo papasok sa simbahan si salome dahil alam na alam nya ang tinginan ng dalawang kaibigan nito.

"Salome..."

Natatawang turan ni agatha ng maharangan nila ito ni maria patuloy parin nilang inaasar sa pangingiliti si salome hanggang sa may nabundol na itong isang lalaki na nakatalikod sa kanila.

"P-pasensya na po.."

Paghingi ng paumanhin ni salome habang nakayuko ito at hindi pa nililingon ang nabangga nitong lalaki.

Samantala sina agatha at maria ay tulalang nakatitig sa lalaking nabangga ni salome.

"Ayos lang, binibini."

Nakangiting sagot ng ginoo na nakatingin kay salome na hindi parin lumilingon sa kanya.

"Paumanhin po talaga!!"

Muling sagot ni salome napalingon pa sya ng isanggi ni maria ang braso nya at ganun din si agatha na panay ang paglunok.

"Si senior rolando.."

Halos manlaki ang mata ni salome ng ibulong ni maria ang pangalan ng ginoo na kay tagal nyang hinintay at kay tagal nyang inaasam na makita at makilala.

"Pasensya na po talaga senior .."

Panay ang pagiling ni salome hindi na nya alam kung paano gumalaw sa kanyang kinatatayuan ng malaman nyang ang binatilyong nabundol nya ay si rolando.

ROLANDO VALDEZ ang panganay na anak ni Don Lando Valdez ang tagapangasiwa sa bayan ng 'San Miguel, Manila'.. Ang ginoong nais pakasalan ni salome.

"Ayos lamang iyon, binibini. Sa susunod ay mag-ingat ka ng wala ka ng mabangga.."

Nakangiti namang turan ni rolando kay salome..  Napakamot na lang si salome sa kanyang batok ng yumuko ito at nagpaalam na dahil sa kahihiyan na kanyang inabot sa senior.

"Kay gandang nilalang ang senior na iyon.. Hindi ba't nais mo siyang makilala at masilayan yun ang panganay na anak ni Don lando?"

Nangaasar na turan ni maria kay salome.

"Tadhana na mismo ang naglapit sa inyo.."

Pangangantiyaw naman ni agatha kay salome na hindi na mapigilang mapangiti sa tuwing naiisip nito ang mukha ng ginoo na halos lumubog ang biloy sa pisnge kakangiti.

"Tadhana?? Hindi ba't kagagawan nyo iyon? Hindi kona alam kung paano pa ako magpapakilala sa kanya.."

Parang nawalan ng pag asang makilala ni salome ang lalaking kanyang sinisinta.

"Kay tagal kong naghintay sa pagdating nya ngunit sa ganoon lang pala kami pagtatagpuin dahil sa pangingiliti nyo sa akin."

Hindi maintindihan ni salome ang pagtibok ng kanyang puso ang kaba na namulata sa kanyang dibdib ay hindi din nya alam kung anong ibig sabihin non..

"Salome!! Nais moba talagang makilala si senior rolando?"

Wala sa sariling napatango si salome kay maria.

"Mamayang gabi ay pupunta kami sa plaza.. May dula na magaganap mamaya sigurado akong magtutungo doon si Senior Rolando.."

Hindi mawala wala ang ngiti sa labi ni salome sa kanyang narinig.. Nais nyang makilala ang kanyang sinisinta.

"Sasama ako.."

Wala sa sariling turan ni salome kay maria at agatha na syang nagplano para sa kanya.

"Kung gayon ay wala ng atrasan ito?"

Tanging tango lamang ang naisagot nila agatha at salome kay maria na siyang nangunguna sa kanilang plano.

—— ——

"Ama, Ina nais ko po palang mag paalam sa inyo."

Nakangiting pambungad ni salome sa kanyang ama at ina na nagbabasa at nagtatahi sa sala.

"Saan ka na naman paparoon salome?"

"Ama alam nyo na po bang dumating na si rolando?"

Nakangiti tanung ni salome sa kanyang ama.. Nais nitong malaman kung nakita na nya ito.

"Senior rolando ang itawag mo sa ginoong iyon, salome."

Suway ng ama ni salome sa kanyang bunsong anak.

"Ngunit ama, si rolando ang nais kong pakasalan kung kaya't sinasanay ko lamang ang aking sarili na hindi sya tawaging senior."

Natawa naman ang ina ni salome dahil sa kasutilan ng kanilang bunsong anak.

"Si senior rolando ay isa sa aking estudyante ngayong huling taon.."

Halos matuwa si salome sa kanyang narinig mabilis syang lumapit sa kanyang ama.

"Talaga ama?? Nais ko pong dumalo sa colegio de maynila.."

Tanging tawa lang ang narinig ni salome sa kanyang ama.

"Maari ka namang dumalo.."

"Talaga ama? Salamat ama.. Magbibihis na po ako para mamaya.."

Tatalikod na sana si salome ngunit tumikhim ang kanyang ama kaya napaharap na lang ito.

"Hindi pa kami pumapayag, salome."

Napanguso na lamang si salome na lumapit muli sa kanyang ama at panay ang pagpapacute nito.

"Ama... Nais ko pong lumabas kasama sina maria at agatha .."

Pagmamakaawa nito sa kanyang ama na may pahawak hawak pa sa kamay ng kanyang ama para payagan sya nito.

"Tomas payagan mona ang anak natin.. Nais lamang nyang makasama ang kanyang mga kaibigan."

"Nais ko din pong masilayan si rolanda sa dulaan mamaya sa plaza."

Muling pagpapacute na sagot ni salome sa kanyang ina at ama na ngayon ay nakaawang na ang labi dahil sa kagustuhan ng kanilang anak.

Wala namang nagawa ang mag asawa kaya pumayag silang dalawa sa kagustuhan ng kanilang bunso.

"Mag ingat kayo kung gayon.."

Napangiti na lamang si salome na tumakbo pa palabas ng silid ng kanyang ama at ina.

Nakabihis ng puting baro't sa'ya si salome may dala itong abaniko (pamaypay) may dala din itong pulang panyo.

"Salome narito na sina agatha at maria.."

Napangiti si salome sa kanyang sarili habang inaayos ang sarili at nakatingin ngayon sa malaking salamin.

"Nariyan na po ina.."

Tumakbo palabas ng silid si salome at sobra sobrang galak ang makikita sa mata nito.

"Ama, Ina kami ay lalabas na po.."

Sigaw ni salome sa kanyang magulang na nasa sala na ng kanilang mansion.

"Mag iingat kayo.."

Paalala ng ama ni salome sa tatlong dilag.

Bata pa lamang ay magkakasama na sina salome, maria at agatha kung kaya't tiwalang tiwala ang magulang ni salome sa dalawang kaibigan ng kanilang bunsong anak.

"Nabalitaan kong kasama ni senior rolando si amanda..."

"Talaga?? Kay tagal nating hindi nakita ang isang iyon."

Nalukot ang mukha ni salome ng marinig ang pangalan ni amanda.. Isa si amanda sa kanila ngunit hindi ito nagpaalam kay salome na aalis ito kaya ganun na lamang ang tampong nararamdaman ni salome sa kaibigan na kapatid naman ni rolando.

"Darating sa makalawa si selistina.."

Napalingon naman agad si salome ng marinig din nito ang pangalan ng isa sa kaibigan nilang si selistina ang isa sa nagkakagusto kay rolando.

"Kasama raw ni selistina ang pinsan ni rolando si ginoong fidel.."

Fidel?? Sino naman ang isang iyon?

Napaisip naman si salome sa mga naririnig nito sa kanyang kaibigan.

"Nagkakamali ka... Nalaman kong narito na din ang Senior na iyon. Nauna na ito kay selistina.."

Napapatango na lang si agatha sa sinabi ni maria.

Pagkarating ng tatlo sa plaza mabilis na dumami ang taong manunuod ng dula.

"Sigurado ba kayong nandito si ginoong rolando?"

Tumango sina agatha at maria hanggang sa may itinuro si maria.

"Yun na si ginoong rolando.."

Napatitig si salome sa lalaking nakatalikod habang nakaupo sa pinakaunahan.

Dali daling nagbayad sina salome bago sila pumunta sa unahan at tumabi sa itinuro ni maria.

"Ikaw ng bahalang kumausap sa kanya.. Dito na lang kame."

Turan ni agatha at pinagtulakan pa nito si salome palapit sa ginoong nakatalikod sa kanila.

Hindi naman makita ni salome ang kabuuan ng ginoo pero tumuloy parin ito sa kagustuhang makilala ang ginoong kanyang sinisinta.

Tahimik ang buong paligid senyales na maguumpisa na ang dula.

Sa sobrang dilim ng paligid parang hindi makahinga ng maayos si salome lalo na at katabi nito ang ginoong kanyang sinisinta.

Palihim na nangingiti si salome dahil sa tuwang nararamdaman nito lalo na at kaunti na lamang ay magdidikit na ang kanilang braso dahil sa sobrang lapit nila sa isa't isa.

Napalingon si salome sa pwesto na kinauupuan nila agatha at maria, para kay salome parang anino ang kanyang mga kaibigan dahil sa sobrang dilim ng paligid nila.

Nakangiting kumaway si salome sa dalawa nitong kaibigan kahit na pa hindi nila maaninag ang isa't dahil sa sobrang dilim ng kabuuan ng paligid dahil gabi iyon nag uumpisa.

Napaisip ng pakulo si salome ihuhulog nya ang kanyang abaniko  at panyo ng palihim nagbabakasakaling mapansin na sya ng binatang kanyang inaasam asama.. Hindi naman sya mapapansin ng nanonood dahil tutok na tutok ang mga naroon kahit na pa ang binatang nasa kanyang tabi ay nakatutok sa palabas na kanilang pinanunuod.

Ikinumpas na ni salome ang hawak nyang abaniko pakiramdam nya ay lalabas na ang puso nito dahil sa bilis ng pagtibok nito dahil sa kabang nananalaytay sa kanyang puso.. Dahil din sa tindi ng hangarin nitong maisakatuparan ang kanyang ninanais.

Hindi dapat nya iyon palalagpasin sapagkat pangatlong beses na nyang masisilayan ang ginoong kanyang inaasam asam.

Kinuha na ni salome ang pulang panyo nito saka nya iyong tuluyang inihulog sa tapat ng silya ..  Nagpatuloy pa rin si salome sa paghampas ng kanyang abaniko at balak na nya iyong ihulog ng mapansin nyang nasa paanan ng binata ang pula at regalong binurdahan ng kanyang ina na panyo..

Yumuko na lamang si salome upang abutin ang pulang panyo na apak apak na ng lalaking nasa kanyang tabi.

"Maari mo bang itabi ang iyong paa? Senior."

Halos dumagundong ang tibok ng kanyang puso ng mahawakan na nya ang pulang panyo na bigay sa kanya ng kanyang ina.

Natigilan naman si salome at dahan dahang nilingon ang binata na ngayon ay nakatitig na sa kanyang mukha ganuon din si amanda na nasa kabilang gilid ng binatang kanyang katabi.

Napaayos ng upo si salome ng mapagtanto nyang nanatiling nakatitig sa kanya ang binata na nasa kanyang katabi at sa wakas ay nakuha nya ang atensyon ng binata.. Mabilis na itinago ni salome ang kanyang mukha sa hawak nyang abaniko (pamaypay).

Napangiti si salome sa likod ng abanikong nakatakip sa kanyang bibig..

"Narito ka pala senior rolando.. K-kinuha ko lamang ang aking pulang panyo sa iyong paanan patawad at hindi ko din inaasahang makakatabi kita."

Wika ni salome gamit ang pinaka mahinhin na pamamaraan nito gaya ng ibang binibini.. Kahit na hindi nya makita ang kabuuan ng mukha ng binatang kinakausap nito nanatili ang ngiti sa labi ng dalaga kahit na kinakabahan ito.

"Nagagalak akong makita kang muli senior rolando..  Marahil ay iniisip mo kung sino ako, kung kaya't magpapakilala ako sa iyo. Ako nga pala si salo——"

Hindi na natapos ni salome dahil bigla itong nagsalita.

"Binibini nais mo bang sumali sa dula? Nagsisimula na ang palabas.."

Tanung ng binata kay salome na syang ikinatulala ng dalaga.. Pilit nyang inaanig ang mukha ng binatang katabi nito dahil hindi iyon ang tinig ng kanyang sinisinta.

"Ang iyong ikinilos ay naiuugnay ko sa mga binibining nakikita ko sa spain na nais mapansin ng isang ginoo.. Ilang beses na akong nakasaksi ng iyong ginawa binibini. Ngunit, ngayon ko lamang iyon napansin dahil ang ginawa mo sa aking harapan ay mabisang paghahatid ng damdamin sa ginoo, magaling ang iyong ginawa."

Wika ng binata ngunit parang sinasabi nya iyon sa kanyang katabi na si amanda.

"Tama ka dyan kuya... Walang pinagkaiba ang Spain dito sa Pilipinas."

Sagot ni amanda sabay natawa sila sa isa't isa hindi parin natinag ang pagkakakunot ng noo ni salome na nakatingin sa binatang katabi nito.

Hindi masyadong maaninag ni salome ang mukha ng binata.. Nanlalaki naman ang mata nito dahil sa narinig nya na galing Spain ang binata at hindi sa Maynila.

Ilang sandali pa ay nagkaroon na ng liwanag habang dahan dahang iniaangat ang puting kurtina sa may entablado.. May apat na sulo ng apoy sa likuran ng kurtina na hawak ng apat na aktor, Sa pagkakataong iyon ay unti unti ng nakikita ni salome ang kabuuan ng gilid na mukha ng binata at malapit lamang sila sa entablado kaya naman makikita nya ang buong mukha ng binatang katabi nito.

Halos laglag balikat at tulalang nakatitig sa mukha ng binata si salome ng tuluyan na nyang makita ito..

Halos humangin ng malakas ang paligid nito at tila sya lang ang tinatamaan nito ng hindi si rolando ang lalaking nasa kanyang harapan.

Nakabibinging palakpakan ang maririnig nito kahit na ang binatang kanyang tinitignan ay nakikipalakpak din ng matapos ang panuod sa entablado.

"Salome ikaw pala iyan.."

Napatingin si salome kay amanda na nakatingin na pala sa kanya.

"A-amanda... B-bakit wala ka man lang liham na ipinadala sa akin?"

Kunwaring tampo ni salome kay amanda para mawala ang atensyon nya sa binatang kanyang katabi na ngayon ay nakatitig sa kanya.

"Salome nais kong ipakilala sa iyo ang aking pinsan na si kuya fidel.. Anak ni tiyo benito.. Kuya fidel heto nga pala si salome ang isa sa aking kaibigan.. Siya ay anak ni Don Leonardo tomas ang magiging guro nyo ni kuya rolando sa colegio de maynila."

Pagpapakilala ni amanda kay salome at fidel.

"Nagagalak akong makilala ka salome.. Ako nga pala si fidel."

Tinaasan naman ni salome ng kilay ang binata..

"Hindi ako nagagalak na makita ka senior.."

Inis na sagot ni salome na syang ikinatawa naman ni amanda at ng binata.

"Salome pasensya na hindi si kuya rolando ang kinakausap mo kanina.. Kasama na namin sya ni kuya fidel ngunit nagmamadali itong umalis sapagkat susunduin nito ang kasintahan niya.."

Tila may kirot sa puso ni salome ng malamang may kasintahan na pala ang ginoong kanyang iniibig.

"Salome nais sana kitang imbitahan sa piging na gaganapin bukas sa mansion nila kapitan pedro..Sumama ka sa iyong ina at ama sa piging, aasahan kita doon."

Nakangiti namang turan ni amanda nagbabakasakaling mapapayag si salome.

Ang piging na gaganapin sa mansion ni kapitan pedro ay para iyon sa pagbabalik ni fidel ang anak ni Don Benito.

"Amanda.."

"Kumusta ka?"

Mabilis na yumakap sina maria at agatha kay amanda matapos ipakilala ni amanda ang kanyang kuya fidel sa dalawa pa nitong kaibigan.. Gaya ni salome ay pinaalalahanan ni amanda sina maria at agatha na sumama sa kanilang magulang sa gaganaping piging sa mansion ni kapitan pedro ang matalik na kaibigan ng mga Valdez.

Tahimik si salome tila dinadamdam ang kanyang narinig kay amanda.

"M-mauuna na ako sa inyo.."

Paalam ni salome sa mga ito.. Hindi na nya hinintay ang isasagot ng kanyang mga kaibigan tinalikuran na nya ang mga ito at tulalang naglalakad pabalik sa kanilang hacienda.

Madilim ang daan ngunit marami pa din ang nakakasabay ni salome sa paglalakad.. Naramdaman pa nya ang pagtulo ng kanyang luha dahil yun ang kauna unahang sakit na naramdaman nya buong buhay nya.

Hindi nya napansin ang isang kalesang pinapatakbo papalapit sa kanya.

"Tumabi ka dyan binibini..."

Natauhan lang si salome ng marinig nyang may sumiga sa kanyang likuran kaya naman napahinto ito at tumingin sa kanyang likuran hindi sya nakakilos dahil sa kalesang papalapit na sa kanya.

Napahawak na lamang si salome sa kanyang puwetan dahil sa pagkakabagsak nito.

Uminit ang pisnge ni salome ng masilayan nya ang lalaking nakapatong sa kanya ngayon at katitigan pa nito.

Halos manlaki ang butas ng ilong at mata ni salome kung sino ang taong naka patong sa kanya kasabay ng pagiinit ng pisnge nito ang paginit ng ulo nya ng makilala ang binatang nasa harapan.

"I-IKAW NA NAMAN ..."