Kabanata 11
Cohan
Napalunok ako dahil sa kabang naramdaman ko dahil sa lapit ni Santi sa akin. Nakahinga lang ako ng maluwag nang tumunog ang elevator, hudyat na nasa tamang palapag na ako. Agad akong tumayo ng tuwid, na sana pala hindi ko ginawa dahil dumampi ang labi ni Santi sa gilid ng labi ko dahil sa biglaang paggalaw ko. Nanlalaki ang mga mata ko at halos mag-init ang buong mukha pati tenga ko dahil sa nangyari.
"F*ck! It's just a smack yet it turns me on."
"What the!" asik ko.
Masama ang tingin ang ipinukol ko kay Santi, pero mapupungay ang mga mata nitong nakatitig sa akin. Agad akong nag-iwas nang tingin at nagmadaling humakbang para iharang ang kamay sa elevator dahil papasara na ito ulit. Bago ako tuluyang nakalabas ay nagpaalam pa si Santi sa akin pero hindi ko na ito nilingon.
Pagpasok ko sa kwarto ay saka ko lang naisip ng mabuti ang nangyari. Santi is the first man who kissed me, even if it's just a smack.
Hindi agad ako nakatulog dahil ss nangyari sa elevator kaya puyat ako kinabukasan paggising ko. Alas tres na ng madaling araw akong dinalaw ng antok. At alas singko pa lang ay gising na ako para makapag-jogging sa labas ng building. Hindi na naman bago ito sa akin dahil lagi kaming late matulog dahil sa duty namin noong nagte-training pa lang.
Pagbaba ko ay naabutan ko si Alessia at Adonis na nag-e-stretching sa labas. Malamig kaya naka hoodie ako, ipinaibabaw ko iyon sa sports bra na suot ko. Ganoon din si Alessia at Adonis, parehong naka hoodie ng itim din.
"Morning, Lieutenant." Tinanguhan ko si Adonis.
"Good morning, Adonis," bati ko pabalik.
Sinipat ko si Alessia na nagpatuloy sa page-strecth at di man lang lumingon ss gawi namin. I shrugged my shoulders and put my earphone at pinatugtug ang cellphone bago nagsimulang magstretch. Ilang sandali pa ay nagsimula nang magjogging si Adonis kaya sumunod na rin ako.
Tatlompong minuto ang inilaan ko sa pagjogging sa alley bago ako pumwesto ss gilid at nagsimulang magpush-up. Marami-rami na rin ang nagjo-jogging pero ang mga kateam ko ay nagpu-push-up na rin di kalayuan sa pwesto ko, maliban nalang kay Alessia na hindi ko makita kong saan.
Pinagpawisan na ako kaya hinubad ko nalang ang Hoodie ko, leaving only my black Calvin Klein sports bra. Fifty consecutive counts ang kadalasang ginagawa namin sa training noon, kaya sisiw nalang ito sa amin.
Nasa 30 push-ups na ako nang biglang tumabi sa akin si Justine at ginaya ang ginagawa ko. His muscles are flexing every time he moves and push his body up. Nakasuot lang ito ng itim na sando at pinarisan ng sweat pants katulad ng sa akin, ngalang, itim ang kay Justine at gray naman ang akin.
Pinagpatuloy ko ang pagpu-push-up hanggang natapos. Hinihingal akong tumayo at nagpagpag ng kamay. I walked towards the bench at dinampot ang energy drink ko na nakapatong doon katabi ng towel ko. Kita ko sa gilid ng mga mata ko ang pagdating ni Santi sa alley, kasabay nito si Alessia. Malaki ang ngiti ng dalawa habang nag-uusap. I almost roll my eyes kung hindi lang tumayo sa harap ko si Justine na kunot na kunot ang nuo. Taas-kilay ko itong tiningnan bago tumunga ulit sa energy drink.
"Problema ng lahi mo, Lieutenant?" masungit na tanong ko. Inismiran ako nito kaya ngali-ngali ko itong batukan.
"You're just wearing like that when you exercise." I raised my brows dahil sa pagtukoy ni Justine sa suot ko.
"What's wrong with my attire, Lieutenant Espacio?" Umismid lalo si Justine ss akin bago ngumuso.
"There's nothing wrong with it. In fact, you look so damn hot, Lieutenant. Kaya nasa'yo lahat ng mga tingin ng mga lalaki dito," sabay libot sa paningin nito sa Alley.
"You're just imagining, Lieutenant," naiiling na saad ko.
"I'm not. Haven't you notice? Tsk! Sa bagay, manhid ka naman kasi kaya hindi mo man lang napapansin ang mga humahanga sayo!"
Hindi ako makapaniwalang tinawag akong manhid ni Justine kaya hindi ko mapigilang wag sumilay ang ngisi sa labi ko dahil sa naisip.
"I didn't notice them, Lieutenant. I only noticed you." Banat ko dito dahilan para muntik na itong masamid sa iniinum. Tumawa ako ng malakas dahil sa nangyari.
"What the, Lieutenant! Say it again." Justine demanded. I continue laughing at him kaya sinamaan ako nito nang tingin.
"Stop laughing, Delaney. Tss!" dagdag nito.
"What?" I innocently asked, natatawa parin.
"Tss!"
I noticed people watching us Kaya napailing nalang ako pero nanatili ang ngiti sa labi.
"Wag masyadong kiligin , Lieutenant, maaga pa para diyan," nakangiti kong kanchaw kay Justine bago dinampot ang towel at hoodie ko at naglakad pabalik sa building.
Narinig ko ang mahinang mura nito bago ko naramdaman ang patakbong yapak ni Justine sa likuran ko.
"I can't believe binabanatan mo na ako nang ganoon, Lieutenant." I glanced at Justine and shrugged.
Sumabay si Justine sa akin pabalik sa building. Dumiritso ako sa kwarto ko, ganoon din si Justine. Naligo at nag-ayos agad ako pagkatapos. Nakasuot na ako ng uniporme nang bumaba para mag almusal kasama ang team.
Naabutan ko ang team da restau na nagkakasiyahan, maliban sa grupo ni Alessia sa kabilang mesa. Malaki ang ngiti ni Justine nang makita ako. I pulled out my chair and sat down bago tinawag ang waiter para sa order.
"You always looks amazing, Liuetinant." Malaki ang ngiting puna ni Justine sa akin.
"Maliit na bagay," pagyayabang ko kaya napa-ungol sa pagprotesta si Talia na ikinangiwi ko. I gave them a half shrug at nagsimula nang kumain matapos ilapag ng waiter ang mga pagkain sa mesa.
"Wala yata si Captain Sullivan," puna ni Talia nang lingunin ang mesa nina Alessia, pero hindi na ako umimik pa.
Pagkatapos kumain ay agad na kaming dumiritso sa kanya-kanyang assigned area. Agad akong napabuntong hininga nang matanaw ang limang naglalakihang eroplano sa Alley. Nagmadali na akong maglakad palapit sa eroplanong pinapalipad ni Santi. Ito ang unang may flight sa araw na ito, dalawang oras mula ngayon. Nakababa na ang hagdan kaya agad na akong umakyat doon.
"Ahhh....."
Napatigil ako sa paghakbang nang makarinig ako ng mahinang ungol na sinundan pa agad ng mahinhing tili. Hindi ko na dapat papansinin iyon, pero habang papalapit ako sa comfort rooms para sana doon simulan ang pagche-check ay mas lalong lumalakas sa pandinig ko ang mga ungol.
"Ahhh...F*ck!...That'd it, Cohan."
Uminit ang tenga ko nang mapagtantong nasa comfort room nanggagaling ang mga halinghing. Napapikit nalang ako sa inis at naglakad pabalik sa flight deck. Padabog akong umupo sa right cockpit at marahas na napabuntong hininga.
"Cohan! Tsk!" tanging asik ko sa sarili at napapikit nalang sa inis.
------
GorgeousYooo 🍀