Chapter 14 - Kabanata 13

Kabanata 13

Heartless Angel

Nanginginig ang kamay ko pagkababa ko palang ng cellphone. Ang pag-aalala ko ngayon ay nangibabaw sa akin. My dad was rushed in the hospital dahil inatake ito sa puso. Tita Metchelle told me that it was because of my mother. Nakatanggap daw si Daddy nang balita na ikakasal na si Mommy. I do not know if it is true, but I'm hoping that it's not. Kung may mangyaring masama kay Daddy, I'll probably loath her!

"I didn't know that Kuya Daylan hired a private investigator for your mother, Laney." Panay ang buntong hininga ni Tita Metchelle nang sabihin iyon.

I problematically sighed. This day is not good. May namataang kahina-hinalang tao sa airport kanina. Tapos it ngayon ang maririnig ko mula sa pamilya.

Halos kalahating oras akong nakatayo sa alley bago nagpasyang sumunod na kina Alaister para mananghalian.

Nanatili akong tahimik habang kumakain, ganoon din ang grupo. Hindi ko alam kung bakit tahimik ang mga ito, o baka nag-iisip lang tungkol sa balita kanina.

Pagkatapos kumain ay sandali pa kaming nagpahinga bago bumalik ulit sa kanya-kanyang area. Halos ang tawag ni Tita Metchelle lang ang umuokupa sa isipan ko kahit na may ginagawa ako. Hindi ko maiwasang hindi mag-isip ng kung ano-ano.

"Lieutenant Monroeville, this is Lieutenant Espacio. Do you hear me?"

Nakatayo ako ngayon sa harap ng chopper na pinapalipad ko. At nag-iisip. I glanced at the radio nang marinig Ang boses doon ni Justine. I sighed again bago iyon pinulot.

"Roger, Lieutenant, what is it?"

"I need you to recheck the plane 4681 immediately bago ito lumipad. May nakitang kahina-hinalang tao malapit sa eroplano kani-kanina lang. It was showed in the CCTV."

"Roger, Lieutenant."

Agad kong tinakbo ang eroplanong 4681. Malayo ito sa pwesto ko kaya binilisan ko pa ang pagtakbo. Ako ang pinakamalapit sa eroplano kumpara kina Alaister at Cadet Sanchez. Agad akong humarang sa harapan pagkalapit sa eroplano at kinaway ang kamay sa ere para pigilan itong lumipad.

"Any personnel in control tower. This is Lieutenant Monroeville. Anyone, do you hear me?"

Halos pumiyok ang boses ko dahil sa paghahabol ko ng hininga habang nagsasalita sa radio na hawak ko. Patuloy parin ang pag-andar ng eroplano at parang hindi ako napansin ng piloto.

"Lieutenant Monroeville, this is Officer De Lavin, what's the problem?"

"Officer De Lavin, contact the pilot captain of plane 4681 and tell him to cancel the flight for the moment. I need to recheck the plane. Now!" I order with my voice full of authority.

Ilang segundo lang ay dahan-dahan ng tumigil ang pagtunog ng eroplano, hudyat ma titigil na ito. I sighed in relief and walk fast towards the plane. Pero bago pa man ako makalapit ay bigla ng may sumabog sa bandang dulo ng eroplano.

Sa gulat ko ay halos hindi ako maka-react. I need to blink my eyes twice to confirm that the plane is starting to burn already. May apoy na sa bandang buntot nito. Habol ang hininga kong tinakbo ang eroplano at agad na tumungo sa pintuan nitong dahan-dahang bumukas. Sa kauna-unahang pagkakataon, gusto kong hilahin ang pituan ng eroplano para mapabilis ang pagbukas nito!

"Demmit!" mahinang mura ko.

Agad nagsidantingan ang mga security ng airline at mga medic. Pati na rin ang mga bombero. Lumiko ako sa bahagi ng eroplanong may apoy na ngayon. Ang maitim na usok ay unti-unti na ring bumalot sa paligid.

Bumalik ako sa harapan at sumalubong sa akin ang mga nagpapanic na mga pasahero. Nagmadali akong umakyat, sinasalubong ang mga pasaherong umiiyak, natutulala, nagpapanic at halos naghe-hysterical para lang makalabas . Kasabay ng mga ito ang mga cabin crews na halatang takot na takot sa nangyari.

"Where is the pilot and his co-pilot?" agad na salubong ko sa huling crew na mabilis ang lakad palapit sa akin.

"I-I don't know, Lieutenant." Nanginig ang boses nito at agad na naglakad palapit sa pintuan.

Tinungo ko ang flight deck kahit na unti-unti ng binalot ng usok ang buong eroplano. Ilang beses din akong napa-ubo dahil sa pagkakalanghap ko ng usok. Ramdam ko na rin ang unti-unting pag-init ng paligid dahil sa papalapit na apoy.

"Fuck!" I muttered a curse nang makitang tinututukan ng baril ng isang lalaking naka-mask ang piloto.

Agad akong napatago sa gilid ng pintuan ng flight deck nang lumingon ito sa gawi ko. Pigil ang hininga ko dahil sa usok.

I alerted myself nang makita ko sa salamin ang paggalawa ng dalawang lalaki sa loob. Doon ko lang din nakita na may nakatutok na baril din pala sa co-pilot. I muttered a cuss again nang isenyas ng mga armadong lalaki ang pintuan ng flight deck.

I know I can beat this twoo asshole. But fuck! The smoke is giving me a hard time and so as the nearing fire!

"Move faster!" Mas lalo kong idinikit ang sarili ko sa dingding upang hindi ako makita.

Naunang lumabas piloto kasunod ang isang armadong lalaki, nakatutok parin ang baril nito. Sumunod ang co-pilot nito, ganoon din ang armadong lalaki.

Bago pa man makalagpas sa akin ang lalaking nahuli sa paglalakad ay agad ko na itong sinipa sa mukha, dahilan para tumilapon ang hawak nitong baril sa kung saan. Sa gulat ay sumalampak ito sa mga upuan kaya agad kong sinunod sa pagsipa ang isa pang lalaki.

Sa lakas nang sipa ko ay himala nalang kung hindi ito tumimbuwang. Putok ang labi nito dahil sa combat boots ko.

"Move!" malakas na sigaw ko sa co-pilot nang makita ang pagtayo ng lalaking una kong sinipa. Sa gulat din nito ay agad napalapit sa akin.

"Who the hell are you?!" nangangalaiting sigaw nito, nanlalaki ang mga mata. Kung di lang siguro ako sundalo ay siguradong natakot na ako dito.

"It's not my thing to introduce myself in the middle of fighting. I'm here to pleased myself, and knowing my name is for you to find out."

Maangas akong ngumisi bago patalikod na sinipa ang ikalawang lalaki malapit sa nakatulalang piloto.

"Fuck you!"

Agad sumama ang mukha ko dahil sa sigaw nito.

"I don't fuck ugly morons!" nakangiwi kong sagot at nilingon ang piloto at co-pilot sa gilid ko.

"Get the hell out of here, demmit!" naiinis na singhal ko.

"B-But....H-how about you?" Ang piloto iyon sa nanginginig na boses na ikina-irap ko.

"You two are obviously can't do anything for me here. Just get the hell out?" ulit ko, nang-iinsulto dahilan ng pagsimangot nito.

"You're beautiful, but I don't like your sharpened tongue."

I glanced at the armed man dahil sa sinabi nito bago nilingon ulit ang dalawa sa gilid ko.

"Wanna get burned and toasted here?" Hindi ko na pinagsalita ang dalawa at dinilatan ko at isinenyas ang pintuan kaya agad na naglakad ang dalawa.

"You don't need to compliment me, because in the first place, I'm not here to flatter myself with your words. I'm here to fix the messed you've done."

Kasabay nang pagkawala ng ngisi ko ay ang paglipad ng dalawang paa ko sa ere at ang pagbagsak ng isang armado malapit sa giliran ko.

"Aaahh! Fuck!"

Napa-ungol ito sa sakit at nagpagulong-gulong sa sahig. I smirk and throw a punch on the other man. Sunod-sunod iyon at malalakas dahilan para magkumahog ito sa pag-ilag pero hindi nagtagumpay. Bumagsak sa sahig ang paa ko, kasabay ng pagbagsak ng armadong lalaki ng walang malay. Habang ang isa naman ay namimilipit parin sa sakit.

"Who's your boss!?" nanggigigil kong kinwelyuhan ito, pero sa kabila ng pamimilipit nito ay nagawa pa ako nitong ngisihan.

"And you expect me to tell you, huh?" sabay ubo nito dahil sa paghigpit ko lalo sa leeg nito.

"I'm not. But I'm looking forward to it." I smirked at padabog itong binitawan kaya napaigik ito.

"Such a heartless angel," natatawa nitong umiling.

"I'll take that as a compliment then."

-----

GorgeousYooo 🍀