Cara P.O.V
" Anong nangyari? " nagulat ako sa biglang pagsulpot ni Dacia sa harap ko.
"Whoah bat ka nandito " agad akong tumayo at napatago sa shower curtain.
"Parehas tayong babae wag ka na mahiya diyan. Narinig kitang sumigaw akala ko kung anong nangyari na sayo" nag-aalalang paliwanag niya sa akin.
"May tumatawag na naman kasi sa pangalan ko. Anlakas nga e hindi mo ba naririnig? "
"Hindi ko narinig baka epekto lang yan ng pagkahulog mo, guni guni mo lang yan. Osiya aalis na ko kala ko naman kung ano ng nangyari sayo" -dacia
"Pero-" di ko na naituloy ang sasabihin ko dahil bigla nalang siyang nawala sa paningin ko.
Guni guni lang ba talaga iyon? Pero bakit parang totoo. Bakit ako lang ang nakakarinig?
Nakaligo na ako at nakabihis na.
Nakasuot ako ng Black boots, pants and turtle neck na jacket. Nagsuot na rin ako ng black beanie dahil wala lang trip ko lang.
Grabe parang pang female action star halos lahat ng damit ni Dacia. Nakakahiya tuloy sa mga suotan kong pang manang.
Lumabas na ako ng kuwarto at hinanap si Dacia. Naglakad lakad ako sa loob ng bahay para maghanap. Habang naglalakad Napadako ang tingin ko sa larawang nasa lamesa. Si Dacia, Josh at ang di ko kilalang lalaki ang mga taong nasa larawan. Noong umulan siguro ng kagandahan at kagwapohan salong salo nila. Kitang kita mo rin sa mga ngiti nilang masaya sila, magkaano-ano kaya sila?
Napatitig ako sa kasama nilang lalaki sa larawan. Napapaisip ako kung sino kaya itong lalaki? Bakit parang pamilyar siya sakin?
Kinuha ko ang picture frame at tinitigang maigi. Inaalala ko ang lalaking iyon na para bang pamilyar na pamilyar sakin.
Habang nakatitig ako naramdaman kong hindi ako makagalaw, naninigas ang buo kong katawan. Nataranta na ako at sumigaw ngunit di rin ako makasigaw.
Anong nangyayari?
-Tulongggg! Hindi ako makagalaw-
sigaw ko sa isipan habang pinipilit kong galawin ang katawan ko pero nanatiling naninigas ito.
" Akin na yan " biglang sulpot ng matandang babae mula sa likuran ko at kinuha ang picture frame na hawak ko. Tingin ko nasa edad 40 ito.
Pagkakuha ng matanda sa picture frame ay agad namang nakakagalaw na ako.
"Kayo po ba may gawa nun? " nais ko paring itanong sa kaniya kahit na may kutob akong siya ang may gawa.
"Oo ija, kung di ako nagkakamali ikaw ang bagong salta dito sa mundo namin. Gusto ko malaman mong ako ang taga pangalaga ng bahay na ito at wag kang nangingialam ng gamit dito ng walang paalam naiintindihan mo ba? " galit na sambit ng matanda.
"O-opo, hindi na po mauulit." sambit ko.
"Tiya Flor, Anong meron ?" sulpot na sambit ni dacia. Mabuti naman at dumating na siya dahil hindi maganda ang momentum ng paligid.
"Hindi ako tutol sa pagdadala niyo ng bisita dito sa bahay. Ang gusto ko lang mag-ingat at huwag mangialam ng gamit basta-basta." -Tiya flor.
"Osige tiya pasensya na po at pagsasabihan ko po siya. " ngumiti si dacia at umalis naman si tiya flor dala-dala ang picture frame.
Weird.
"Bakit naka-all black ka?" Natatawang sinabi sakin ni dacia.
"Dito lang kasi ako komportable." Nahihiyang sambit ko.
"Okay lets go" pag-aaya ni dacia at biglang hinawakan ang kamay ko.
"Teka san tayo pupunta"
"Sa lugar kung san masaya" ngumiti siya sakin at bigla na namang umilaw ang mata niya senyales na magteteleport na kami.
----------------
"Nandito na tayo" -dacia
Lumingon ako sa paligid at para kaming nasa palengke sa dami ng tao.
"Bakit andaming tao dito? Mukhang mga normal na tao din sila ah" nagtataka kung tanong dahil sa unang tingin parang walang pinagkaiba to sa mundo ng mga normal na tao.
"Akala mo lang normal pero yung iba diyan may tinatagong kapangyarihan mas madalas naman dyan mas triple ang lakas ng pangangatawan kesa sa mga sundalo sa mundo niyo ang tawag sa kanila ay mga blackjacks " -dacia
"Nakapunta ka na sa mundo namin?" tanong ko.
"Oo mahabang kwento. Tara kain muna tayo"
Tumango ako at saka kami pumunta sa isang restaurant.
"Kung mahilig ka sa burgers paniguradong sakto ang lugar na to sayo" excited na sinabi sakin ni dacia.
"Wowww sakto mahilig nga ako sa burgers!" Masaya kong sambit.
"Parehas pala tayo, sa wakas nakatagpo na rin ako ng food buddy ko" natatawang sinabi sakin ni dacia.
Pagpasok namin ay agad lumapit samin ang manager ng restaurant.
" Oh hello ija, nice to meet you again" ngiti ng matandang babaeng manager kay dacia.
Sino kaya tong babaeng to, mukhang close sila ah.
"Yes tita, nice to meet you again" sambit ni dacia at saka sila bumeso.
"Sino yang magandang kasama mo?" tanong ng manager.
"Ah new friend ko" sambit ni dacia.
Ngumiti naman ako at ngumiti siya sakin.
"Ganun ba ija sige mauna na ako ha at may babantayan pa ko sa loob" sambit ng manager.
"Okay tita, thank you" -dacia.
Namili kami ng pwesto at umupo.
"Sino yun?" tanong ko.
"Mama ni Josh. Siya rin ang owner at manager ng restaurant na to, actually halos lahat ng restaurant dito sa mundo namin siya ang may ari" sambit ni dacia habang namimili ng order.
Nanlaki ang mata ko at nagulat.
"Whoaah. Ang yaman pala nila" sambit ko.
"Yap." sambit ni dacia habang itinuturo sa waiter ang order namin.
"Madami ka pang di alam sa mundo na to. Hayaan mo masasanay ka rin " nakangiti niyang sinabi sakin.
Maya maya rin ay dumating na ang paboritong naming burger na may kasamang chocolate frappe.
Napakadaming inorder ni dacia, nahihiya na ako. Pero okay na rin para akong nasa heaven sa sobrang saya dahil paniguradong mabubusog ako sa dami nito.
"Kain na" masayang pag-aaya sakin ni dacia.
Ngumiti ako at nagsimulang kumain. Medyo nahihiya pa ako kaya gumamit muna ako ng kutsilyo.
Bigla namang may nalaglag na baso sa katabi naming table kaya nagulat ako at nasugatan ang kamay.
"Ouch" patagong sambit ko ng makitang dumudugo ito.
"Anong nangyari sayo?" Napatigil si dacia sa pagkain.
"Ah wala wala punta muna akong comfort room saglit " itinago ko ang kamay ko at umalis.
"Oh- Okay" sambit niya at muling kumain.
Hindi ko na sinabing nasugatan ako at baka maantala ko pa ang pagkain ni dacia ng burger. Mukhang sarap na sarap pa naman siya tapos makakakita siya ng dugo, di magandang ideya yun.
Dumiretso ako sa cr at hinugasan ang dugo.
Nakakainis bakit pa kasi ako nagpaka-arte at nagkutsilyo pa.
Tinitigan ko ang daliri ko, nagulat ako sa nakita ko.
Unti-unting nawala ang sugat ko na parang walang nangyari. Piniga piga ko ito para makasigurong wala na nga ang sugat at nawala na nga.
Bigla kong naalala ang mabilis na paggaling ng katawan ko mula sa pagkakalaglag sa gubat kagabi.
Napatingin ako sa salamin at nakita ko ang sarili kong putlang putla at di makapaniwala.
May powers ako?
Pero paano at bakit ako?
-----------
Next :
CHAPTER 3: ANG LALAKI SA LARAWAN