Cara P.O.V
Matapos kong malaman ang kakayahan ko nag-ayos ako ng sarili at lumabas na ako ng cr upang balikan si dacia na nasa table.
"Anyare?" sambit ni dacia habang puno ng burger ang bunganga.
"Ah wala. Naihi lang ako" pagsisinungaling ko.
"Hmm. Okay. kain ka na" tumango siya at inaya ako.
Sa ngayon, itatago ko muna ang nalaman ko. Sa tingin ko hindi ito ang tamang oras para malaman niya ito.
Nagsimula na akong kumain pero hindi na tulad ng pagkatakam ko kanina. Medyo nawalan ako ng gana at napapaisip ng malalim. Sigurado akong hindi ako namalikmata.
Ilang oras ang nakalipas naubos na rin namin ang pagkain, napakadaming kinaing burger ni dacia nakakagulat at maganda parin ang hulma ng kanyang katawan kahit na napakatakaw niya.
Matapos magbayad ay lumabas na rin kami.
Nais pa sana ni dacia na ilibot ako ng lugar pero tumanggi muna ako dahil mas gusto ko na lang muna magpahinga. Hindi na kaya ng lakas ko ang mga natutuklasan ko simula nung napunta ako dito. Kailangan ko muna ng peace of mind at pahinga.
-----------
"O Nandito ka na pala Josh" bungad ni dacia kay josh pagkauwi namin.
"May balita ka na ba kung paano siya makakalabas ?" tanong pa nito.
"Wala pa. Sa tingin ko matatagalan siya dito" sambit ni josh at saka ako tinitigan na para bang matutunaw ako.
Nalungkot ako sa katotohanang matatagalan pa ako dito pero hindi na ako nagulat at nag-aalala pa dahil wala namang nakakaalala sakin sa mundo namin sa mga oras na ito.
"O-okay. Paano na yan payag ka ba magtagal dito cara?" -tanong niya at saka umupo sa sofa.
"Hays. Wala naman akong choice" buntong hininga ko.
Napalingon ulit ako sa mukha ni josh nakatitig parin pala ito na para bang kinakabisado ang mukha ko. Hindi ko na makayanan ang pagtitig niya kaya iniba ko ang usapan. Nakakailang na.
"A-eh magpapahinga muna ako sa kwarto ha, masama kasi pakiramdam ko" sambit ko.
Tumango si Dacia at tumungo naman ako sa kwarto at humiga.
"Hays" buntong hininga ko habang nakahiga.
This past few days ang weird and strange ng mga nangyayari sa buhay ko. Parang panaginip lang pero kung ganun sana gisingin na ako.
Napapasarap na ang higa ko sa lalim ng iniisip ko at hindi ko namalayang nakatulog na pala ko.
"Cara, gising" pagkakalabit sakin ng kung sino.
Minulat ko ang mata ko at nakita sa bintanang kakasikat lang ng araw.
"Hala" napaupo ako agad ng malamang nakatulog pala ako ng matagal. "Umaga na pala" dagdag ko.
"Oo umaga na nga haha di ka na namin ginising kagabi dahil alam kong kailangan mong magpahinga" sambit ni dacia.
Napatingin ako sa suot ni dacia. Naka-ayos siya at mukhang may pupuntahan.
"Hmm bat ganyan suot mo?" Nagtatakang tanong ko.
"papasok na ka-"
"Papasok na TAYO" biglang pumasok ng kuwarto si josh at pinutol ang sasabihin ni dacia. Maayos din ang damit niya na para bang may pupuntahan.
"Ha?" Gulat naming sinambit ni dacia habang nakatingin sa kanya.
" Ang sabi ko papasok na TAYO " pag-uulit ni Josh habang nakacrossed arm.
"Ako papasok? San tayo papasok?" Nakakunot noo kong tanong dahil naguguluhan ako.
"San pa ba edi sa school" sambit ni josh.
" Wow. Pumapasok kayo? " nanlaki ang mata ko sa mangha. Naalala ko naman ang paaralan ko sa mundo namin, mabuti naman at mahaba haba pa ang bakasyon.
" Oo cara. May kaibahan nga lang sa sistema. Nag-aaral kami hindi lang acads kundi tinuturuan din kami dito kung paano lumaban at ma-control ang mga kapangyarihan namin ng maayos, pero nagtataka lang ako bakit ka isasama nitong isa, e wala ka namang kapangyarihan" pagpapaliwanag ni dacia at saka tinignan si josh.
" Sa mundo natin bawal ang mahina. Kaya habang nandito siya dapat marunong na rin siya kung paano protektahan ang sarili niya. " pagpapaliwanag ni josh habang nakatitig sakin.
Bakit kaya biglang naging concern sakin itong lalaking to?
"Ehem" biglang sambit ni dacia ng mapansin ding nakatitig sakin si josh.
"Ah. Hindi ba uso dito ang enrollment? " tanong ko.
"Haha. Ano ka ba naman. Anytime pwede ka mag-aral dito. Kung kailan mo gusto, walang problema" natatawang sinambit ni dacia.
"Huwaaw sana ol " namangha ako sa narinig ko.
Nakakainggit. Nandito lang pala ang dream school ng lahat ng nasa mundo namin. Anytime pwede ka mag-aral at nasa iyo pa ang desisyon kung kailan mo gusto pumasok. Ang cool. Nagsisimula na akong magustuhan ang lugar na ito ah.
"Mag-asikaso ka na mamaya aalis na tayo" sambit ni Josh at saka umalis ng kuwarto kasama si Dacia.
Naligo na ako at namili ng isusuot. Grabe puro hiram na lang pala ang sinusuot ko dito. Kung alam ko lang na dito ako magspend ng bakasyon, dinala ko na buong damit ko na nasa bahay.
Makalipas ang ilang minuto lumabas na ako ng kuwarto.
"Josh nandito na si cara, tara na" tumayo si dacia sa sofa at tinawag si josh na nasa isang kuwarto.
Lumapit naman samin si Josh. Sa tuwing tumititig sakin si josh ay di ko maiwasang mailang dahil parang may kakaiba sakanya.
Para bang may gusto siyang sabihin sa akin na hindi niya masabi-sabi.
Hinawakan namin si Dacia at nagteleport kami sa harap ng gate.
Nakakalaglag panga ang ganda ng lugar na ito.
"Wowwww, Paaralan niyo ba talaga to? O bahay ng royal family" sambit ko na medyo natatawa.
"Anong royal family ka diyan. Paaralan yan" sambit ni dacia na natatawa.
Napalingon naman ako kay Josh na bahagyang natawa.
"Bakit?" Nagtatakang tanong ko.
"Wala" sambit niya habang nagpipigil ng tawa.
"Ano ngaaaa" pagpipilit ko.
"Wala." sambit niya at saka lumapit sa tenga ko. "Ang cute mo kasi ma-amaze" bulong nito.
"Ehem ehem" crossed arm na pagsabat ni dacia. "Tara na sa loob" sambit nito.
"Okay." Ngiti kong sambit.
Naunang naglakad samin si dacia papasok.
Pahakbang palang ako ng biglang nagsalita si josh na nasa likuran ko kaya nilingon ko ito.
"Cara, wag ka magtitiwala sa iba bukod samin kung maaari itago mo muna ang sikreto na kakapasok mo palang sa mundong to. Para na rin yan sa kaligtasan mo" nag-aalalang sinabi niya sakin.
Ngumiti ako at tumango. Tama siya. Delikado parin ang mundong ito, hindi dapat ako magtiwala dahil marami pa akong hindi alam.
Nagsimula na rin kaming maglakad at pumasok. Nakakalula ang laki ng paaralan nila. Ang laki din ng field nila. Kitang kita ko ang mga estudyanteng nag-aaral ng pakikipaglaban.
Nasa loob na kami ng building at nasa tapat kami ng isang classroom ng bigla akong makaramdam ng pagkaihi.
" Nandito na tayo, mukhang napaaga ata ang punta natin ah wala pang prof. " sambit ni dacia.
"Guys wait" naiilang kong sinabi.
Lumapit naman ako kay dacia at bumulong
"Naiihi na kasi ko. San ba banda ang cr nila dito?" Nahihiyang itinanong ko.
"Ah okay. Nandun sa left side downstair nasa pinakadulo " -dacia.
"Thank you, maiwan ko muna kayo saglit ah" nagmamadaling paalam ko.
Iniwan ko sila sa hallway at agad ko namang tinungo ang hagdan pababa ng biglang mabangga ko ang isang lalaki at napaupo ako .
Tumingala ako para makita kung sino siya.
Isang lalaking balot na balot. Nakablackmask at nakablackhoodie. Napakamisteryeso naman ng mga mata nito. Sino kaya siya?
"So-sorry" sambit ko at agad tumayo.
"Tsk.Lampa" sambit niya at saka umalis.
Whut?
Ang lalaking yun. Walang modo. Di ko naman sinasadya e.
Pero teka, ang mga mata nya parang may kahawig. Parang natitigan ko na sa kung saan.
Hmmm.