Dear Diary,
Nakakainis! Gusto ko ng makita yung future husband ko!
Nandito ako ngayon sa fan meeting ng SB19. Mag-iisang oras na akong nakapila dito at nangangalay na yung pwet ko kakaupo.
Kinilig ako nung tawagin ako nung staff kaya tumayo na ako.
This is it Luna!
Makikita ko na yung future husband ko!
Makikita ko na si Sejun!
Nakita ko si Sejun na nakangiti habang kausap ang isang fan.
Hindi ko na napigilan yung sarili ko at napasigaw na.
"Hoy Sejun!" Pagtawag ko ng atensyon niya at yung mga ibang fan ay napatingin na din sa akin.
Nakita kong kinalabit ni Stell si Sejun at tinuro ako.
Oh my gosh diary!
Nginitian ako ni Sejun!
"Ipapakulong kita!" Sigaw ko at napailing siya habang nakangiti.
"Bakit? May ginawa ba kong krimen?" Nakangiti niyang tanong.
"Meron! Pagnanakaw!" Singhal ko.
"I will file a case against you for stoling my heart!" Patuloy ko.
Nakita kong tumayo siya mula sa pagkaka-upo at itinaas ang dalawang kamay na parang susuko na siya.
"Okay I will surrender. Ibabalik ko na yung ninakaw ko sa'yo pero hindi yung puso mo kundi yung puso ko ang ibibigay ko sa'yo" Saad niya at kinindatan ako.
Grabe diary!
Yung puso ko!
Ackkkk!
I will sue you Jhon Paulo Nase for stoling my heart!
Ang istoryang ito ay kathang isip lamang. ang mga pangalan,lugar at pangyayari na nabanggit ay hindi sinasadya at nagkataon lamang.
PLAGIARISM IS A CRIME!