Dear Diary,
"SINO yung John Paulo Bagnas Nase sa bio mo?" Galit na tanong sa akin ni Jerome pagpasok ko sa room.
Problema nito?
"Pake mo?" Saad ko habang nakataas ang isang kilay ko at inirapan siya.
Attitude ako ghorl!
"Luna pano na ako? Pano na tayo? Ganun na lang ba yun?" Tanong niya habang sinusundan ako papunta sa upuan ko.
Agad kong nilapag yung gamit ko at hinarap siya.
"Excuse me? Nagbibiro ka ba? Remember hindi mo ako crinushback? So there was never an us!" Pang-gagaya ko sa line ni Sarah G. at naghiyawan lahat ng mga kaklase ko sa room.
'Whooo! Luna namin yan!'
'Yan kase di mo pa crinushback noon'
'Hoy Alex i-crushback mo na ako sige ka uncrush na din kita gaya nung ginawa ni Luna!'
'Sanaol crushback!"
Ilan lang yan sa mga sinisigaw ng mga siraulo kong kaklase.
"Okay fine I like you Luna! Kina-crushback na kita!" Seryosong saad niya.
Nagbibiro ba siya diary?
"I like you too Jerome pero noon yun hindi na ngayon!" Anas ko.
Si Sejun na kase laman ng puso ko ngayon!
"Tandaan mo 'to Luna babasagin ko mukha nung John Paulo na yun kapag nakita ko yun!" Banta niya at binitbit siya ng mga kaibigan niya palabas ng room.
Natawa na lang ako sa sinabi niya. Edi basagin niya!
Madami din namang babasag sa mukha niya!
Ilang sandali pa ay dumating na yung teacher namin at nagsimula ng magturo.
Minsan ay napapalingon ako sa gawi niya at nakita kong nakatitig siya sa'kin pero nag-focus na lang ako sa pakikinig sa teacher namin.
Para sa future din namin yun ni Sejun no!
Nang matapos ang klase namin ay agad akong umuwi at nadatnan ko si Mama na mukhang naaasar na habang nagce-cellphone kaya di ko na lang siya ginulo.
Pagpasok ko sa kwarto ko ay nilapag ko na yung bag ko sa study table ko at nagpalit ng pambahay bago lumabas ng kwarto.
"Ma punta lang ako kela Ate Angela!" Paalam ko sa kanya habang naglalaro pa din siya ng candy crush niya.
"Sige na basta umuwi ka agad!" Aburidong saad niya habang nakaharap pa din sa screen ng phone niya kaya lumabas na ako ng bahay at pumunta sa bahay ni Ate.
Di niya siguro na perfect star yung isang level sa candy crush niya kaya badtrip siya ngayon diary.
"Ano ginagawa mo dito Luna?" Tanong ni Ninang Gema, nanay ni Jerome habang nagwawalis sa labas ng bahay nila.
Magkaibigan kase si Mama at yung nanay ni Jerome tapos kaya ako na-fall sa mukhang unggoy na Jerome na yun kakasabi nila na 'Uy bagay kayo'
Kaasar diary di'ba?
"Si Ate Angela po?" Tanong ko.
"Ay andon sa loob sige pasok ka" Saad niya kaya pumasok na ako sa loob.
Lagi akong nakatambay dito kaya kilala na nila ako. Alam din nila na may gusto ako kay Jerome.
Dati yun diary ha!
Pagpasok ko sa loob ay nakita ko si Ate Angela na nakahilata sa sofa habang nagc-cellphone.
"Ate ano yung menpa?" Tanong ko sa kanya at umupo sa tabi niya.
"Mention party bakit?" Tanong niya at humarap sa'kin.
"May menpa daw mamaya yung SB19 sa twitter" Saad ko at biglang nag-liwanag yung mukha niya ng marinig yung 'SB19'
"Ate gawan mo ako ng twitter please?" Patuloy ko.
"Okay sige" Tugon niya at ginawan ako ng account.
Matapos ang ilang minuto ay may twitter account na ako yieeee!
Kapag ako talaga na-replyan ng SB19 sa menpa uubusin ko yung isang kalderong sabaw gamit ang tinidor!
"Anong oras daw yung menpa nila?" Tanong niya habang kumukuha ng tubig sa kusina nila.
"Sabi sa facebook page nila 7pm daw" Saad ko habang kumakain ng cookies.
Tumingin ako sa orasan at alas-tres pa lang naman kaya naisipan kong kunin muna yung gamit ko sa bahay at dito na lang gawin yung mga assignment ko.
Napag-kasunduan kase namin ni Ate na sasali kami mamaya sa menpa kaya habang hinihintay namin mag-alas-syete ay gumawa muna kami ng assignment namin.
"Tapos!" Sambit ko dahil sa wakas ay tapos na ako gumawa ng assignment.
Alas-singko pa lang ng hapon at naiinip na kami ni Ate kakahintay mag-alas syete.
"Antagal naman mag-seven!" Naiinip na saad ni Ate Angela.
"Nood na lang tayo ng mv nila" Suggestion ko at pumayag siya.
Paulit-ulit namin pinanood yung mv ng Go Up at tawang-tawa maman kami sa mga vlogs nila.
"Ate 7 na!" Kinikilig kong saad at sabay namin kinuha yung cellphone namin na naka-charge.
Oh my gosh diary!
This is it mare-replyan ako ni Sejun!
My gosh nai-imagine ko na yung mangyayari kapag na-replyan ako ni Sejun sa menpa.
Titignan niya yung twitter account ko tapos stalk stalk tapos hahanapin niya facebook account ko tapos icha-chat niya ako tapos magiging chatmate ko na siya tapos magiging mag-M.U kami tapos liligawan niya ako tapos magiging kami tapos ikakasal kami!
Oh my gosh I can't wait na diary!
Matapos ang isang oras ay pareho kaming hopia ni Ate Angela sa menpa nila.
"Kainis kain na lang tayo ng hopia baka sa susunod ma-replyan na tayo" Saad niya at lumabas kami ng bahay para bumili ng hopia.
Habang kumakain kami ay tawang-tawa kami sa mga pinagsasabi namin sa menpa kanina.
'Sejun bilog ka ba? Because you look hot 360°'
'Sejun ayoko sa math pero nung nakita kita napasabi na lang ako sa sarili ko ng I love you so math!'
'Sejun ikaw na ba ang star sa Starbucks?'
'Sejun tubig kaba? Kase kapag kumain ka ng manok mawawala yung dagat sa mars'
Ilan lang yan sa mga pinagsasabi ko kanina sa menpa diary.
Ganyan talaga kapag gusto mo ma-replyan sa menpa kung ano ano na lang talaga sasabihin mo kahit puro kalokohan na.
Pagkatapos namin kumain ay bumalik na kami sa bahay nila para kunin yung bag ko.
"Ingat ka ha!" Paalala sa'kin ni Ate at kinawayan siya bago ako umalis ng bahay nila.
Habang naglalakad ako pauwi ay nakasalubong ko si Jerome na mukhang galing sa laro dahil suot niya yung jersey niya.
Nagkatinginan pa kami pero agad akong nag-iwas ng tingin at nagpatuloy na lang sa paglalakad.
"Luna" Pagtawag niya sa pangalan ko at napahinto ako.
"I will do everything just to make you mine again" Saad niya at napatigil ako.
Ano daw?
Naka-drugs ba siya diary?
Naloloka na,
Luna