Chereads / Diary Ng Fangirl Ng SB19 / Chapter 2 - CHAPTER 1

Chapter 2 - CHAPTER 1

Dear Diary,

"TSS! PA-FAMOUS!" Saad ko ng makita ang picture ng isang lalaki sa newsfeed ko.

Break time namin ngayon kaya pa-scroll up scroll down lang ako ngayon dito sa facebook.

'Justin De Dios' ang pangalan nung lalaki sa picture.

Name: Justin De Dios

Nickname: Jah

Birthday: July 7,1997

Zodiac sign: Cancer

Position: Visual, vocal, maknae

Ilan lang yan sa mga nakalagay na information sa kanya.

Sa sobrang curious ko ay sinearch ko kay pareng google ang grupong nagngangalang SB19.

Agad kong pinindot ang isang site at may isang lalaking umagaw ng atensyon ko.

'Sejun' ang pangalan nung lalaki.

Nagsibalikan na lahat ng mga kaklase ko sa upuan dahil dumating na yung teacher namin.

Kaya bumalik na din ako sa upuan ko pero hindi pa din mawala sa isip ko yung lalaking nagngangalang 'Sejun'.

Nang matapos ang klase ko ngayong araw ay agad akong umuwi sa bahay.

"Ma punta lang ako sa comp shop nila Aling Rosalie" Paalam ko kay Mama ng makapag-palit na ako ng damit pambahay.

"Okay balik ka agad nak ha byebye" Masayang saad ni Mama habang nakatutok na naman sa cellphone niya kaya umalis na lang ako ng bahay.

Pumayag naman siya e tsaka mukhang good mood naman si Mama ngayon siguro naka-perfect three star siya ngayon sa candy crush niya.

Sana aksidenteng ma-delete ni Mama yung candy crush niya diary!

Charot!

Habang naglalakad ako papunta sa comp shop ay nakita ko si Ate Angela, pinsan ni Jerome.

"Hoy Luna may laro ngayon sila Jerome dun sa kanto tara nood tayo!" Aya niya.

"Sa susunod na lang Ate may gagawin pa kase ako" Saad ko.

"Hoy sabihin mo nga sa'kin may ginawa na naman ba sa'yo yung pinsan kong yun ha?" Saad niya habang sinasabayan ako sa paglalakad.

"Wala may gusto lang kase akong i-search" Saad ko.

"Ate kilala mo yung SB19?" Patuloy ko pa pero umiling siya.

"Hindi bakit?" Saad niya.

"Kanina kase nakita ko sa newsfeed ko yung isang member nila tapos sinearch ko tapos--" Di ko na natuloy yung sasabihin ko dahil bigla siyang nagsalita.

"Don't tell me Luna ipagpapalit mo yung pinsan ko ha?!" Saad niya at napatigil kami sa paglalakad.

"Pero kung mas pogi yung SB19 na yun edi go!" Kinikilig na saad ni Ate Angela.

Nang makarating kami ni Ate Angela sa comp shop ni Aling Rosalie ay agad kaming pumwesto sa harap ng computer.

Agad kong pinindot ang youtube tsaka sinearch ang SB19 Go Up at plinay iyon.

~Yeah, we gonna go up

Yeah, yeah, we gonna go up

Tanging liwanag ang nakikita

Sa tuwing ipipikit aking mata

Bituin ko'y lalong nagniningning sa dilim

Walang makakapigil~

"Hala be! Ang gwapo nung isa!" Kinikilig na saad ni Ate Angela sabay turo kay Justin.

"Mas gwapo kaya si Sejun" Giit ko.

Nang matapos yung Go Up nila na mv ay kinulit pa ako ni Ate Angela na panoorin pa yung mga vlogs at video nila.

"Ay! Yun lang!" Bitin na saad ni Ate samantalang lahat na ng vlogs nila ay napanood na namin.

Pag-tingin ko sa labas ay madilim na.

Hala!

Lagot ako kay Mama!

Pagkatapos namin manood ay umuwi na kami ni Ate Angela. Magkalapit lang naman yung bahay namin kaya sabay na kami naglakad.

"Grabe ang cute talaga ni Justin!" Kinikilig na saad ni Ate.

"Mas gwapo si Sejun!" Bwelta ko.

"Mukha namang unggoy yun e!" Anas niya.

"Mas mukhang unggoy yung pinsan mo!" Saad ko at natawa kaming pareho at nagpatuloy sa pamba-bash namin sa pinsan niya na crush ko, si Jerome.

"Sige ingat ka ha bukas ulit!" Paalam ni Ate dahil mas mauuna yung bahay nila kesa sa'min.

"O bakit ngayon ka lang ha?" Bungad sa akin ni Mama pagpasok ko sa bahay at napakamot ako sa ulo ko.

"Nakasalubong ko kase si Ate Angela kaya nag-kwentuhan muna kami" Giit ko.

"Bilisan mo hinihintay ka ni lab" Saad ni Mama na tinutukoy yung lababo.

"Bakit ako? Si kuya yung maghuhugas dapat ngayon di'ba?" Angil ko.

Totoo naman kase si Kuya yung maghuhugas ngayon kase ako yung naghugas ng pinggan kahapon.

Ang unfair!

"May tinatapos na thesis yung Kuya mo kaya ikaw na muna ang maghugas at tsaka para kapag nag-asawa ka na may alam ka sa gawaing bahay" Sermon ni Mama habang naglalaro ng candy crush sa cellphone niya.

Delete ko yan e!

Joke!

Pero asawa daw?

Oh my gosh diary!

Nai-imagine ko na kami ni Sejun kapag naging mag-asawa na kami.

Si Sejun magta-trabaho tapos ako yung perfect wife na mag-aalaga sa mga anak namin at pagsisilbihan siya pag-uwi.

Sa sobrang kilig ko ay eto ako ngayon nakangiti sa kawalan habang inspired na naghuhugas ng pinggan.

"Ma yun lang?" Nakangiti kong tanong nang matapos kong hugasan lahat ng pinggan.

"Oo bakit? Gusto mo din bang hugasan yung pinggan ng mga kapitbahay natin ha?" Tanong ni Mama.

"Si Mama naman di mabiro charot lang yun Ma! Charot!" Saad ko at pumasok na sa kwarto ko.

Pagpasok ko ay agad akong nag-dive sa kama ko at kinuha yung cellphone ko.

Agad akong nag-online sa facebook at pinuntahan yung profile ko.

Pinindot ko yung 'Edit Bio' at binura yung nakasulat dun na 'Thyron Jerome Monterde forever' na may padlock at susi pa.

Yuck!

Kadiri diary!

Naging crush ko yung unggoy na yun?

Ewww!

Agad kong tiniype yung 'John Paulo Bagnas Nase' at sinave yun.

Oh my gosh diary!

Kinikilig ako!

Sa sobrang kilig ko ay dinaig ko pa yung taong naka-brace dahil hindi pa rin mawala yung ngiti ko sa labi kahit tulog na ako!

•=•=•

"HOY Luna bumangon ka na! May balak ka bang pumasok ha?" Sermon ni Mama sa akin.

"Opo babangon na!" Inaantok kong saad at bumangon na.

"Ma anong almusal?" Tanong ko matapos kong makipagtitigan sa tubig sa banyo.

Ganito lagi routine ko tuwing umaga. Una, sesermonan muna ako ni Mama bago bumangon. Pangalawa, magti-titigan kami ng tubig sa banyo at pangatlo ay tatanungin ko si Mama kung anong almusal.

"Ma nasan yung baon ko?" Tanong ko sa kanya habang kumakain.

"Nasa piano" Sagot nito habang nagc-candy crush na naman sa cellphone niya.

"Ma wala tayong piano!" Sagot ko at sumubo ng itlog at sinangag.

"Basic! Edi wala kang baon!" Saad ni Mama at nakangiting lumingon sa akin.

"Ma naman e!" Angil ko.

"Charot! Nasa ibabaw ng ref" Pagbibiro ni Mama.

"Charot charot pa delete ko yang candy crush mo e!" Bulong ko.

"Anong sabi mo?" Saad niya at nakita kong ansama ng tingin niya sa'kin.

"Wala sabi ko aalis na po ako" Saad ko at niligpit yung pinagkainan ko saka kinuha yung bag ko.

"Ma alis na po ako" Paalam ko at hinalikan siya sa pisngi.

Nakita kong may parang crystal bomb na si Mama sa laro niya.

"Ma touch screen yan?" Tanong ko at pinindot yung parang crystal bomb niya sa candy crush tsaka kumaripas ng takbo palabas ng bahay.

Pagpasok ko sa room ay nagulat ako ng bigla akong harangin ni Jerome papunta sa inuupuan ko.

"Sino yung John Paulo Bagnas Nase sa bio mo?" Galit na tanong niya.

Teka nga nagseselos ba siya?

Pero hindi niya naman ako gusto pero paano kung oo?

Sasabihin ko ba yung totoo diary o hindi na lang kase hindi niya naman din kilala si Sejun e?

At tsaka ano bang pake niya kung pinalitan ko ng pangalan ni Sejun yung bio ko?

Bahala na nga diary!

Naguguluhan,

Luna