Download Chereads APP
Chereads App StoreGoogle Play
Chereads

BARAKO BOYS

🇵🇭CHROME
--
chs / week
--
NOT RATINGS
29.4k
Views
Synopsis
Walang synopsis HAHA!
VIEW MORE

Chapter 1 - BARAKO BOYS ( BUHAY SA PROBINSYA )

Ako si Leo, 21 taong gulang at laking probinsya. Ang aking ama ay isang magsasaka ng tubo ( sugarcane) at ang aking ina naman ay isang butihing may bahay. Laki ako sa bukid, bagamat mahirap lang ang aking pamilya ay masaya naman kaming namumuhay ng masagana at payapa. Sa prutas at gulay lang na aming pananim ay buhay na buhay kaming buong pamilya. Panganay ako sa tatlong magkakapatid. Sumasama ako sa bukid upang tulungan ang aking magulang para sa pinansyal na pangangailangan at makaipon na rin para sa kinabukasan ng aking mga kapatid. Hindi man ako nakatuntong ng kolehiyo ay kuntento na akong nakakatulong kahit na paano. Nakatapos naman ako ng high school at hindi na iyon masama sa akin. Mas prayoridad kong makatapos ang aking mga kapatid sapagkat gustong gusto nila ang mag aral. Oo nga pala, hindi alam ng aking mga magulang ang sikreto sa aking pagkatao. Isa akong discreet bisexual, pero lalaking lalaki ang kilos at pananalita. Ang katawan ko ay nasaha sa trabaho kaya mamuscle at maganda ang porma, suong din lagi ako sa araw kaya ang balat ko ay may pagkaitim na makinis o tan kung tawagin. Marami rin ang nagkakagusto sa akin na mga babae, pero binabalewala ko lang ang mga ito. Sinasabi ko nalang sa kanila na mas mahalaga sa akin ang magtaguyod sa pamilya kesa makipagrelasyon, pero hindi nila alam na ang tipo ko ay hindi katulad nila.

----

Isang araw dumalaw ang aming kamag anak galing sa Maynila. Kapatid sya ni Inay, si Tita Sonya. Mayaman ang pamilya ng aking tita at may sariling negosyo sila sa Maynila. Mabait si Tita Sonya at talaga namang mapagkumbaba kahit kanino, pero hindi dahil mayaman sila ay sa kanila na kami umaasa ng aming pinansyal. Kusa lang syang nagbibigay, at syempre ay hindi namin ito tinatanggihan. Bilib daw sya sa aking mga magulang dahil kahit sa ganoong kalagayan namin ay masaya at matatag daw kami.

Ang itay ay pinakiusapan akong ako muna ang pumunta sa sakahan noong araw na iyon, ayos lang sa akin dahil para iyon ay maasikaso nila ang aming bisita. Dali-dali na akong pumunta ng sakahan. Kahit nasa kalagitnaan ako ng initan ay walang wala iyon sa akin, parang naglalaro lang ako. Nasa ganoong pagtatabas ako ng tubo ay sya naman ang biglang pagsulpot ni Makoy sa aking harapan. " Tol, ayos ha.. ganadong ganado ka ngayon ah.". Wika ni Makoy na nakatayo sa aking harapan at nakangiti pa. Napatitig ako sa kanya. Si Makoy ay gwapo, kahit maitim ang kulay nya ay kitang kita ang angking kagwapuhan nya. Lagi syang nakahubad sa tuwing papasok sya sa sakahan kaya lantad na lantad ang laki ng kanyang katawan. Sa tuwing nakikita ko sya, nagkakaroon ng sensasyon ang aking kaloob looban na parang gusto ko syang hilahin sa kung saan sabay roromansahin. Nakakalibog syang tignan lalo na't bakat na bakat pa ang bukol sa kanyang harapan, parang ang sarap himas himasin. " Tooool!". Bumalik ang aking ulirat ng narinig kong sumigaw si Makoy. " Anong nangyari sayo? Ang sabi ko lang naman ganadong ganado ka ngayong araw bakit parang nakakita ka ng multo diyan?". Sarkastikong sambit ni Makoy sabay ngisi. " H-ha? E-eh w-wala..". Utal utal kong tugon. " Alam ko na?.. dahil dito ba?". Nguso nya sa kanyang ibaba. Napatingin naman ako sa bandang nginungusuan nya, at sa bukol iyon. " Naku nalintikan na baka napansin nya!..". Sa isip isip ko. " Uhhmm.. ehh.. Pasensya na Tol, natapakan ko pala yung natabas mong tubo". Yung tubo yung nginunguso nya, bigla naman syang napaurong sa pagtapak sa mga natabas kong tubo. Napatitig na naman ako sa kanya, ang buong akala ko ay napapansin nyang tinititigan ko ang kanyang buong katawan at bukol sa harapan. " Ay h-hindi hindi.. ayos lang". Sabay tawa ng matipid. " Iuuwi ko nalang itong mga nasira, tutal dumating ang tiyahin ko galing Maynila. Ipapatikim ko sa kanya itong tubo". Dugtong ko pa. " Talaga Tol?". Nakangiting sagot ni Makoy at talaga namang lumapit pa sa akin at inakbayan ako. " Yan ang gusto ko sayo eh! Napakabait mo pare!.. Ang swerte ng babaeng mapapangasawa mo kung nagkataon". Biro nya pa sa akin, nakakoloko ang mga ngiti nya. Damang dama ko ang katawan nya na nakadikit sa akin, kahit pawisan ito ay wala kang maamoy na kung ano maliban sa lalaking lalaki ang amoy at natural na amoy talaga ng isang lalaki. " Oh pano ba yan? Babalik nako sa pagtatrabaho!". Sambit ko sabay piglas sa pagkakaabay nya. Pagkaalis nya, pasimple kong inamoy ang dumikit na pawis nya sa aking katawan. Hindi pa ako nasiyahan noon at ipinunas ko pa ito sa aking mukha, napatawa nalang ako sa aking ginawa.

Kinahapunan ay masaya akong umuwi sa aking bahay, dala dala ko ang tatlong bukong ng tubo na may kaunting sira dahil sa pagkakatapak ni Makoy. Napansin kong wala na roon si Tita Sonya, kaya tinanong ko ang Inay at Itay kung nasaan sya. Ang sagot nila ay umalis din daw dahil kailangan daw sya sa kanilang negosyo sa Maynila. " Anak, may magandang balita ako sayo.". Ani ni Inay sa akin at mukhang masaya pa. " Ano po iyon, Nay?". Sagot ko. " Ang Tita Sonya mo ay may inalok sa akin, alam kong gustong gusto mo ito at hindi na ako tumanggi dahil ang sabi ko sa kanya ay matagal mo ng inaasam na maranasan mo ito.". Maikling paliwanag ng Inay. " Ano po ang iyong inalok nya?". Tanong ko sa Inay. " Gusto ka daw nyang pag aralin ng kolehiyo anak!!". Masayang sagot ng Inay, bakas sa kanyang mukha ang excitement at mas mukhang excited pa kesa sa akin. Bahagya akong nagulat sa sinabi ng Inay sa akin. Masaya ako sa balitang aking narinig, ang pag aaral ng kolehiyo ay isang malaking oportunidad para sa akin. Dahil ito rin ang magiging susi para maiahon ko sa kahirapan ang aking pamilya. " Talaga ba Inaayy?". Nashock kong sagot. Doon na rin pinalinawag ng aking Inay ang tungkol sa pinag usapan nila ni Tita Sonya. Sa narinig ko ay nagkaroon din ng kaunting lungkot sa aking pakiramdam, dahil malalayo ako kanila at sa Maynila pala ako mag aaral. Pero sinabi naman ng Inay na pag isipan ko daw ng mabuti dahil para sa akin naman din daw iyon.

----

Sabado noon nang bumalik si Tita Sonya sa aming lugar, iyon kasi ang itinakda nyang araw para sunduin ako. Napagdesisyonan ko na rin kasi tanggapin ang binigay na pagkakataong makapag aral ako dahil gusto ko rin naman ang makatapos at kapag nakapagtrabaho ako sa magandang kumpanya at hindi na mahihirapan pa ang aking Itay sa pagsasaka. Kasama ni Tita Sonya ang kanyang bunsong anak na si Mark, sa tantya ko ay nasa 15 na si Mark pero kasing taas ko na sya. Nang naisakay ko na ang lahat ng aking mga gamit ay nagpaalam na ako sa aking magulang at mga kapatid, nangingilid nag aking mga mata na niyakap silang lahat. Baka kasi sa susunod na taon ko na sila ulit makita.

Nakasakay na kami lahat sa kotse, binuksan ko ang windshied sa back seat para masilayan ko sila Inay at Itay at mga kapatid ko sa huling pagkakataon. Pagkaikot ng kotse ay nakita ko si Makoy sa isang malaking puno na katayo at nakatingin sa kinaroroonan ko. May sinesenyas sya sa akin, di ko maaninag dahil sa layo ng posisyon nya. Napansin ko nalang na itinuro ng kanyang kamay ang kanyang ibaba sa bandang bukol nya at doon nya sinensyas na tinaas baba ito. Natawa naman ako doon, pero naalala kong bigla yung mga pangyayare noong nakaraan. Nakakatitig ako sa kanyang bukol, marahil ay napansin na nya at alam na nya na gusto ko iyon.

Itutuloy...