Naglalakad na si Vian patungo sa Megamall upang makipagkita sa bestfriend na si Mitch. Patawid na siya ng kalsada ng isang matandang babae ang lumapit sa kanya, kaya bahagya siyang yumuko.
"Maaari ba akong manghingi ng pambiling pagkain?" Anito.
Hindi naman nag-atubili si Vian at binigyan ang matanda ng isang daan.
"May lalakeng magbibigay sayo ng dilaw na Rosas at siya ang lalaking nakalaan para sayo," anito.
Nagtayuan ang mga balahibo niya. Naglakad na palayo ang matanda. Siya naman ay sinundan ito ng tingin hanggang sa maglaho ito sa gitna maraming tao.
Ang creepy! Naiisip ni Vian. Sa buong buhay niya, ngayon lamang siya naka- encounter ng ganoon. Alam kaya nito na hinihintay niya ang kanyang soulmate? Dumiretso na siya ng lakad patungo sa mall.
Well, she had been single for awhile. Pero, recently, may nakilala siyang lalake sa party ng kasamahan niya sa trabaho - si Adrienne. They got hooked up at pakiramdam niya eh ito nang lalaking tatapos sa pagiging single niya, kaya lang bigla na lamang itong lumayo, at hindi rin niya alam kung bakit. Pakiramdam tuloy niya may mali sa kanya. Maging iyong mga lalaking nakafling niya noon eh ganoon ang nangyari. Ang ending palagi siyang alone. Binibigyan pa niya ng chance ang sa kanila ni Adrienne dahil gusto talaga niya ito. Marami kasi silang pagkakapareho.
Pagdating sa food court, nakita niya si Mitch na nakaupo sa tapat ng Greenwich. Nagtungo naman siya rito. Nagbeso silang dalawa.
"Kumusta na?" Tanong nito.
Mahigit isang buwan kasi silang hindi nagkita.
"Okay naman, ikaw? Kumusta trabaho?" Tanong niya.
"Hay naku..."
Mukhang stress na naman ito sa trabaho. Sa tuwing magkikita silang dalawa, trabaho lagi ang pinag-uusapan nila. Ang walang kasawaang boring nilang trabaho na dinadaan na lang nila sa tawa tapos mauuwi sa kaawa-awa nilang lovelife.
"Alam mo ba girl may matandang babae akong nakasalubong kanina, nanghingi siya ng pera, tapos noong hinawakan niya iyong kamay ko, sabi niya may lalaki raw na magbibigay sa akin ng dilaw na rosas at iyon daw ang nakalaan para sa akin," anito.
"Talaga? Edi maganda, at least alam mo na na hindi mag-iisa pagtanda mo," anito.
Napanguso siya. Madalas kasi niyang sabihin na baka tumanda silang dalaga dahil nga beinte otso na sila wala pa rin silang boyfriend.
"Baka naman si Adrienne na iyan," dugtong pa nito.
Naikukuwento rin kasi niya sa bestfriend ang pagiging inconsistent ni Adrienne.
"Hay naku, hanggang ngayon eh hindi pa rin nagtetext," dalawang linggo nang nakakalipas simula noong huli silang mag-usap at siya pa ang nag-initiate ng conversation. Ayaw naman niyang mangulit dahil baka mamaya sabihin nito masyado siyang pushy.
"Wait mo na lang, baka naman isu-surprise ka niya sa birthday mo at bibigyan ka ng dilaw na rosas," anito.
Malapit na kasi ang birthday niya. Sana nga. Piping sambit niya. Magsasara nang mall nang umuwi silang dalawa. Ganoon kasi sila kapag nagkikita, hindi sila nauubusan ng kuwento.
Dumating na nga ang kaarawan ni Ervian, May 15. Nataong weekend, imbitado ang mga kamag-anak at ilang katrabaho sa kaunting salo-salo sa kanilang bahay. She lived in Rizal at dalawa na lamang sila ng kanyang mama dahil maagang pumanaw kanyang papa. Nagkakainan na sila ng kanyang mga katrabaho nang dumating si Adrienne. Nakita kaagad niya ang bitbit nitong bulaklak, but they were Red!
"Hi, good afternoon," bati nito.
Sinalubong naman niya ito.
"Hi, pasok ka," aniya.
Inabot nito sa kanya ang bungkos ng Red Roses. Hindi niya alam kung matutuwa ba siya o ano, pero kinuha naman niya ang bulaklak. Adrienne joined her and her colleagues at the table. Habang kumukuha ito ng pagkain, pasimple niya itong tinitingnan.
So hindi siya ang nakalaan sa akin. Eh sino? Tanong niya sa sarili.
Ngumiti sa kanya si Adrienne matapos kumuha ng pagkain. Sa totoo lang, nalulungkot siyang isiping hindi naman pala si Adrienne ang lalaking nakalaan para sa kanya, pero totoo naman kaya ang hula?
Gabi naman nang dumating si Mitch dahil may inasikaso raw kasi ito.
"Girl red ang binigay niyang roses," kuwento niya sa kaibigan.
"Talaga?" Anito.
Parang gusto niyang magmaktol.
"Eh huwag ka nang malungkot malay mo naman mas guwapo pala ang prince charming mo kaysa kay Adrienne," anito.
Pero hindi kumbinsido si Vian at nagbuntong hininga na lamang. Si Adrienne ang gusto niya.
Kinabukasan, maagang tinatapos ni Vian ang kanyang mga trabaho dahil debut ng anak ng CEO nila at lahat sila invited. She was working as a product specialist at a Telecommunication company at obligasyon niyang i-check ang quality ng mga products and services nila.
"Guys, finish your work early today ha. Remember debut ng anak ni sir Raffy ngayon. We have to go to the party," paalala ng head nila na si Mars.
"Sir pwede bang pass na muna?" Tanong ni Vaneh office mate nila.
"O sige huwag ka na ring magpakita bukas," sagot ni Mars.
Nagtawanan silang lahat. Ayaw kasi nito na may hindi sumama dahil baka daw isipin daw ni sir Raffy na nang-i-indian sila. Matapos ang trabaho ay sabay- sabay na silang nagpunta sa bahay ni sir Raffy gamit ang kotse ni Mars. Pagdating doon, isang garden party with yellow and white theme ang sumalubong sa kanila. May mga yellow balloon at yellow rose petal sa pool. Magkakasama silang naupo sa isang bakanteng mesa.
"Ang bongga naman nito," puri ni Mars.
"Oo nga," wika naman ni Jasmine.
Sunod-sunod pang nagdatingan ang mga bisita. Nang handa nang lahat, lumabas na ang debutant. Cassey was wearing a yellow sleveless gown and hair was tied in a bun. Maya-maya, pa, nagsimula nang program. Syempre eighteen candles, treasures, at eighteen roses. For Vian everything was so magical.
Matapos ang programa, nagsimula naman ang kainan. Self help iyon kaya ikaw ang bahalang kumuha ng pagkain. Kumukuha ng pagkain si Vian sa buffet nang mapatingin sa lalaking nasa likuran niya. May suot itong makapal na salamin, stripe na polo, at jumper.
"Hi," bati nito.
Nagalinlangan, pero ngumiti na rin siya.
"Hello," bati naman niya.
Mukhang mabait naman ang lalake.
"Anong pangalan mo?" Tanong nito.
"Vian," aniya.
"Josh," pakilala nito at inilahad ang kamay.
Kinamayan naman niya ito. Matapos makakuha ng dessert nagpaalam na siya.
"Una na ako," aniya at nagmamadaling bumalik sa table. Ewan ba niya pero naiilang siya. Iba kasi ang titig ng lalakeng iyon sa kanya. Pagbalik sa table nila, nakita niyang pinagtatawanan siya ng mga kasamahan niya.
"Uy Vian ah," pang-aasar ng mga ito.
"Magtigil nga kayo!" Saway niya sa mga ito at naupo na.
Hindi siya nagbabase sa pisikal na anyo pero sure naman siya na hindi ganoong tipo ng lalake ang magugustuhan niya. Habang kumakain ay tumugtog ang isang romantic music kaya may ibang nagpuntahan sa harap para magsayaw. Maya- maya ay nakita nila ang nerd na lalakeng parating at mukhang sa table nila ang tungo nito. Napatingin silang lahat nang huminto nga ito sa tapat nila.
"Hello," bati nito.
"Hi," bati rin naman ng mga kasamahan niya.
Lumapit ito sa kanya.
"Ahm is it okay kung yayain kitang magsayaw?" Tanong nito.
Hindi naman niya alam kung anong isasagot niya. Anak ng tokwa! Napatingin siya sa mga kasamahan at nababasa niya sa mata ng mga ito ang mapanuyang tingin. Nararamdaman niyang tahimik siyang pinagtatawanan ng mga ito.
"Sige na Vian minsan lang naman," udyok ni Jasmine.
Ayaw talaga niya pero mapapahiya naman ang lalake kung tatanggi siya sa harapan ng mga kasamahan niya.
"Please?" Anito pa nito tapos ay inilabas ang isang dilaw na rosas na kanina pa nito hawak mula sa likuran. Napanganga siya.
"Oohhh," wika pa ng mga kasamahan niya ng iabot sa kanya nito ang rosas.
Anak ng tupa! Dilaw na rosas! Hindi maaaring ito ang soulmate niya! Malayong-malayo ito sa pinapangarap niya. Baduy ito pumorma. Ang buhok nito ay pang sinaunang panahon pa. Brushed-up at nangingintab dahil sa dami yata ng baby oil. Isa pa baka isang ihip lang hangin ay tangayin ito dahil sa payat nito. OMG! He couldn't be her soulmate.
"Ahm..." Hindi niya maituloy ang sasabihin niya.
"Hindi kasi ako---"
"Hi guys!"
Naputol ang sasabihin niya nang dumating si sir Raffy.
"Oh Josh narito ka pala," anito sa binata at inakbayan ito.
"Anak ng kaibigan ko," pakilala nito sa kanila.
Ngumiti naman sila kunwari.
"What are you doing here?" Tanong pa ni sir Raffy.
"I'd like to ask her for a dance," tugon ng binata.
Napatingin naman sa kanya si sir Raffy.
"Sure," sagot agad ni Vian.
Napilitan tuloy siya. Anak ito ng kaibigan ng CEO nila alangan namang tumanggi siya. Tumayo na siya tapos ay naglakad na sila patungo sa gitna.
"Are you guys enjoying?"
Narinig pa niyang tanong ni sir Raffy sa mga kasamahan niya habang palayo sila. Ewan ba ni Vian pero kinikilabutan siya dahil sa hitsura ng Josh na ito. Pasalamat ito at pamangkin ito ng kaibigan ng CEO. Pasimpleng nakagat niya ang labi ng hawakan pa siya nito sa baywang. Tumatayo ang mga balahibo niya. Sigurado siyang lihim siyang pinagtatawanan ng mga kasamahan. Hindi naman siya mapanlait, pero ewan ba niya at hindi niya mapigilan. Nginitian pa siya nito habang nagsasayaw sila. Gusto niyang masuya. Napilitan siyang ngumiti na lang din. Ilang minuto pa lang silang nagsasayaw pakiramdam niya ay ilang oras na habang pumapailanglang ang kantang My Valentine. This wasn't the kind of love story that she had imagined!
"Uhm is it okay if I get your mobile number?" Tanong pa nito.
Duh? At kukunin pa ang mobile number?
"Ahm hindi ko kasi kabisado eh," aniya.
"I see. Mamaya na lang after this dance," sagot nito.
Anong mamaya after this dance? Ano ito hilo? Hindi niya ibibigay ang mobile number niya dito.
Nakahinga ng maluwag si Vian ng sa wakas ay matapos ang kanta na akala niya ay walang hanggan na. Pagbalik sa kanilang mesa, naubos niya ang isang basong tubig dahil imbes na magenjoy ay naubos yata ang lahat ng energy. Jusko! That was the worst dance she had ever had!
"So how was the dance?" Tanong ni Mars.
Nagtawanan ang mga kasamahan niya. Kung alam lang niya sana ay hindi na siya sumama pa. Hindi pa maalis sa isipan niya ang hula ng matanda. Who cared? Hindi naman lahat ng hula ay natutupad. Erase. Erase. Piping sambit ng utak niya. Sino bang naniniwala sa kapalaran? Tayo ang gumagawa ng sarili nating kapalaran. Naaasar pa siya dahil panay ang sulyap sa kanya ni Josh. Hindi siya kinikilig.
Ilang oras pa ang lumipas bago natapos ang party. Sabay sabay na silang umalis ng mga kasamahan. Inaasahan niyang lalapitan siya ni Josh para kunin ang number niya pero hindi naman ito lumapit. Bigla na nga rin lang itong nawala at laking pasalamat niya. Mabuti naman at iyon na ang una't huli nilang pagkikita at sana nga ay hindi na sila muling magtagpo pa. Pagsakay sa kotse ay kumpulan siya ng asaran ng mga kasamahan niya. Maging tuloy siya ay hindi rin mapigilan ang matawa.
Malalim na ang gabi pero gising pa rin si Josh habang nakahiga sa kama. Napangiti siya ng maalala ang sayaw nila ni Vian kanina. That was one of the most unforgettable dances he had ever had. Iyong una ay sa mommy niya. Pero matagal ng wala ang mommy niya dahil sa isang car accident, kaya ngayon ay dalawa na lang sila ng dad niya. Pero hindi naman niya ito madalas makasama dahil busy ito sa pagaasikaso ng negosyo nila. Their company was specializing in Information Technology at may branch sila sa Singapore kaya labas pasok ang dad niya sa bansa.
Muli, nagningning ang mga mata niya nang maalala ang mukha ni Vian. May kislap sa mga mata nito tulad ng sa kanyang mama na gustong-gusto niya. Matangos ang ilong nito at mapupula ang mga labi tulad ng Rosas. Isa pa, mabait ito. First time niyang nakaramdam ng ganoon sa isang babae. He felt like he was falling inlove with her. Sayang nga lang at hindi niya nakuha ang number nito dahil tinawagan siya ng kaibigan niya kaya naapaga ang alis niya. Pero dibale tatanungin na lang niya kay tito Raffy.