Chereads / Karma of Love / Chapter 2 - Chapter 2

Chapter 2 - Chapter 2

Kinabukasan, busy si Vian sa pagche-check ng mga product descriptions. At hindi niya mapigilang masuya kapag naalala ang sayaw nila ni Josh kagabi. Pilit na niya iyong binubura sa isipan kaya lang ay sumasagi talaga. Maya- maya pumasok sa area nila si Ysa, ang admin, bitbit ang isang basket na punong- puno ng mga dilaw na rosas. Ayan na naman ang dilaw na rosas. Naaallergy siya.

"Delivery for Vian," anito.

"Ooohhh," usal ng mga kasamahan niya.

Sa kanya?

"Kanino galing?" Tanong niya.

Wala naman siyang kakilalang pwedeng magbigay sa kanya ng rosas.

"Si Josh?" Iyon ang unang pangalang sumagi sa isip niya.

"Look at the card na lang," sagot ni Ysa at inilapag ang basket sa ibabaw ng drawer niya.

"Bilis look at the card," nagmamadaling sabi ng mga kasamahan habang pinagkukumpulan siya.

"I enjoyed our dance last night. Have a nice day. Josh."

Iyon ang nilalaman ng card.

"Ooohhh he is so sweet," sambit ni Mars nang mabasa ang card.

"Mukhang tinamaan kay Vian ah," wika ni Vaneh.

Nagtawanan ang mga ito. Nakokonsensiya siya. That was so nice of him pero hindi niya maappreciate ang mga flowers. Hindi ba kapag binibigyan ng bulaklak dapat ay kinikilig? Bakit siya ay hindi? Maya- maya ay nagring ang phone niya. It was an unknown number.

"Hello?" Aniya ng sagutin ang tawag.

"Hi Vian," bati ng nasa kabilang linya.

Nakilala kaagad niya ang boses ni Josh. Paano nakuha nito ang number niya?

"Did you like the flowers?" Tanong pa nito.

Nagsisimula na siyang mairita.

"Ah yeah. Thanks," aniya na lang.

"By the way I got your number from tito Raffy. Sorry if I didn't get the chance to say goodbye last night. Tinawagan kasi ako ng kaibigan ko kaya naapaga ang alis ko."

So kailangan talaga nitong magpaliwanag?

"I see," aniya na lang.

"By the way. Can I ask you out for dinner tonight?" Tanong pa nito.

Nanliligaw ba ito? Puwes pwede ba tumigil na ito. Ngayon pa lang ay basted na ito sa kanya kahit pa anak ito ng kaibigan ng kanilang CEO.

"Ahm sorry Josh may gagawin kasi ako tonight eh. I have to go home early," palusot niya.

"I see. It's okay. Maybe some other time," he said.

"Yeah," aniya.

Kanina pa niya gustong ibaba ang telepono.

"Okay. Babye," paalam nito.

Salamat naman. Piping sambit niya.

"Bye," aniya at pinatay kaagad ang telepono.

Naiirita na siya. At kinuha pa talaga nito ang number niya kay boss Raffy? Tapos pinadalhan pa siya nito ng roses sa trabaho. Paano kung ganoon ang gawin nito araw- araw?

"I guess he is inlove with you," wika ni Jasmine.

"Yeah, nageffort pa talaga siya," second the motion naman ni Vaneh.

That might be true. Pero wala siyang nararamdaman ni katiting kay Josh.

Matapos ang trabaho, nagtungo si Vian sa Megamall, naiirita siya kaya kailangan niyang magpalamig. May nangungulit sa kanya tapos hanggang ngayon hindi pa siya tinitext ni Adrienne. Noong una, medyo natatanggap na niya na hindi ito ang soulmate niya, pero noong nakilala niya ang lalaking magbibigay sa kanya ng dilaw na rosas na soulmate daw niya kuno eh napagdesisyonan niyang hindi na lang paniwalaan ang hula. That' couldn't be true.

Pagpasok niya sa mall, pinuntahan kaagad niya ang paborito niyang milk tea shop tapos balak niyang bumili ng pop corn later. Papasok sa milk tea shop, nakita niya si Adrienne, nakapila ito sa counter, habang inaayos ang bangs ng isang lalake, at magkahawak kamay.

Napanganga si Vian. Kaya naman pala binibigyan siya ng mixed signals! Maya-maya, napatingin ito sa direksiyon at napanganga rin nang makita siya.

"Vian..." Anito.

Naniningkit ang mga mata ni Vian. Tumikhim muna ito bago lumapit.

"Walang hiya ka! Kaya naman pala puro ka paasa, parehas pala tayo ng gustong bwisit ka!" Aniya at hinampas ito ng bag.

"Vian, wait lang, let me explain," anito.

At ano pang i-eexplain nito? Kitang-kita niya na. Gusto pa sana niyang sumagot, pero pinagtitinginan na sila ng mga tao. Sa inis ay nagwalk-out na lamang si Vian ng milktea shop.

Parang gusto na lamang niyang uminom ng alak matapos ang nangyari. Imbes na makapag-unwind lalong uminit ang ulo niya dahil sa nakita. Buong akala niya, gusto siya ni Adrienne. Ang sweet-sweet nito sa text tapos ilang ulit na rin silang lumabas, iyon pala pinaasa lang siya nito dahil lalaki rin ang gusto nito. Gustong umiyak ni Vian habang naglalakad sa kalsada. Kapag may nadaanan siyang bar, hindi na siya magdadalawang isip, iinom na siya. Anak ng tupa! Wala talaga yata siyang luck pagdating sa pag-ibig.

Gabi na ay nasa opisina pa rin si Josh. Nagdedevelop kasi siya ng mga bagong command. He was the head of their IT department. Tulad ng kanyang papa, nasa computer din ang hilig niya. Napahinto siya sa pagtytype at nasandal sa swivel chair ng sa wakas ay makaramdam ng pagod. Tinanggal niya ang suot na makapal na salamin at inilapag sa mesa saka pinisil ang itaas na bahagi ng ilong sa pagitan ng mga mata. He needed his eye glasses para hindi lumabo ng husto ang mga mata niya dahil tutok siya sa computer. Sabi nga ni Bryce, kaibigan niya na isa ring IT ay magcontact lense na lang siya, pero ayaw niya dahil naiirita ang mga mata niya. Napangiti siya nang maalala si Vian. Wala siyang ibang babaeng nagustuhan ng ganoon kundi ito lamang. Unang kita pa lang niya dito sa debut ni Cassey, nakaramdam na siya ng kung ano. Sa totoo lang hindi siya nanliligaw dahil may phobia siyang manligaw. Kahit iyong mga babaeng nagustuhan niya noong college ay hindi niya nagawang lapitan dahil natatakot siyang mareject dahil na rin sa hitsura niya. Madalas niyang naririnig na mukha raw siyang nerd. Gwapo daw sana siya kaya lang ay baduy siyang pumorma at payatot pa. Tumanim lahat ng iyon sa isipan niya kaya bumaba ang self confidence niya. But when he met Vian everything changed. Binigyan niya ang sarili ng lakas ng loob. Marinig lang niya ang boses nito sa telepono ay natutuwa ang puso niya. He was willing to take a risk just to win her heart. Kanina pa nga niya ito tinitext pero hindi naman nagrereply. Gusto niya itong tawagan para mag-good night pero gabi na. Bukas na lang siguro niya ito tatawagan.

Kinabukasan, wala sa mood si Vian dahil nga sa nangyari kahapon. Ayaw nga sana niyang pumasok, pero hindi naman pwede. Wala na rin siyang narinig na paliwanag mula kay Adrienne at binura na rin niya ang number nito. Kalilimutan na lamang niya ito at lahat ng pagpaaasa nito sa kanya.

Pagpasok niya ng opisina ay nagulat siya ng may basket na naman ng rosas sa table niya. Kung kahapon ay dilaw ngayon naman ay pink. Kunot noo niyang kinuha ang card.

"Start your day with a smile. Josh."

Ito na nga ba ang sinasabi niya aaraw- arawin siya nito. Baka wala pang isang linggo ay magmukha ng flowershop ang table niya dahil sa dami ng mga bulaklak. Hindi pa siya nakakaupo ay nagring naman ang phone niya.

"Hello," aniya.

"Hi Vian, goodmorning," bati ni Josh.

Naiirita na talaga siya.

"Goodmorning," walang ganang sagot niya.

"Nareceive mo ba ang mga bulaklak?" Tanong nito.

Nagbuntong hininga siya.

"Josh hindi mo naman ako kailangang padalhan ng flowers everyday," aniya na medyo inis na.

"Sorry, I just did that to brighten your day," anito.

Brighten your day eh lalong nasisira ang araw niya.

"Are you mad?" Tanong pa nito.

Nakonsensiya naman siya.

"I'm not mad," she said.

"Sorry again, promise hindi na ako magpapadala ng flowers," he said.

"Okay," aniya na lang.

"Ahm, paano bye na baka naiistorbo na kita," anito.

"Bye," aniya at pinatay ang telepono.

Nagbuntong hininga siyang naupo sa swivel chair. Somehow nakaramdam siya ng awa para sa binata. But she had no choice dahil wala naman siyang nararamdamang anoman para dito. Sumasabay pa ito sa pagiging heart broken niya dahil kay Adrienne.

Napahawak si Josh sa baba habang nasa harap ng mesa niya. Kinakabahan siya, sa tono ng boses ni Vian kanina ay halatang inis ito. Hindi naman niya naisip na maiinis ito dahil nagpadala siya ng flowers dahil ang alam niya mahilig ang mga babae sa flowers. Pero hindi na ulit siya magpapadala dahil ayaw niyang magalit ang dalaga sa kanya.

Maya-maya, alas onse pasado nang mapatingin siya sa relo. Hindi niya namalayan ang oras dahil busy siya sa trabaho. Nagring ang phone niya na nasa ibabaw ng mesa.

"Hello Bryce," aniya.

"Pare let's have our lunch. Doon pa rin sa favorite resto natin," yaya nito.

"Okay," aniya.

Madalas, magkasabay sila ng kaibigan na maglunch. Sa parehong lugar kasi sila nagtatrabaho; Makati. Magkaiba nga sila ng kompanyang pinapasukan.

"Enjoy your lunch sir," wika ng waitress matapos ilapag ang order sa mesa nila.

"Thank you," wika ni Josh.

Inikot niya ng tinidor ang pasta at sumubo.

"Kumusta ang panliligaw mo pare?" Tanong ni Bryce.

Matalik silang magkaibigan kaya sinasabi niya dito ang lahat. Dito nga rin siya nagpapaturo kung paano manligaw dahil wala nga siyang karanasan.

"Okay naman. Pero para kasing nagalit siya kanina eh," sagot niya.

"Bakit?" Tanong nito.

"Kaninang umaga nagpadala uli ako ng flowers. Tinawagan ko siya kung nareceive ba niya tapos ang sabi niya hindi ko naman daw kailangang magpadala ng flowers araw- araw. Ano bang magandang gawin? Ayoko namang magalit siya sa akin," aniya.

"Hmm baka naman hindi siya mahilig sa mga bulaklak," anito.

"So what shall I do?" Tanong niya.

"Try mong magpadala ng chocolate. I'm sure matutuwa iyon dahil mahilig ang mga babae sa sweets," sagot nito.

"Chocolates?" Aniya.

"Yeah," sagot nito tapos ay sumubo ng garlic bread.

"Okay," aniya naman.

Baka nga hindi mahilig si Vian sa flowers. Chocolate was a nice idea. Bibo talaga itong kaibigan niya. Ito kasi ay may karanasan na sa panliligaw at may mga naging girlfriend na rin ito. May salamin din ito pero mas preppy ang dating nito kaysa sa kanya. Sumusunod ito sa fashion, hindi tulad niya.

After work, magtutungo si Vian sa Megamall dahil magdidinner sila ni Mitch. Nakasimangot siya habang nagdudutdot ng cellphone sa kalsada dahil kay Josh. Nireplyan niya ang text nito na last load na niya iyon kaya hindi na siya makakareply para lang matigil na ito. Minsan nga ay gusto na niya itong prankahin kaya lang ay parang magiging napakasama naman niya. Hindi nga niya alam kung paano makakaget-over sa masaklap niyang nakaraan, dumadagdag pa ito. Gusto niya ay tigilan na siya ni Josh pero hindi naman niya masabi.

Isa pa, siguradong tatanungin siya ni Mitch ngayon kung nagkatotoo ang hula ng matanda. Anong sasabihin niya? Pagdating sa mall ay dumiretso na siya sa restaurant na madalas nilang kinakainan na dalawa. Pagpasok, naroon na si Mitch at naghihintay.

"Hello girl," bati nito.

"Hi," bati din niya.

As usual nagbeso sila tapos ay naupo na siya. Nagkuwentuhan silang dalawa habang naghihintay ng order.

"Kumusta, ano nang balita?" Tanong nito dahil ilang linggo rin silang hindi nagkita.

"Okay naman, ikaw ba?"

"Ayun stressed sa work," she said.

Maya-maya, dumating nang order, tuloy naman ang kuwentuhan nilang dalawa.

"By the way girl what happened doon sa hula? Nagkatotoo ba?" Tanong nito.

Ito na nga ba ang sinasabi niya. Nagbuntong hininga siya.

"Actually girl nagkatotoo siya, may nagbigay nga sa akin ng dilaw na rosas," sagot niya.

"Really? So you mean you have met your soulmate? What happened? Does he look good like I predicted?" She asked.

"Actually iyon ang part na hindi nagkatotoo. Kabaligtaran siya ng gusto ko girl!" Aniya.

"Really?"

"Yeah. I mean hindi naman ako masyadong particular sa pisikal na kaanyuan pero ayoko naman ng ganoong uri ng guy," aniya.

"Bakit ano bang hitsura? Pangit ba? Sarat ang ilong at banlag?" Anito.

Inimagine naman niya ang hitsura ni Josh.

"Hindi naman sa ganoon girl. Ang totoo matangos ang ilong niya at medyo brown ang mga mata niya saka matangkad," sagot niya.

"Oh eh gwapo naman pala eh," anito.

Sa totoo lang ay may hitsura naman si Josh pero nerd ito.

"Yeah, but he is a nerd. He has thick eyeglasses. He wears jumper and he has an outdated brushed- up hairstyle full of oil," paglalarawan niya.

"Really girl? Jumper?" Tanong nito.

"Yeah," aniya.

"May nagsusuot pa pala ng ganoon," anito.

"At ang masaklap pa girl, I found out na si Adrienne pala ay becky..." Aniya.

"What?!" Anito na halatang hindi makapaniwala.

"Yeah, I saw him holding hands with another guy," aniya.

"Eh kaya naman pala hindi siya consistent sayo, lalaki rin naman pala ang gusto," anito.

Pwede nang sabitan ng takure ang nguso ni Vian. Dahil sa sunod-sunod na kamalasan sa pag-ibig, napadesisyonan niyang hindi na lamang maniwala sa soulmate at mag-iisa na lamang siya habang buhay. Kung mayroon mang nakalaan para sa kanya, darating ito at the right place at the right time.

Alas nuebe y medya nang makarating sa Ortigas si Vian. Medyo magaan ang pakiramdam niya matapos masabi kay Mitch ang tungkol kay Adrienne at alam niyang unti-unti na niya itong makakalimutan. Isa pa, kaninang umaga walang text or missed call from Josh. Nahalata na marahil nito na naiinis na siya. Sana nga ay magtuloy-tuloy na maging maganda ang araw niya. Pagpasok niya opisina, bumungad sa kanya ang tatlong malalaking set ng ferrero. Kinuha niya ang card.

"Have a sweet day - Josh"

Hindi nga flowers chocolate naman! Naaasar na talaga siya. Kailan ba siya titigilan ni Josh? Hindi na talaga siya natutuwa. Ano naman ang gagawin niya sa napakaraming chocolate na ito? Baka mamaya sumakit pa ang ipin niya. Na-i-stress siyang naupo sa swivel chair. Ano bang nakita ni Josh sa kanya? Bakit parang patay na patay ito sa kanya? Gustuhin man niyang tikman ang chocolate dahil kahit paano ay paborito niya iyon pero nakokonsensiya naman siya. Ibibigay na nga lang niya sa mama at sa mga kasamahan niya. Maya- maya ay nagring ang phone niya. Si Josh na naman ang tumatawag. Tuwing umaga na lang ay binibwisit siya nito. Imbes na maging sweet ay nagiging bitter ang araw niya. Sa inis ay inilagay niya sa silent mode ang phone at itinago sa drawer.

Kanina pa malungkot si Josh dahil hindi sinasagot ni Vian ang tawag niya. Wala pa rin itong reply sa mga text niya, samantalang dati nagre-reply naman ito sa kanya kahit matagal. Sa totoo lang miss na miss na niya ito at hindi na siya makapaghintay na magkita muli silang dalawa. She was the only girl who made him feel that way. Isa pa, she reminded her of his mom. Ano kaya ang magandang gawin magkita muli silang dalawa?

Nakatuon lang sa laptop si Vian habang pinapapak ng mga kasama niya ang chocolate na ipinamigay niya.

"Grabe ang sarap talaga ng ferrero," wika ni Vaneh.

"Yeah, swerte naman ni Vian may generous na manliligaw," sabi naman ni Jasmine.

Kung pwede nga lang ay sa iba na lang si Josh manligaw.

"Pero infairness kay Josh ah mabait naman siya. Isa pa, mayaman iyon. Daddy lang naman niya ang may-ari ng company na gumagawa ng mga software natin," wika ni Mars.

MJT Technology ang pangalan ng kompanya nila Josh at business partner ito ni boss Raffy.

"Iyon naman pala Vian," wika ni Vaneh.

She was uninterested. Aanhin naman niya ang pera kung hindi naman niya mahal?

"Grab the opportunity na," sabi pa ni Vaneh.

"Oo nga why don't you give him a chance? Infairness sa kanya gwapo naman siya. Nerd nga lang," wika pa ni Mars.

"Napansin ko din iyon. Kung aayusan mo iyon I am sure gaguwapo iyon. Saka pataba lang siya ng kaunti," wika ni Jasmine.

"True," sagot ni Mars.

Hindi na lang niya inintindi ang pinaguusapan ng mga ito. Kahit ayusan pa ito ay hindi niya ito magugustuhan. He wasn't her kind of guy.

"Hay naku tumigil na nga kayo hindi interesado si Vian," wika ni Mars.

Matapos lantakan ang mga chocolate sa pantry, bumalik na sila sa kani-kaniyang trabaho.

Maagang nag-out si Josh sa trabaho para magtungo sa Ortigas upang puntahan si Vian. Kanina pa kasi nito hindi sinasagot ang mga tawag niya at nagaalala siyang baka may kung anong masamang nangyari dito. Isang beses pa lang siyang nakapunta sa opisina ni tito Raffy dati pero natatandaan pa rin niya kung saan. Hinihiling niyang sana hindi pa nakakauwi si Vian. Bumaba siya ng kotse, matapos i-park ang sasakyan. Naglalakad na siya patungo sa building nang makita niya si Vian. Palabas na ito kasama ang mga katrabaho.

"Uy Vian si Josh," wika ng isa sa mga kasama nito.

Napatingin naman ito sa kanya at medyo kumunot ang noo nito. Kinakabahan, pero naglakas siyang lumapit.

"Sige una na kayo," wika nito sa mga kasamahan.

"Sige, bye," paalam naman ng mga ito.

Nagkatitigan silang dalawa.

"Umh, hi. Nagpunta lang naman ako kasi hindi mo sinasagot ang mga tawag at text ko," aniya.

Nagbuntong hininga siya si Vian matapos magsalita ni Josh.

"Umh, nag-aalala lang naman ako," anito.

She had to be frank with him. At kahit naiinis na siya, kailangan pa rin niyang maging malumanay.

"Uhm, Josh I'll be frank with you. Please stop sending me flowers and chocolates. Stop texting and calling me," aniya.

Kita niya ang paglamlam ng mga mata nito.

"But why? Is there anything wrong?" He asked.

"There was nothing wrong, pero ayokong masayang ang effort mo. Kung may plano kang manligaw sa akin please lang huwag mo ng ituloy because..." Hindi niya maituloy ang karugtong dahil nakokonsensiya siya.

"Wala pa sa isip ko iyang mga ganyan," aniya na lang para hindi masyadong harsh.

"I am willing to wait Vian," sagot nito.

Anak ng tupa! Sana pala ay sinabi na lang niya ang totoong dahilan na hindi niya ito gusto.

"I'm sorry Josh pero ang mabuti pa ay kalimutan mo na lang ako. Marami pa naman diyang iba. I'm sure makakahanap ka pa," aniya.

She felt sorry for him dahil animo'y ito binagsakan ng langit at lupa but she had no choice. Mas masama naman siguro kung paaasahin niya ito.

"I have to go," aniya tapos ay iniwan na ito.

Sinundan ni Josh ng tingin ang palayong si Vian. Ang bigat ng dibdib niya. Pakiramdam niya umuulan kahit pa tuyo ang lupa. Dahan-dahan siyang naglakad patungo sa parking lot at sumakay ng kotse. Totoo kaya ang sinabi nito na hindi pa itong handang makipagrelasyon? Iyon nga kaya ang dahilan kaya nireject siya nito? Nanlabo ang paningin niya ng mamuo ang luha sa mga mata niya. Tinanggal niya ang suot na salamin at pinunasan ng likod ng palad ang mga luha. Baka naman kaya siya nito nireject ay dahil sa hitsura niya? Dahil ba sa nerd siya at baduy pumorma? Bumaba na naman ang self confidence niya. Anong dapat niyang gawin? He loved her and he wanted to prove himself to her. Nasasaktan siyang isipin na tinanggihan siya nito. Ito na nga ba ang sinasabi niya kaya ayaw niyang manligaw. Marereject lang siya. Ang totoo walang babaeng magkakagusto sa kanya dahil pangit siya.

His defense mechanism every time he was in pain was to keep himself busy. Kaya naman itinuon na lamang ni Josh ang sarili sa computer dahil wala naman din siyang mapagsabihan ng sama ng loob. Minsan iniisip niya na sana hindi na lang siya nerd; na sana ay katulad na lang siya ng ibang lalake na gwapo at pangarap ng mga kababaihan. Siguro ay magugustuhan na siya ni Vian. Pero hindi mangyayari iyon dahil isa siyang nerd at pangit. Dumiin ang mga daliri niya sa keypad ng laptop niya. But his feeling for her was so strong. Dapat na ba siyang sumuko?

Hindi alam ni Josh kung susundin ba niya ang payo ni Bryce matapos niyang ikuwento rito ang nangyari kahapon. Kasalukuyan silang nagla-lunch sa paborito nilang restaurant.

"Kaya lang kasi pare natatakot na ako na baka mareject na naman ako for the second time," he said.

"Pare paano mo malalaman kung hindi mo susubukan? All you have to do is be consistent at patunayan mo sa kanya na talagang mahal mo siya at na handa kang gawin ang lahat para makuha ang oo niya," sagot nito.

Kung sa bagay kung mapapatunayan niya kay Vian na tunay ang pagmamahal niya rito, baka bigyan siya nito ng isa pang pagkakataon.

"Okay. What do you think should be my next move?" He asked.

Nagisip naman ito.

"Well maaari mo siyang puntahan sa bahay. Ask her out for dinner. Suyuin mo na rin pati parents niya. Kapag kasi nakuha mo ang simpatya ng parents niya ay malaki ang chance na magustuhan ka na rin niya," anito.

"I see," aniya.

"You can also do the old school way of courting," suhestiyon pa nito.

"Like what?"

"Harana kung kinakailangan. Sasamahan pa kita," sagot nito.

Actually, he liked the idea. Noong college sila ay may narinig siyang usapan ng mga kababaihan na gusto nila ay sinusuyo sila ng husto dahil moderno na daw ang panliligaw ngayon. Gusto daw nila ay iyong harana at love letter.