Chereads / Karma of Love / Chapter 3 - Chapter 3

Chapter 3 - Chapter 3

It was Saturday morning. Niyakap ni Vian ang unan ng maalimpungatan siya. Finally, weekened had come. Wala siyang gagawin ngayon kung hindi magpahinga sa bahay dahil wala naman siyang lakad. May iba kasing pupuntahan si Mitch. Nabaling ang atensiyon niya sa librong matagal na niyang binabasa, pero hindi matapos-tapos. Binili niya iyon noong nakaraan sa National Bookstore. It was entitled "Law of Karma". Dumukwang siya mula sa kama para abutin ang libro na nasa ibabaw ng lalagyan ng TV tapos nahiga uli para magbasa.

"Anong page na nga ba ako?" Aniya.

"Ayun page 117," sinimulan na muling niyang basahin ang libro.

Ayon sa kwento mayroon daw isang engineer na pinagkatiwalaan ng isang mayamang lalake na gumawa ng bahay. Binigyan daw ng nagpagawa ng bahay ang engineer ng pera at ipinagutos na mga de klaseng materyales lamang ang bilhin para sa bahay. Sumangayon naman ang engineer, pero mga mumurahing materyales lamang ang binili nito. Isang araw bumisita ang mayaman sa ipinapatayong bahay at tinanong ang engineer kung mga de klase ba ang mga materyales na binili. Tumungo ang enhinyero kahit hindi totoo. Nagbigay muli ang mayaman ng pera at inutasan muli ang enhinyero na bumili ng mga mamahaling materyales. Sa pangalawang pagkakataon, hindi iyon ginawa ng enhinyero dahil mas inisip niya ang kupit na makukuha niya. Hanggang sa natapos ang bahay na halos lahat ng ginamit na materyales ay mumurahin at hindi matibay ang pundasyon. Nakatayo ang enhinyero at mayaman sa harap ng bahay habang pinagmamasdan ang kabuuan nito. Maya- maya ay iniabot ng mayaman ang isang susi sa enhinyero. Nagtanong ang enhinyero kung para saan iyon at ang sagot ng mayaman ay regalo daw nito iyon sa enhinyero bilang pasasalamat sa katapatan nito sa kompanya. Natawa si Vian matapos mabasa ang kwento.

"Ayan nakarma," aniya.

"Vian!"

Maya- maya ay narinig niya ang sigaw ng mama niya.

"Bakit?" Aniya.

"May bisita ka," sagot nito.

Sino naman kaya iyon, eh wala naman siyang inaasahang bisita? Isinara niya ang libro, inayos ang sarili bago bumaba sa sala.

Nagbuntong hininga si Josh habang nakaupo sa sofa at hinihintay si Vian na bumaba. Nagpapawis ang noo at mga kamay niya. Kinakabahan siya but he dared to take the risk dahil gusto niyang patunayan na genuine ang pagmamahal niya. He got her address from tito Raffy dahil may record ng mga empleyado sa admin files. Alam niyang bawal ang ginawa niya dahil confidential ang employee information, pero nangako naman siya na hindi niya sasabihin ang totoo.

"Hijo uminom ka na muna," wika ng mama ng dalaga at inabutan siya ng isang basong malamig na tubig.

"Salamat po," aniya.

Uminom naman siya para kahit paano mabawasan ang kaba niya. Maya- maya ay narinig niyang pababa na si Vian ng hagdan.

"Sinong naghahanap?" Tanong nito.

Kita niyang natigilan ito nang makita siya pagbaba sa sala.

"Hi Vian good afternoon," bati niya.

Tumayo siya para i-abot dito ang isang bungkos ng mga red Roses at chocolates.

Anak ng tupa! Anong ginagawa nito dito? Paano nito nalaman ang bahay niya?

"Uhm para sayo nga pala," anito.

Hindi siya kaagad nakakilos para abutin ang mga iyon.

"Thanks," aniya matapos mapilitang abutin ang mga bulaklak at tsokolate.

Ang akala niya ay nagkaintindihan na sila the last time nang sabihan niya ito na tigilan na siya, pero hindi pala, at ngayon pinupuntahan pa siya nito sa bahay.

"Uhm sorry kung dumalaw ako ng hindi nagpapaalam sayo," anito.

Dapat lang talaga na magsorry ito dahil nakakaabala na ito sa kanya.

"Anak pakainin mo muna ang bisita mo," wika ng mama niya.

Napasimangot siya. Wala siyang balak alukin ito, ang gusto niya ay umalis na kaagad ito.

"Uhm hindi na po busog pa naman ako," sagot nito.

"Sigurado ka hijo?" Tanong ng mama niya.

"Opo," anito.

"O siya sige, maiwan ko na muna kayo," wika pa ng mama niya.

Tuluyan ng sumimangot si Vian ng sa wakas ay makaakyat sa itaas ang mama niya. Ano ba kasing kailangan ni Josh dito?

Huminga muli ng malalim si Josh bago nagsalita. Batid kasi niya na hindi natutuwa si Vian sa pagdalaw niya.

"Uhm sorry kung naistorbo kita. Gusto lang naman kitang makita," aniya.

Nagbuntong hininga naman ito.

"Josh diba nagkausap na tayo? Hindi ba ang sabi ko ay tigilan mo na ako. Bakit ka pa nagpunta dito?" Anito.

Nadagdagan ang pait sa puso niya.

"Vian sana naman ay bigyan mo ako ng isa pang pagkakataon para ipakita sayo na tunay ang nararamdaman ko at malinis ang intention ko. Lahat ng gusto mo gagawin ko," aniya.

She rolled her eyes.

"Vian I love you, I really do," he said.

Tumulis ang nguso ni Vian dahil sasusuya siyang marinig ang mga salitang iyon mula kay Josh. Isa pa, nababaduyan siya. Hindi niya alam kung dahil si Josh ang nagsabi o dahil hindi lang siya sanay makarinig ng ganoon katatamis na salita.

"I'll be frank with you, I don't like you. Wala akong nararamdamang anoman para sayo," diretsahang sabi niya.

Alam niyang masasaktan ito sa sinabi niya pero iyon ang totoo. Tila ba may nakita siyang luhang kumislap sa gilid ng mga nito.

"Bakit? Dahil ba sa... dahil ba sa pangit ako? Dahil ba nerd ako at baduy pumorma?" Tanong nito.

Well, that was one of the reasons. Pero hindi kasi ito ang tipo ng lalake na magugustuhan niya. Gusto niya ay iyong manly at mapoprotektahan siya. Baka mamaya niyan ay siya pa ang magtanggol dito kapag may kaguluhan dahil sa payat nito.

"Hindi naman sa ganoon. Siguro ay wala lang talaga akong nararamdamang anumang koneksiyon sayo," aniya.

Isa din iyon sa mga hinahanap niya - chemistry.

"Siguro dahil hindi pa natin lubos na nakikilala ang isa't isa. But when we get to know each other, you might be surprised that we have many things in common," he said.

Naitirik niya ang mga mata. Bakit ba ang kulit nito at ang hirap umintindi?

"I'm sorry Josh but my decision is final. Please don't waste your time and effort," sagot niya.

Nakatingin lang si Vian kay Josh habang pasakay ito ng kotse. Nakokonsensiya siya dahil sa mga sinabi niya kanina but she was just being honest with him. Tulad ng sinabi niya noong nakaraan, mas masama kung paaasahin niya ito. Alam niyang in time, mahahanap din naman nito ang babaeng nararapat para rito. Hanggang sa umalis na nga ang kotse nito. Nakahinga siya ng maluwag.

"Nakaalis na pala ang bisita mo," wika ng mama niya.

"Yeah," aniya.

"Ikaw naman anak, bakit ganoon naman ang sinabi mo sa manliligaw mo? Mukha naman siyang mabait," anito.

Napasimangot siya.

"Ma nagiging honest lang ako sa kanya. Hindi ko siya gusto," sagot niya.

"Kung ako siguro ang dalaga ay ganoong tipo ng lalake ang gugustuhin ko. Mukhang mabait at sinsero. Aanhin ko naman ang gwapo kung sasaktan lang ako," anito.

"Aba ma pangdrama ang payo mo ha," aniya.

Natawa lang ang mama niya.

"Kung ako sayo kikilalanin ko muna siyang mabuti. Sige ka baka mamaya mapunta iyon sa iba magsisi ka sa bandang huli," wika pa nito.

Napapailing na lang siya. Kahit pa mapunta ito sa iba, wala siyang pakialam. Umakyat na lang muli siya sa itaas.

Naisubsob ni Josh ang mukha sa kama pagpasok sa kwarto niya, kasabay noon ang pagdaloy ng luha sa kanyang mga mata. I'll be frank with you, I don't like you. Wala akong nararamdamang anoman para sayo. Nag-echo sa utak niya. Pakiramdam niya ay sasabog ang dibdib niya.

I'm sorry Josh but my decision is final. Please don't waste your time and effort. Hindi na niya nagawang makasagot kanina dahil sa kahihiyan. Pakiramdam niya ay sinampal siya sa magkabilang pisngi, kaya nakayuko siyang nagpaalam na lamang, saka lumabas ng bahay. Pero sa kabila ng masasakit na salitang sinabi nito, hindi pa rin niya magawang magalit dahil mas nangingibabaw ang pagmamahal niya rito.

Puno ng tao ang simbahan kinaumagahan ng linggo. Kaya nakatayo lamang si Vian at ang mama niya habang nakikinig ng misa sa likuran. Nang matapos ang sermon ng pari, lumabas na muna siya dahil magtitirik pa ng kandila ang mama niya. Tumitingin siya sa Facebook newsfeed niya ng may lumapit sa kanya.

"Sampaguita. Hija bili ka na ng Sampaguita."

Nanlaki ang mga mata niya nang makita kung sino ang nagtitinda.

"Lola?" Aniya nang makitang muli ang matandang nanghula sa kanya.

"Kamusta ka na hija?" Bati nito sa kanya.

"Okay naman po lola," sagot niya.

Hindi niya akalaing naglalako pala ito dito ng Sampaguita.

"Nakilala mo na ba ang lalakeng nakalaan para sayo?" Tanong nito.

Napanguso siya.

"Ah eh lola, may nagbigay nga sakin ng dilaw na rosas, pero hindi ko naman po siya gusto. I don't think na siya po ang soulmate ko," aniya.

"Kung gayon ay nakilala mo na pala siya. Huwag mo na siyang pakawalan pa. Huwag mong hayaang mapunta siya sa iba," anito.

May psychic ability ba talaga ito o medyo maluwag lang ang turnilyo?

"Bili ka naman ng Sampaguita," anito.

"Okay," aniya at dumukot ng pera sa bag.

"Heto po---" pag-angat muli niya ng tingin, naglaho itong parang bula.

Nagpalinga- linga siya, pero hindi niya ito nakita. Saan naman kaya nagpunta iyon? Imposible naman na makalayo iyon ng ganoon kabilis.

Pagdating nila ng mama niya sa bahay, naupo si Vian sa sofa habang palaisipan pa rin sa kanya ang sinabi ng matanda kanina. Pinaglalaruan ba siya ng kapalaran? Imposibleng tama ang maging hula nito dahil obviously hindi niya gusto si Josh at hindi niya ito magugustuhan. Napapailing na lang siya.

"Oh bakit napapailing- iling ka riyan?" Tanong ng mama niya habang naghahanda ng mga rekado sa mesa para sa tinola.

"Ma naniniwala po ba kayo sa hula?" Tanong niya.

"Bakit mo naman naitanong?" Tanong din nito.

"Wala naman, iniisip ko lang kung totoo talaga iyon," aniya.

"Minsan nagkakatotoo ang mga hula. Noong dalaga pa ako hinulaan ako ng nanay ng kaibigan ko. Ang sabi maaga daw akong mabubyuda. Nagkatotoo nga dahil maaga tayong iniwan ng papa mo. Ten years old ka pa lang," sagot nito.

Nakaramdam siya ng kaba. Pero paano naman niya masasabing totoo ang hula ng matanda, gayong alam nga niya sa sarili na hindi niya gusto si Josh?

"You mean minsan hindi rin nagkakatotoo?" Tanong muli niya.

"Oo, depende sa nanghuhula. Kapag peke ang manghuhula. Teka bakit ba bigla kang naging interesado sa mga hula hula na iyan?" Tanong pa nito.

"Uhm, wala naman may nabasa lang kasi akong libro," palusot niya.

"Hay naku itigil mo ang kakabasa ng mga ganyang libro," anito.

Maaari ngang nagbibiro lang ang matanda. Isa pa, sa tingin niya, masyado na itong matanda para makapanghula. Nagkibit balikat siya. Anyhow, hindi na dapat niya bigyan ng pansin ang mga ganoong bagay. Hindi kapalaran ang magdidikta kung sino ang makakatuluyan niya. She had her own decision.

"Ehem," wika ni Josh matapos tumikhim habang nagpapractice sila ni Bryce ng kanta sa hardin ng bahay nila kasama ang isa pa nilang kaibigan na si Jordan na siyang gitarista.

"O game pare doon ulit," wika ni Jordan.

Nagplucking naman ito ng gitara.

"Bakit pa kailangan ng rosas, kung marami namang nagaalay sayo. Uupo na lang at aawit. Maghihintay ng pagkakataon. Hahayaan na lang silang magkandarapa na manligaw sayo. Idadaan na lang kita sa awitin kong ito. Sabay ng tugtog ng gitara," kanta niya.

"Ooh oh," second voice naman ni Bryce.

"Idadaan na lang sa gitara," pangwakas na awit niya.

"Ayun pare okay na!" Wika ni Jordan.

"Nasa tono ba ako?" Tanong pa niya.

"Oo pare. Pero hindi ba masyado na itong old school? Manghaharana pa tayo. Baka mamaya mabuhusan pa tayo ng isang baldeng tubig," wika ni Jordan.

"Pare okay nga iyon eh. Mas gusto ng mga babae iyon," sagot ni Bryce.

Tumungo- tungo ito.

"Bandang alas otso na tayo mangharana para hindi naman tayo masyadong gabihin," wika ni Josh.

Pumayag naman ang dalawa. Kahit na ilang beses pa siyang ipagtabuyan ni Vian, hindi pa rin siya susuko. Patutunayan niya dito na totoo ang pagmamahal niya.

Inilipat ni Vian ang channel ng TV habang nakahiga sa kama katabi ang mama niya.

"Anak patayin mo na nga ang ilaw. Inaantok na ako," utos ng mama niya.

Tumayo naman siya tapos ay pinatay ang ilaw at nahiga ulit.

"Matulog ka na, maaga pa ang pasok mo bukas," anito.

"Tatapusin ko lang itong pinanonood ko," sagot niya.

"Bakit pa kailan magbihis, sayang din naman ang porma."

Bigla ay narinig nila.

"Ano iyon?" Tanong ng mama niya.

"Ewan ko, parang may naggigitara ata sa labas," sagot niya.

"Malayo pa ang pasko may nangangaroling na? Silipin mo nga," anito.

"Hayaan mo na yan ma. Aalis din naman yan," sagot niya.

"Bakit pa kailangan ng rosas, kung marami namang nagaalay sayo."

Narinig muli nila.

"Tingnan mo na nga at bigyan mo na rin kahit singkwenta. Baka mga nanunuliscit iyan eh," wika ng mama niya.

Napakamot siya sa ulo saka bumaba ng kama at binuksan ang ilaw. Binuksan niya ang pinto sa balcony. Pagtingin, nakita niya si Josh kasama ang dalawa pang lalake na nanghaharana sa harap ng bahay nila. Anak tupa! Ano bang naisipan nito at gabing- gabi na ay naghaharana pa! Baka mamaya niyan ay mabulahaw pa ang mga kapitbahay nila.

"Uupo na lang at aawit. Maghihintay ng pagkakataon," kanta pa nito.

"Sino ba iyan?" Tanong ng mama niya na bumangon na rin sa kama.

Pagsilip nito sa balcony ay nakita rin nito si Josh na nanghaharana.

"Hahayaan na lang silang magkandarapa na manligaw sayo. Idadaan na lang kita sa awitin kong ito. Sabay ang tugtog ng gitara. Oohh...," Kanta pa nito.

Kunot ang noo niya habang pinanonood ito na nanghaharana.

"Idadaan na lang... Sa gitara," kanta muli nito.

Nakita niyang natatawa ang mama niya.

"Aba'y sweet naman pala talaga itong si Josh," wika ng mama niya.

Hindi siya natutuwa.

"Good evening po tita Myra and Vian," bati pa nito.

"Magandang gabi rin naman," sagot na mama niya.

Hindi ba talaga siya titigilan ni Josh? Hindi pa rin ba sumiksik sa kukute nito ang mga sinabi niya dito kahapon? Naiirita na talaga siya.

"Anak i-entertain mo naman ang mga bisita mo," wika ng mama niya.

Nagbuntong hininga siya. Kung hindi nga lang nakakahiya sa dalawa pang kasama nito ay babagsakan niya ito ng pinto. Isa pa, maaga pa ang pasok niya bukas.

Naupo naman sina Josh at ang dalawa pa niyang kaibigan sa sofa pagpasok nila sa loob ng bahay.

"Heto uminom muna kayo. Baka napagod kayo sa pagawit ninyo kanina," wika ng mama ng dalaga at inilapag ang isang tray na may lamang tatlong baso ng orange juice sa mesa.

"Thank you po," aniya.

Uminom naman sila.

"Taga saan ba kayo?" Tanong pa nito.

"Sa Manila po," sagot niya.

"Ang layo niyo pa pala. Dumayo pa kayo dito," anito.

Napangiti lang siya. Distance didn't matter to him just for Vian.

"Bababa na rin si Vian," sabi pa nito.

Maya- maya ay bumaba na nga rin si Vian. Nabatid kaagad niya sa reaksiyon pa lang ng mukha nito na nainis ito. Nahihiya siya dahil alam niyang nakukulitan na ito, pero gusto lang naman niyang patunayan na totoong mahal niya ito.

"Hi Vian. Uhm, para sayo nga pala," aniya at inabot dito ang isang set ng chocolate.

Kinuha naman nito iyon pero hindi nagsalita. Nagkatinginan sila ng mga kaibigan niya.

"Uhm pare, sa labas ka na lang namin hihintayin," wika ni Bryce.

"Okay," aniya.

Lumabas naman nang mga ito.

"Maiwan ko na rin muna kayo," wika ng mama nito at pumanhik sa itaas.

Kita niya ang pagbuntong hininga nito.

"Uhm sorry kung naistorbo kita. Alam kong nakukulitan ka na sa akin, pero gusto ko lang naman patunayan ang pagmamahal ko sayo," aniya dito.

"Josh hindi pa ba maliwanag ang sinabi ko sayo kahapon? Wala akong nararamdamang anoman para sayo," sagot nito.

"Pero Vian kung bibigyan mo lang sana ako ng pagkakataon," aniya.

Naitirik nito ang mga mata.

"Thanks for your effort but better give it to someone who will appreciate it," sagot nito.

Para siyang kinurot sa dibdib. Kung gayon, hindi pala nito naaappreciate ang lahat ng effort na ginagawa niya para dito.

"Please lang Josh tigilan mo na ako bago pa ako mainis ng tuluyan sayo," anito at ibinalik sa kanya ang ibinigay niyang set ng chocolate saka pumanhik sa itaas.

Sa ikalawang pagkakataon ay bigo siyang umalis ng bahay nito.

"Let's go," aniya sa mga kasama niya pagsakay niya ng kotse.

"Pare okay ka lang?" Tanong ni Bryce na nakaupo sa likuran.

"Sabi ko naman sayo pare huwag na nating ituloy eh," wika ni Jordan.

In-start na niya ang kotse at umalis na sila.

Naitirik muli ni Vian ang mga mata matapos maghilamos tapos ay nagpunas ng tuwalya. Naasar na talaga siya. Hindi na siya natutuwa sa pangungulit ni Josh. He was getting onto her nerve. She turned the light in the rest room off tapos ay lumabas na.

"Anak ano ka ba naman? Hindi ka na naawa doon sa tao. Nageffort pa naman siya para sayo," sabi ng mama niya.

"Ma hindi ko siya gusto. Sino ba naman kasi ang nagsabi sa kanya na mangharana siya eh gabing- gabi na," aniya.

"Pero sana naman ay kinausap mo ng maayos ang tao," anito.

Nakonsensiya naman bigla siya.

"Ilang beses ko na siyang kinausap. Kinukulit pa rin niya ako," aniya.

"Ibinalik mo pa ang chocolate na ibinigay niya. Sigurado akong nasaktan iyon ng husto," wika pa nito.

Nahiga na lamang siya sa kama saka nagtalukbong ng kumot. Nakokonsensiya siya dahil naging harsh siya kanina kay Josh, pero hindi na niya napigilan ang sarili dahil naiirita na talaga siya. Kung hindi niya gagawin iyon ay baka lalo pa siya nitong kulit- kulitin. Alam niyang nasaktan niya ito, pero makakamove on din naman siguro ito in time.

Malayo ang tingin ni Josh habang nakaupo sa terrace ng bahay nila. If only he could make her fall inlove with him, but that seemed impossible. That was the first time na na-inlove siya sa isang babae at nag-effort na manligaw, pagkatapos pinagtatabuyan pa siya nito.

"Josh."

Napalingon siya nang marinig ang tinig ng dad niya. Kadarating lang nito kanina mula Singapore.

"Sorry, your door was slightly ajar. Why are you looking far away?" Tanong nito.

Nagbuntong hininga siya. Close naman sila ng dad niya, pero hindi siya masyadong open dito tungkol sa relationship, kaya hindi magawang sabihin ang nararamdaman. Sumandal ito sa railing.

"If you can't share it with me, it's okay. Ano man ang problema mo. Just make sure you won't quit until you have given all your best," anito.

He was actually thinking of giving up but had he given all his best?

"Quitting is not an option. Pero dapat alam mo rin kung kailan ka hihinto," wika pa nito.

Napatingin naman siya sa dad niya. His dad was a persistent man. Iyon siguro ang naging puhununan nito kaya malago ang business nila. Laging sinasabi nito that quitting was not an option. He was one of the inspirational people he looked up to. Sana ay nakuha niya ang self-confidence nito.

"Thanks dad," aniya.

Ngumiti naman ito.

"I'll go to my room, I'm only one call away if you need anything else," anito.

"Okay," aniya.

He took a deep breath. Tamaang dad niya; quitting was not an option until he had given his best. He wasencouraged to give it another try and if it still didn't work, it might be thetime for him to move on.