Chereads / The Nerds is in Disguise / Chapter 16 - Chapter 16 - Much Beat

Chapter 16 - Chapter 16 - Much Beat

— Ivy Laurel Harrison (POVs)

Nang matapos na kaming kumain pumunta kami sa dorm namin at syempre di'ko alam kung bakit sumama payung tatlong magkapatid sa amin, gusto rin daw kasi nila gumawa ng mango float.

" Guys mauna na muna ako ah, may nag text kasi sakin." sabi ko

" Sige bye Seon, ingat ka always." Rén

Umalis naman kaagad akong patakbo palayu sa kanila, syempre kailangan kunhmg makaunang makapunta sa dorm at magbihis ng pang nerd na damit.

Nang nasa dorm na ako, huminga naman kaagad ako ng malalim at pumasok na sa dorm namin, at nagmadali din akong pumasok sa banyo at sinuot pang damit na nerd, nang matapos na ako sa pagbihis, ay agad naman akong lumabas sa banyo.

Pagkalabas ko palang sa banyo bigla naman akong nakaramdam ng pagkahilo kaya naman ay huminto muna ako at bago ko pa naman nalaman ay bigla nalang akong natumba.

— Park Kyu Seolgoo (POVs)

Binigay ni Farrah ang susi sa dorm nila, mauna nalang daw kasi kaming pumunta sa dorm nila kasi may bibililhin daw silang ingredients para sa gagawin nilang mango float nayan.

Habang papunta kami ngayun sa dorm nila, yung isipan ko ay andun parin sa babaeng Seon, di'ko alam na dito din pala siya campus nato nag-aaral, but how come na di'ko siya napapansin, at ngayun lang.

( She's so f*vking perfect, her skin, her eyes, her lips, her hair, her body, almost everything, is just so perfect.)

( I'm going crazy, why can't I erase her from my mind, nakita ko lang siya ngayun, sh*t naalala ko na naman yung hinalikan niya pisnge ko.)

" Okay kalang? " Zandel

" H-huh? Ah, Oo, okay lang ako, buksan muna ang pintuan." sabi ko

Binuksan naman kaagad ni Zandel ang pintuan at nung pumasok na kami at isinira ang pintuan tinignan ko naman kaagad ang nasa paligid ko, napaka girly ng dorm ng mga babae, syempre babae sila e.

" Is that.. Ivy?  " Zander

Tumingin naman kaagad ako ni Zander at tinignan ko yung tinuro niya, at nang makita ko kung saan yung kamay niya nakaturo nagulat naman ako sa nakita ko, nakahiga si Ivy sa sahig.

" Bat'sya jan natutulog e may higaan naman siya, tatlo pa nga e. " Zander

Kaya naman ay nilapitan ko na si Ivy at binuhat ko siya in a bridal style way, at nilagay ko siya sa higaan, di'ko alam kung saan ang higaan niya basta kahit saan sa higaan nayan ko siya nilagay.

Nang hiniga ko na si Ivy sa higaan niya, bigla namang hinawakan ni Zandel ang noo ni Ivy.

" Ang init niya, nilalagnat ata." Zandel

Tumingan naman kaagad ako ni Ivy, and I don't know why, basta nalang din yung kamay ko humawak sa noo niya, chineck ko kung nilalagnat ba talaga siya and Zandel was right, inaapoy siya ng lagnat.

" Anong gagawin natin? E yung tatlo wala pa dito? " Zander

" Maghanap ka nalang ng maliit na towel at kumuha ka ng malamig na tubig, tapos dalhin mo dito." Zandel

Tumabi naman kaagad ako ni Ivy, bali nakaupo sa side niya na hawak hawak siya, nakatingin lang naman ako ni Ivy ng ilang minuto at ng mapansin kung nakatingin sakin si Zandel habang nilingon ko naman sya at nakangiti lang siya sa akin.

" Anong ngini-ngiti mo jan hah?! " sabi ko

" Bakit bawal nabang ngumiti ako? " Zandel

" Wag'mokong inaasar." sabi ko

" Wala akong ginagawa sayu, naka ngiti lang ako, at tsaka malay ko bang tatabi ka jan sa nerd nayan at hawak hawak mo pa talaga, sabagay pwede mo rin naman siyang jowain e, tas bigay mo nalang sakin ang pera. *smirk*" Zandel

" Tumahimik kang kupal ka, walang malisya toh." sabi ko

At kaya naman ay tumayu na ako at akmang babatukan kuna sana yung matanda kung kapatid ng bumalik na si Zander dala-dala ang malamig na tubig.

Kinuha naman kaagad iyun ni Zandel at umupo siya sa tabi ni Ivy at nilagyan niya yung ulo ni Ivy ng towel na may malamig na tubig, insakto ding dumating na ang tatlo na may dala-dalang plastik at huminto sila ng makita nila kaming nakaupo sa higaan ni Ivy.

Tinignan nila si Zandel na may hawak hawak na towel at ang isang kamay ni Zandel ay nakapatong sa noo ni Ivy.

" Anong nangyayari dito? " Rén

" At bakit nasa tabi kayu ni Ivy? " Chelsea

" Anong ginawa niyu sa kanya? " Farrah

" First of all, dumating kami ditong nakita siyang nakahiga sa sahig, second, kaya kami nakatabi sa kanya dahil nilalagyan ko yung ulo niya ng towel, third wala kaming ginawang masama sa kapatid niyung nerd." Zandel

" Eh, bat'siya nakahiga sa sahig at bat'may towel ang noo niya? " Farrah

" Malamang nilagnat, di'ba halata Farrah? " Chelsea

" Hindi. " Farrah

Nilagay naman kaagad ni Chelsea yung binili nilang ingredients sa mini kitchen nila kung saan sila magluluto, lahat ng dorm meron nito, anyway, lumapit samin si Farrah, Rén at si Chelsea.

" Alis ka muna sir. " Farrah

Umalis naman kaagad si Zandel sa tabi ni Ivy.

" Ivy, gising na, okay kalang ba? " Farrah

" Farrah, nakikita mo naman dibang natutulog yan? " Chelsea

" Tumahimik ka ngang bruha ka, kinakausap ko pa e." Farrah

( Ano bang problema ng magkapatid na toh ah, may saltik ata sa utak.)

" Eh, pano sasagot yan e tulog yan, bobo ka ba? " Chelsea

" Wow, hiyang hiya naman ako sayu, talino ka ghurl?  " Farrah

" Tama na nga yan, wag'na kayu mag-away, gawin nalang natin yung mango float, gisingin nalang natin siya pag tapos na ang mango float. " Rén

" Good idea, keysa naman magbangayan pa kayu sa harap niya. " sabi ko

" True, at ikaw yung magbabantay sa kanya, at wag'kang aangal, kuya moko sundin mo utos ko." Zandel

Iniwan naman nila akong kasama si Ivy sa side ko, at ilang minuto pa ay rinig na rinig ko yung boses nila na nagkakatuwaan pa, habang ako naman dito nakabantay lang sa isang babaeng natutulog na nilalagnat pa.

Habang tinitignan ko siya, may nakita naman akong isang tattoo sa liig niya kaya naman ay hinawakan ko yung ulo ni Ivy at tinignan yung tattoo niya sa liig at kinuhaan ko yun ng litrato.

" I did not know that Ms. Nerdy has a tattoo. *whisper*" sabi ko

Habang tinitignan ko siya ulit, tinanggal ko naman yung eye glasses niya at nilagay ko yun sa side ko, may mesa kasi kaya dun ko nalang nilagay yun.

Anyway, tinignan ko siya ulit at dahil bored ako, kinunan ko siya ng picture niyang natutulog ng mahimbing, habang tinitignan ko yung litrato niya, bigla ko namang na alala yung babaeng Seon kanina.

( No erase erase, taena naman, ba't ba bigla biglang papasok yung imahe niya sa utak ko.)

Habang patingin tingin ako sa dorm nila ay pumunta nalang muna ako sa banyo at pukasok dun, iihi sana ako ng may nakita akong cellphone nakalagay lang malapit sa salamin.

( Parang pamilyar tong phone case ng cell phone nato ah.)

Habang tinignan ko yung phone case ng cell phone, na alala ko naman kaagad yung babaeng Seon, magkapareho yung cell phone case, kaya naman ay hinawakan ko yung phone at tinurn-on ko yung phone niya, and I'm just so lucky dahil walang nakalagay na password man lang.

Kaya ng mabuksan ko iyun, tiningnan ko yung gallery, gusto ko lang siguraduhing tama yung iniisip ko, kay Seon tong cell phone nato, at nang nabuksan ko yung gallery niya, bumangad sakin ang maraming photo ng isang babae.

Hindi lang pala isa, tatlong babaeng kilala ko, sila yung babaeng nakita namin sa café shop.

( So, kung kay Seon tong cell phone nato, ibig bang sabihin nito, nung nagpa-alam samin si Seon na emergency call daw, ibig sabihin ba ay pumunta si Seon dito sa dorm ng nerds at na iwan niya yung phone niya sa loob ng banyo nila? )

( Di'kaya tinawagan ni Ivy si Seon na papuntahin sa dorm kasi nilalagnat siya? At nung dumating si Seon sa dorm ay nakita niyang nawalan ng malay si Ivy? Pero bat'di niya nilipat si Ivy sa higaan kung dumating siya dito? )

( Di'kaya bago paman dumating si Ivy ay nagmadali naman si Seon pumunta sa dorm nila para patayin si Ivy? Kaya nakita namin siyang nakahiga sa sahig? No way, mali ang iniisip ko.)

Bigla namang may kumatok sa pintuan kaya naman ay binuksan kuna, yung kapatid ko lang pala ang kumatok, nakita ko namang gising na si Ivy.