Chereads / Stuck Inside the Haunted House with Ten Bad Boys / Chapter 2 - Chapter 2: Only Girl in Class

Chapter 2 - Chapter 2: Only Girl in Class

KENT

Tumatakbo ako sa may hallway nang may makita akong isang pamilyar na mukha.

Binilisan ko ang takbo upang kausapin siya. At syempre, para asarin.

May naaalala kasi ako sa kaniya eh. Pero heto na nga, naabutan ko siya at may dinikit akong papel sa likod nya.

HAHAHAHAH

MISSION SUCCESSFULLY DONE!

Bakit kaya parang ang sungit niya kapag kinakausap ko?

Nagsitawanan kami nang makita na niya ang papel sa likod niya. At syempre, sa akin ang may pinakamalakas na tawa.

Sinamahan lang niya ako ng tingin at itinapon ang papel na hawak niya.

Mas lumawak ang ngiti ko nang hindi niya napansin may inilagay ako sa upuan niya.

3, 2, 1

"SINONG NAGLAGAY NG CHEWING GUM SA UPUAN KO?" Namumula sa galit niyang Sabi.

Nagpipigil ako ng tawa.

Nakita ko na maluha-luha ang mata ni Mixxia.

Tumayo si Von at ibinigay niya ang jacket nito sa kaniya.

Sinamaan ko ng tingin si Von.

"Uy Von! Knight in shining armor ka na pala ngayon." Nakangiting sabi ni Vince.

"Parang kahapon lang may niyakap kang babae ah." Sabi ni Kenneth.

Loko-loko talaga tong mga to.

Nakita ko kung paano hilain ni Von so Mixxia paalis ng classroom.

Pagkatapos nila ay napabuntong hininga ako.

"Oy Kent, may gusto ka ba kay Mixxia?" Tanong ni Josh.

"WALA!" sigaw ko.

Hindi dumating ang prof namin kaya naman ay lumabas na ako ng classroom.

Bukas na ang birthday ko kaya naman ay magkakaroon ng pool party sa bahay. Ang 9 boys lang ang invited, si Venice, si Mixxia na alam kong hindi papayag kaya ang ate nya ang sinabihan ko.

Pumunta ako sa tambayan namin at nandoon na ang lahat ng boys pati si Mixxia.

Wow, close na close na sila ni Von ah.

"Uy master! Anjan ka na pala!" Sigaw ni ace.

Tinignan ko siya nang masama at umupo nalang ako katabi ni Mixxia. Nasa kanan ako at si Von naman ang sa kaliwa.

"Aba, love triangle ah, di ba Sam?" Sabi ni Vince sabay tingin sa aming tatlo ni Mixxia, at Von.

Tumingin lang si Sam sa amin na parang walang pakialam at bumalik na ang mata niya sa kaniyang binabasa.

'The Psycopath's Mask'

Nilingon ko si Mixxia upang malaman ang kaniyang reaksyon.

Nagkatitigan kami.

Matagal, parang sobrang tagal.

"Oh baka matunaw ako Mixxia,alam kong gwapo ako."

Namula ang pisngi niya at inirapan niya ako.

"Alam mo ba Mixxia, wala pang nagiging girlfriend yang si Kent." Pagbabasag ni Josh sa katahimikang bumabalot sa amin.

"Halata namang walang papatol sa kaniya..." Sagot ni Mixxia na ikinainis ko.

"Boom! Sakit!" Sigaw ni Vince at nagsitawanan silang siyam dahilan para mapatingin sa amin ang nagbabasang si Sam.

Gaganti ako.

"Ikaw Vince di ba---"

"Tapos alam mo ba Mixxia, takot si Kent sa dilim." Tuloy pa ni Vince.

Aarghh!!

Nakakainis na.

Tawa naman ng tawa si Mixxia habang tumitingin sa akin.

Sinamaan ko siya ng tingin.

Nagpatuloy ang asaran at kwentuhan. Hanggang sa hindi namin namalayan na gabi na.

"Ikaw na Von maghatid Kay Mixxia." Nakangiting Sabi ni Ace.

"Okay lang kaya ko na sarili ko." Pagtanggi ni Mixxia.

"Hindi, delikado sa daan. Ihahatid na kita." Malumanay na sabi ni Von.

Agad kong hinila si Mixxia, at sinabi Kay Von na ako na maghahatid sa kaniya.

"Ingatan mo siya ha?" Pagpapa-alala ni Von.

Ngumiti lang ako at pinauna siyang umalis.

Tinignan ko si Mixxia na nakatingin naman ng masama sa akin.

Binuksan ko ang pintuan ng kotse ko at agad na akong sumakay.

"Oh, anong tinutunga-tunganga mo diyan? Sakay na!" Sigaw ko sa nakatungangang si Mixxia.

Hindi niya ko alalay no para pagbuksan siya.

Nakita Kong umirap siya bago siya sumakay.

Halatang nahihirapan siyang ikabit ang seatbelt kaya naman ay tinulungan ko siya.

Nang mai-kabit ko na ito ay napatingin ako sa kaniya.

Sobrang lapit ng mukha ko sa kaniya.

She has two pairs of beautiful eyes and pretty lashes. Yung eyebrows niya, hindi peke. Yung ilong nyang matangos. And her kissable lips.

Perfect...

Nagkatitigan kami nang matagal.

I could hear my heartbeat. Sobrang lakas ng pag-beat nito.

Hindi ko na mapigilan. Nakita ko siyang pumikit at inilapit ko ang mukha ko sa kaniya.

Sobrang lapit..

My phone vibrated kasabay non ang ringtone ko hudyat na may call.

Mabilis kong inalis ang mukha ko palayo kay Mixxia. Nakita ko kung paano rin siya nagulat at napayuko. Sinagot ko muna ang tawag.

"Hello, yes. Kayo na muna bahala sa kaniya."

I hang up.

Tahimik kami sa buong biyahe. Kahit di Mixxia at tulala rin.

Narinig kong tumunog ang tiyan niya at malamang ay gutom na siya. I stopped the car at the front of a Korean restaurant.

Bibigyan niya ko ng nagtatakang tingin.

"Tss. Huwag mo nga kong tignan ng ganyan alam kong gutom ka na."

Dali-dali akong lumabas ng kotse at pinagbuksan siya ng pintuan. Nakita Kong ngumiti siya.

Umupo kami sa second floor, sa balcony kaya kitang-kita ang view ng city.

Manghang-mangha si Mixxia sa kaniyang nakikita kaya kumuha siya ng maraming litrato.

Malamig ang panahon kaya masarap mag-samgyeupsal.

"Salamat ha..." Nahihiyang sabi ni Mixxia.

"Anong salamat ka diyan? Hati tayo sa bayad no!" Pagbibiro ko sa kaniya.

Sinamaan niya ko ng tingin.

"Joke lang! Huwag ka nang sumimangot diyan! Lalo lang pumapangit..." Sabi ko habang natatawa.

She just rolled her eyes at ipinagpatuloy ang pagkain.

Pagkatapos namin kumain at inihatid ko na siya sa bahay nila.

Nagpasalamat siya sa akin, at tumango lang ako.

Tahimik ang byahe pauwi ng bahay ko, naisipan kong buksan ang radio.

'The smile on your face makes me know that you need me...'

Nag-flashback ang mga ngiti ni Mixxia.

'You say it best, when you say nothing at all.'

Nakangiti akong umuwi ng bahay.

Agad akong naghilamos at nagbihis pambahay.

"The smile on your face makes me know that you need---"

Tumatawag so Von.

"Hello pre, kumusta? Naihatid mo ba siya nang maayos?" Tanong ni Von sa kabilang linya.

Bigla kong naalala yung scene na sobrang lapit ng mukha ko kay Mixxia.

Napangiti ako.

"Uy Kent? Hello?"

"Ah, oo pre, safe syang nakauwi huwag kang mag-alala"

Nagpasalamat siya bago ibinaba ang telepono.

Tinignan ko ang litratong kinuhanan ko kanina.

Dinapuan na ako ng antok kaya napagpasiyahan kong matulog na.