MIXXIA
Maaga kaming natapos sa klase ngayon kaya dali-dali kaming pumunta ni ate sa mall upang bumili ng regalo para kay Kent at para na rin makabili ng susuoting bikini mamaya sa pool party.
Kasalukuyan kaming naglalakad para tumingin tingin. Pero nawala sa paningin ko si ate.
Pumunta ako sa parking lot at tinignan sya roon.
Lumingon-lingon ako at maya-maya ay may isang lalaki sa likuran ko, agad niya kong hinawakan ng mahigpit at tinakpan ng panto ang aking ilong at bibig.
Nawalan ako ng malay.
Nagising ako sa isang kwarto, luma na ang pagkakagawa nito. Makikitang may mga dumi at alikabok pa sa mga gamit at ang iba pa ay nakatakip ng puting tela.
Lumabas ako ng kwarto ng makita Kong may lumabas rin sa sampung iba pang mga kwarto.
Makikita lahat ng rooms doon dahil sa structure ng bahay. May malaking chandelier sa gitna.
Pumikit ako uli at binuksan uli ang aking mata kung tama ba ang nakikita ko?
Ang boys?!!
"Aaaaaaaaaaahh" sabay-sabay naming sigaw.
Nang matauhan ay pumunta kami sa salas upang pag-usapan ang mga pangyayari.
"Ganito kasi yan, I'm at the mall with my ate para sana maghanda sa birthday mo Kent" I said while rolling my eyes at him.
"And then biglang nawala si ate kaya pumunta ako sa parking lot tapos may lalaki na biglang humawak sa akin at may hawak siyang panyo, pagkagising ko, andito na ko sa panget na bahay na ito. Ewww..." Nandidiring sabi ko.
"Kaming walo nila Vince, Ace, Mark, Migs, Arthur, Daniel, at Josh, nasa tambayan kami nang may sumundo sa amin na puting van. Ang sabi at sinusundo na daw kmi ni Kent para sa party niya." Marahang pagpapaliwanag ni Von.
"Ikaw Sam? Nasan ka non?"
Tumingin si Sam na parang walang pakialam sa paligid niya.
Ilang Segundo pa ay sumagot na siya.
"Library." Tipid na sagot niya.
Hindi ko alam kung nagpapabayad ba si Sam at bakit sobrang tipid sumagot
Napako ang tingin namin Kay Kent.
"Siguro ikaw yung nagpadukot saming lahat no?!" Pasigaw Kong tanong.
"Ano?! Nahihibang ka na ba? Hindi ko dudukutin ang isang kagaya mo no!" Ibis niyang sabi.
"Huwag na kayong mag-away. Ganto nalang, magtulungan nalang tayong mabuksan to". Malambing na sabi ni Von.
Agad na nagsitakbuhan ang boys papunta sa pintuan. Ngunit bigo silang mabuksan iyon.
"What???!!!! Paanong di nyo mabuksan???!!" Sumisigaw na ako sa sobrang takot at kaba.
Sino ba namang hindi matatakot? Ikaw ba naman, makulong sa loob ng haunted house kasama ang mga hot gwapo--- what?? Mali mali..
BADBOYS! Lalong lalo na yung Kent! Nakakainis.
Pfft. Ok.. Gwapo talaga sila.
Waaah kung anu-ano na ang sinasabi ko.
Teka.. Aaaaaah MULTO!!!!!
Tumakbo ako ng napakabilis at bumangga ako sa pader...
Teka? Bat parang basa ung pader?
Inangat ko ang ulo ko at pagka-angat ko nito ay napatulala ako sa gulat.
Nabangga ko si mr. Hottie este yung leader nilang si Kent!
Sa sobrang hiya ko ay napayuko ako at akmang aalis...
Pero...
Nakapalibot ang mga boys sa akin at nakangisi...
At... Tinakpan nila ako ng puting tela..
"BWISIIIIIIT TALAGA KAYOOOO!! HUMANDA KAYO GAGANTI AKO!!!!" Sigaw ko.
At narinig ko silang nagtatawanan.
Nagpipigil ako ng tawa dahil kinikiliti nila ako. Nakakainis! Ang dami ko pa namang kiliti.
"Ang ingay nyo naman, natutulog ako eh!" May pagkaaburido sa pagsasalita nung babae.
"VENICE?!" Sabay-sabay na Sabi ng boys at halata sa kanila ang pagkagulat.
"Why are you here?" Seryosong tanong ni Ace.
Tinignan ko si Sam na umupo sa sofa at walang pakialam sa nangyayari sa paligid
"Ewwww I don't know why I'm here eh." Maarteng sabi niya.
Agad siyang lumapit Kay Kent at parang linta na kumapit.
"I miss you babe!" Malanding sabi ni Venice habang hinahawakan ang chest ni Kent.
I rolled my eyes at nakita ni Venice yon.
"Who are you?" Tanong niya sa akin habang sinusuri ako.
"Siya si Mixxia, kaibigan namin" nakangiting sabi ni Von.
Nakita kong umirap si Venice bago niya inilahad ang kamay para sa hand shake na sinamahan pa ng isang malawak na ngiti.
'Plastik'
Wala akong nagawa kundi tanggapin ang kamay niya.
Lumapit pa siya para yakapin ako ngunit may bumulong siya.
"Makita ko lang na landiin mo so Kent, masasabunutan ka talaga." Bulong niya sa akin.
Kapag ako hindi nakapagpigil, ako unang sasabunot sa babaeng to.
I acted calm kahit kumukulo na dugo ko deep inside.
Maya-maya ay automatic na nag-on ang speakers.
"Are you enjoying your stay there in the mansion my dear students?" Sabi ng boses na nagmumula sa speaker.
"Sino ka?! Magpakita ka!" Matapang na sigaw ni Kent.
"Oh birthday boy. Don't worry, tuloy pa rin ang pool party nyo. Ako na mismo ang naghanda for you. Tawagin nyo nalang akong Miss Anonymous, Miss A for short." Mayabang na sabi niya sabay tumawa na parang nababaliw.
"Pumunta na kayo sa kusina at nakahanda na doon ang pagkain. Mamaya, ay babalik ako upang sabihin ang mission nyo. Doon nakasalalay kung makakauwi pa kayo sa mga bahay niyo." Dagdag pa niya.
Natatakot ako pero pinipigilan ko. Si Venice naman ay nakakapit pa rin Kay Kent. Halata sa mukha nito na natatakot rin siya. May bahid naman ng pagka-irita ang mukha ni Kent.
Pumunta kami sa kusina at nakita namin ang mga nakahandang pagkain. May lechon, prutas, juice, kanin at iba pa.
'Hindi na rin masama'
Agad naming nilantakan ang mga nakahanda sa mesa. Habang nauubos ang pagkain ay may sulat na nandoon nakaimprinta sa lagayan ng letson.
"10 pm, get ready" malakas na nasa ni Von.
Hmmm...
Bakit kaya?
Iniisip ko kung sino ang pwedeng dumukot sa amin.
Nakatingin ako Kay Venice ngayon na nagpapagpag ng alikabok sa kaniyang damit.
"Oy Mixxia, ikaw ang magiging maid namin..." May autoridad na utos ni Venice.
Aba ang kapal talaga ng mukha ng babaeng ito.
Binigyan niya ako ng uniform na pang-maid at inihagis niya sa akin ang walis.
Pasalamat siya at wala ang mga boys dito. Pumasok kasi siang lahat sa kwarto.
Tumawa si Venice at pumasok na rin sa kwarto niya.
Ako naman ay isinuot ko ang uniform na pang-maid.
This is so embarassing.
Sa bahay ko, may maid kami at hindi ako naglilinis. Pero buti nalang tinuruan ako ng lola ko nung bata pa ako.
Sinimulan ko na ang paglilinis. Mula sa kasulok-sulukan ng bahay.
Nagmukhang bahay na ng onti ang haunted house na ito.
Nakita kong gumalaw ang statue ng Isang anghel kaya naman ay napakaripas ako ng takbo papunta sa kwarto ko.
Pagkapasok ko sa kwarto ay nakarinig ako ng malakas na tawa.
Sino pa nga ba?
'Kent!!!'