Chereads / Stuck Inside the Haunted House with Ten Bad Boys / Chapter 5 - Chapter 5: Day 1 Mission

Chapter 5 - Chapter 5: Day 1 Mission

KENT

Kagabi ay nagugutom ako at napagpasiyahan kong pumunta sa kusina para kumuha ng chips.

Nakita kong bumukas ang pintuan ng kwato ni Mixxia.

Saan kaya pupunta tong babaeng to?

Sinundan ko siya at nakita kong sa kitchen rin any tungo niya.

Nakita ko naman na naglalakad si Sam kasunod niya nang nakapikit?

Nagi-sleep walking na naman ang lalaking to!

Mabilis akong pumunta sa direksyon nila upang buhatin si Sam pabalik ng kaniyang kwarto.

Kasalukuyan kaming nasa sala ngayon at nanunuod ng telebisyon. Kakaibang haunted house to, mukhang abandoned house pero kumpleto pa rin sa mga gamit.

Napasulyap ako kay Mixxia at hindi siya kumikibo. Hindi na ako nakapagpigil kaya naman ay naglakas loob na ko magsalita.

"Oy Mixxia, kung iniisip mo na may gusto say si Sam dahil sa nangyari kagabi ay huwag ka nang mag-assume dahil nag-sleep walk lang sya." Confident kong sabi.

Tumingin ang lahat sa akin. Masala ang tingin sa akin ni Mixxia. Si Sam naman ay itinigil pa ang kaniyang pagbabasa upang harapin ako.

"May g---" Hindi na naituloy ni Sam ang sasabihin niya dahil sa tunog ng nalaglag na microphone.

Nakakabingi.

Mga tatlong segundo ang itinagal ng tunog na iyon na nanggagaling sa speakers.

Anjan na si Miss A.

"Good morning my dear students!" Tila mabibingi kami sa lakas ng volume nito.

"Ngayon ay ang unang araw at simula ng inyong misyon. Sa mga pagsubok na aking inihanda, mga utak niyo'y magiging bihasa. Suliranin ay nararapat lutasin upang buhay niyo'y hindi malagay sa panganib. Pagiging makasarili ay iwasan, upang ang mga problema'y malutasan. Pagtutulungan at pagmamahalan dito'y matutunghayan. Sa isang malaking telebisyon, kayo ay makikita. Mga magulang at mga kaklase niyo'y nababahala. Sumpain man aki ay hindi niyo pa rin ako makikita". Mahabang pagpapaliwanag ni Miss A.

Kasabay ng pagkawala ng matinis na boses ay ang paglitaw ng isang napakalaking screen.

Naka-flash roon ang first mission namin at ang instructions.

Scavenger hunt?

May lumabas na robot sa camera at sinabi niya ang mga dapat naming gawin.

"The puzzle is in the secret room. Each day, you will be given a certain mission that you have to solve. The door of the secret room will be revealed only if you got the 25 keys. One key is given each day after you accomplish a mission. Good luck!"

Tumingin ako sa gawi ni Mixxia. Kalmado lamang ito na nakikinig.

"Instructions: Search for 26 books. Bawat libro ay may nakaimprintang letra. A-Z. Nasa loob lang ang mga ito ng bahay".

Huminto saglit ang nagsasalitang robot at tinignan kami isa-isa.

"Pag nahanap ang mga libro ay ihanay ang mga ito sa pagkakasunod sunod. Ipatong ang mga ito sa ibabaw ng lamesa. Takpan ng puting tela at tawagin si Miss A. Pagsapit ng ika-pito ng gabi, at pag hindi niyo nagawa ang misyon ay madadagdagan ang araw niyo dito. Simulan niyo na." Pagkatapos ng mahabang paliwanag na iyon ay namatay ang screen at nang bumukas ulit ay lumabas ang timer.

Meron kaming 7 hours para hanapin ang mga libro.

"Maghiwa-hiwalay tayo. Pero Mixxia, kayong dalawa ni Venice ang magsama". Nakangising sabi ko na naging dahilan para mas lalong maasar si Mixxia.

"My loves, pwedeng sayo nalang ako sumama?" Malambing na sabi ni Venice.

Tumingin sa akin si Mixxia na parang sinasabi na isama ko nalang si Venice.

"Oo nga Kent, isama mo na si Venice at ako na ang sasama kay Mixxia." Mapangusap na mungkahi ni Von.

Napatingin kaming lahat kay Sam na hawak ang kamay ni Mixxia. Kahit si Mixxia ay nagulat rin sa ginawa ni Sam. Hinila ni Sam si Mixxia upang simulan ang paghahanap.

I saw Von clenched his fists. Pati ako. Naiinis ako.

I'm not jealous. Di naman siya maganda. Edi dun na sya sa Sam niya!

I harshly grabbed Venice's hand. Napaaray siya kaya niluwagan ko ang paghawak dito.

"I'm sorry." Mahinahong sabi ko.

Nakita kong maluha-luha ang mata niya kaya niyakap ko siya.

Nagulat kong napatingin sa amin si Mixxia kaya agad akong humiwalay sa pagkakayakap kay Venice.

Napasabunot ako sa aking ulo at hinila si Venice para simulan ang paghahanap.

Pumunta akong kwarto ko upang doon maghanap. Si Venice naman ay maghahanap doon sa kwarto niya.

Maghanap ako ng libro sa bawat sulok ng kwarto ko ngunit wala akong nahanap.

Inalis ko pa pati ang mga punda ng unan. Pati foam ng kama ko ay binuhat ko para tignan kung nandoon. Pero wala akong nakita. Sa sobrang pagod ko ay humiga ako sa couch at aksidenteng natabig ang isang antique vase dahilan para mabasag iyon.

Nagulat ako hindi dahil sa nabasag na vase, kundi doon sa button na nasa likuran lang pala nung vase.

Labis akong nagtaka dahil hindi ko iyon nakita nung naghahanap ako malapit roon.

Pinindot ko ang button at bumukas ang isang secret closet.

Puro mga "Tuxedo Coat" ang laman non. Mukhang mga original ito ay branded.

Hinawi ko ang mga damit at nakita ko ang dalawang magkapatong na libro.

Letter T

Letter H

Agad kong kinuha ang mga iyon at lumabas.

Nahanap na nila ang 23 na iba pang letra. Dalawa ang nasa akin. Nasaan kaya ang isa?

Nagpatuloy kaming maghanap. Bawat kwarto ay inisa-isa na namin. Ganun rin ang kusina, sala, banyo, dining area, library, balcony, terrace.

Napaisip ako kung anong lugar ang hindi pa namin napuntahan.

"Basement!" Biglang napasigaw si Mixxia.

"May basement to?" Nagtatakang tanong ko dahil wala akong napansing daanan papuntang basement.

"May button malapit sa fireplace." Kalmadong sabi ni Sam.

Tinignan ko ang oras. May tatlong oras pa kami para hanapin ang isa pang nawawalang libro.

"Tatlong oras pa. May apat na pupunta sa basement para maghanap don, at yung iba, ihanda niyo na ang puting tela, at ihanay niyo na ang mga libro." Seryosong sabi ko.

"Teka, anong letra nalang ba ang nawawala?"

A, B, C, D, E, F, G, H, I, J, K, M, N, O, P, Q, R, S, T, U, V, W, X, Y, Z

"Letter L!" Sabi ni Venice na may excitement sa pananalita.

"Sinong pupunta? Ayoko." Sabi ni Vince.

Nagback-out rin sina Migs, Mark, Arthur, Ace, Venice, Daniel, at Josh.

No choice.

Ako, si Mixxia, Von at Sam ang pupunta sa basement para hanapin ang huling nawawalang libro.

Hinawakan ni Von ang kanang kamay ni Mixxia at ako naman ay nakahawak sa kaliwa.

Kalmadong binuksan ni Sam ang pintuan sa basement.

Bumitaw si Mixxia sa pagkakahawak namin at sinundan niya si Sam.

Nakakainis!