Chereads / Stuck Inside the Haunted House with Ten Bad Boys / Chapter 9 - Chapter 9: Keys to Fears Part 2

Chapter 9 - Chapter 9: Keys to Fears Part 2

KENT

"Basement!" Confident na sabi ni Mixxia.

Napansin namin na kulang ng isang letter E ang mga ibinigay na papel ni Mr. Bumps.

B-A-S-E-M---N-T

Hindi na kami nag-abala pang hanapin iyon dahil obvious naman na iyon ang mabubuong word.

Sama-sama kaming naglakad papunta sa pintuan na papunta sa basement.

"Bakit ayaw mabuksan?!" Sa sobrang inis ko ay sinuntok ko ang pintuan.

"Uy pre, chill ka lang." Kalmadong sabi ni Migs.

Sinuri ko ang pintuan at meron iyong nakadikit na walong maliliit na frame. Sa bawat frame ay merong tig-iisang push pin.

"Sa tingin ko ay kailangan nating hanapin ang nawawalang letter..." Sabi ni Arthur habang inaayos ang necktie niya.

"Eh sino namang gusto niyo pumunta roon? Eeew ayoko na no! Ikaw nalang Mixxia! Hintayin ka na lang namin dito." Sabi ni Venice habang tinutulak-tulak si Mixxia.

"Oo na. Ako na."

"Sasama ako..." Walang emosyong sabi ni Sam.

"Caretaker?"

Nagulat kaming lahat dahil biglaang sumulpot si Mr. Bumps.

"Bibigyan ko kayo ng clue. Makikita niyo rito ang glue. Pati different shades of blue." Ani Mr. Bumps.

Pagkatapos niyang sabihin iyon ay naglaho uli ito.

"Ano ba yan walang thrill!" Mayabang na sabi ni Venice.

"Edi ikaw mag-hanap! Ang yabang mo pa tapos ako naman gusto mong pumunta doon!" Kanina pa nagpipigil ng inis si Mixxia pero mukhang hindi na niya natiis.

Hinila ni Sam si Mixxia sa tabi niya. Inirapan lang siya ni Venice.

"Ako na ang pupunta para matapos na to." Seryoso sabi ni Mixxia.

"Sasama ako" magkasabay na sabi ni Von at ni Sam.

Hindi sila pinansin ni Mixxia at nagpatuloy sya lumakad papunta sa 'Arts Studio'. Kaagad naman siyang sinundan ni Sam at ni Von.

Nanatili ako rito upang samahan ang iba ngunit hindi mapanatag ang loob ko.

Tinuon ko muna ang atensyon ko sa mga picture frame na nakadikit sa pintuan. Inilagay ko isa-isa ang mga letra. Idinikit ko iyon gamit ang mga push pins na nakalagay sa bawat frame.

B-A-S-E-M- -N-T

Hindi ko alam kung bakit ginagawa ito sa amin ni Miss A. Sa tuwing naririnig ko ang boses niya na matinis ay naaalala ko ang principal namin. Minsan, iniisip ko na baka na may kinalaman ito sa kaniya dahil may alitan sa pagitan ng angkan niya at ng angkan ko. Pero hindi ko mawari kung bakit kailangan pang nadamay ang mga kaibigan ko. Ayokong nakalagay ang buhay nila sa panganib.

Nasaan na kaya yung babaeng nakita ko noon sa parke? Yung babaeng napagtripan ko noon at itinapon ko pa ang necklace niya sa taas ng puno.

Iyak siya ng iyak noon at sa halip na humingi ng tawad ay hinayaan ko lang siya na umiyak. Dumating ang mga magulang niya noon upang sunduin siya at ang kaniyang kapatid.

Nang makaalis na sila ay umakyat ko ang puno upang hanapin ang kwintas niya. Itinago ko iyon sa bulsa ko, at iningatan. Hanggang ngayon ay nasa akin pa rin iyon at nakatago sa wallet ko.

"Uy Kent, kanina ka pa tulala. May problema ba?" Tanong ni Josh na may bahid na pag-aalala sa kaniyang mga mata.

"Naaalala mo na naman siya no?" Nakangiting tanong ni Migs.

Hindi ko sila sinagot.

Bata pa lamang kami ay magkakasama na kaming lahat. Magkakaibigan kasi ang mga magulang namin at mga magkasosyo sa business. Iisa lang rin ang nagpalaki at nag-alaga sa amin. Iyon ay si Lola Nenita. Medyo bata pa siya noon nung inalagaan niya kami. Siya ang nagturo sa amin mag-taekwondo. Simula nang umalis siya sa bahay nila ay nagkita sila ng lolo ko. Naging matalik silang magkaibigan at nag-promise si Lola na pagsisilbihan niya ang family namin hanggang sa huling hininga niya. Bago raw mamatay ang lolo ko ay umamin siya na may nararamdaman siya para kay lola. Nagsisi siya na hindi niya ipinaramdam yon dahil nawalan siya nang pag-asa na mag-mahal pa uli simula nung iwan siya ng kaniyang asawa---mom ni daddy. Malaki ang respeto namin kay lola Nena. Sa totoo lang ay nami-miss ko na siya.

Bumalik ako sa realidad. Na nandito kami sa Haunted House upang gumawa ng mission. Hindi ko alam kung ano ang sense ng mga ginagawa namin dito. Ang gusto ko lang ay matapos na ito.

Napatingin ako sa oras at nakita kong 30 minuto na ang nakalipas ngunit hindi pa rin bumabalik sila Mixxia, Von, at Sam.

Dalawa ng oras na lang ang natitira sa amin. Kung hindi namin matapos ang mission na ito ay ma-e-extend ang pagtuloy namin rito. Nagbanta rin si Miss A na papahirapan niya kami. Kung gumaganti siya ay mukhang hindi pa siya satisfied.

"Kent!" Nakangiting bati ni Mixxia habang iwinawagayway ang huling papel na kailangan namin upang mabuksan ang pintuan papuntang basement.

Niyakap ko siya sa tuwa.

She hugged me back.

"Ilagay mo na bilis!" Sigaw ni Von.

Nagseselos ka lang eh, di ka kasi naka-score kay Mixxia.

Inilagay ko ang huling papel at nang makumpleto ang salita ay umilaw ito.

B-A-S-E-M-E-N-T

Bumaba kaming lahat at nakita namin roon si Mr. Bumps.

Nakangiti niyang ibinigay sa amin ang susi, pero ngumiti siya nang nakakaloko at ibinalik iyon sa bulsa niya.

"Well, bago niyo makuha ang susi ay may huli akong pagsubok sa inyo."

Ang lalaking nasa harapan namin ay unti-unting nag-iba ng anyo.

"Miss A?!" Sabay-sabay na sabi namin.

Humalakhak siya na parang nababaliw.

"Ako ba ang huling pagsubok? Bilisan mo, gusto na namin makaalis sa bahay na ito." Sabi ni Sam sa 'bored' na pananalita.

"Nakikita nyo naman itong screen na ito. Mag-isip kayo ng ikinatatakot niyo at lalabas sa screen kung totoo ito o hindi. Kapag lumabas ang word na 'lie' ay mabibigo kayo sa inyong mission." Huminto saglit si Miss A.

"Parte pa rin to ng Keys to Fears. Kapag 'truth' ang lumabas ay ibig sabihin, ready na kayong i-let go ang mga iyon. Good luck. May one and a half hour pa kayo." Tumawa nang malakas si Miss A at naglaho na parang bula.

Sinunod namin ang sinabi niya at inisip namin ang kinatatakutan namin.

Naka-flash sa screen ang mga pangalan namin at tumutok sa amin ang isang scanner na may laser light.

Hmmm.

'Ano bang kinatatakutan ko ngayon?'

Ayokong mawala si Mixxia sa buhay ko. She's so important to me.

A buzzer beeped.

L I E