Download Chereads APP
Chereads App StoreGoogle Play
Chereads

Greatest Nightmare

🇵🇭den_licious
--
chs / week
--
NOT RATINGS
4.1k
Views
Synopsis
Too much love for a person sometimes blinds us, but too much pain open our eyes. "Leaving someone close to your heart would be the greatest nightmare." Celine was devastated after she found out that the man she loves cheated on her. She got into an accident and woke up with a very unfamiliar man. Dahil sa takot noong mangyari ang betrayal, napag desisyonan niyang magtago at magpakalayo muna kasama ang estranghero na naging kaibigan niya rin. Along is a very interesting journey with Daniel Evan. It wasn't long when she fell in love, naguluhan siya noong una at kalaunan ay hinayaan na lang ang nararamdaman. May mga itinuturing talaga tayo na mga taong inakala nating makakasama natin habang buhay. But what if he's only a part of her life and nothing more than that?
VIEW MORE

Chapter 1 - Prologue

All names of places, of people, and scenes in this story that are mentioned or related in other stories or real life is purely coincidental. Lahat ng nilalaman ng storya na ito ay kathang isip lamang.

Plagiarism is a crime, and karma is a bitch.

THE WHOLE STORY IS UNEDITED. You may notice a LOT of plot holes.

....

It's been a tiring day. Kagagaling ko lang sa work, Ilang araw din akong nag overtime para makapag day off ako bukas and the next few days. Magbabakasyon kasi kami ni Brian sa Palawan dahil birthday niya. Tinext ko ang boyfriend ko ngunit hindi siya nagrereply. Offline rin siya sa messenger. Tinawagan ko rin siya pero out of reach.

Napagdesisyonan kong mag isa na lang pumunta sa cafe el dulce, malapit lang naman iyon at 8:00 pm pa lang.

Pagpasok ko sa cafe ay hindi ko inaasahan ang bumungad sa akin. Hindi ko alam ang dapat maramdaman, ngunit lungkot ang unang naramdaman ko. I was just standing there with wide teary eyes.

"Brian? Anong ginagawa mo rito?" nanginginig ako habang pinipigilan ang namumuong galit sa aking sistema. Ngunit 'di nakatakas ang traydor kong mga luha na sunod sunod na pumatak.

It hurts to see the man you love kissing another girl.

Napatingin sa akin si Brian, gulat na gulat siya na napabitaw sa akala mo'y higad na kumakapit sa kaniya.

"Baby, let me explain. It's not what you think--" napapatingin na ang mga tao sa amin pero wala akong pake.

"Wow! You're telling me it's not what I think? So what is it, then? You just kissed a girl and it's not what I think?!" dinuro ko siya at ang babaeng kasama niya. Hindi ko inakalang masasaktan at maloloko niya ako ng ganito!

Ang sakit sakit. I thought I gave him everything! Deserve ko ba ito? Did I do something wrong?

Napapikit ako nang mariin, ramdam ng katawan ko ang lagkit galing sa kape na itinapon sa akin ng babae.

"You're too noisy! Look at you, mukha kang manang! Wala kang taste sa fashion, you don't have the body to die for, and you don't have time for your boyfriend!" suminghap siya bago tumawa.

Isang klase ng tawa na nakakarindi ngunit 'di ko maiwasang masaktan sa mga sinabi niya.

"Eh kung titingnan ka mukha ka nang matanda dahil puro trabaho ang inaatupag mo! Sinong hindi maghahanap ng iba?"

"Grabe kabit na pala ang matapang ngayon.."

"What a bitch."

"Maganda kaya siya!"

"..she's got a point, though."

"Excuse me, Respect them please." A guy in a uniform said desperately trying to stop them.

"Videohan mo sisikat tayo!"

"Shut up you fuckers! Celine, listen.." I didn't let him finish what he was about to say. I ran as fast as I could and went back to my car. I want to get out of here. I can't do this anymore!

Wala na akong pake nang itinulak niya ang haliparot na babae palayo sa kaniya. Wala na akong pake sa kung ano mang gagawin niya. Gusto ko nalang makaalis sa lugar na ito at mapag isa.

Nang buksan ko ang makina ng sasakyan ay naramdaman kong pumasok siya. I was desperately starting the engine while I wipe my dress that's now soaked in coffee.

"Celine, please listen. I don't want to lose you..." he said tears streaming down his face. What a fucking great actor.

"You already lost me the moment you decided to go out with her." Sa lahat ng tao, ang kapatid ko pa talaga ang napili niya. He knows how I feel about my sister, but he betrayed me! I wiped my tears kahit na hindi naman 'yon tumigil sa pagtulo.

Pinaandar ko ang sasakyan. Sobrang bilis at sobrang labo na ng paningin ko. Hindi na maayos ang nakikita ko at sobrang dilim na rin ng paligid. Ang tunog ng sasakyan at ang boses niya na nagsasabing bagalan ko ang patakbo ng sasakyan ang tangi kong naririnig bukod sa pag iyak ko. Binilisan ko pa ang patakbo but what I saw paled me. The next thing I knew, we crashed to a car.

I heard him waking me up but I can only feel the pain and the urge to sleep. I'm just so tired right now. Ang gusto ko na lang ay mag pahinga ng matagal..