Tiningnan ko ng mabuti ang paligid. Isang madilim na kalsada ang nakita ko, malawak at walang tao. Tanging punong matataas lamang ang makikita.
Naglakad lakad ako papunta sa kabilang dulo. Hanggang sa nagsimula na akong tumakbo, hindi ko alam kung bakit pero ang pakiramdam ko'y may hinahanap ako. Natataranta at kusang gumagalaw ang katawan.
Hanggang sa parang napinid ako sa pagkakatayo sa gilid ng kalsada. I was blinded with the bright lights of the car. The next thing I knew, it was already hitting another.
Humahangos na bumangon ako mula sa kama. Pangalawang araw ko pa lang dito sa osipital pero iba na ang pakiramdam ko. Natatakot ako pero bakit ganoon? Alam ko na panaginip lang 'yon pero ang lakas ng impact sa'kin. I don't know but I have a strange feeling about it. I'm reminded of the reason why I'm here.
I forgot my fear when the door suddenly opened.
"What happened?" I suddenly wondered. Why is he concerned? He doesn't even know me from the start, and neither do I. But strangely, I find him comfortable.
"Just a bad dream." I shook my head, trying to find my sanity. Umurong ako dahil sumenyas siya na uupo rin siya. Hinawakan niya ang noo ko at doon kumunot ang noo niya.
"You're temperature got higher. I told you to take care of yourself while I'm not here, right? Wait here, I'll call a nurse," he said, walking out the door before I could even say a word. Pagbalik niya ay may kasama na siyang nurse. Mabilis lang na natapos ang pag check sa akin tapos umalis na rin agad siya.
Hindi ko gusto ang nurse na iyon. He likes to flirt indtead of working. Parang mas gusto pa niyang i-check si Evan kesa sa akin. I rolled my eyes.
"Uminom ka muna ng gamot."
Ininom ko ang gamot. Natawa naman ako ng may maalala akong alaala galing sa nakaraan.
"Why are you laughing?" he asked with his usual husky voice.
Pinunasan ko ang labi ko bago ako nagsimulang magkwento.
"Alam mo, noong 6 years old ako, muntikan na akong mamatay sa overdose. It's because of my stupidity. I had a hard time listening to my.. I don't know.. mom?" I slightly trailed. I don't know what to call her. One night, I couldn't tolerate the pain any longer. Sobrang init ko noon at halos mag hallucinate na ako. Being the stupid kid that I am, I drank the whole bottle of medicine. When the doctor asked me why I did that, ang sabi ko pa raw ay 'dahil po sabi ng nagcheck up sakin ay uminom ako nang uminom ng gamot para gumaling agad'," I bit my lip to stop myself from laughing.
"O, eh bakit tawang tawa ka eh muntikan ka na ngang mamatay!" nagtatakang tanong niya. Halatang sincere siyang nakikinig sa kwento ko kaya pinagpatuloy ko.
"Dahil simula nang mangyari 'yon, nakilala ko siya. Nakilala ko ang taong hindi ko akalaing mamahalin ko." Tila napawi ang kunot sa kaniyang noo. Alam ko rin sa sarili ko na dahil iyon sa pagkawala ng ngiti sa aking labi.
"Nakaconfine kaming dalawa sa parehas na hospital. I was crying when he opened the curtain between us. Tinanong niya ako bakit ako umiiyak." I smiled while I think if the past.
"And then I said, na-g-guilty ako dahil muntikan na akong mawala sa nagawa ko. He told me It was fine, at least It's another part of an adventure. At tama siya dahil it maybe something stupid, It was something I can never forget. Noong paalis na ako ng ospital nangako ako sa kaniya na makikita ko siya ulit. Pagkatapos ng apat na taon, naging kapitbahay namin siya, but he couldn't remember me," I smiled unknowingly.
"Destiny na ata 'yon. Napilitan kasi kaming lumipat ng bahay kasi nahihirapan si papa sa trabaho niya. Pero habang tumatagal, I realized na he can't recognize me anymore. And my sister, she seemed to be so close to him. I was so envious that time."
"Sa tuwing naglalaro kami ng bahay bahayan, sila ang mag asawa at ako raw ang aso." Napanguso ako.
"Really?" natatawang tanong niya. He bit his cheek to refrain himself from laughing at me. Lalo akong napanguso dahil doon.
"Laging ako ang kawawa sa kanilang dalawa. Although, mabait naman siya, ang ate ko lang ang hindi. Iba ang ugali namin siguro dahil ay ampon siya. Until one day when I was fourteen years old, nalaman kong aalis si papa. Sasama na siya sa kabit niya. Turns out, parehas kaming hindi anak ni mama kaya pala galit na galit siya sa akin. Because I was the mistress' daughter. But my dad refuse to bring me with him. He supported us financially but my life is useless. Galit sa akin ang ina at kapatid ko."
"Hanggang sa umiyak ako nang umiyak, nasa pool ako no'n. Dumating si Brian. He confessed to me, that he loved me since the day we met. Hindi man niya ako naaalala noon, pero he said that when we met again, he fell in love. He became my anchor. Lagi kong kasama, laging sinasabihan ng sikreto, at naging isa siya sa mga taong alam kong mananatiling mahal ko."
"But do you really think he's sincere? I mean, what happened--"
"Yeah yeah, I know. Where's he nga pala? He hasn't visited me since yesterday. Alam ko naman na siya lang ang magiging bisita ko bukod sa iyo. I don't expect anything from my.. mom and my sister." I realized how lonely I was at the moment.
"Hindi ko alam kung nasaan siya, and no, hindi ka aalis sa ospital na ito para puntahan siya. Don't expect him to come, pakiramdam ko'y hindi tutuloy iyon," I can't help but feel a slight pain with his bluntness.
"Hold my hand. Come on, I'll help you clean yourself." nanlaki ang mata ko.
"Anong you'll help me? Hindi pwede! Pervert!" I have never experienced being in a same room with the opposite gender. This all so new for me.
Kumunot ang noo niya. His thick eyebrows almost touched each other. His deep voice surrounding the room.
"Sino namang nagsabing paliliguan kita? I'll help you stand. But if that's what you want," he said and shrugged, trying to keep a serious face pero walang tigil pa rin ito sa paghalakhak samantalang ako naman ay pulang pula ang mukha sa hiya.
"Fine then!" I crossed my arms, acting like nothing happened.
It was very obvious that he still wants to laugh. Pero noong makita ang masama kong titig sa kaniya ay tumigil naman siya. Nakaupo ako rito sa paliguan nang marealize ko na wala akong damit na nadala! Iniisip ko kung paano makakapagdamit. Ngunit napaigtad ako ng makarinig ng katok mula sa labas.
"B-bakit?" nauutal kong sabi. Dahil malamig, nanginginig na rin ako. I covered myself with the towel I found behind the door.
"Here. Lalabas muna ako para makapagbihis ka. Mga ilang araw nalang din naman ay makakaalis ka na rito, kaya magtiyaga ka na sa hospital clothes. Mauna na muna ako."
I blushed when I saw a white pair of underwear.
Nakita ko ang damit. I saw an oversized pink pajama. Sakto namang tapos na ako magbihis nang pumasok siya. Nagkwentuhan lang kami buong araw hanggang sa dumilim. Nalaman kong hindi pala siya umuuwi sa kanila dahil mag isa lang siya. At pakiramdam niya raw, I'm his obligation.
I'm thankful actually... He wasted his time taking care of me. When in the first place, hindi ko naman siya kilala. Though I know he's a good man base on what he's done for me to get better. Hihintayin niya na lang daw na gumaling ako, at saka siya uuwi.
Dumating ang gabi at nagpaalam siyang aalis at may kukuhain lang. Pagbalik niya ay may dala na siyang gatas.
"Para sa 'kin?" tanong ko.
"Maybe It's mine," he said sarcastically.
Tahimik nalang akong tumango.
Para walang away ay tinanggap ko nalang iyon at nagpasalamat. Inantok naman ako kahit papaano.
Si Evan naman ay nakahiga na sa mahabang sofa at natutulog na. Malapad ang sofa pero matangkad siya kaya di siya kasya. And yep, I decided to call him 'Evan' because he said he hated his second name kasi para raw itong pang babae, so I did that to piss him off.
After a few minutes I felt myself slowly fell asleep..