Chereads / Tadhana [ Gaea and Aries ] / Chapter 3 - Kabanata 2

Chapter 3 - Kabanata 2

"Forgotten memories will always hunt you."

Nang matapos, ipinasa ko na agad ang iginuhit saka walang imik na ibinulsa ang mga kamay at naglakad paalis ng Art Room. Hindi na rin naman nila ako pinansin dahil kapuwa abala ang lahat.

"Aries!" sigaw ng boses babae.

Tumigil ako pero hindi humarap sa tumawag sa akin. Agad naman itong humarap sa akin, hinihingal itong namaywang sa harap ko habang itinuturo ako ng isang kamay niya habang ang isa ay nakahawak sa puso niya.

"Ako?" nagtatakang tanong ko

"Oo!" Sapo-sapo pa rin nito ang dibdib.

"A-Anong ginawa ko?"

Wala naman akong ginawang masama sa kaniya, sa pagkakatanda ko.

"Bakit ako?" Napakunot noo ako bigla sa sinabi niya.

Bakit siya ang alin?

"Ano?"

"Bakit ako sabi!" Ulit nito.

Hindi ko maintindihan ang sinasabi niya kaya umiling-iling na lang ako saka nagpatuloy sa paglalakad pero muli agad ako nitong hinarang.

"Teka nga, ano bang problema mo?" Naiinis ko nang sagot.

Napahinto ito sa sigaw ko saka malalaki ang mga matang tumingin sa akin, tinatakot niya ba ako? Natatawa ako sa hitsura niya para siyang isang kuwago.

"Ikaw! Ikaw ang problema ko!" sigaw rin nito pabalik.

"Why? Did I do something?" Nakapamulsa at kunot-noo ko pa ring tanong.

"Why? Why did you draw my face?" Nagbabadya na sa mga mata nito ang luha kaya naman agad akong napaatras.

"Teka bakit ka ba lumuluha?"

Hindi dapat ako nag-aalala rito, dapat ngang magalit ako dahil pinagbibintangan niya ako sa isang bagay na wala naman akong alam. Ito talaga ang problema sa mga mababait na tulad ko, mabilis maawa sa mga taong iyakin!

"Why the fuck did you draw my face?"

"Hindi kita maintindihan, Gaea. Anong sinasabi mong iginuhit? I didn't draw your face."

"Magmamaang-maangan ka pa? Alam mo wala ka na talagang ibang ginawa kundi saktan ako!"

"Hindi naman kita sinasaktan. Hindi rin kita gaanong nilalapitan. Ipaintindi mo naman sa akin kung paano kita sinaktan."

"Hindi mo ko sinasaktan? Hindi ba talaga, Aries?"

Pakiramdam ko naging natural na ang paraan nito sa pagtawag sa pangalan ko. Masarap sa pandinig pero may sakit sa bawat pagbigkas nito.

"Hindi ko alam ang sinasabi mo, Gaea. Mabuti pang umalis na ako bago pa tayo maabutan ng mga Prof na nagsisigawan dito."

"Ganiyan ka naman hindi ba? Lagi mong tinatakasan lahat, kinalimutan mo nga—"

Hindi nito natapos ang sasabihin nang may kamay na tumakip sa bibig niya.

Tinignan ko iyon, si Melio. Anong ginagawa niya dito? Sinusundan niya ba si Gaea? May gusto ba siya kay Gaea?

"Pre, hihiramin ko muna si Gaea." Nakangiti nitong ani.

Kumunot ang noo ko nang makitang hindi komportable si Gaea sa ginagawa ni Melio. Aangal na sana ako nang biglang sumakit ang ulo ko, umiling-iling na lang ako saka umalis palayo roon.

Damn headaches!

Nang sumunod na araw hindi na ako pinansin ni Gaea, ganoon din naman ako sa kaniya pero hindi ko alam, nami-miss ko kung paano siya mangulit sa akin habang ako naman ay walang pakialam sa kaniya.

Philosophy subject ngayon kaya marami ang natutulog sa klase namin, isa na roon si Gaea.

Palihim ko itong tinitigan, mabuti na lang at sa akin ito nakaharap habang natutulog siya. Pinakatitigan ko ito, may mapupula itong labi na sa tingin ko malalambot rin ang mga iyon. Agad kong iniling-iling ang sarili. Hindi maganda ang naiisip ko.

Ibinalik ko na lang ang pakikinig sa guro habang patuloy pa rin sa pagtulog si Gaea at iba pa.

"Aries..."

Hindi ko alam kung matatawa ako o matutuwa sa narinig, natutulog ito pero ako ang nasa isip. Ano kayang ginagawa ko sa panaginip niya.

"Aries..."

Akmang hahawakan ko sana ito nang mahihinang hikbi naman ang sumunod sa pangalan ko.

Bakit umiiyak siya? Bakit?

Ano bang ginawa ko sa kaniya sa panaginip? Sinaktan ko ba siya?

"Ma—"

"Ms. Ruiz!" Dumagundong ang boses ni Mrs. Gumpal na siyang nakapagpagising kay Gaea.

"Ma'am!"

"Out!"

Namumungay pa ang mga mata nitong napatingin sa akin bago tahimik na tumayo at lumabas. Bakas pa rin sa mukha nito ang pagluha niya. Hindi ko alam pero nasasaktan ako.

Ano bang ginawa ko sa kaniya sa panaginip niya?

Agad akong nagpaalam na magtutungo sa banyo, pinayagan naman ako ng aming guro. Kaya naman mabilis kong hinabol si Gaea sakto namang tulala ito habang mabagal na naglalakad.

Kinuha ko na ang pagkakataon na iyon para marahas itong ipinihit paharap sa akin. Halos manlaki ang mga mata nito sa gulat pero nang makitang ako lang pala iyon ay nagbagong muli ang ekspresyon ng mga mata nito.

"Bakit?" Walang emosyon ang mga mata nitong tumingin sa akin.

Kanina pa ba ito umiiyak habang naglalakad?

Hindi ko maiwasang itanong sa sarili.

"Anong ginawa ko?"

Dahan-dahan kong pinahid ang mga luhang patuloy pa rin sa pagdaloy sa namumula nitong pisngi. Hindi ito sumagot sa akin, tahimik lang na tinitignan ang mga ginagawa ko.

"May nagawa ba akong masama sayo?"

Hindi ko alam pero nasasaktan ako sa kaalamang sinaktan ko ito.

Paano ko siya sasaktan? Ngayon ko lang siya nakilala. Ngayon lang kami nagkakilala. Ngayon lang kami nagkita.

Nang marinig muli ang mga mumunting hikbi nito, kusa ko na lamang kinabig ang beywang nito papalapit sa akin at mahigpit siyang niyakap. Nanigas ang buong katawan nito sa ginawa ko.

Pakiramdam ko ito ang pinaka-unang beses na nayakap ko siya.

Gustong-gusto ng sarili kong hagkan ito hanggang sa tuluyan ng mawala ang pighati niya.

Bago pa man ako nito itulak palayo ay mahigpit ko itong niyakap saka pinakawalan ang isang salita na hindi ko alam kung nararapat nga bang iwika sa kaniya.

"Sorry."