Chereads / Tadhana [ Gaea and Aries ] / Chapter 5 - Kabanata 4

Chapter 5 - Kabanata 4

"Does fate has its own game?"

Paano mo sasagutin ang mga tanong sa isipan mo kung maging ikaw ay wala ring nalalaman?

Does fate really has something unique patterns in its game?

Kailangan bang mahirapan muna ang isang tao bago nito malaman ang mga hindi pa nalalaman?

Natanong mo na ba ang sarili mo? Why do we have to take risks para lang malaman ang isang bagay na nakakapagpa-curious sa atin? Yung tipong may gusto kang alamin at gagawin mo lahat malaman lang iyon?

Nakapikit kong pinakiramdaman ang mga kaklase sa paligid, nasa room ako ngayon, walang guro kaya naman sari-sariling mundo nanaman. Nariyan ang maririnig mo ang kwentuhan ng mga kababaihan tungkol sa eBook, isang app kung saan madalas magbasa ang mga kababaihan ng iba't ibang fiction books.

Sinilip ko ang pwesto nila Melio, tulad dati, masayang-masaya ang mga itong nagkwe-kwentuhan. Ipinikit kong muli ang mga mata. Hindi pa rin ako nakikipag-ayos kila Tyra at Melio, gusto kong pakalmahin muna ang sarili bago humingi ng tawad sa kanila.

But how can I calm myself kung sa bawat araw na lumilipas, mukha ni Gaea ang unang bumubungad sa akin, maging boses nito ay memoryado ko na dahil sa tila sirang plaka na paulit-ulit kong naririnig ang mga salita nito. Tuwing nakatulala o kahit sa panaginip dinadalaw pa rin ako.

I sighed heavily, tila nasisiyahan na ata ngayon ang tadhana sa bawat susunod na kabanata ng buhay ko, maging ni Gaea.

We are part of this game. Isang laro kung saan ang unang susuko ang siyang magsisisi. Sino ang mga tauhan? Ako at si Gaea, kapuwa napagtrip-an ng tadhana. Hindi ko mapigilang matawa sa naiisip.

Habang patagal nang patagal na rumarami ang nalalaman ko, nagiging mahirap naman ang bawat pagharap ko sa totoong pangyayari.

Ano nga bang totoo? Gustong isigaw ng isip ko ang mga salitang iyon.

Hindi ko maiwasang magtaka dahil kung matagal nang nagsimula ang laro ay dapat natapos na agad ngayon. Pero sinong nagsisi kung gano'n? Ako ba? Hindi ko rin alam ang sagot. Siguro dahil simula pa lang talaga ang lahat ngayon?

"Birthday pala ni Gaea ngayon?" Nakuha ng nagsalita ang atensyon ko kaya naman agad akong napadilat.

Nandidilim pa ang paningin ko, siguro dahil sa biglaang pagdilat ko at hindi pa gaanong sanay ang mata ko sa liwanag dahil sa matagal na pagkakapikit.

"Anong sabi mo?" tanong ko.

"Yung babaeng katabi mo dati, birthday niya ngayon. Ayon nga at nagce-celebrate sila sa itaas."

Tumango ako rito bago siya iniwan roon, narinig ko pang tinawag nito ang pangalan ko para magtanong kung saan ba ako pupunta pero hindi ko na siya pinansin o sinagot.

Wala sa sarili akong nagtungo sa malapit na Mall para bumili ng ipang-re-regalo kay Gaea.

Wala sa sarili.

Dahil kung tutuusin pwede kong tanungin ang sarili ko kung bakit ko ginagawa 'to, bakit kailangan kong mag-effort kung wala namang parte o kahalagahan si Gaea sa akin.

Why? Why do I need to do this?

Agad tumutol ang isipan ko sa tanong na binuo ko, how irony it is na pati ang utak at puso ko ay tila naglalaban sa kung anumang katotohanan. Ang isa'y inuudyok akong gawin ito para sa kung anumang rason na hanggang ngayon ay hindi ko malaman habang ang isa naman ay kwinekwestyon ako kung bakit ko ginagawa ito.

It feels like my instinct is controlling my whole system, siya na ang nagdedesisyon at sumasabay na lang ako sa kung anumang gusto nito.

"Sir?"

I collected myself after minutes of thinking, naabala rin siguro ako ng babaeng nagsalita.

"Kukunin niyo po ba iyan?" tanong niya habang nakaturo sa hawak-hawak ko. Agad akong tumango sa kaniya.

"Yes."

"I-re-regalo po ba sa special someone?" nanunudyong ani nito, kaya naman hindi ko mapigilang mapailing-iling.

Special someone? Hindi ko nga alam kung bakit ko ginagawa ito when in the first place hindi ko naman talaga siya kilala.

"Regalo lang sa kakilala."

"Ow. Anyway, Sir, since ang item na napili mo po ay last item na sa isang set gusto mo po bang ipa-engrave iyan?"

"It's a good idea pero baka matagal, mga ilang araw ba ang paghihintay bago makuha?"

Agad na umiling ang babae sa sinabi ko, "No Sir. You don't have to wait until tomorrow, one hour lang naman po ang time ng paghihintay niyo."

"Good then."

"Desired name, Sir?"

"Actually, it's not a name pwede pa rin bang i-engrave 'yon?"

"Yes po. Our engraver can do that. Pakisulat na lang po dito ang ipapa-engrave niyo." Iniabot nito sa akin ang papel at ballpen. Tahimik ko namang isinulat roon ang ipapa-engrave ko hanggang sa matapos at kinuha na agad ng babae.

"Hintayin niyo na lang po sa coach ang item na binili niyo."

Tumango ako sa sinabi niya.

Habang naghihintay sa coach nila hindi ko maiwasang ilibot ang paningin sa loob ng shop, it's a jewelry shop, kung tutuusin nga ay dapat punong-puno ang paligid nito ng mga makikinang na bagay pero miski isang chandelier ay wala sila. Simpleng-simple lang ang dekorasyon sa paligid. Vintage lampshade na nakalagay sa magkabilang gilid ng kanilang counter, pictures of the past owners na nakasabit sa kanilang dingding, some abstract paintings at isang antique mirror na halos kasinglaki lang ng tao nakalagay iyon sa di-kalayuang counter. Halos puro old-fashioned ang bawat gamit sa paligid pero isang bagay lang talaga ang kumuha ng atensyon ko.

The antique mirror, parang pamilyar ang hitsura nito. Nilapitan ko 'yon at pinakatitigan nang mabuti hanggang sa eksena ang bumulaga sa akin.

"Gusto ko nang bilhin itong salamin nila! Pakiramdam ko mas lalo akong gumaganda." Masayang-masaya nitong isinayaw ang sarili sa harap ng salamin.

"Hindi nila itinitinda 'yan, Angela," ani ko

Disappointment covered Angela's face pero agad din iyong lumiwanag nang maalala ang dahil ng pagpunta namin sa shop.

Mom and I vigorously laughed at her sudden change of mood. Napailing na rin ako at sumunod sa kanilang dalawa.

"I want this ring and the necklace, Mom."

"Sayo, Aries?"

"No. I'm good Ma," pagtanggi ko.

Ngumiti ito saka ginulo ang buhok ko, "Nagbibinata na nga talaga."

Tinawanan ko lang ang sinabi niya, bumaling na rin iti kay Angela. Habang ako ay nagtungo naman sa coach ng shop para doon na lang maghintay.

Ilang minuti lang ay may napili na rin si Angela, nanatili itong naghihintay sa counter habang si Mama naman ay sumunod sa akin sa coach, magpapahinga siguro dahil napagod na sa pagtayo.

"Babalik nanaman ako sa ibang-bansa, Aries. Mag-ingat kayo ng kapatid mo rito."

"Huwag niyo na po kaming alalahanin, Ma. Kayo dapat ang mag-ingat, kapag nagkasakit kayo roon walang mag-aalaga sayo."

Hinaplos nito ang buhok ko, "Sus ang korni ng anak ko. Mabuti pa kaysa magdramahan tayo rito, hindi mo ba bibigyan ng gift ang nobya mo?"

"Hindi niya naman birthday ngayon. Bakit ko naman siya bibigyan ng regalo?"

Isang malakas na batok ang natanggap ko mula kay Mama.

"Hindi kailangan ng okasyon para magbigay ka ng isang bagay sa isang babae. Tandaan mo, araw-araw mo dapat siyang ligawan kahit pa nobya mo na siya."

Mariin akong napapikit para indahin ng tahimik ang sakit ng ulo. Alaala ba iyon ng nakaraan ko o mangyayari pa lang?

"Sir."

"Sir?"

"Sir, ayos ka lang po ba?"

Isang buntong-hininga ang pinakawalan ko bago nakangiting humarap sa babae at tumango.

"Yes. Tapos na ba?"

"Kakatapos lang po, halika po sa counter." Aya nito.

Sumunod naman ako sa kaniya at halos mamangha ako nang makita ang box nito. Panandalian kong nakalimutan ang iniisip nang makita ang laman ng box, pinakiramdaman ko ang mga letrang naka-ukit roon, hindi ko alam na may mas ikakaganda pa pala ang mga letrang iyon kung ipapares sa sa kumikinang na bagay.

Agad kong binayaran ang binili at umalis na roon. Habang naglalakad paalis roon ay hindi pa rin matigil ang panay titig ko sa hawak, iniisip kung anong magiging reaksyon ni Gaea sa oras na ibigay ko iyon.

"Para ba kay Ate 'yan?" Usisa ni Angela.

Umiling ako.

"May ibang pagbibigyan ako."

"Wait. Bago 'yan Kuya ah. Sino?" kuryosong tanong niya.

"Soon. You'll meet her, she's great." I said while smiling.

Ipinalibot ko ang paningin sa paligid, pamilyar ang lahat, maging ang shop na nilabasan ko ay pamilyar din!

Posible kayang si Gaea ang babaeng tinutukoy ko? Pero baka may mas nauna sa kaniya. Hindi ko na alam. Mariin kong ipinikit ang mga mata saka napahawak sa ulo nang maramdaman muli ang biglaang pagkirot niyon.

Ano bang nangyayari? Sa tuwing may naaalala ako ay sumasakit ang ulo ko.

Tiniis ko ang sakit hanggang sa makauwi ako, hindi na ako nag-abala pang pahupain ang sakit ng ulo o ayusin man lang ang sarili. Dire-diretso akong nagtungo sa kwarto ni Angela, paniguradong nakauwi na iyon dahil pasado alas sais na.

Accurately to my prediction, naroon nga ito sa kwarto, nakaharap sa laptop niya, abala sa paggawa ng powerpoint presentation.

Nang maramdaman nitong marahas na bumukas ang pintuan ng kwarto niya, napabaling siya roon nang nakakunot-noo.

"Kailangan bang bulabugin mo ang pintuan, Kuya?" Sapo-sapo nito ang sariling dibdib.

"Sorry for disturbance."

"Ano bang kailangan mo?"

"Isang tanong, isang sagot."

"Dapat na ba akong kabahan diyan Kuya? Pageant? Pageant? Ano ba 'yan?"

"Do you know Gaea?" tanong ko.

Naging mailap ang mga mata nitong umiwas sa akin, naghahanap nang mapagbabalingan ng atensyon. Base sa reaksyon nito, pakiramdam ko may nalalaman siya.

"Huh? Gaea? Ang alam ko si—"

"Sino?"

"Ahm... Kasi... Kuya busy kasi ako ngayon."

"Pero hindi mo pa nasasagot ang tanong ko."

Pilit akong itinutulak nito papunta sa labas hanggang sa makalabas na nga ako.

"Teka!" Agad nitong isinarado ng malakas ang pintuan. Mula sa loob narinig kong nagsalita ito.

"Huwag mo akong tanungin dahil wala akong alam diyan, Kuya."

Napahilamos na lang ako sa mukha nang mapagtantong wala talagang tutulong sa akin malaman ang totoo.

Ano ba talagang koneksyon ko kay Gaea? Bakit kahit ang kapatid ko ay tila may inililihim din tungkol sa kaniya?

Itinukod ko ang kamay sa lamesa matapos uminom ng tubig mula sa kusina. Habang hawak ang baso, napaangat ako nang maalala ang isa pang tao na maaaring makatulong sa akin.

Si Mama!

Agad kong tinawagan si Mama mula sa ibang-bansa.

'Ma.'

'Oh. Napatawag ka nak. May problema ba sa bahay?'

'Wala naman po, Ma.'

'Ano? May masakit ba sayo? Teka, tatawagan ko ang personal doctor m—'

'I'm fine, Ma. I just want to ask something.'

'Ano ba 'yon?'

'May kilala ka po bang Gaea?'

Mahabang katahimikan ang narinig ko sa kabilang linya, kaya naman magtatanong na sana ako kung ayos lang ba si Mama pero agad siyang sumagot sa akin.

'May masakit ba sayo?'

Napakunot-noo ako sa sinabi nito, malayong-malayo sa tanong ko ang isinagot nito.

'Ma, ayos nga lang ho ako.'

'Gano'n ba, pero tatawagan ko pa rin ang Personal Doctor mo para suriin ka. Sige, magtra-trabaho na muna ako.'

'Pero Ma! May tanong pa ako.'

Hindi na nito narinig ang sasabihin ko nang maputol ang linya. Sinubukan kong tawagan uiit si Mama pero hindi ko na ma-contact ito.

Mas lalo akong naguguluhan sa mga nakikita at nao-obserbahan ko. People who are close to me protects their information about Gaea. Alam kong maging si Mama ay may nalalaman din pero may pumipigil sa kaniyang sabihin sa akin.

Ano? Anong pumipigil kay Mama na sabihin sa akin ang totoo? Iyon din ang hindi ko alam.

Frustration.

Bakit ba walang tumutulong sa akin malamn ang katotohanan? Sa tuwing na-co-corner ko na sila ng mga tanong, nagkukumahog naman silang iwasang sagutin iyon.

Mahirap bang sagutin ng oo o hindi ang isang sinpleng tanong? Mahirap bang habiin ang salitang oo at hindi?

Ano nga bang relasyon ko sayo Gaea?

Sino ka ba talaga sa buhay ko?